Capitulo 13

1279 Words
Abala ako sa pag hahanap ng pwedeng ipantakip sa leeg ko ng marinig kong may kumakatok sa kwarto kaya agad kong kinuha sa banyo ang twalyang pampaligo para ilagay sa leeg ko saka binuksan ang pinto. "Magandang hapon Ma'am Amber." "Hello po. Ikaw po si Aling Mylene?" "Ako nga. Kilala mo na pala ako." "Opo, nakita ko po kayo kanina sa hallway." "Ah ikaw po pala 'yung nakita ko rin kanina sa tapat ng kwarto ni Sir Jonah." "Ah..eh.. Ano po.." Biglang natawa ng mahina si Aling Mylene kaya nakaramdam ako ng hiya. Nakita niya pala ako kanina. "Wag kayong mag alala Ma'am Amber, malaya kayong gawin kung anong gusto niyong gawin sa bahay na ito." "Ah.. Salamat po. Wag niyo na po akong tawagin Ma'am. Nakakahiya naman po." "Pasensya na, hindi ako sanay tawagin ka sa iyong pangalan lamang." "Ganun po ba." Napansin ni Aling Mylene ang pagkakapulupot ng tuwalya sa leeg ko dahil kita ko ang pagkunot ng noo niya. "Maliligo ka Ma'am Amber? Tulungan na kitang ihanda ang pampaligo mo." "Ay hindi po Aling Mylene. Ano po kasi.." Natigil ang pag uusap namin ng may narinig kaming isang boses ng lalaki. Bisita ata dahil sigurado akong hindi boses 'yon ni Jonah. "Mukhang may bisita ata Aling Mylene." "Si Sir Gloryvale." "Sige po Aling Mylene. Baka kailangan po kayo sa baba. Susunod nalamang po ako." "Sigurado ka Ma'am Amber? Ikaw ang priority namin sa bahay na ito." "Okay lang po ako Aling Mylene. Wag kayong mag alala." Nag paalam muna si Aling Mylene at ako naman ay ipinag patuloy ang pag hahanap ng pwedeng pantakip sa leeg ko. Sa tabi ng kama ko ay napansin kong may pinto kaya binuksan ko ito. "Wow!" Walk-in closet pala ito. Ang daming damit, bag, sapatos at kung ano-ano pa. Para akong pumasok sa isang boutique sa dami kaya naman nag hanap kaagad ako ng scarf ngunit ng mapagtanto kong nakasuot pala ako ng dress, parang hindi naman bagay ang scarf sa dress kaya naman nag hanap pa ako hanggang sa may nakita akong turtleneck na kulay peach. "Kahit mainit ngayon titiisin ko nalang kesa may makakita pa ng leeg ko." Napabuntong hininga nalamang ako saka nagpalit ng turtleneck at white jeans. Matapos kong mag palit ay lumabas na ako't bumaba kung saan nakita kong may nakaupong lalaki sa couch at nag ce-cellphone. Napansin niya ata kaagad ang presensya ko kaya nadako ang atensyon niya sa'kin. Siguro mga nasa late 20's na rin ang lalaki, maganda rin siyang magdala ng damit at parang may lahing puti. Parang may hawig siyang konti kay David Beckham nung kabataan niya.  "Good afternoon po." "Good afternoon too. Have we met before?" "Hindi ko po alam. Gusto mo ba ng kape?" "No, thank you. I'm Gloryvale by the way." Tumayo siya't lumapit sa'kin para makipag kamay. Tinanggap ko naman ito at sinabi rin ang pangalan. "Amber po." "Amber. Yeah, I remember you now. We've met before." "Talaga po? Saan?" "In Urban. You're the bartender who console me after my girlfriend left me." Oh. Oo nga. Naalala ko na siya. Siya yung ginawan ko noon ng customize drink. Naka lima ata siya ng order nun. "Oh.. Ikaw po yung ginawan ko ng Ghosting." "Exactly." "Kumusta na po kayo?" "I'm okay. Will you stop the po? I'm just 29." "Sorry." Ngumiti siya sa'kin pero nawala lang din 'yon at napalitan ng pagtataka. "So why are you here in Jonah's house?" "Dito ako pansamantalang nakatira. Pero aalis din ako agad pag tapos na ang lockdown." "I see. How are you related to him?" "She's my ex." Pareho kaming napalingon sa pinto at nakitang papalapit si Jonah. Seryoso ang mukha niyang tumabi sa'kin at tiningnan si Gloryvale. Kung ice cream siguro si Gloryvale malamang tunaw na ito ngayon. "Napadaan ka Gloryvale?" "I came here to apologize again. I heard my little sister did something not nice to you." "Sanay na ako sa kapatid mo. Wag niya nalang uulitin. Makaka uwi ka na." Agad tinalikuran ni Jonah si Gloryvale at nag simulang humakbang papuntang hagdan. Nagkatinginan naman kami ni Gloryvale at hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pag ngisi niya.  "Now I know." "Haah? May sinasabi ka?" "Nothing. Well, seems like the king of this house doesn't want me to be here for now. I should be going." "Aalis ka na? Wala man lang kaming napainom o napakain sa'yo." "No need. I'm okay though I'd love to have again the Ghosting." "I can make one for you. May bayad nga lang, syempre." "Haha! Of course. It was nice meeting you Amber." "Nice meeting you rin." Aabutin ko na ulit sana ang kamay ni Gloryvale ng biglang may humila sa'kin. "Go home now Gloryvale. Let's meet in the office." Wala na akong nagawa dahil hila hila na ako paakyat ni Jonah kaya naman kumaway nalamang si Gloryvale at saka umalis na tumatawa. Dinala ako ni Jonah sa kwarto niya at ini-lock ang pinto. "Anong problema mo?" "Ikaw, anong problema mo? Why are you talking to strangers?" "Hindi naman siya stranger. Nagkakilala na kami sa club at isa pa, magkakilala naman kayo. Nagiging hospitable lang ako." "Nilalandi ka ba nun?" "Ano? Hindi. Ba't mo nasabi 'yan? Kung may malandi man sainyong dalawa ikaw 'yun." "Me? A flirt?" "Yes, you are a flirt. Kung wala sanang nangyari sa'ting dalawa hindi sana ako nag titiis sa turtleneck ngayon. Ang init pa naman." Nag cross arms ako at inirapan siya. Nakakainis namang lalaki 'to, paranoid. Pero mas lalo lamang akong nainis ng makita kong nakangiti siya ng nakakaloko sa'kin. "Diyan ka na nga." "Wait." Hinawakan niya ang braso ko't ihinarap niya ako sakaniya. Bigla niya rin ibinaba ang turtleneck ko kaya nakita niya ang kalokohang iniwan niya sa'kin. "Beautiful." "Iniinis mo ba ako lalo? Anong beautiful diyan? Kita mo na ang ginawa mo sa'kin? Naku, ilang araw pa ako nitong mag turtleneck." "Sorry." Yung pagkaka hawak niya sa braso ko ay biglang nalipat sa baywang ko at tiningnan niya ako na para bang walang ginawang kasalanan. "Ewan ko sa'yo." "Anong gusto mong gawin ko para patawarin mo ako?" "Wala." "Please Amber.. Forgive me. Pretty please." Nagpout pa siya. Wait what? He's pouting? Syete, nasa kwarto ko yung cellphone ko kaya hindi ko man lang tuloy mapicture-an siya ngayon. "Hindi mo ako madadala sa pag papacute mo." "Hmm.. Mukhang maniniwala na ako ngayon sa kasabihang kung hindi mo madadala sa santong dasalan, sa santong paspasan nalang." After saying those words he claimed my mouth. And again, my body's betraying me. I realize I'm responding again to him. Humiwalay lang kami ng pareho na kaming kinakapos ng hininga. Idinikit niya ang kaniyang noo sa noo ko at pumikit. Nanatili kaming tahimik, parehong nag hahabol ng hininga at nakikiramdam sa bawa't isa. "Am I forgiven?" "Wag ka ng uulit ah." "Yes Ma'am." "Good." Binigyan niya ulit ako ng mala boy next door niyang ngiti bago humiwalay sa'kin. Sinabi rin niyang hintayin ko siyang matapos mag shower at mag palit ng damit at sabay na raw kaming bababa at kakain ng dinner. Habang nag aantay sakaniya ay naisipan kong lumabas sa balkonahe. Maraming bituin ngayon at medyo malamig ang simoy ng hangin kahit hindi pa tag-ulan o Ber months kaya okay lang naman pala ang suot ko ngayon. Iginala ko rin ang paningin ko at sa tingin ko nandito pa rin naman ako sa Manila sapagkat may nakikita pa rin kasi akong nagtataasang mga gusali kahit medyo malayo ito sa lugar na ito. Habang abala ang mga mata ko sa pag sa-sight seeing ay naramdaman ko nalamang may yumakap sa'kin mula sa likod. "Baka lamigin ka." "Naka turtleneck ako remember." "Oo nga pala. So, what can you say about the view from here?" "Maganda. In fairness, may lugar pa pala rito sa Manila na may sariwang hangin." "Kaya nga ito yung napili kong lugar para rito sa bahay. I'm glad you like it. Halika na, dinner na tayo. Ginutom mo ako." "Wow, ako pa talaga ang sinisi mo." Tumawa siya ng bahagya at ngumiti sa'kin at nag pasalamat. "Para saan?" "For not loving me. Hindi mo na ako mahal diba?" "Hindi na nga." "I thought so." Hinawakan niya ang kamay ko't sabay na kaming bumaba para mag dinner. Ang weird, ba't lalong sumaya siya ng sinabi kong hindi ko na siya mahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD