Linggo ng umaga. Nagdesisyon siya na magsunbathing muna bago magtanghali. Kakaalis lang ni Jen pabalik ng Maynila kaya solo na lang siya sa banyagang lugar na iyon. Kagaya ng kagustuhan niya ay nagpaiwan talaga siya at kahit anong pilit ng kaibigan ay hindi siya sumama rito. Pakiramdam niya kasi ay may unfinished business pa siya sa isla at hindi rin naman siya matatahimik kung babalik siya ng Maynila. It feels like her heart was trap in that island and she'll go nuts kung pipilitin niyang umuwi.
"Mag-isa ka na lang yata, where's your friend?" usisa sa kanya ni Pete nang makita siya nito na solong nagbibilad sa araw. "Mind if I join you?" dugtong nito.
Binalingan niya ang binata na hindi tinatanggal ang suot niyang shades. "Umuwi na siya, nagpaiwan ako... Sure, you can. I don't own this place, pwede kang pumwesto anywhere you like," sagot niya.
"Bakit naman? Ano'ng rason? Don't tell me nainlove ka rito sa isla?" pabirong wika ng binata. Hindi na ito naglatag ng tuwalya bagkus ay padaskul na lang ito na umupo sa tabi niya.
Tumawa siya ng bahagya. "Sino ba naman ang hindi maiinlove sa ganda nitong isla? No doubt lahat ng tourist ay kagaya rin sa'kin na magpapa-extend ng bakasyon. I can't get enough with this island." Sagot niya habang sinisipat ang kabuuan nito. Nakasuot lang ng swimming trunks ang binata at walang pang-itaas. Napalunok tuloy siya nang mapasadahan niya ng tingin ang maumbok nitong hinaharap.
'Ano ba, Jera! Kailan ka pa naging manyakis? Keep your eyes on yourself!' kastigo niya sa sarili.
"Oh baka naman may iba ka pang dahilan? You can tell me if you want," anang binata sabay ngiti ng pilyo.
"What made you think that way?"
"I'm a grown man... I could tell if a girl has a thing for me or not," sagot ng binata habang matiim na nakatitig sa kanya. Kaagad siyang nagyuko ng tingin dahil hindi niya magawang makipaglaban ng titigan dito. Nasukol na ba siya ng binata? May alam kaya ito sa totoong dahilan niya kaya nagpaiwan siya sa isla?
"Kung anuman ang iniisip mo, you got it all wrong! I stayed because of the island, period! Stop making assumptions out of your wild imaginations, Pete!" matigas niyang tanggi.
Natawa ang binata sa sagot niya at hindi mapigilan ng dalaga na kurutin ang sarili dahil pakiramdam niya ay napaka sexy ng tawa nito sa pandinig siya.
"Sayang, tsk! tsk!" kapagkakuwa'y wika nito.
Awtomatikong lumipad ang tingin niya sa binata. "Ano'ng sayang?" usisa niya.
"Sayang because I think the feeling is mutual..." halos pabulong na anas ni Pete ngunit klaro iyong narinig ng dalaga.
"W-what d-did you just say?" kandautal niyang sabi.
"I said, I like you Jera!" walang gatol na sagot nito.
Bigla siyang natameme pagkarinig sa sinabi nito. Ibig sabihin ba nito ay alam din ng binata na may nararamdaman siyang atraksiyon dito? Hindi niya alam kung ano ang isasagot dahil pakiramdam niya ay umurong ang kanyang dila. Inipon niya ang lakas niya para tumayo at halos takbuhin niya ang distansiya mula sa dalampasigan patungo sa tinutuluyan niya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin at kung paano haharapin si Pete. Hindi siya handa sa mga nangyayari. Ibig ba nitong sabihin ay hindi lang siya ang mabilis ma fall?
"Hey, Jera, wait!" habol sa kanya ng binata.
Hindi na siya nagtangka pang lumingon bagkus ay mas lalo niyang binilisan ang paglalakad para hindi siya maabutan nito. Little did she know that Pete won't let her go as easy as that. Nagawa nitong iharang ang malapad na katawan sa pintuan ng kwarto niya.
"Let's talk," anito.
"Wala naman tayong pag-uusapan. You got it all wrong, Pete! And you're making me uncomfortable for Christ's sake!" kaila niya.
"You won't be acting this way of I didn't hit that spot, Jera..." anas ng binata. Mas lalo pa itong lumapit sa kanya at para siyang walang lakas loob upang itulak ito papalayo sa kanya. Sa sobrang lapit ng mga mukha nila ay nasasamyo niya pa ang mabangong hininga nito na tumatama sa mukha niya. "Tell me na mali ako and I will never bother you again," hamon nito.
"W-what?!"
"Yes, you heard it right! Tell it to my face na hindi mo rin ako gusto and I will leave you in peace." Turan ng binata.
Napayuko siya. Para siyang batang nasukol ng walang kalaban-laban. Ano ang gagawin niya? Aamin ba siya o tatanggi? Kung aamin siya ano'ng mangyayari? Kung tatanggi ba siya ay kakayanin niya na iwasan siya nito samantalang si Pete naman talaga ang dahilan ng pagstay niya sa isla? Ano ang gagawin niya?
Isang nakabibinging katahimikan ang namuo sa buong kwart at sa sobrang tahimik ay naririnig na nila ang malalakas na t***k ng kanilang mga puso.
"Jera, look at me..." anas ng binata. Masuyo nitong hinawakan ang baba niya at marahang iniangat ang mukha niya. Kaagad nitong sinalubong ang mga mata niya at sa isang iglap ay biglang nanghina ang mga tuhod niya. Mabuti na lang at naging maagap ang binata na saluhin siya. Para siyang nabato-balina sa mga titig na iyon ni Pete at ang mga sumusunod na pangyayari ay mas lalong nagpawala ng katinuan niya dahil sa msuyong paglalapat ng kanilang mga labi.
Parang uhaw na uhaw si Pete sa labi niya. Ramdam niya rin ang mahigpit nitong pagyakap sa bewang niya habang magkahugpong ang mga labi nila.
"P-pete!" singhap niya nang maramdaman ang kanang kamay ng binata na nasa kanang dibdib na niya at sinasalat nito ang kanyang munting korona. Saka niya lang naalala na naka two-piece swimsuit lamang siya at hindi mahihirapan ang binata na tanggalan siya ng saplot kung gugustuhin nito.
"G-god! God knows how much I miss this!" mahinang usal ng binata ng saglit nitong bitawan ang namumula niyang labi.
"W-wha-" tanong niya sana ngunit muli nitong sinilyuhan ang labi niya. Naramdaman niya na lang ang pag angat ng mga paa niya sa sahig. Hindi niya na namalayan na karga na pala siya ng binata at marahan itong naglalakad papunta sa kama niya.
"I want you, Jera..." anas nito sa bandang taenga niya nang mailapag siya nito sa kama. At hindi niya maitatanggi na sa mga oras na iyon ay lunod na lunod siya sa kakaibang sensasyon na nararamdaman niya sa kaibuturan niya. Parehas silang nagpalukob sa nararamdaman nila para isa't-isa at wala silang ibang alam ng mga sandaling iyon kung hindi tugunan ang kakaibang init na nag-uumalpas sa kanilang mga katawan.