FLEETING PLEASURE

1057 Words
Magmula ng makadaupang palad niya si Pete ay palagi niya na itong hinahanap-hanap na para bang hindi nakukumpleto ang araw niya na hindi ito nakikita. Maging si Jen ay napapansin nito ang paghahanap niya sa presensiya ng binata ngunit hindi na lang ito nagsasalita. Marahil ay alam din nito na nararamdaman niya. Hindi niya maikakaila na napapawi ni Pete ang pangungulila niya sa kanyang mag-ama sa pamamagitan lang ng pagtitig sa mukha nito. At this point, she couldn't ask for more. Masaya lang siya na makita ito. "Hi, you're back!" nakangiting bati sa kanya ng binata. Nilapitan siya nito sa kinauupuan niyang lamesa. Naroon na naman siya sa bar nito at tahimik na pinapanuod ang binata sa pagtulong sa mga staff nito. "Yeah, ayos lang ba? Hindi naman siguro ako nakakaistorbo sa'yo?" aniya. "Of course, not! Mas okay nga na nandito ka, dagdag costumer." Sagot ng binata. "Buti naman at hindi bawal," aniya sabay tawa. Nagpalinga-linga ang binata na waring may hinahanap, "Mag isa ka yata?" "Yes, nagpaiwan si Jen sa tinutuluyan namin. Magpapahinga daw muna siya." Sagot niya kahit na ang totoo ay hindi niya naman talaga inaya ang kaibigan. Basta na lang siya umalis at nag iwan lang siya ng note saying maguunwind lang siya saglit. "I see, want to try our new drinks?" alok nito. "Mayroon bang bago? Wala yata ako nakita sa menu." "Actually, wala pa talaga siya sa menu dahil sinusubukan pa namin kung okay ang lasa. Since nandito ka rin naman, be the judge!" nakangiting wika ng binata. Inilahad nito ang kanang kamay para alalayan siya. Napalunok siya ng laway nang muling magkadaiti ang mga palad nila. Ang mainit na mga palad ni Pete ay nagpangiti sa kanya. Nagpatinaod siya ng igiya siya ng binata sa pribadong opisina nito. Naroon daw kasi ang sample ng alak na dinidevelop nito ilang buwan na. Ang sabi ng binata ay ito mismo ang nagtimpla niyon. At sa hindi malamang dahilan ay hinayaan niya lang ang binata sa bawat sabihin nito. She didn't even bother to say no. She is completely smitten with this man and she couldn't deny it even in one bit. "Anyway, na ireport ko pala sa mga police ang ginagawang panggugulo nila Jackson sa inyo. Kaya kahit papaano ay hindi muna manggugulo ang mga 'yon dahil napagsabihan na ng mga pulis. And for sure ay napagalitan na rin ng mga magulang. Ang iba niya namang kaibigan ay nasa ospital pa yata. Unfortunately, nabalian mo yata ng buto at tadyang 'yung iba." Natatawang kwento ng binata habang inihahanda nito ang inumin. Kung anu-ano pa ang ikinewento ng binata na wala siyang naintindihan dahil abala siya sa pagtitig sa mukha nito. She loves being with him. She knows for sure na ang nararamdaman niya ay panandalian lamang pero wala siyang pakialam. She likes it. She's not even bothered with the thought na may hangganan din ang pagkikita nila dahil isa lamang siyang tourist sa Sau Paolo samantalang resident na si Pete doon. Pwede siyang bumalik kung gugustuhin niya. She's already financially stable at hindi niya magiging problema ang pera kahit makailang ulit pa siyang bumalik doon. "Ano ang plano mo ngayon?" usisa sa kanya ni Jen isang araw. Isang linggo na lang kasi at babalik na sila sa Manila. "I'll stay." Walang gatol niyang sagot. "Seryoso ka?" "Oo." Walang gatol niyang sagot. She wants to stay a bit longer. For Pete. For her well-being. "Dahil ba kay Pete?" usisa muli ni Jen. "Nope, this time it's for me." Pagkakaila niya. "You can fool the world but not me, bestfriend. I know the reason why you want to prolong your stay here. Don't you think it's a bit absurd?" Tinitigan niya ang kaibigan. "I don't see it that way. Natutuwa ako sa lugar, nakakapag relax ako at higit sa lahat ay nakakapaglibang ako. Hindi ba't ito naman talaga ang goal natin?" "You're the boss, basta paalala lang Jera. He is not Kai. If you're going to stay here because you think you are being reunited with him, ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa'yo na itigil mo na 'yan. Pete is not your dead boyfriend. He is completely another person who happens to have your late boyfriend's face." Mahabang litanya ni Jen. Hindi na yata ito makapagpigil pa na maglabas ng saloobin. "I find peace with him. Sounds crazy yes, but that's how I feel. And I won't ask you to understand me because I know na hindi mo ako maiintindihan ng buo. Ibigay mo na lang sa'kin ang bagay na 'to. This is my new found joy and I don't want it to last this soon." Aniya sa kaibigan. Pilit na ngumiti ang kaibigan. "Since we've become friends at pinagkatiwalaan mo ako sa past mo pinangako ko na sa sarili ko na tutulungan kitang makalimot but I never thought this would happen. I'm afraid that this could be your next heartbreak." "What do you mean?" tanong niya. "You barely knew him, wala ka pang alam sa background niya. Single ba siya?" Natameme siya sa sinabi ng kaibigan. "It's too early para problemahin yang bagay na 'yan." Aniya. "Walang too early sa pag alam ng totoo. You have to know what you're getting into. Iyan lang ang maipapayo ko sa'yo at sana ay huwag mong mamasamain. Mahal kita dahil para na kitang kapatid at ayaw ko na makita kang nasasaktan ulit. If you want to gamble your heart again, at least try to figure out if you're going to win." Mahabang payo ng kaibigan. "I will, thank you..." sagot niya. Lingid sa kaalaman ni Jen ay lihim na siyang nag-iimbestiga sa background ni Pete. He is a certified single. Solong anak siya at ito ang nagmana sa bar na pagmamay-ari ng ama nito. Mataas din ang pinag-aralan ng binata. Natuklasan niya ring panaka-naka itong nagbabakasyon sa pinas at least once a year. Hindi niya alam kung bakit at iyon ang aalamin niya sa mga susunod na araw. "At least kahit papaano ay hindi naman ako magwoworry na maiiwanan kita na mag-isa rito. I know na kaya mo na ang sarili mo. Just promise me na hindi ka uuwi na buntis at mag-isa!" natatawang biro ni Jen. "Sira!" natatawa niyang sigaw sabay bato ng unan dito. Napuno ng hagikhikan nilang magkaibigan ang kwarto dahil nauwi sa harutan at balyahan ang birong 'yon ni Jen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD