Naging mas matalas ang paningin ni Jera sa buong paligid. Hindi na sa kanya iba ang kagubatan kaya malaki ang tiwala niya sa sarili na magagawa niya ang plano nang walang kahirap-hirap. Mabilis siyang nagkubli sa mayabong na parte ng mga ligaw na halaman nang makarinig siya ng paparating na mga yabag mula sa mga taong inaasahan niya. Hindi nga siya nagkamali, sinundan siya ng kabataan na kanina lamang ay parang normal lamang na naghuhuntuhan. Ilang araw na niyang napapansin ang grupong iyon sa labas ng tinutuluyan niya maging sa bar kapag pinupuntahan niya si Pete.
Noong una ay hinahayaan niya lang ang mga ito dahil gusto niya munang makasiguro na siya nga ang minamanmanan ng mga ito at ng mga oras na iyon ay hindi nga siya nagkamali. Siya ang pakay ng mga iyon. Malas lang ng mga ito dahil malakas ang pang-amoy niya.
Tiningnan niya bawat isa sa mga ito at ang una niyang napansin ay may mga dalang sandata ang mga ito. Hindi nakaligtas sa kanya ang baril na nakasukbit sa tagiliran ng ilang kalalakihan.
"Where the hell is she?!" singhal ng isang lalaki.
Mabilis na tinunton ni Jera ang boses nito at kaagad niya itong nakilala. Si Jackson. Sabi na nga ba. Hindi nga siya nagkamali. Alam niyang babalikan siya ng mga ito at nagpalamig lamang. Akala siguro ng mga ito ay magpapakampante na lang siya at hindi niya mapapansin ang pagmamatiyag ng mga ito sa bawat kilos niya.
Mayamaya pa ay nagsitakbuhan na ang nasa may walong kabataan, kabilang ang tatlong babae. Nang makalayo ang mga ito ay saka naman siya kumilos. Gagamitin niya ang mga trap para sa mga hayop laban sa mga ito para hindi maghinala ang mga tao na gawa niya ang mga iyon. Alam niya kung paano hanapin ang mga trap dahil isa iyon sa pinag-aralan niya noong nasa poder pa siya ni Yelena. Alam niyang sa bawat trap ay may mga ginawang palatandaan ang mga naglalagay nito upang sila mismo ay makaiwas sa sarili nilang bitag at iyon ang pakay niya.
Maingat ang bawat kilos niya. Tinitiyak niya na bawat kilos niya ay hindi siya mapapahamak. Dala niya ang cloth gloves na kinupit niya pa mula kay Pete nang minsang nagawi siya sa tinitirhan nito. Kailangan niyang magsuot niyon upang wala siyang fingerprints na maiwan sa bawat bagay na mahawakan niya. Mas lalo niya pang binilisan ang pagkilos dahil marami siyang kalaban na haharapin. Noong una ay ayaw niya sanang patulan sila Jackson ngunit sa pag-iimbestiga niya ng palihim ay nalaman niyang miyembro ang mga ito ng isang gang kung saan si Jackson mismo ang lider. Hindi nakaligtas sa pang-amoy niya ang mga katarantaduhan ng mga ito. Hindi deserve na mabahay ng grupong iyon dahil hindi ito mga takot pumatay alang-alang sa samahan nila. Maraming buhay ang nasayang at nasira dahil sa grupo ng binata. May mga nakabinbin pa ngang kaso ang mga ito ngunit laging nakakawala dahil sa lakas ng impluwensya ng mga magulang. Sorry na lang sila dahil nagtagpo sila ng landas.
"There you are! Where have you been, we've been looking for you like crazy! You're pretty good at hiding, huh? Good thing, I saw you already, what a relief!" anang isang tinig ng babae mula sa likuran niya. Napatigil si Jera sa ginagawa at nilingon ito.
