JERA MEETS PETE

1074 Words
"Do you need help?" tanong ng lalaki sabay sulyap kay Jen na tulog na tulog pa rin na nakaupo. Ang ibang kasamahan ni Jackson ay nakahandusay pa rin sa lupa at wala pa ring malay ngunit wala na siyang pakialam sa mga ito. "No, thanks. I can carry her myself. Thanks for the offer anyway!" sagot niya. "Naglakad na siya papalapit kay Jen ngunit mabilis siyang nahawakan sa braso ng lalaki. Ang response ng katawan niya ay awtomatikong dumepensa kaya naman kaagad niya itong nahawakan sa mga kamay at sinipa ang mga paa nito. Sinamantala niya ang pagkawala ng balanse ng lalaki at mabilis niya itong ibinalibag sa lupa. "Ouch!" hiyaw ng lalaki habang hawak ang balakang. "Good lord, what's wrong with you?! You just attacked me!" hindi mapigilang singhal ng lalaki. "You should have not touch me that way. That was my initial response. I couldn't control myself when my body thinks I am being attacked." "Are you serious?! Jesus Christ! What on earth? How can a woman like have this kind of strength?" "Sorry!" sagot niya habang nakatitig lang dito. Ang totoo ay gusto niyang tumawa dahil sa reaksyon ng lalaki. Sa tingin niya kasi ay gulat na gulat ito sa nangyari at hindi makapaniwala na basta na lang itong naihampas sa kalupaan. "I think you broke my rib, miss!" nakangiwing sambit nito. Marahan pa itong tumayo habang sapo pa rin ang nasaktang balakang. "I said, I'm sorry." Tipid niyang sagot. Hindi pa man ito nagsasalita ay lumapit na siya kay Jen. Wala siyang ibang gusto kundi ang makauwi na sa tinutuluyan nila. Suddenly, she felt tired. "I can still help you if you want. I insist." Anang lalaki. Humugot siya ng buntong-hininga at hinarap ang lalaki. Nasa parte na ito kung saan may liwanag kaya klaro niyang nakita ang mukha nito. Hindi niya mapigilang maiawang ang mga labi ng muling masilayan ang mukhang iyon. Nananaginip na naman ba siya? O pinaglalaruan na naman siya ng kanyang mga mata? "K-kai?" kandautal niyang sambit habang hindi iniaalis ang mga titig dito. "Who's Kai? I'm Pete." Sagot ng lalaki. Ngumiti ito sa kanya sabay lahad ng kamay. "Not Kai..." dagdag nito. Tumitig ito sa kanya na waring nangungusap ang mga mata. Ilang beses siyang kumurap upang mahimasmasan. Hindi niya inaasahan ang ganoong klaseng encounter sa lalaking parang clone ng lalaking dati niyang minahal. Ibig sabihin hindi nga siya namamalikmata nang nagdaang araw. Totoong nakita niya ito. Hindi siya nag iilusyon lang kagaya ng sabi ni Jen. "Maybe I deserve a proper handshake?" muling untag sa kanya ng lalaki sabay nguso sa nakabukang palad nito. Hindi niya mawari ngunit tila wala sa loob na iniabot niya ang kamay niyon na kaagad niya ring nabitawan dahil sa kakaibang kiliti na dulot ng pagkakadaiti ng kanilang mga palad. "I-im Jera..." kandautal niyang sagot. "Great! You've got a beautiful name! It suits you pretty well," anang lalaki sabay ngiti sa kanya. "You're a filipina, right?" "Y-yeah..." "Sabi ko na nga ba eh! Narinig kitang nagtagalog kanina!" masiglang sambit nito. Ang mokong at pinoy pa pala! "Pinoy ka rin?!" maang niyang tugon. "Yup, pero matagal na akong nakatira rito mula ng ampunin ako ng tita ko na nakapangasawa ng lokal dito." Nakangiting sagot nito. "Ako na sa kaibigan mo, just tell me your place at ihahatid ko kayo roon." Hindi na siya nakasagot dahil ang sumunod na sandali ay nakita niya na lang na karga na nito ang walang malay na kaibigan. Pasimple na lang siyang sumunod dito habang nakikinig sa mga kinikwento nito. Anang binata, palagi raw talagang nanggugulo ang grupo ni Jackson kapag nalalasing ang mga ito. Ilang beses na rin itong naireklamo ngunit hindi daw ito nadadala palibhasa ay kabilang ang mga ito sa mayayamang pamilya ng isla. Naikwento rin ni Pete na siya ang nagmamay-ari ng bar na pinuntahan nila ni Jen. Sumunod pala ito sa kanila paglabas dahil may hinala na ito na manggugulo na naman ang grupo ni Jackson. Sa lahat ng kwento ni Pete ay inaabangan niya na banggitin nito ang una nilang pagkikita ngunit sa tingin niya ay limot na ito ng lalaki o hindi siya nito matandaan. "Where did you learn to fight?" untag sa kanya ng lalaki. "H-ha?" wala sa loob niyang sagot. "Ang galing mo makipagbakbakan kanina, paano mo natutunan 'yon? Akala ko magtatawag na naman ako ng mga pulis dahil sa mga mokong na 'yon. Pero nong nakita ko na isa-isang lumipad 'yung mga lalaki napabilib ako. Mukhang hindi mo kakailanganin ng resbak eh!" tila batang kalye na sambit nito. "I learned it from school. Nowadays hindi na nakakagulat na marunong na sa self-defense ang mga kababaehan. We are in the era where most women are empowered, haven't you heard about that?" sagot niya. "Sabagay, pardon me. First time ko kasing makakita ng kagaya mo kaya sobra akong na-amaze." Anang lalaki. Hindi na siya sumagot at tahimik na lang siyang naglakad upang igiya ito patungo sa tinutuluyan nila ni Jen. "We're here!" aniya. Binuksan niya ang pintuan at hinayaang makapasok ang binata. Maingat nitong inilapag si Jen sa bakanteng kama. "Thanks for you help!" aniya. "Want something to drink?" tanong niya. "Salamat pero huwag na. Sawang-sawa na ako sa kakainom ng kung anu-ano." Sagot nito sa kanya. Iginala nito ang paningin sa tinutuluyan nila na waring nag-iimbestiga. "Sa tingin mo ba manggugulo pa sila Jackson?" pagbubukas niya ng usapan. "I think magpapahinga na muna ang mga 'yon, magpapalamig kumbaga. Pero sa tingin ko ay hindi makapaniwala ang mga lokong 'yun sa nangyari. Mag-iingat kayo ng kaibigan mo dahil baka balikan kayo ng mga iyon. Lalo na at napatumba mo sila nang mag-isa." "Too bad they're just gonna lose again. I won't let them harm me or Jen." Sagot niya. "If you need help, pwede ko kayong tulungan. Actually we can file a complaint since sila naman ang nag-amok at pinagbabalakan kayo ng masama." "No need. Sabi mo nga ay anak mayaman ang mga iyon. Makakawala lang din sila at balik na naman sa dating gawi. Mag aaksaya lang tayo ng oras para sa reklamo na wala namang solusyon." "Basta kung kailangan ninyo ng tulong, punta lang kayo sa bar. Palagi akong naroon lalo na sa gabi." Nakangiting wika nito. Pinagmasdan niya ang hitsura ng lalaking nasa harapan niya. Hindi siya maaaring magkamali. Kamukhang- kamukha ito ng namayapang si Kai. Pero kung ito si Kai bakit hindi siya nito makilala at paano ito napunta sa lugar na iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD