Chapter 1

3143 Words
Maagang gumising si Cham para tulungan ang kanyang ama’t ina sa pagsasaka. Tatlo silang magkakapatid na puro babae, siya ang bunso sixteen years old palang siya pero siya ang laging tumutulong sa magulang sa kanilang hanapbuhay. “Chamile isuot mo to at sobrang init ngayon para hindi masunog ang balat mo” sabi ng kanyang ama at iniabot ang isang manipis na longsleeve na damit. “Salamat tay, halika na magalmusal muna tayo nakahain na po ang agahan” sumunod na sa kanya ang ama’t ina sa hapagkainan. “Anak malapit na ang graduation ninyo diba?” tanong ng kanyang ina habang nasandok ng kanin sa palayok. “Opo inay dalawang lingo na lang, paano po yun nay hindi pa po ako nakakapagenrol para sa kolehiyo?” malungkot na sagot niya sa magulang. Matalino sana si Chamile pero sa hirap ng buhay, nakikisaka lang sila sa mga Alban. Ang angkan ng Alban ang pinakamayaman sa Sitio Mauban. Humahabol siya sa top 3 sa klase, pangarap niya sana ang maging Accountant pero parang hindi yata matutupad dahil sa kakulangan ng pantustos. Ang mga nakakatandang kapatid na si Myles at Ading ay hindi din nakatungtong ng kolehiyo pero kumuha sila ng bokasyonal sa katabing bayan dahil ito lang ang mura at madaling pag-aaral. “Wag ka magalalala anak gagawan natin ng paraan, sayang naman ang talino mo kasi kung dito ka lang sa bukid kasama namin ng iyong ina” mahinang tugon ng kanyang ama. “Salamat tay, gusto ko po talaga makapagtapos para naman maiahon ko kayo sa kahirapan. Ayaw ko po makita kayo na tumanda na nagsasaka pa din” nakatungo siya at patuloy lang sa pagkain, ayaw niya kasi makita ang kalungkutan sa mukha ng magulang tuwing pinaguusapan ang tungkol dito. Masakit sa magulang na hindi natin maibigay ang ikabubuti ng ating anak lalong lalo na pagdating sa edukasyon. Kahit mahirap sila Chamile hinding hindi niya ito ikinahihiya sa mga kaibigan at kaklase. Natapos na sila kumain at nakapaglipit na siya ng pinagkainan, pag ganitong sabado maaga din kasi umaalis ang dalawa niyang ate para sa part time job nila na tindera sa palengke sa bayan. “Anak sakay na” tinulungan siya ng ama na makasakay sa kalabaw nila, papunta na silang bukid. Pagdating sa bukid ay agad sila nagsimula sa gawain para makadami sa buong araw. Kahit pagod na pagod ay masaya siyang kasama ang mga magulang. “Chamillllleeee” napatigil siya sa ginagawa at hinanap kung nasaan ang taong tumawag sa kanya. “Chammm, halika muna dito” si Sharmay ang kanyang bestfriend, isa siya sa anak ng mga Alban. Nagsimula ang pagiging matalik nilang magkaibigan dahil ang nanay niya ay nagtratrabaho sa mansion ng mga Alban at lagi siyang sinasama ng ina noong bata pa siya. Hanggang sa naging close na sila dahil sa nakapagpalagayan na sila ng loob, sila ang palaging magkalaro dahil dalawa lang magkakapatid sila Sharmay at kuya niya. “Cge anak puntahan mo muna si Sharm kami na bahala dito” untag ng ina niya. “Bes I miss you sobra” niyakap ni Sharm ang kaibigan, daig pa kasi nila ang magkapatid kulang nalang ampunin na siya ng mga Alban. “Bes nakakahiya ang baho ko amoy araw na ako” nahihiyang sabi niya, si Sharm naman hindi ininda ang sinabi ng kaibigan. Madaming naiiingit sa pagkakaibigan ng dalawa kasi kahit ano man ang estado ni Cham ay tangap ni Sharm. “Ano ka ba naman wala sa akin yun, para ka naman pabago bago sa akin” niyaya ng kaibigan niya si Cham na maupo sa malapit na puno na may upuan at mesa na gawa sa kahoy. “Kamusta sa Maynila? Madami ka bang napuntahan?” tanong ni Cham sa kaibigan, palagi kasi nagpupunta ang kaibigan sa Maynila dahil may business din doon ang mga magulang niya at doon daw siya magaaral pagkatapos ng highschool. Pareho sila ng edad, pareho ng eskwelahan at pinagaaral siya ng magulang ni Sharm dahil ipinakausap na gusto niya kasama ang kaibigan sa pagaaral. “Masaya naman alam mo ba nakapasok ako ng isang disco bar, grabe ang saya first time ko ah sinama kasi ako ng mga pinsan ko. Dahil doon halos gabi-gabi kami kung pumunta” sabi ng kaibigan niya habang nakaangat pa ang ulo na parang nagiimagine ng mga nagyari sa kanya sa bar. “Talaga gusto ko din makarating doon kaya lang hindi ba nakakatakot ang mga tao sa maynila? Diba sila wild or warfreak pag nalalasing?” inosenteng tanong niya. “Naku sobrang wild pag nagsasayawan doon balat sa balat dapat minsan pati mukha magkadikit na. Hayss naalala ko tuloy yung lalaking nakasayaw ko” itinukod si Sharm ang siko sa mesa at nangalumbaba habang my mga maliliit na ngiti sa mukha niya. “Grabe bes kinikilig ka ba? Don’t tell me type mo na agad?” ginaya ni Cham ang itsura ni Sharm at sabay silang nagtawanan. “Grabe kailangan type agad hindi ba pwedeng wala lang?” umayos ng upo si Sharm at nagdekwatro ng paa niya. “Gwapo ba?” curios na tanong ni Cham “Sinabi mo pa, hayaan mo na yun hindi ako interesado na sa kanya. Bastos kasi.” ikinagulat naman ni Cham ang sinabi ng kaibigan. “Hala anong ginawa sayo?” napabuntong hininga si Sharm at mukang umasim ang mukha. “Kainis manyak kasi nalasing ako tapos muntik ba naman ako iuwi buti nakita ako ng mga pinsan ko” namilog ang mga mata ni Cham sa nalaman. “Grabe bes ingat ka sa susunod ah” “Correct salamat bes, halika na sama ka sa akin sa bahay madami ako pasalubong sayo excited na ako makita mo.” Ipinagpaalam ni Sharm si Cham sa magulang nito na doon muna siya sa bahay ng kaibigan at walang alinlangan na pumayag sila. Pagdating nila ng masyon ng mga Alban ay naabutan nila si Rico ang kapatid ni Sharmay na nasa sala at naglalaro ng playstation, agad naman itong tumigil ng makita siya. “Hey Cham long time no see” bati ng lalaki sa kanya, medyo close din sila ni Rico pero mas kadalasan na inaasar siya nito. Si Rico ay kolehiyo na at nagaaral sa isang malaking unibersidad sa Maynila. “Hi Rico.” Maikling bati nito sa binata. “Muka ka ng dalaga ah, noong huli kitang nakita uhugin ka pa at parang puno ng kawayan sa payat.” sabi ng binata sa kanya habang todo ang hagalpak sa pagtawa. “Uhugin ka diyan parang ilang buwan lang ng huli tayong nagkita ah. Baliw” nakaismid na sagot niya. “Kuya wag mo nga umpisahan si Cham, halika na bes sa kwarto ko dali excited na ako” hinila na siya ng kaibigan paakyat sa kwarto nito. Hindi nagsasawa si Cham na mamangha sa kwarto ng kaibigan tuwing makakapasok siya dito, sa sobrang laki nito parang c.r lang ang bahay nila sa sobrang lawak. Ang dami pang mga cabinet ng damit, punong puno din ng iba’t ibang sapatos. “Here bes lahat sayo yan, siyempre kung ano meron ako kapareha ng sayo. Dali sukatin mo na.” napanganga siya sa sobrang dami na binili sa kanya ng kaibigan, may mga pantalon, shorts, palda, bestida, doll shoes, boots, bag, accessories at mga usong damit daw ngayon sa Maynila. “Bes sobrang dami naman nito nakakahiya, baka magalit sila Tito nito.” Naupo siya sa katabing sofa ng kama ni Sharm at nagsimulang tignan ang mga pasalubong ng kaibigan. “Bes kasama ko si Mommy bumili nito at sila din ang namili ng iba diyan, ano ka ba hindi ka na nasanay sa amin. Masaya kami regaluhan ka, diba nga we’re sisters.” Masayang tugon ni Sharm sa kaibigan. Si Cham ang tipong simpleng damit lang ang sinusuot niya, mga palda na lagpas tuhod at t-shirt ay okay na. Nagkakaroon lang siya ng magandang damit dahil sa kaibigan. Talagang daig pa nila ang magkapatid, minsan napagkakamalan na din sila magkamukha dahil lalo na pag may mga events na sinasama siya ng kaibigan or gala lagi sila pareho ng damit. Pwede na nga silang pagkamalan na kambal. Pareho sila mahaba at tuwid na maitim na buhok, pareho sila ng bulto ng katawan medyo matangkad nga lang ng kaunti si Sharm. “I love you talaga bes, hindi mo lang alam gaano ako kasaya na kaibigan kita. Kahit ang daming mga tsismosa na naninira sa atin at kung ano-ano ang pinagsasabi matatag pa din tayo” hindi na naiwasan ni Cham na maging emosyonal at pati na din si Sharm kaya nagyakap sila at nagiyakan na din. Ganyan sila magkaibigan, masyadong attach sa isa’t isa madami kasing nagpaparinig kay Cham na manggagamit lang siya kaya niya kinaibigan si Sharm, pero lagi naman siya ipinagtatanggol ng kaibigan. Hindi siya naniniwala sa lahat ng mga masasamang sinasabi sa kaibigan. “And the best actress goes to Ms. Chamile Hontiveros.” Nagkalas na sila sa pagkakayakap nila sa isa’t isa at ang kaninang iyakan ay naging tawanan na. “And the best supporting actress goes to the ever beautiful Ms. Sharmay Alban” ganyan sila palagi pagtapos ng iyakan kung sino ang unang umiyak siya ang best actress. Nagsimula ng isukat isa-isa ni Cham ang mga binigay sa kanya ng kaibigan, ng biglang bumukas ang pintuan. “Wow ang sexy naman ng uhugin na bata oh, akalain mo may hubog ka na pala ngayon” sinamaan siya ng tingin ni Sharm. Si Cham naman ay napayakap sa sarili niya, medyo sexy kasi ang dress na suot niya masyadong hapit. “Kuya hindi ba uso ang kumatok? Paano kung nakahubad mong nakita si Cham naku susumbong talaga kita kay Daddy” galit na singhal sa kapatid. “Edi sana nilock mo tong pinto para kumatok ako.” Nakangising sagot ng binata pero diretso pa din ang tingin sa nahihiyang si Cham dahil sa suot niya. “Kuya labas na ano ka ba for girls lang dito” lumapit si Sharm sa kapatid na parang natulala na sa itsura ni Cham at itinutulak ito palabas ng kwarto niya. “Ang ganda ng ng legs mo Cham ah, dalaga ka na talaga my hugis na dati puro buto yan ah.” napakagat sa labi niya si Cham, nagsisimula na naman siyang asarin ni Rico. “Oo na, ikaw nga yang legs mo parang matsing ka na ang dami mong buhok. Kadiri.” Pambawing sabi ni Cham, kung hindi aawatin ni Sharm ang dalawa malamang buong araw sila magaasaran. Hindi kasi papatalo ang dalawa sa isa’t isa. “Ha Ha Ha Ha matsing man ako sa iyong paningin gwapo pa din” ang galit na itsura ni Sharm ang nahihiyang mukha ni Cham ay napalitan ng hindi magkamayaw na tawa. “Ha Ha Ha Ha san banda ang kagwapuhan mo? Baka kailangan ko ng magnifying glass kasi nasa pores mo lang pala.” nagsimula na si Cham maginit sa pagaasaran nila, si Sharm naman ay nakanganga lang habang nagbabatuhan ng mga pang asar lines ang dalawa. Tumawa saglit si Rico at lumapit sa dalagang nakayakap pa din sa sarili niya dahil sa hiyang makita ang hubog ng katawan niya. Inikutan pa siya nito para tignan ang kabuuan ng dalaga. “Sharm magaling ka pala pumili ng damit, bagay kay Cham mukhang mas gaganda pa ang katawan mo pag edad mo.” ang lagkit ng tingin ni Rico ay hindi nakalagpas sa paningin ni Cham kaya agad itong pumasok sa c.r. “Kuya naman eh, tsupi ka na dito hindi kami makapagsukat ni bes eh. Dali na alis na” hinigit ni Sharm ang kuya niya palabas ng kwarto at ng naramdaman ni Cham na wala na ang lalaki ay lumabas na ito ng c.r “Kainis talaga yang kuya mo eh noh wala talaga alam kundi asarin ako.” Nakangusong sabi ni Cham sa kaibigan. “Naman, pero totoo yun bes ang sexy mo na lumalaki na ang dibdib mo na bumagay sa bewang mong maliit. Kahit sino makakita sayo na lalaki sa suot mong yan ay mahuhumaling talaga sayo.” komento ni Sharm sabay kindat sa kaibigan. “Ayaw ko na suotin to kung gayon, baka isipin nila inaakit ko sila sabihan pa akong malandi.” Kita ang unting pagkadismaya sa muka ng kaibigan kaya binawi niya kaagad ang sinabi niya. “Bes kahit anong suotin mo hindi ka mukhang malandi okay, you're beautiful in and out alam mo yan. What matter is maganda tayo at sila hindi.” nagapir ang magkaibigan at sabay nagtawanan, nagsimula na ulit siya magsukat. Ang huling sinukat niya ay ang rollup maong short at isang fit na tanktop na shirt at tsinelas na havaianas. Eto kasi ang suot ngayon ni Sharm kaya ito rin ang pinili niya ipasuot sa kaibigan, lalabas na daw kasi sila para mananghalian. Sa bawat hakbang ni Cham ay siya naman ang higit niya siya sa short niya. Naiilang kasi siya sa suot niya maikli ito at kita naman ang mga braso niya dahil sleeveless ito. “Bes relax dito lang naman tayo sa loob ng bahay wala naman iba makakakita sayo” nakangising sabi ni Sharm muka kasing hindi maanak na ipis si Cham ngayon, Pagbaba nila ng hagdan ay bumungad agad ang nakanganga na si Rico. “Kuya may langaw na sa bibig mo ayun tatlo.” sabay palo sa braso ng kuya niya, agad naman tinikom ni Rico ang bibig at sinundan ng tingin si Cham na papunta na sa kusina. Nakaupo na silang tatlo sa hapagkainan at magkatapat si Cham at Rico, halatang naiilang ang dalaga dahil sa mga titig ng binata sa kanya. “Hoy kuya mag ulam ka puro kanin yang tinitira mo ano ba si Cham ulam?” bigla naman natauhan ang binata at sumandok ng madaming ulam. “Bes si kuya parang nakakita ng multo kung makatulala sayo wagas” pangaasar pa ni Sharm. “Baka tinitignan niya lang kung uhugin pa ako. Diba Rico?” hindi siya sinagot ng binata nagpatuloy lang to sa pagkain, himala at hindi siya sinagot ng binata sa pangaasar niya. “Ewww kadiri naman bes” pumalatak ang binata at yon lang ang naging reaction sa pangaasar ng dalawa sa kanya. Pagkatapos kumain ay dumeretso ang dalawang magkaibigan sa pool at nagpatuloy ng kwentuhan. Si Rico naman ay paroon at parito mukhang nagpapansin. Hindi na natiis at tumabi sa dalawa habang kunyari ay busy sa paglalaro sa cellphone nito. “Kuya doon ka nga makikichismis ka na naman eh” suway ni Sharm sa kapatid. Dinedma lang sila kaya sumenyas si Sharm at itinuro ang bahay kubo na malapit sa pool, at doon ay nagkwentuhan sila hanggang abutin ng hapon. “Bes grabe naiingit ako sayo buti ka pa nakaenroll ka na, ako hanggang ngayon wala pa din.” Malungkot na sabi ni Cham sa kaibigan. “Hayaan mo bes kakausapin ko si Daddy if pwede ka sumama sa akin sa Maynila, para naman magkasama pa din tayo ako bahala lalambingin ko lang yun” namilog ang mga mata ni Cham sa sinabi ng kaibigan. “Bes talaga, kaya lang sobrang nakakahiya na yun mahal sa school na papasukan mo diba?” gustuhin man niya magaral pero paano naman ang panggastos niya. Gustong gusto niya talaga makapagtapos, minsan kasi naiisip niya nakakasawa din maging mahirap kailangan niya kumilos para guminhawa naman siya. Sa edad niya kahit bata pa lang siya marami na siyang pangarap na gusto makamit para sa pamilya niya at kung bibigyan siya ng pagkakataon na makapagaral gusto niya sanang sungaban ito. “Bes wag ka magalala gusto ko din naman na makapagtapos ka para naman sumabay ka sa aming pagunlad, hindi yun dito ka na lang mabuburo sa bukid. Mabuburo ka lang dito.” Naginit ang mga mata ni Cham sa sobrang saya niya sa sinabi ng kaibigan. “Maraming salamat bes, pagbubutihan ko talaga pagaaral ko pag binigyan ako ng chance” hindi na niya napigilan ang maluha sa sobrang saya na kahit kaunting pag-asa ay nagkaroon siya ang makapagpatuloy ng kolehiyo. Lumipas ang buong araw na magkasama sila ng bestfriend niya ang dami nilang pangarap na gusto abutin magkasama nextweek start na ng practice ng graduation nila at ipinangako ni Sharm na tutulungan niya ang kaibigan na makapagaral. Masayang umuwi si Cham sa bahay nila daladala pa niya ang sangkatutak na paperbag galing sa kaibigan. “Cham wala ba kami diyan pasalubong galing kay Sharm?” tanong ng ate niya si Myles. Iniabot niya ang apat na paperbag na para sa dalawa niyang kapatid at laking tuwa naman ng dalawa dahil pati sila ay meron din bagong damit. “Sakto to magaaply pa naman ako sa bayan magagamit ko to” masayang sambit ng pangalawa niyang ate na si Ading. Lumipas ang dalawang lingo at araw na ng graduation nila Cham at Sharm, pinasundo siya ni Sharm sa driver nito para sabay na sila magayos. “Iha congratulations balita ko ikaw ang salutatorian sa inyo, ang galing mo kahit busy ka sa pagtulong sa magulang mo ay hindi mo nakakalimutan magaral ng mabuti” bungad sa kanya ni Mr. Alberto Alban ang tatay nila Sharm, binigyan naman niya ito ng isang malaking ngiti. “Iha kinausap kami ni Sharm na gusto mo daw talaga magaral ng kolehiyo? Ano bang kurso ang gusto mo?” hindi maiguhit sa mukha ng dalaga ang tuwa sa tanong ng mommy ni Sharm si Mrs. Editha Alban umaasa siya na magandang balita ang kasunod nito. “Opo tita gusto ko po talaga sana kung mabigyan ng pagkakataon kaya lang hindi po yata kaya nila itay itaguyod ang pagaaral ko” bigla naman lumungkot ang tono niya dahil sa katotohanan na malaki ang gagastusin para dito. “So pwes dahil nakikita ko naman ang eagerness mo at baka masayang lang ang talino mo, pumapayag na ako sa hiling ni Sharm kami na bahala sa pagaaral mo.” namilog ang mga mata ng dalaga halo-halong emosyon ang naramdaman niya ngayon, eto na yata ang pinakamagandang regalo ang makukuha niya sa pagiging honor student. “Tito hindi niyo po alam gaano ako kasaya lahat po gagawin ko para lang hindi kayo mabigo, kahit po magtrabaho po ako sa inyo ng walang bayad. Salamat po talaga, kahit dito lang po sa malapit na kolehiyo ako magaral okay na po sa akin” hindi magkadamayaw ang dalaga sa pagpapasalamat kung mailang ulit pa niya ito sinabi. “Bes paulit-ulit? Diba nga sasama ka sa akin sa Maynila okay sa parehong school tayo magaaral diba daddy?” pinagpalit palit ni Sharm ang tingin sa magulang niya at hinihintay ang sagot nito. “Oo anak walang problema doon, sa lunes luluwas na tayo para makapagenrol ka na iha” gustong tumalon ni Cham sa sobrang tuwa, hindi niya inaasahan na sa isang malaking unibersidad pa siya papasok ang pinangarap niya lang ay ang makapagaral kahit sa simpleng eskwelahan lang. “Maraming salamat po talaga, wala pong paglagyan na sa katawan ko ang saya na nararamdaman ko po ngayon.” Maluhaluha pa niyang sambit. “Bes let’s go na magaayos pa tayo baka mahuli tayo” masayang sinundan ng dalaga ang kaibigan paakyat ng kwarto nito. Masayang ipinagdiwang ng Hontiveros at Alban family ang pagtatapos ng kanilang mga anak, nagkaroon ng salo-salo sa mansion ng mga Alban. Sinabi ni Mr.Alban ang plano nila sa anak na si Cham at pati sila ay masayang masaya sa narinig na magandang balita. Hindi iba ang pamilya Hontiveros sa mga Alban matagal na sila magkakilala at pinagkakatiwalaan talaga ng mga Alban sila kaya ganon na lang kung tulungan sila ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD