Kabanata 2 - Paglilinis ng Club

1808 Words
“Ang aking ama…” Napasimangot ako. Ang posibilidad na isa itong scam ay sumagi sa aking isipan. Lalo na, isa akong ulila, na lumaki sa isang bahay-ampunan. Hindi ko maalala kung sino ang mga magulang. Subalit, biglang may tumawag at sinabi sa akin na ang aking ama ay sa sobrang yaman ay binigyan ako ng 15 milyong dolyar. Paano ito naging totoo? Hindi ito kapani-paniwala, isang pangarap lang. Ang babae sa kabilang linya ng tawag ay mukhang nahulaan ang aking pag-aalinlangan dahil sa aking pananahimik. “Paumanhin, Sir Gael; hindi ko malinaw na naiparating kung ano ang ibig kong sabihin. Sa madaling salita, hindi ko isang ulila, pero nawalay ka sa iyong pamilya dahil sa isang masaklap na pangyayari. Subalit, si Levi Taylor, ang iyong tunay na ama, ay hindi tumigil sa paghahanap sayo. At nitong nakaraan lang nagbunga ang kanyang pagtiyatiyaga. Sa wakas ay nagawa niyang matunton ang iyong kinaroroonan dalawang araw na ang nakaraan. Ang iyong pagkakakilanlan ay kinumpirma din niya.” “Sandali.” Sumikip ang aking dibdib. Masyadong nakakabigla ang lahat ng ito para sa akin. Ilang salita lang ang kinailangan para bumaliktad ang tingin ko sa mundo. Mahirap tanggapin. Si Levi Taylor… “Sandali,” napasinghap ako ng malakas, “ang tinutukoy mo ba ay ang nag-iisang Levi Taylor? Isa sa pinakamayaman an tao sa mundo?” “Opo, Sir Gael.” Naging magulo ang aking isipan. Nabigla ako sa maraming bagay na pumasok sa aking isipan na nanggaling sa lahat ng direksyon. Walang sinuman sa mundong ito ang hindi alam ang tungkol kay Levi Taylor. Siya ang presidente ng pinakamalaking conglomerate sa Amerika, ang Taylor Group. Ang conglomerate na ito ay may malawak na sangay ng negosyo sa iba’t ibang industriya. Ang ari-arian ng bawat subsidiary na kumpanya ay nagkakahalaga ng ilang daang milyong dolyar. Ang nasa likod ng lahat ng mga ito ay ang mga Taylor. Kontrolado nila ang halos lahat ng industriya, at ang kabuuang ari-arian nila ay nagkakahalaga ng trilyong dolyar. Ang kanilang yaman ay kayang tapatan ang isang bansa. Ngayon ay may taong nagsasabi na ang taong iyon ay ang tunay kong ama? Masyado itong hindi kapani-paniwala, kalokohan. Masyadong hindi makatotohanan. “Paano ko malalaman na nagsasabi ka ng totoo?” Seryosong tanong ko, habang tinatago ang aking pagdududa. “Kung ako nga ang anak ni Levi Taylor, hindi siya mismo ang personal na tumawag sa akin?” “Nang mahanap ka namin, nagpadala kami ng tao na lihim na kumuha ng piraso ng buhok mo. Kasunod ng DNA test, nalaman namin na ang posibilidad na kadugo mo si Mr. Taylor ay 99.9999%. Ang test ay ginawa sa Capital Testing Center. Ito ay, walang duda, tunay. Kung gusto mo, pwed kong ipakita sayo ang resulta ng DNA test.” “At para naman sa ikalawa mong katanungan, ang kasalukuyang sitwasyon ni Mr. Taylor ay medyo komplikado,” sabi niya. “Hindi magiging maganda kung bigla ka na lang niyang ipakikilala sa publiko na anak niya. Malalagay ka sa panganib. Kaya sa ngayon, kailangan maitago ang iyong pagkatao.” “Kahit na hindi mo siya makakasama sa ngayon, pwede ka pa din niyang tulungan,” dagdag niya. “Si Mr. Taylor ay nag-deposito ng 15 milyong dolyar sa iyong bank account. Umaasa siya na sana ay kahit paano ay magawa niyang makabawi sa lahat ng nangyari sayo. Kapag naayos na niya ang kasalukuyan niyang problema, personal ka niyang pupuntahan sa Razo City para sunduin ka.” Huminto siya. “At ang huli, ako ang magiging personal mong assistant simula ngayon. Gagawin ko ang