Possession Natigil ako sa pagpunas ng pawis nang huminto sa tapat ko si Rigor. Isang linggo na ang nakalilipas simula noong nakipagbreak ako at 'di kami nagpapansinan. Sa buong linggo na rin na 'yon ay may training ako para sa basic fighting. Lahat sila tinutulungan ako maliban kay Rigor at kay Suzzane. Ayaw ni Rigor tapos ayaw ko naman kay Suzzane. "Ano? Makikipagbalikan ka? Manligaw ka muna!" sigaw ko sa kaniya. Tumaas ang sulok ng labi niya at tumitig sa akin. "Hindi naman naging tayo," aniya tapos umalis na. Natulala ako habang nakanganga. Nang matauhan ay napatayo ako at nanlalaki ang mata. Ang kapal talaga ng apog ng lalake na 'yon! Siya kaya iyong pinagmamalaki noon na syota niya ako! Napapadyak ako sa inis at medyo naiiyak. Ang heartless ni Rigor sa akin! Nakakainis talaga! A

