Now Playing: Sad Song by We The Kings
You and I,
We're like fireworks and symphonies exploding in the sky
"Quest, meet my bestfriend... Ariana Segovia. Siya yung ki-nu-kwento ko sa'yong babae. Pwede niyang tulungan ang family mo in terms of business," pagpapakilala ni Aia sa akin.
Naramdaman ko ang unti-unting pagkabog ng aking dibdib. Parang kumakaripas ito ng takbo sa sobrang bilis. Maaaring sa ano mang oras ay sumabog na lang ito bigla.
"And Aria, meet my childhood friend... Quest Vustamante." Ngumiti ako.
Narinig ko sa gilid ko ang paghagikgik ni Aia nang ipakilala niya ako kay Quest. Alam na alam pa naman ni Aia kung gaano ko kagusto si Quest.
"Aria na lang." Inilahad ko ang kamay ko para makipagkamay. Tinanggap niya ito at ngumiti sa akin. Napako ang tingin ko sa kan'ya, hulog na hulog na agad ako sa kan'ya.
"Quest." Sinundot ni Sharlene ang aking tagiliran nang tuluyang magdikit ang kamay naming dalawa.
With you, I'm alive
Like all the missing pieces of my heart, they finally collide.
So stop time right here in the moonlight,
'Cause I don't ever wanna close my eyes.
"Aria." Tinapunan ko ng tingin ang pinagmulan ng boses na iyon, si Aia.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Nag-umpisang mamasa ang aking balikat na napupuno ng luha mula sa kan'ya.
"Ano bang nangyayari?" naguguluhan kong tanong.
Sunod-sunod ang aking naging paglunok habang binibigkas ang mga katagang iyon. Alam ko na man na mangyayari ito, alam kong ako ang tatakbuhan ni Aia sa oras na kailangan niyang umalis para iwanan si Quest.
I know that Quest loves her. Nababasa ko iyon sa mata ni Quest sa umpisa pa lang. At alam ko rin na may relasyon sila, at pilit akong tinutulak ni Aia kay Quest para panatag siyang may handang magmahal sa lalaking iiwan niya.
"I need to leave. I need to reach my goals. Can you do a favor for me, Aria?" Tumango ako bilang sagot.
'Anything for you Sharlene, basta lubayan mo na kaming dalawa ni Quest. Hayaan mo na akong maging masaya.'
"Alagaan mo si Quest. Always stay with him no matter what happen," pagsusumamo niya.
Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Nanatili akong tahimik habang titig na titig sa kan'yang mukha na punong puno ng mga luha.
"Please?" Muli akong tumango, doon ay unti-unting lumuwag ang kapit niya sa aking mga daliri. Hindi magkamayaw ang pagpatak ng luha mula sa kan'yang mata.
"Thank you, hanggang sa muli nating pagkikita... Aria." Tumakbo siya palayo sa aking kinaroroonan.
"Ria! Ria!" binalingan ko ang tawag ng isang tinig. Tumambad sa akin ang humahangos na bulto ni Quest. Mahigpit nitong hinawakan ang braso ko.
"Dumaan ba rito si Aia?! Sabihin mo! Nakausap mo ba si Aia?!" Napalunok ako at nag-iwas ng tingin, nanatiling tikom ang bibig.
"Hindi siya dumaan dito," tanging sagot ko. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko.
Napaupo siya sa lapag habang hawak ang kan'yang tuhod. Nangangatog ang kan'yang katawan habang patuloy na umiiyak sa gitna ng malamig na parke.
Without you, I feel broke.
Like I'm half of a whole.
Without you, I've got no hand to hold.
"Quest! Graduate na tayo!" Sinalubong ko ng yakap si Quest nang makababa siya sa entablado. Pilit siyang ngumiti at ginantihan niya rin ako ng yakap.
"Aia... we did it..." Umabot iyon sa aking pandinig habang binubulong niya ito sa langit.
Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan siya sa pisngi. Ipinaramdam sa kan'ya na hindi siya nag-iisa, "Yes, we did it. Together..."
