Hindi naging mahirap sa kanya ang pagstay sa isla sa tulong ni Pete. Palagi itong nakaalalay sa kanya at aaminin niyang nagdadala iyon ng kakaibang kilig sa kanya. Bukod sa pagiging malambing at maaalalahanin ng binata ay hindi rin ito nagkulang sa mga pangangailangan niya. Dumating pa nga sa punto na inaya siya nito na sa bahay na nito siya tumira habang naroon siya. Noong una ay gusto niyang tumanggi pero baka mapilit din siya nito sa katagalan.
"Ang ganda ng umaga, parang sarap mamundok..." usal niya habang nasa labas siya ng tinutuluyan niya. Nakatingin siya sa gawing likod ng tinutuluyan niya. Ang sabi ni Pete ay kagubatan pa ang lugar na iyon at hindi pa nadedevelop. Hindi pwedeng mag hiking ang mga turista roon na walang kasamang tour guide dahil maraming mapanganib na hayop ang nakatira roon maliban sa may mga parte ng gubat na matarik. Dagdag pa ni Pete ay kailangan ng matinding pag-iingat at gabay ng tour guide ang mga mamumundok doon dahil maraming trap para sa mababangis na hayop sa gubat. Delikado raw pumasok sa gubat na iyon lalo na kung hindi alam ang pasikot-sikot sa buong lugar.
Natigilan siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Nakita niyang si Jen ang caller kaya kaagad niya iyong sinagot habang nakatingin sa mangilan-ngilang mga tao na nakatambay sa dalampasigan. Ang ilan ay malapit na sa kinaroroonan niya napiling tumambay dahil may parteng malilim sa gawi niya.
"Hey, Jen!" malakas niyang sambit. Naupo siya sa silya na yari sa plastic at prenteng naupo. Kumaway pa siya sa isang babaeng nakatingin siya, marahil ay naulinigan nito ang malakas niyang boses.
"Kumusta ka na? Hindi ka na talaga umuuwi, mukhang napapasarap tayo ah!" biro nito na may halong paninita. Hindi niya tuloy maiwasang hindi matawa dahil sa bungad ng kaibigan.
"Well, just like what I've said, I love this place so much!" malakas niya ulit na sambit.
"Pansin ko nga! Hindi ka ba nabobored diyan? I mean, isn't it tiring na iisang mukha lang ang nakakasama mo at nakikita araw-araw at same activities din ang ginagawa mo?"
"Who told you that I'm not bored? Actually, I've been planning to go on a hike!" aniya sabay tingin muli sa kagubatan na tinitingnan niya lang kanina.
"Hike? Have you gone nuts?! Ano na naman nakain mo, napagod ka na ba sa kakahanap ng siyokoy at kapre naman ang hanap mo ngayon?!" eksaheradang sambit ng kaibigan.
"Relax, will you? I just need to do something out of ordinary. I think it would be fun inside the jungle. Nakakapagod makakita ng iisang mukha sa bawat umaga." Aniya habang nakangisi. Muli siyang napatingin sa babae at nginitian ito ng matamis. Gumanti naman ng ngiti ang babae at gumanti rin ng kaway sa kanya.
"Hay naku, Jera! Hindi ko na alam kung ano ba ang trip mo. Bahala ka sa gusto mong gawin, basta be safe out there! May dala ka bang gamit sa paghahike?" tanong nito.
"Not really, but I think I can manage naman," sagot niya. "Paano, I got to go?" aniya.
"Okay, call me when you're home!" bilin pa ng kaibigan.
"Yes, boss! Anything that can make you sleep at peace tonight!" playful niyang sagot bago pinutol ang tawag. Tumayo na siya sa pagkakaupo at inihanda ang mga gamit. Mabuti na lang at may backpack siya. Kumuha rin siya ng dalawang bote ng tubig at isinilid iyon sa bag. Nagdala rin siya ng insect repellant, ilang pirasong damit at ang swiss knife na dala niya pa galing Pinas. Hindi na niya dinala ang cellphone niya dahil ayaw niya muna ng kahit na anong gadget. Gusto niyang namnamin ang kalikasan pag-akyat niya ng bundok. Sigurado naman siyang hindi tatawag sa kanya si Pete dahil tiyak niyang mahimbing ang tulog nito ng umagang iyon. Nang matapos sa ginagawa ay maingat siyang lumabas ng pinto.
Naroon pa rin ang ilang kabataan sa pwesto nito at naghuhuntahan.
"Where are you going?" tanong ng babaeng kumaway sa kanya kanina.
"To the forest," maiksing sagot niya ng nakangiti. Itinuro niya rin ang pupuntahan niya para alam ng mga ito kung saan siya pupunta at nang hindi na mag usisa pa.
"Do you have someone to accompany you? Going there is dangerous, do you have a death wish?" sabad naman ng isang lalaki.
"Yeah, he's right! The locals planted too much animal trap inside that forest. Plus the animals itself is kind of scary. You better think twice going in there all by yourself!" paalala naman ng isa.
"No, I don't have a death wish! I just want to unwind, you know?" aniya. "I need to go, bye!" aniya. Nagmamadali siyang humakbang papalayo sa mga ito. Bago siya pumasok sa gubat ay muli siyang luminga. Nakita niya pa rin na hinahatid siya ng tanaw ng mga kabataang iyon. Napailing na lang siya. Ano akala ng mga ito sa kanya, tatanga-tanga?
Sinamyo niya ang mabining hangin na yumakap sa kanya bago niya tuluyang pinasok ang kagubatan. Nakakita siya ng tuyong sanga ng kahoy at kinuha niya iyon para gawing tukod at pantaboy ng ahas. Medyo masukal ang bahaging iyon ng gubat at hindi ganoon ka visible ang trail. Sa tingin niya ay kailangan niya talaga ng ibayong pag-iingat sa bawat hakbang niya. Hindi siya nagmadali sa pagsuot sa gubat. Pasipol-sipol pa siya habang naglalakad. Minsan naman sy kumakanta siya ng may kalakasan kasabay nang pahuni ng mga ibon.
Nakaramdam siya nang pagkasabik ng makarinig ng malakas na lagaslas ng tubig. Sa hinuha niya ay may hidden falls sa gubat at nakalimutang banggitin sa kanya ni Pete. Binaybay niya ang tunog ng tubig at napangiti siya nang bumungad sa kanya ang malinaw na tubig mula sa maliit na talon. Parang nag aanyaya sa kanya ang tubig.
"Looks like a paradise..." mahina niyang bulong. Mayamaya ay sumilay ang ngisi sa kanyang mga labi. Kinuha niya ang panali niya ng buhok at itinali ito. Isinuot niya rin ang bucket hat niya at pagkatapos ay muling nagpatuloy sa paglalakad papalapit sa talon. Bahagya siyang nagtampisaw sa malamig na tubig at nang magsawa ay muli siyang tumayo. Tinawid niya ang maliit na sapang iyon at muling nagpatuloy sa pag-akyat sa kasukalan.
"Hmm, mukhang hindi lahat ng hayop ay takot sa trap..." anas niya. Nakita niya kasi ang isang baboy ramo na inilagan lang ang isang trap sa gilid nito. "And so does people..." dagdag niya kasabay ng mahiwagang ngisi.
Hindi nakaligtas sa pandinig ni Jera ang mangilan-ngilan na boses mula sa 'di kalayuan.
She knows what has to be done. She sprinted like a rabbit and giggle like a total maniac. The most exciting part of her plan is about to unfold before her eyes.