"We slept together," bungad niya kay Jen nang sagutin ng huli ang tawag niya kinagabihan.
"Wait, what?! I beg your pardon?" gulat na sagot nito sa kabilang linya. Sa lakas ng boses nito ay kinailangan niya pang ilayo ang phone sa taenga niya.
"I said, we made love..." malumanay niyang sagot.
Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa paligid bago muling nagsalita si Jen. Hindi na ito nakasigaw sa halip ay biglang naging malumanay ang boses nito.
"That's not how you call it, Jera. I think you're confuse right now."
"Paano mo naman nasabi 'yan?"
"Look, we're not young anymore to know the difference of making love and plain s*x, how can you say that you both did it out of love? You barely knew each other and I doubt it kung ginawa mo 'yan while thinking he is Pete or kaya ka lang pumayag na may mangyari sa inyo because you were thinking he was Kai." Mahabang litanya nito.
"Part of," pag-amin niya.
"See! Hindi ako nagkamali! And how about Pete? Ginawa niya ba 'yan because he really likes you o baka naman dahil lang sa lust? C'mon, Jera, pull yourself together, this isn't you!" ani pa ng kaibigan.
Marahas na napabuntong-hininga ang dalaga. Alam niyang babanatan siya ni Jen kapag sinabi niya ang nangyari sa kanila ni Pete but she can't help it. After years of being alone, ang pagkakaroon ng isang Jen sa buhay niya ay malaking blessing. She's her confidante.
"I know what you're thinking, Jen. I'm sorry if I freaked you out," hinging-paumanhin niya,
"Yes, you should! Umuwi ka na rito sa Pinas. You've done so much out of curiosity. It's time for you to face the reality now, Jera." Utos ng kaibigan. "Let's just say na nadala ka lang sa bugso ng damdamin mo nang may mangyari sa inyo. I think, kahit naman si Pete ay ganoon din ang tingin sa nangyari between the two of you. Umuwi ka na, okay? Don't embarrass yourself even more!"
"I'm not going home. I'm not done yet!" sagot niya sa matigas na tinig. She was so invested with Pete that she's not yet ready to let go.
"Jera naman, ano pa bang gusto mo? Maulit na naman ang nangyari sa inyo? You don't even know that guy! Paano kang mabuntis ka at hindi ka pangatawanan niyan?"
"I'd be happy to keep the baby." Sagot niya.
"I know, you will! Good lord, ang hirap magpalaki ng kaedad ko, ano?!" asik sa kanya ng kaibigan.
Hindi niya mapigilang hindi mapahagikhik sa reaksyon ng kaibigan. Kung kaharap niya lang ito ay paniguradong tumatalsik na laway nito sa kasesermon sa kanya.
"Seriously, Jera... please come home. That place wasn't safe for you." Seryosong sabi nito.
"I'm sorry, Jen... Pero uuwi lang ako kapag naramdaman ko ng it's time to go home. Sa ngayon, masaya ako na kasama ko siya. Pakiramdam ko bumalik ako sa mga panahong kasama ko s-"
"That's it! Your obsession with your past is not healthy for you! You are fooling yourself and that man. Aren't you afraid kung saan ka dadalhin niyang nararamdaman mo?" kastigo ng kaibigan.
"Saka ko na lang iisipin 'yan kapag nasa harapan ko na, sa ngayon ay magpapakasaya muna ako habang may pagkakataon pa. Ibalato mo na lang sa'kin ang bagay na 'to, please?" pagsusumamo niya sa kaibigan.
"I guess wala akong magagawa dahil ikaw na mismo ang nag desisyon niyan. You're old enough to carry yourself pero sana Jera, you still know your limit. Mahirap malunod sa isang ilusyon na isang araw ay biglang mawawala sa'yo at natatakot ako kung paano mong tatanggapin ang mga bagay na iyon. Pero sabi mo nga, saka na natin isipan kapag nandiyan na." Ani Jen.
"Sorry to disappoint you at salamat na rin kasi kahit papaano, you choose to understand me this time."
"Ano pa nga bang magagawa ko, kaibigan kita eh! Natatakot lang ako at nabibigla sa mga ganap mo diyan!" sambit nito. "Balitaan mo na lang ako kapag pabalik ka na para ako susundo sa'yo sa airport. Basta mag-iingat ka riyan, okay?"
"Sure thing! Thank you!" masiglang sagot niya.
"Kung wala lang akong trabaho, babalik ako diyan at ako na mismo ang kakaladkad sa'yo pauwi! Kaso hindi na kaya ng budget ko kaya hanggang himutok na lang ako dito!" hirit pa nito. Ramdam niya ang inis ni Jen ngunit ayaw niyang pagtuunan ng pansin ang bagay na iyon.
"Don't worry, mag-iingat naman ako." Sagot niya na lang rito.
"I know..." malamyang sagot nito.
Pinutol na ni Jen ang tawag na hindi niya pa pala naitatanong dito ang tungkol sa sinabi ni Pete kanina na sinabi ni Jen sa binata ang nakaraan niya. Saka na lang siguro niya itatanong sa kaibigan kapag nagkita na ulit sila ng personal. Sa ngayon ay maghahanda muna siya sa pagpunta sa bar ni Pete. Pinapapunta siya nito roon kaya iyon ang gagawin niya.
Some people may not understand her purpose. Maging siya man ay hindi niya maintindihan ang sarili. Ngunit anuman ang mangyari ay nakahanda naman siya na harapin ang dulo ng ginagawa niya. Basta sa ngayon ay hahayaan na muna niya ang sarili na maging masaya sa piling ni Pete kahit sa panandalian lamang.
Nagpasya siyang tumayo para maligo muna. Pagdating niya sa kamay ay naghubad siya ng suot na damit. Saka pa lang niya nakita ang kahubdan nang matapat siya sa malaking salamin. She saw a hickey on her left breast. Hindi niya namalayan na nalagyan siya ng bagay na iyon ni Pete. Siguro ay sobra siyang focus sa galing nito sa pagpapaligaya sa kanya na hindi na niya namalayan na nag iwan ito ng ebidensya sa unang pagniniig nila. Bahagya pa siyang lumapit sa salamin para masipat iyon ng maiigi.
Papasok na sana siya sa loob ng shower ng bigla siyang matigilan. Muli siyang bumalik sa harapan ng salamin at sinuri ang namumulang parte na iyon ng maselang parte niya. Pagkatapos ay napalunok siya nang ilang ulit ng mapagtanto niya na ganoon na ganoon si Kai noon sa tuwing nagniniig sila. Ang sabi kasi nito ay hindi nito mapigilan ang gawin iyon lalo na kung gigil na gigil na ito sa kanya.
"What the hell is this? Coincidence? But how?" usal niya habang nakatitig pa rin sa repleksiyon niya sa salamin. Ilang minuto rin siyang nasa ganoong posisyon. Tulala at hindi alam ang gagawin. Muli na naman siyang nahulog sa malalim na pag-iisip.
"Sino ka nga ba, Pete? Ikaw ba si Kai? But how? Kung ikaw nga si Kai bakit hindi mo ipinakikilala ang sarili mo sa akin?" Nagugulumihan niyang usal. Ilang minuto pa muli ang pinalipas niya hanggang sa nagpasya siyang ituloy ang balak na pagligo. She's still sore down there but she doesn't care. Mas lalo siyang nagkaroon ng rason para manatili sa islang iyon!
"I will uncover the truth whatever that is!" pangako niya sa sarili.