lahat ng iyong gusto. Kapag may nakasalubong kang anumang problema, tawagan mo lang ako. Gagawin ko ang aking makakaya para lang mapasaya ka.” Ang boses sa may kabilang linya ng tawag ay matatag, taos-puso, at malinaw. Wala akong mahanap na mali sa kanyang mga salita. Kahit na nasagot na ang aking pagdududa, may pag-aalinlangan pa din ako. Lalo na ang mga salita ay salita lamang. Ang tanging tunay na ebidensya ay ang mensahe tungkol sa deposito sa bangko, pero ang isang wire fraud ay isa pa ding posibilidad. Ang mensahe tungkol sa aking bank deposit ay pwedeng napeke. Kailangan ko silang subukan. “Ang sabi mo ay gagawin mo ang ‘lahat’ ng gusto ko, tama?” Sinadya kong bigyan diin ang salitang “lahat”, “Opo, gagawin ko ang lahat ng gusto niyo.” Matatag ang kanyang boses. “Dahan-dahan kong sinabi, “Naranasan ko ang pinakamatinding kahihiyan sa buong buhay ko.” Sinimulan kong isipin ang lahat ng nangyari sa club kanina. Biglang bumalik ang aking galit. Habang kinuyom ko ng mahigpit ang aking mga kamao, nagpatuloy ako sa pagsasalita ng may seryosong boses, “Kailangan kong maghiganti.” “Sinumang kumalaban sayo ay kinalaban ang buong Taylor family.” Naging malamig ang kanyang boses. “Pakiusap at sabihin niyo po sa akin ang kasalukuyan niyong lokasyon.” “Nasa tapat ako ng Moonlight Club. Pwede mo bang dalhin ang DNA report?” “Opo, pakiusap maghintay lang kayo sandali, darating ako sa loob ng 20 minuto.” Tapos na ang tawag pero hindi pa din ako mapakali. Binato ako ng masyadong maraming impormasyo na makakapagbago ng buhay ko. Isang bilyonaryo ang ama ko? Binigyan niya ba ako ng 15 milyong dolyar at ng personal assistant ng ganun-ganun na lang? Parang hindi totoo, parang panaginip lang ang lahat. Tinabi ko ang aking phone at nagsindi ng sigarilyo. Pumasok ang nikotina sa aking baga. Humithit ako ng malalim at dahan-dahan na nilabas ang usok. Nagsimulang kumalma ang tensyonado kong katawan ng huminahon ako. Hindi ko kailangan na maging aligaga. Malalaman ko din ang totoo pagkalipas ng 20 minuto. “Hoy, anong ginagawa mo dito?!” Isang masungit na boses ang nagmula sa aking likuran. Lumingon ako at nakita ko ang security guard na papalapit sa akin. Tinuro niya ako at sinigaw, “Saan ka naman nanggaling? Tigilan mo na ang pagtambay dito. Naapektuhan mo ang negosyo ng club.” Ng makita niya ako ng malapitan, nakita niya ang dugo sa aking mukha. Napasimnagot siya at tinignan niya ang waiter’s uniform ko. “Isa kang waiter ng club?” “Oo.” Tumango ako. “Nabugbog ka ng bisita?” Bumalik ang kanyang tingin sa aking mukha. Muli akong tumango. “Heh, nararapat lang yan sayo. Ang lahat ng mga bisita ng Moonlight Club ay mga mayaman. Maswerte ka at hindi ka namatay.” Ngumisi ang security guard. “Umalis ka na,” naiinip niyang pagpapatuloy, “Sa ibang lugar ka na lang magmukmok bago pa kita patayin.” Sumiklab ang aking galit. Naging pangit ang aking ekspresyon. Nung ibubuhos ko sana sa kanyang ang galit ko, narinig ko ang tunog ng makina ng sasakyan. Vroom! “Isang silver-gray na Aston Martin ang mabilis na pumasok sa may parking lot at maingay na huminto sa tapat ng entrance ng club. Isang lalake na nasa edad trenta ang lumabas ng kotse. Kaagad na nagbago ang kilos ng security guard. Ng may mapanuyong ngiti sa kanyang mukha, nagmadali ang guwardiya na batiin ang lalake. “Ah, Mr. Smith, nandito po pala kayo. Pwede ko ba kayong tulungan na iparada ang inyong sasakyan?” Binato ng lalake ang susi ng kanyang sasakyan sa guwardiya ng walang alinlangan. Isa sa kanyang kamay ay may hawak na phone. “Sigurado ka ba? Pupunta si Ms. Glenn mismo sa aking club?” Nanginginig ang kanyang mga kamay. Habang nagsasalita siya, sumugod siya papunta sa entrance ng club. Habang hawak ang susi ng kotse, mabilis na yumuko ang security sa likuran ng lalake. Muli siyang yumuko, puno ng pagmamalaki ang kanyang mukha. Ang itsura niya ay para bang nakatanggap siya ng malaking karangalan. Napangiti ako ng malamig ng masaksihan ko ang pagsipsip ng security guard sa lalake. Ito ang kapangyarihan ng pera. Kilala ko kung sino ang lalakeng dumating. Syempre, hindi niya ako kilala. Ang buong pangalan niya at Forrest Smith; Ang may-ari ng Moonlight Club. Dati siyang hoodlum. Nagsimula siya sa wala at pinaghirapan na makarating sa itaas, at nagtagumpay. Bukod sa club, may ilan pa siyang pagmamay-ari sa ibang mga negosyo. Isa siyang makapangyarihan na tao sa underworld, at isa sa mga bigatin ng Razor City. Umarte na parang aso ang security guard ng makita siya nito, na handang gumulong at kumahol. Habang may sigarilyo ako sa aking mga labi, tinanggal ko ang tisyu sa aking noo. Tumigil na ang pagdurugo ng sugat, pero nanatili pa din na malagkit ang aking mukha dahil sa dugo. Medyo hindi maganda pakiramdam. Biglang naging magulo sa entrance ng club. Hindi dahil sa may pumapasok na mga bisita, pero dahil sa pinalabas sila. Nagreklamo ang mga galit na lalake at babae habang naglalakad palabas ng club. “Anong nangyari? Ang saya-saya kio dun eh. anong meron at bakit niyo pinapalayas ang lahat?” “Anong kalokohan ang nangyayari dito?! Paglilinis ng buong club? Kalokohan! Sa tingin niyo ba ay maaayos to ng pagbalik ng binayad kong pera? Pweh, hindi ako cheap.” “Ganito ba tratuhin ng Moonlight Club ang kanilang mga bisita?!” “Hindi na ako babalik pa dito kahit na kailan!” Medyo nagulat ako sa eksenang ito. Hindi nagtagal at nakita ko din sila Johnny at Dawn sa grupong yun. Namumula ang mukha ni Dawn. Nakayakap siya kay Johnny. Magulo ang kanyang damit, na halos nakalabas ang ilang parte ng kanyang maputlang s**o. Napukaw nito ang mga mata ng kalalakihan. Galit na galit si Johnny. Sigurado na naantala siya habang nasa kalagitnaan ng pagtatalik nilang dalawa ni Dawn. “Hoy, ikaw, lumapit ka dito.” Sinenyasan ni Johnny ang security gurad. Ito din ang parehong guwardiya na sinubukan akong paalisin. Ngumiti ang security guard. “Mr. Miller, tawag niyo po ako?” Pinanlisikan ni Johnny ang lalake. “Anong kalokohan ang ginagawa ng Moonlight Club? Bakit ako pinalayas?!” “Hay, huminahon lang po kayo, Mr. Miller. Ang utos na linisin ang club ay biglaan na lang na dumating. Kami din ay naguguluhan.” Sinubukan na mangatwiran ng security guard sa kanya. Sumabog si Johnny. “Gumastos ako ng libu-libong dolyar dito! Ganito niyo ba tinatrato ang mga bisita niyo? Niloloko niyo ba ako?” Ang mga salita ni Johnny ang nag-udyok sa iba pang mga bisita,. na nakadagdag sa sama ng kanilang mga loob. Mabilis na naging magulo ang lahat. “Oo! Ano naman ngayon kung malaki ang Moonlight Club? Hindi sila pwede basta na lang magpalayas ng tao ng walang dahilan!” “Gusto kong makausap ang manager niyo! Gusto kong malaman kung sino ang may pakana ng pagpapalabas sa amin sa club!” Nagsimulang pagpawisan ang security guard. “Lahat kayo, wala din magagawa kahit na kausapin niyo pa ang manager. Ang utos na linisin ang club ay galing mismo kay… Sir Forrest Smith.” SI Forrest Smith mismo?! Ang lahat ay biglang natahimik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD