"Mukhang ang lalim na naman ng iniisip mo, may problema na naman ba bukod sa pagpapasaway ko sa'yo kagabi?" untag sa kanya ni Jen kinabukasan nang makita siya nitong nakatulala sa kawalan.
"H-huh?" sagot niya sabay baling ng tingin rito. Nakapaghilamos na ang kaibigan at may hawak na ring kape sa kanan nitong kamay nang lumapit sa kanya at naupo sa tapat ng lamesa.
"Mukhang napapalalim na naman ang pag-iisip mo, imbes na mag enjoy ka kagabi, mukhang kabaliktaran yata ang nangyari... Pasensiya ka na pala kung naging makulit na naman ako, ni hindi ko nga namalayan na lasing na lasing na ako kagabi. I don't even know kung paano ako nakauwi dahil ang huling natatandaan ko ay nakayupyop na ako sa may lamesa."
"Ano pa nga ba, e 'di pinasan na naman kita pauwi. Alangan namang gumapang ka mula sa bar papunta dito sa tinutuluyan natin," sagot niya.
"Sorry about that," hinging-paumanhin nito.
"Not a problem!" sagot niya. Dinampot niya na rin ang tasa ng kape at humigop mula roon. Pagkatapos ay muli siyang tumingin sa labas ng bintana. Muli na namang naglaro sa isip niya ang mga nangyari kagabi maging ang pagtatagpo nila ni Pete. Hindi niya pa pala naike-kwento kay Jen ang tungkol sa lalaki.
"Wala ka bang nakitang afam sa bar kagabi? Wala bang naghatid sa'tin kagabi, as in ikaw lang talaga ang nagbitbit sa katawang lupa ko pauwi?" tanong ni Jen na waring nahulaan kung ano ang laman ng isip niya.
"W-wala..." sagot niya.
"Sayang naman kung wala, akala ko pa naman may makikilala tayo na makakapagpatibok muli ng puso mo."
Napailing siya sa narinig. "Kung anu-ano na naman ang naiisip mo, mag almusal ka na nga!" aniya.
"Sure! Mag swimming tayo mamaya ha?" anito.
"Okay." Sagot niya. Hindi siya tatanggi sa pagyakag sa kanya ng kaibigan dahil aayain niya sana ito ngunit naunahan lamang siya. Excited siyang lumabas dahil umaasa siya na muli niyang makikita si Pete. Kai's death leaves a huge void in her heart and now that she is seeing Pete, parang nagkakaroon siya ng pag-asa na muling makapiling ang dating nobyo. Call her crazy but Pete's presence made her feel better. Parang kasama niya ulit si Kai, iyon ang naramdaman niya kagabi.
"Mabuti naman at pumayag ka ng lumabas tayo. Akala ko magmumukmok ka naman dito sa kwarto maghapon. Ni hindi natin masulit itong bakasyon dahil hindi ka naglalabas." Turan ni Jen.
"Kaya nga lalabas na hindi ba?" aniya rito.
"Well, good for you and me!" anito sabay tayo.
"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong niya.
"Saan pa? Maghahalungkat ng swimsuit na maisusuot." Sagot nito sabay kindat sa kanya.
Napangiti siya sa kaibigan. Sa tingin niya ay gusto ring makahanap ng bagong pag-ibig si Jen kaya tinotodo na rin nito ang pagpapasexy. Sa tagal nilang magkakilala ni Jen ay wala pa siyang nababalitaan na naging boyfriend nito marahil ay pihikan ring kagaya niya ang kaibigan.
"Ikaw ba, may isusuot na?" biglang tanong nito.
"Oo naman, may baon din akong bikini." Sagot niya sabay nguso sa gilid niya kung saan naka ready na ang isusuot niya. Ang totoo ay kanina niya pa iyon inihanda.
"Ikaw ha! Akala ko mahihirapan ako sa'yo na dalhin sa labas. Turns out the exact opposite."
"For a change, saka naiinip na rin ako kakatambay dito sa loob. Kagaya nga ng sinabi mo, sayang ang ginastos natin sa trip na 'to kung hindi ko susulitin." Sagot niya.
"That's my girl!" nakangiting sambit ni Jen. Nag thumbs-up pa ito sa kanya tanda na sang-ayon ito sa mga sinabi niya.
Hindi nga nagtagal ay lumabas na sila ni Jen. Kaagad silang nagtungo sa dalampasigan. Maraming mga turista na naglulunoy sa dagat habang ang ibang kababaehan naman ay nagbababad sa ilalim ng haring araw.
"Tara doon tayo!" aniya kay Jen sabay turo sa dati nilang pinagpwestuhan nang nakaraang araw kung saan niya unang nakita si Pete.
"Sige, mauna ka na, susunod ako..." ani Jen. Nakasunod ito sa kanya na naglalakad ngunit abala ito sa pagpapahid ng sun screen lotions.
"Sige," sagot niya. Nagmamadali siyang naglakad patungo sa puwestong iyon sa takot na maunahan siya ng iba. Lalo na at namataan niya ang ilang turista na kadarating lang din at naghahanap din ng mapagtatambayan.
"Hi! We've meet again!" baritonong sambit ng lalaki sa may gilid niya. Natigilan siya saglit sa paglalapag ng tuwalya sa puting buhangin at kaagad na tinunton ang pinanggagalingan ng boses na pinanabikan niya muling marinig.
Napalunok siya ng ilang ulit pagkakita kay Pete. Tinitigan niya ng maiigi ang kabuuan nito. Pinagsawa niya ang sarili na baybayin ang bawat sulok ng katawan nito. Sa tantiya ay lampas 6 foot ang binata. Halata ring babad sa init ng araw si Pete dahil sa pagiging tan ng balat nito.
"H-hi! Magswim ka rin?" kandautal niyang sabi habang hindi inaalis ang mga tingin sa mga mata ng binata.
"Yes, daily routine ko ang magpaaraw muna dito, magbantay na rin sa mga naliligo." Sagot nito.
"I see." Sagot niya. Halos wala siyang maapuhap na salita sa kanyang mga labi. Hindi niya alam kung bakit para siyang nabablangko sa tuwing kausap ang binata. Huli niyang naranasan iyon kay Kai nang magsimula siyang mahulog dito.
"Jera, hello! Don't forget na kasama mo ako rito..." kalabit sa kanya ni Jen na nasa likuran niya na pala.
Ipinakilala niya ang dalawa sa isa't-isa at kita niya ang panlalaki ng mga mata ni Jen nang mapagmasdan nito ng maiigi ang binata ngunit nagpasya itong huwag munang magsalita.
"Nice meeting you, Jen!" nakangiting wika ng binata. "At least hindi ka na tulog 'di kagaya kagabi." Dugtong ng binata.
Namilog ang mga mata ni Jen. "Nasa bar ka rin kagabi? Have we met? Hindi ko matandaan eh! Hindi ka rin naikwento sa akin ni Jera kanina habang nag aalmusal kami," ani Jen.
"Long story, pero yes, nasa bar din ako kagabi. Actually, I own that place and it just happens na nakita ko kayo ni Jera pauwi and I saw your friend having a hard time carrying you kaya nagvolunteer na akong ihatid kayo." Kwento ng binata.
Mas lalong namilog ang mga mata ni Jen sa narinig. "You mean to say-"
"I think, may pupuntahan pa si Pete, huwag na natin siyang abalahin pa, Jen." Saway niya sa kaibigan. Ayaw niyang mapahaba pa ang kwentuhan ng dalawa dahil sa sobrang daldal ng kaibigan ay tiyak niyang bukas pa matatapos ang dalawa sa pakikipaghuntahan.
"Ah, yes! Sorry at naabala ko kayo sa ginagawa ninyo. Nakita ko lang kayo from afar kaya naisipan kong bumati. I'll go ahead then, enjoy!" ani Pete. Pagkasabi niyon ay naglakad na rin paalis ang binata.
"Ouch! That hurts!" aniya matapos niyang maramdaman ang malakas na hampas ni Jen.
"Seriously? Hindi mo sa'kin sinabi na may gwapong afam tayong nakilala kagabi and that guy possibly carried me all the way last night?" ani Jen.
"Alam ko na ang magiging reaksyon mo kaya hindi na ako nagkwento." Sagot niya.
"And one more thing..." ani Jen bago binitin ang sasabihin pa nito. "He does look like your Kai..." pagpapatuloy nito.
Yumuko siya at nagkunwaring abala sa pag-aayos ng tuwalya na uupuan nila.
"Siya ba 'yung nakita mo noong isang araw? At siya rin ba ang dahilan kaya pumayag kang lumabas ngayon?" magkakasunod na tanong ng kaibigan na hindi niya magawang sagutin kaagad.