Matapos ang buong araw kong pag dadriver ay dumiretso na ako sa club kung saan ang pangalawa't pang gabi ko namang trabaho. Nagtatrabaho ako rito bilang flairtender. Mabuti nalang pala at ito ang napili kong short course noong college dahil malaki rin ang kinikita ko rito kahit papano.
"Hello Amber."
"Magandang gabi chief."
Sumaludo ako sa security guards namin saka pumasok.
Maganda at masaya ang flairtending. Pero di ko pa rin maiwasang mang hinayang na hindi ko natapos ang kurso kong HRM. Nagkaroon kasi kami noon ng financial crisis kaya bilang panganay, ako na ang nag paubaya. Hindi bale, basta ba ang dalawa kong kapatid maging okay lalo na't hindi magtatagal ay magkakaroon na ako ng college graduate na kapatid which is another motivation para mag trabaho ako ng maigi. Wala naman akong problema sa bunso namin dahil konti lang ang bayaran sa public school at matagal pa bago siya mag kolehiyo kaya malamang makakapag ipon pa ako para sakaniya.
"Mukhang pagod na pagod ka ah."
Nadatnan ako ni Rhem sa locker room na naka upo sa isang sulok. Isa rin siyang flairtender gaya ko. Mabait siya pero malandi which is an asset for him dahil marami siyang customer na babae. Kung di ko nga lang 'to kilala aakalain kong may gusto 'to sa'kin eh.
"Medyo. Huli kong customer pinag buhat pa ako ng groceries niya."
"Seryoso? Halika nga rito."
Di pa man ako pumapayag ay hinila niya ako palapit sabay harap ng likod ko sakaniya. Nilagay niya ang kaniyang kamay sa balikat ko at minasahe ng dahan dahan.
"Teka.."
"Sshh.. Relax. Akong bahala sa'yo."
Di na ako tumanggi dahil masakit nga talaga ang likod ko. Masarap ang masahe ni Rhem, parang di lalaki ang nagmamay ari ng kamay na nasa likod ko ngayon dahil sa sobrang gaan. Hindi ko rin sinasadyang mapa ungol. Narinig kong tumawa siya ng konti.
"Sarap?"
"Masarap."
"Dapat pala gawin natin 'to bago mag work."
"Oo nga."
"Natatawa tuloy ako, baka may nakakarinig sa'tin."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Alam mo na, baka kung anong isipin ng makakarinig sa'tin."
"Haha! Wala naman tayong ginagawang masama."
"Sabagay. Oh ayan, tapos na. Feel better?"
I nod at him and said my thank you. After an hour, nag bukas na ang club. As usual, mas marami ang tao kapag malapit na ang weekend. Di rin nag tagal ay nakita ko na si Tokyo na papalapit.
"Himala, mag isa ka."
"Yeah. Literal na alone time muna."
"Okay. So what would you like to have?"
"Two buckets. The usual."
"Any additional?"
"Pistachio."
"Alright, coming right up."
Maluwag pa ang schedule ko from 10pm-12am. Yung mga nag O-OJT muna ang bahala sa ganiyang oras under our supervision ni Rhem. Nagsisimula kami mag flairtending ni Rhem 12am-3am dahil yun ang peak ng party. Kaya naman pwede pa akong makipag usap kay Tokyo. Pag katapos kong ihanda ang order niya ay naupo ako sa kanto ng bar malapit sakaniya.
"Sigurado ka na riyan sa alone time mo?"
"Yes. Bakit?"
"Wala naman. Nakakapanibago lang. As in wala kang kikitaing babae ngayon?"
"Nah, I had an intense last night. Pahinga muna si Tokyo junior."
"Marunong ka rin pala mag pahinga kahit papano."
"Oo naman. Twice or thrice a week is enough. Pero intense naman lahat ng yun. Besides, nag tatrabaho rin kaya ako nuh."
"Okay. Sabi mo eh."
"So that only means tonight tayo ulit ang mag ka-date."
"Seems like tayo nga ulit. Pero mukhang disappointed ka pa ata."
"Of course not. Nakikita mo 'yang mga lalaking 'yan?"
Tinuro sa'kin ni Tokyo ang isang grupo ng mga kalalakihan na nakatingin sa direksyon namin. Mukhang mga nag aaral pa ang mga 'to.
"The moment I arrive I already notice them staring at you. May nag tutulakan pa nga, seems like they are about to approach. Natigil lang ng dumating ako."
"Baka naman mag oorder lang."
"Nah. Trust me, I'm a man. I know those kind of stares and as if I'll let them get near you. I know I like you to date someone but not them, hindi pwede ang bagito."
Natawa naman ako sa pa-bagito niya. I look at Tokyo who's almost done with his fifth bottle of beer. Ang bilis talaga nitong uminom.
"Have you tried dating apps?
Sasabihin ko ba sakaniya na nag install ako kanina lang? Baka pagtawanan ako eh. Kaya sinabi ko nalang..
"Hindi. Anong mapapala ko dun?"
"Well? Aside from a date, there's a possibility of you having a boyfriend. s*x is a perk too."
Binato ko ng pistachio ang siraulo kong kaibigan habang pareho kaming tumatawa.
"Baliw."
"Pero seryoso Amber, its been how many years now, you're 27. You know what I mean right?"
"Oo naman. Darating nalang 'yan. Ano ka ba. Also, it's hard to find someone na magiging compatible kami."
"I don't think it's about compatibility. Either you have high standards which is actually true or you still love your ex."
Napaisip na naman tuloy ako sa sinabi ni Tokyo. Well, it's almost 6 years since my last relationship nga naman. May nagtangka rin namang manligaw pero ewan, wala akong napusuan sakanila. High standards? May kaniya kaniya naman tayong standards. Dahil nga ba kay Jonah? Mahal ko pa ba 'yun? Eh iniwan nga ako eh.
"Hoy, you okay?"
My reverie got cut off when Tokyo snapped his fingers in front of me.
"So you're still in love with that guy huh?"
"H-hindi. Matagal na akong naka move on kaya."
"Oh yeah. Naka move on ka na nga talaga sa lagay na 'yan."
Tokyo smirked while drinking his 6th bottle of beer.
"Oo nga. Kahit pa magpakita pa yun sa harap ko wala na akong nararamdaman."
Napainom na rin ako ng beer dahil sa pinag uusapan namin ni Tokyo. Ngunit from a smirk, I see Tokyo's lips formed a Cheshire cat's smile.
"Sure ka?"
"Oo."
"Promise?"
"Oo."
"Mamatay man ang kuko mo sa paa?"
"Oo. Ba't nadamay pa ang kuko ko sa paa?"
"Well, would you look at that. Speaking of the devil."
Sinundan ko ang direksyon kung saan nakatingin si Tokyo. Halos malaglag ang panga ko sa hindi inaasahang nakikita. Despite of the moving lights in the club, I know it's him. Hindi lang nakikita, papalapit din ito sa amin.
"Hi Amber. Long time no see."
Hindi ako makapag salita. Mukhang tanga na kung mukhang tanga pero hindi ako makapaniwala na nandito siya sa harap ko ngayon. After all these years..
"Oy Pare, long time no see."
Si Tokyo na ang bumasag sa katahimikan na namamagitan saming dalawa.
"Hey Tokyo."
"Where you've been?"
"UK. Family matters."
"I see. Kailan ka pa nakabalik?"
"Not too long ago."
"Okay. Looking good."
"Yeah.. You look great too."
Instead of looking at Tokyo, sinabi niya yun ng nakatingin sa'kin.
"Ah thanks? Anyway, mag isa ka lang?"
"No. Kasama ko colleagues ko. Nandun sila."
Tiningnan namin ni Tokyo ang tinuro ni Jonah. May tatlong lalaki na parang kaedad din namin at isang babae, magandang babae na halata mong inip na inip na sa kinauupuan niya.
"Hmm.. A rose among the thorns."
"She's Mikaela."
"Nice name."
"You can join us. I know you Tokyo Lee, mas mabilis ka pa sa ala sinko pag dating sa mga babae."
"Nah, I can't leave my girl here. Di pa tapos ang date namin ni Amber."
Nakita kong nagsalubong ang kilay ni Jonah sa sinabi ni Tokyo at nag pabalik balik ang tingin niya sa'min. Halata mong naguguluhan siya dahil ang pag kakaalam niya mag kaibigan lang kami ni Tokyo. Magsasalita na sana ako pero..
"Amber, let's go."
Tinawag na ako ni Rhem. 5 mintes nalang pala at mag sisimula na kami.
"I-I have to go."
"Alright. See you later. Sabay na tayong bumalik sa condo."
Sabay kindat pa sa'kin si Tokyo. Samantalang ang katabi niya parang binagsakan ng langit at lupa. Nakatingin siya sa'kin pero hindi ko nalang pinansin.
(Background Music: Unlove You by Armin Van Buuren and Ne-Yo)
Nag simula kami ni Rhem mag serve sa mga customers. As usual tuwang tuwa ang customers dahil may halong sayaw ang pag fe-flair namin pero s**t lang, ang bilis pa rin ng t***k ng puso ko lalo na't hanggang ngayon ay di pa rin umaalis ang mga mata ni Jonah sa'kin. Mabuti nalang hindi naman ako nagkakamali pa sa ginagawa ko. Nacoconcious na tuloy ako. Tiningnan ko si Tokyo para himingi sana ng saklolo pero ang loko, ayun na sa dance floor at may kaharutang mga babae. Anong nangyari sa alone time?