Without you, I feel torn.
Like a sail in a storm.
Without you, I'm just a sad song.
I'm just a sad song.
Halos mag-iisang taon na nang umalis papuntang London si Aia. Kahit na madalas ko siyang kinakausap at nanghihingi siya ng update tungkol kay Quest, ay pili lang ang aking mga sasabihin. Kapag naman kasama ko si Quest at tatawag siya para mangumusta ay sinasabi kong nasa kompanya ako ng aking mga magulang.
Nag-uumpisa na akong bangungutin ng aking konsyensya sa paggawa ng paraan para tuluyan silang paghiwalayin.
Sobrang sama ko, pero anong magagawa ko? Mahal na mahal ko si Quest. Handa kong kalimutan ang lahat para sa kan'ya.
With you I fall.
It's like I'm leaving all my past in silhouettes upon the wall.
"Ariana Jellyn Segovia, will you marry me?"
Halos mapatili ako nang bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Quest. Hawak ang singsing na madalas niyang ipakita sa amin ni Aia. Wedding Ring daw ito ng lolo at lola niya sa tuhod, na balak niyang ibigay sa babaeng mamahalin niya habang buhay.
"Alam kong halos mag-i-isang taon pa lang mula nang umalis si Aia. Pero papatunayan ko sa'yo na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Ria, please marry me." Nag-umpisa akong humagulgol.
"Siyempre, alam mo na man na una pa lang ikaw na talaga ang gusto ko. Ikaw lang! Manhid ka lang talaga! Yes, I will marry you." Isinuot niya sa akin ang singsing at niyakap. Hinalikan niya ako sa noo at binuhat.
With you I'm a beautiful mess.
It's like we're standing hand in hand with all our fears upon the edge.
So stop time right here in the moonlight,
'Cause I don't ever wanna close my eyes.
"You may now kiss the bride!" Itinaas niya ang aking trahe de boda at ngumiti.
"I love you..." Hinalikan niya ako sa labi. Ngunit bago niya ako halikan ay unti-unting tumulo ang luha ko sa katagang kan'yang sinambit, "Aia..."
Without you, I feel broke.
Like I'm half of a whole.
Without you, I've got no hand to hold
"I'm sorry, nakunan po si Misis Bustamante. Masyadong maselan ang pagbubuntis ni Misis," saad ng doktor na nagdulot ng sakit sa puso ko.
Tinitigan ko si Quest, kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot, galit, paninisi at pagkadismaya. Ngunit hindi niya ako sinisi, niyakap niya lang ako at hinalikan sa noo. "Magiging maayos din ang lahat. Shhhh."
Without you, I feel torn.
Like a sail in a storm.
Without you, I'm just a sad song.
Ngunit sa unang pagkakataon ay sinira niya ang aking tiwala. Ilang beses kong tinanong kung saan siya nanggaling. Ilang beses ko ring pinaulit-ulit na magsabi lang siya ng totoo ay babalewalain ko na ang aking nakita. Ngunit nagmatigas siya, nakatanggap ako ng mga bagay na labis na nakabasag sa aking puso. Ginulo nito ang aking sistema.
"Kasama mo ba si Aia?" Nanahimik siya, doon ko nakumpirma ang maraming bagay. Ang katotohanan na si Aia pa rin ang kan'yang pipiliin kahit na anong mangyayari. Na pangalawa lamang ako sa pagpipilian. Na kahit kailan ay hindi ko napalitan Aia sa puso niya. Na hindi naman talaga niya ako minahal.
You're the perfect melody,
The only harmony
I wanna hear.
You're my favorite part of me,
With you standing next to me,
I've got nothing to fear.
"Aia," tinawag ko siya.
Tinapunan niya ako ng tingin. Sinalubong ako ng seryoso niyang mukha. Sinasaksak ng kan'yang napakatalim na titig. At sa huli ay napangisi siya habang nakakrus ang mga braso.
"Sa wakas, muli tayong nagkita... Aria Sego--- I mean Aria Bustamante, my dear bestfriend. Masaya bang magpakasasa sa lalaki unang naging akin? Sa lalaking ako naman talaga ang mahal?" mayabang niyang asik.
Nag-umpisang manggalaiti ang kamay ko. Pinadapo ko ang palad ko sa kan'yang pisngi ngunit nanatiling tikom ang aking bibig.
Muli siyang tumingin sa akin. Malalim ang kan'yang paghinga pero may yabang pa rin ang postura.
"Akala ko babantayan mo siya para sa akin! Akala ko mapagkakatiwalaan kita! Malandi ka rin pala! Mang-aagaw ka!"
Muli ko siyang sinampal. Bumakas ang kamay ko sa kan'yang pisngi.
"Ako pa ngayon ang nang-agaw?! Alam mo kung bakit pinakasalan niya ako kaysa maghintay sa'yo? Kasi wala ka ng mga oras na nag-iisa siya. Kasi tinanggihan mo siya. Kasi iniwan mo siya. Kasi binalewala mo ang nararamdaman niya. Tapos na kayo, Aia! Lubayan mo na kami!"
"Hindi! Hindi! Sa akin lang si Quest! Ako pa rin ang pipiliin ni Quest. Asawa ka lang niya sa papel! Ano pang silbi ng hiwalayan kung 'di rin naman magagamit?!"
Without you, I feel broke.
Like I'm half of a whole.
Without you, I've got no hand to hold.
Nanatili akong tikom sa kada gabing umuuwi siya sa bahay. Tuluyang nawala ang tiwala na nandirito sa puso ko. Para akong sigarilyo na unti-unting nauupos. Para akong mababaliw sa kada gabing hindi niya binibigyang pansin ang kalungkutan at pighati na aking nararamdaman. Unti-unting nauubos ang pag-asa na natitira rito sa dibdib ko. Napapagod na ako.
Without you, I feel torn.
Like a sail in a storm.
Without you, I'm just a sad song.
"Misis Vustamante, you are two weeks pregnant." Tumulo ang aking mga luha.
Ilang buwan na mula noong bumalik si Sharlene. Hinaplos ko ang aking sinapupunan, nais kong humingi ng tawag kung hindi ko siya mabibigyan ng isang kumpletong pamilya. Hindi ko maibibigay ang mga karapatan niya.
Lalaki siyang malayo sa kan'yang ama, lalaki siya at magkakaisip na kailan man ay hindi naging amin ang kan'yang ama. Dahil hindi ako minahal ni Quest.
Without you, I feel broke.
Like I'm half of a whole.
Without you, I've got no hand to hold.
Without you, I feel torn.
Nang gabing iyon ay umalis ako sa bahay. Labag man sa aking kalooban ay tuluyan ko nang pinalaya ang lalaking pansamantalang naging akin. Ang lalaking minsa'y nanatili sa akin sa kabila ng isang bagay. Ang katotohanan na hindi naman talaga niya ako mahal.
Muli akong tumingin mula sa labas ng aming bahay. Sa mga susunod na araw ay gigising akong mag-isa. Wala na akong pagsisilbihan at wala na akong iiyakan. Pero alam kong kailangan kong maging matatag para sa anak ko.
Like a sail in a storm.
Without you, I'm just a sad song.
I'm just a sad song.
Pinaandar ko palayo ang aking sasakyan. Muli kong hinawakan ang aking tiyan at hinaplos ito. Pinunasan ko ang luha ko at ipinagpatuloy ang pagmamaneho.
Ngunit sa kalagitnaan ng aking pagmamaneho ay sinalubong ako ng isang nakakasilaw na puting ilaw.
Naramdaman ko ang pagsalpok ng aking sinasakyang kotse, kasunod ang pagdaloy ng dugo sa aking binti at sa aking ulo.
"Mahal kita, Quest. Mahal na mahal kita. Patawan, ako ang may kasalanan ng lahat."