"Why are you looking for me? Do we have a problem, dear?" painosente niyang tanong. Tumayo siya at nagpagpag ng kamay. Pasimple niyang sinulyapan ang patibong na nasa tagiliran niya. May malalim na hukay doon at sa ilalim ay may mga matutulis na kahoy. Kahit sinong mahulog doon ay tiyak na tatalunin ang barbecue sa pagkakatuhog.
"I believe we have, I found out what you did to my boyfriend. I think you did something really nasty recently and we want to punish you for that." Nakangisi nitong sagot at nagpalinga-linga.
"You're Jackson's girl?" tanong niya.
"Yeah, we've been dating for a year now and I found out what you did to him and to his friends. You made me sick to my stomach that there's no amount of medicine that I can consume to make me feel better." Sagot nito habang lumalapit sa kinaroroonan niya. "You're a nobody. You're just a tourist, you know nothing about this island. Judging your looks, everyone will think and believe that because of your ignorance, you just died alone in this jungle..." dagdag nito sa nanunuyang tinig.
Napansin ng dalaga na may hawak itong kutsilyo sa kanang kamay.
"Well, you're right... I'm just a tourist, a nobody. But that doesn't mean you have the rights to manipulate people like me. Stop toying people around because you might not know what you are getting. Your boyfriend wronged me and my friend. What do you expect?" aniya.
"Shut up! Jackson would never do that! He told me that you flirted with him first! And because he's drunk, he has no control over his mind and body and you grab that opportunity! I am going to kill you, b***h!" gigil nitong sigaw.
Napangisi si Jera. Sayang lamang ang ganda ng babaeng iyon at napunta lang sa masamang lalaki. "Relax! That's not how you murder someone, dear! You must know how to do it the right way!" pang-uuyam niya.
Napakunot ng noo ang babae. "What do you mean? Are you trying to tell me that I'm a fool?!"
"A serial killer won't tell his victim that he is going to kill that person. Instead, he will move as quite as possible so he could do his thing according to his plan." Sagot niya. "Now that you already told me about your plans of killing me, do you think I'll let you cut my life just like that?" dagdag niya.
"You're good as dead, this time! We've got you! My friends won't let you out in this forest alive!" angil nito.
"We? Aren't you alone? Are you that strong to do it by yourself? Are you sure?" pang-aasar niya pa.
"Of course! If killing you will make Jackson the happiest man alive, I'll do whatever it takes to do it with my bare hands!" hiyaw nito. Nanlilisik na rin ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
"Stupid little girl! If I were you, I'll run away as fast as I could and I will never come back. Your boy isn't a good man to begin with! Why would you waste your time and your precious life over a man who wants to hit with my friend just because he's drunk?! Are you that crazy or you're just dumb stupid?!"
Namula ang mukha ng babae pagkarinig sa sinabi niya.
"Damn you, I will kill you f*cking wh*re!" nanggagalaiti nitong sigaw sabay takbo papalapit sa kanya. Tinantiya ang bawat galaw nito at nang sa tingin niya ay oras na ay bigla niya itong tinisod dahilan upang mawalan ito ng balanse at dire-diretsong mahulog sa malalim na patibong.
Kita niya ang pagtagos ng matutulis na kahoy sa katawan nito habang malaya namang umaagos ang sariwang dugo nito pababa sa lupa. Ni hindi na gumagalaw ang babae tanda na nalagutan na nga ito ng hininga.
"Oops, sorry! I forgot to tell you about that pit." Sambit niya. "I know it hurts, but what can I do? I didn't do that trap, it just that... somebody dig your grave for me and I just use it for a while, but don't worry. Your friend will certainly find you. I promise!" anas niya.
"Ivanka, where are you!" hiyaw ng lalaki sa hindi kalayuan. Marahil ay hinahanap na nila Jackson ang nobya. Mabilis siyang kumaripas ng takbo papalayo roon. Hahayaan niyang makita ng lalaki ang sinapit ng nobya nito.