Now Playing: Broken Vow by Lara Fabian
Tell me her name
I want to know
The way she looks
And where you go
"You may now kiss the bride," anunsiyo ng pari nang matapos ang pagpapalitan namin ng singsing.
Itinaas ko ang kan'yang trahe de boda at pumikit. Pinipilit na isipin na siya ang babaeng nasa harapan ko ngayon... na siya talaga ang babaeng sinisigaw ng puso ko.
"Aia..." bulong ko.
Dumilat ako para makita ang kan'yang mukha. Halos manlamig ako nang makita ko siyang umiiyak.
I need to see her face
I need to understand
Why you and I came to an end
"I'm sorry, nakunan po si Misis Bustamante. Masyadong maselan ang pagbubuntis ni Misis."
Napalunok ako sa tinuran ng doktor. Nagpanting ang tenga ko dahil doon. Parang isang bangungot na paulit-ulit na umuugong sa aking tenga.
Sa aking tabi ay naririnig ko ang mahinang paghikbi ni Aria. Paulit-ulit niyang sinisisi ang sarili, "I'm so sorry. It's my fault... hindi ako nag-ingat."
Niyakap ko siya at marahang hinaplos ang kan'yang buhok. Hinalikan ko ang noo niya, inaalo siya at pilit pinapakalma, "Shhh. Everything will be fine."
Tell me again
I want to hear
Who broke my faith in all these years
"Quest," isang tinig. Hinananap ko ang pinagmumulan noon. Tulad noon ay maamo pa rin ang kan'yang mukha. Sumasabay sa hangin ang pagsayaw ng kan'yang mahaba at itim na itim na buhok.
Nanlamig ang aking buong sistema nang marinig ko ang kan'yang tinig. Mababa pa rin ang kan'yang boses at nananatiling kalmado.
"Aia... nagbalik ka na," parang nababaliw kong usal.
Nag-umpisa akong maglakad patungo sa kinaroroonan niya, parang ulan na bumuhos ang aking mga luha. Hindi ko maiwasang ipakita ang labis na pangungulila at kasiyahan sa pagbabalik niya.
Nagbalik na si Aia. Nagbalik na ang babaeng minamahal ko.
Tumakbo ako patungo sa kan'yang direksyon, ngunit napatigil ako.. tali na pala ako. Kasal na ako sa ibang babae.
Who lays with you at night
When I'm here all alone
Remembering when I was your own
"Saan ka nanggaling?" bungad niya sa akin.
Tinapunan ko ng tingin si Aria, basang-basa ang kan'yang pisngi ng luha at namumula ang kan'yang mga mata.
"I'm so sorry, Aria. Marami lang kaming ginagawa sa kompanya. Gabing-gabi na kaya pwede bang tigilan mo na ako ng mga pagdududa mo. Pagod ako, bukas na lang tayo mag-usap," pagalit kong saad. Pilit na hindi pinapahalata ang pagtataksil ko.
Hindi na siya umimik, ngunit hindi siya tumabi sa akin nang gabing iyon. Mula sa kusina ay rinig na rinig ko ang mga nababasag na kagamitan. Kahit nakapikit ako ay umaabot sa tenga ko ang kan'yang sigaw na puno ng pighati at hagulgol na puro lang sakit.
I'll let you go, I'll let you fly
Why do I keep on asking why?
I'll let you go now that I found a way to keep somehow
More than a broken vow
"Magkasama ba kayo ni Aia kagabi?" tanong niya nang makababa ako mula sa kwarto.
Natahimik ako sa sinabi ni Aria, tama ang hinala niya. I spent my night with my ex-girlfriend, having a quality time with her. Pinaramdam ko sa kan'ya ang pagmamahal na kaya kong ibigay at sa kahit na anong paraan na alam ko.
"Ano na naman bang kinukuda mo, Aria? Busy kami para sa ilalabas naming bagong product. 'Wag ka ngang mag-inaso. Umagang-umaga at kung mag-inarte ka, 'yan ba ang hand among almusal para sa akin?!" asik ko at padabog na binagsak ang kubyertos. Agad akong tumayo at galit na umalis sa aking kinauupuan.
Aalis na sana ako ngunit narinig ko ang mahihina niyang halakhak.
"Alam mo bang nakausap ko si Kuya Alex kagabi? Maaga ka raw umuwi kahapon. Nagmamadali ka pa nga raw."
Sa huli, ako ang natahimik at nanatiling walang imik. Alam kong sa pagkakataong ito, nahuli na niya ako. Pero hindi, hindi niya ako maaaring mahuli.
"Tumigil ka! Lagi namang 'yang kapatid ni Aia ang pinakikinggan mo. Puro ka kasi selos! At akala mo ba hindi ko alam na gusto ka niyang Alex na 'yan kaya sinisiraan niya ako sa'yo?! Tumigil ka na nga, tanginang buhay 'to."
Tell me the words I never said
Show me the tears you never shed
Give me the touch
That one you promised to be mine
Or has it vanished for all time
Nagpatuloy ang pakikipagkita ko kay Aia ng patago. Parang hindi ko na alam kung anong dapat itawag sa akin. Gago na kung gago, ero alam ng Diyos kung gaano ko siya kamahal.
Manloloko na ba ako? Kasalanan ko ba kung mahal na mahal ko si Aia? Kasalanan ko ba kung muli siyang bumalik? Nagmahal lang naman ako.
"Kapag ba nahuli tayo ni Ria ay iiwan mo na ako?" tanong ni Aia. Napatahimik ako, lumalim ang pag-iisip.
Napalunok ako sa sinabi ni Aia. Mahalaga sa akin si Ria, pero mas mahal ko si Aia. Ang tagal kong hinintay ang pagbabalik niya, bakit ngayon pa ako matatakot? Dahil ba tali na ako?
"Hindi ko na hahayaan pang maghiwalay tayo. Mahal kita, mahal na mahal kita," tanginang naging sagot ko at binigyan siya ng mainit na halik.
I close my eyes
And dream of you and I
And then I realize
There's more to life than only bitterness and lies
Sa aking pag-uwi ay naabutan ko na namang umiiyak si Aria, malamang ay dahil sa akin. Ngunit sa pagkakataong ito ay inilahad niya sa akin ang isang papel. Nagugulumihanan ko siyang tinignan, pero ngiti lang ang sinagot niya sa akin.
Napaluhod ako sa kan'yang harapan nang mabasa ko ang nakasulat sa papel. Gusto kong sumigaw dahil sa sobrang tuwa.
"Baby, I am very happy..." naibulong ko.
Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito. Hinaplos ko rin ang tiyan niyang hindi pa umuusbong.
"Quest, I'm four weeks pregnant," napapaos niyang saad. Itinaas ko ang tingin ko sa kan'ya, nabasag ang puso ko nang makita ko siyang umiiyak.
"Ito na dapat ang simula natin. Dati pa lang kasi ito na 'yong pangarap ko... ang pakasalan ka at bumuo ng pamilya kasama ka. Akala ko kasi sapat nang mahal kita. Akala ko sapat nang ako lang 'yong kumapit sa ating dalawa," dagdag niya pa.
Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa tiyan niya. "Kaso akala ko lang pala... nabigo ako..." Inalis niya ang kamay ko at humagulgol.
"Aria... ano bang sinasabi mo?" Nag-umpisa na namang magulumihanan ang aking utak. Parang sinulid na buhol-buhol na maaring putulin ano mang oras.
Napako ang tingin ko sa papel na inabot niya. Dinampot ko iyon. Ngunit nang ilipat ko ang mga kasunod pang papel ay napatitig ako sa kan'ya. Napalunok ako at nag-umpisang manginig.
"I'm tired. Hindi ko na kayang lumaban para sa ating dalawa, pagod na pagod na ako, Quest. Quest, I want an annulment. Gusto kong pirmahan mo 'yan para maging masaya ka na at alam kong kay Aia ka lang sasaya... hindi sa akin."
Tuluyang nanlambot ang aking mga tuhod. Parang sigarilyong nauupos at sapatos na napupudpod. Hindi, bakit ganito? Bakit nasasaktan ako? 'Di ba ito ang gusto ko, ang makalaya?
I close my eyes
I'd give away my soul to hold you once again
And never let this promise end
"No, please. Parang awa mo na, Aria. Paano ang anak natin? Paano na siya? Paano na tayo? Mahal na mahal kita, Aria," pagmamakaawa ko.
Umiling siya habang patuloy na umiiyak. Tinutulak ako kapag ninanais kong lumapit sa kan'ya.
"Kung mahal mo ako, walng Aia pa. Kahit bumalik man si Aia, dapat ako pa rin. Niloko mo ako, Quest. Sa bawat gabi na siya ang kasama mo ay tiniis ko. Pwede bang ako naman? Pwede bang lumaya naman ako kahit minsan. Kasi tangina, pagod na pagod na ang puso ko."
"No..."
Nang gabing iyon ay ilang beses pa akong nagmakaawa ngunit iniwan niya ako sa aming bahay na nag-iisa. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa akin nang tuluyang umandar paalis ang kotseng kan'yang sinasakyan.
I'll let you go,
I'll let you fly
Now that I know I'm asking why
I'll let you go now that I found a way to keep somehow
More than a broken vow
Nagising ako na nagbabakasakali na bumalik na si Aria sa aking tabi. Na maaamoy ko ang umagahang palagi niyang niluluto, pati na ang kan'yang masayang bati. Napasalampak ako sa sahig habang hawak ang aking mga tuhod sa kaisipang napagod na siyang intindihin ang pambabalewala ko.
"Aria, bumalik ka na. Aria, mahal ko." Alam ko. Para na akong baliw.
Kasalanan ko pero bakit nasasaktan ako. Kasalanan kong mas pinili kong maging masaya. Hindi ko naisip ang mga pagkakataong nandiyan siya sa tabi ko para pasayahin ako.
"Aria, patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya... kasalanan ko..."
Ako lang ang dapat sisihin. Ako lang ang dapat na sisihin sa mga bagay na nangyayari. Naging makasarili ako. At ngayon ay nasasaktan ako sa kasalanang ako mismo ang may sala.