Capitulo 3

1455 Words
"Ayan. Sige, inom pa. May tatlo ka pang bote sa loob. Sayang naman kung hindi mo pa uubusin. Bayad pa naman 'yun." "Shut up Amber." Hinahagod ko ang likod ni Tokyo habang abala siyang nagsusuka malapit sa basurahan. Ikaw ba naman uminom ng walong bote ng beer tapos isang bote ng whiskey. Haay.. "Ano? Okay ka na?" "Nahihilo ako." "Gusto mong tubig?" "Yes please." "Okay. Halika muna rito sa parking area." Kahit hirap tumayo ay pinilit pa rin ni Tokyo na tumayo. Syempre, inalalayan ko siya hanggang sa nakaabot kami sa parking area. "Asan na yung kotse mo?" "Hindi ko muna dinala." "Pambihira naman. Oh diyan ka muna. Bibili lang ako ng tubig mo. Sigurado kang okay ka lang na iwan dito?" "Oo. Okay lang ako. Bilisan mo lang." Pinaupo ko muna siya ng maayos bago ako pumunta sa pinaka malapit na convenience store. "Amber." Natigil ako sa pag lalakad at ewan, parang nanigas din ako sa kinatatayuan ko. I know that voice. Kahit ayaw ko siyang kausapin ay nilingon ko pa rin siya. "Wait up." Patakbo siyang tumawid papunta sa'kin. Di ko akalaing mag kikita pa kami ng taong 'to after so many years. Hindi umabot ng isang minuto ay nasa harapan ko na siya, seryoso ang mukha. This time kitang kita ko na siya dahil sa liwanag na mula sa mga poste kumpara kanina sa loob ng bar. Nag mature na ang itsura niya pero lalo naman siyang gumwapo. Nakaka intimidate rin ang tindig niya at ang pagkakatitig niya sa'kin ngayon. "M-may kailangan ka?" "How are you?" "Okay naman. Ikaw?" "I'm okay. Are you going home? Let me give you a ride." "Wag na. Hindi pa kami uuwi." "Kami?" "Kasama ko si Tokyo." "Oh. Yeah, I heard a while ago." Pareho kaming nanahimik ng ilang segundo. Tiningnan ko ulit siya pero nakatingin pa rin pala siya sa'kin kaya umiwas na ako. "I better keep going." "San ka pupunta?" "Convenience store. May bibilhin lang sandali." "Samahan na kita." "Wag na.." "I insist. Baka mapano ka pa sa daan." Dahil sa pagod ay wala na akong lakas para makipag talo sakaniya kaya naman hinayaan ko nalang siya though mas nauuna akong mag lakad kesa sakaniya. Pagkarating namin sa pinaka malapit na convenience store ay kumuha kaagad ako ng Tubig habang si Jonah ay nasa counter nag aantay. "You done?" "Di pa. May bibilhin pa ako." Dahil hindi pa ako kumakain ng dinner kaya kumuha na rin ako ng microwaveable na ulam at kanin pati na rin gatas. "What the hell! 'Yan lang ang kakainin mo? Di ka pa kumakain?" Nagulat ako kay Jonah na ngayong nasa likod ko na. Muntik ko pang mahulog ang mga pinamili ko. "Hindi pa. Busy ako kanina kaya nalipasan na ako." "Pinapabayaan mo na ang sarili mo? Jeez Amber." He close his eyes and take a deep breath then he stares at me again. "Fine, you can eat that. But this will never happen again." Magsasalita pa sana ako pero naglakad na siya pabalik ng counter ulit kaya sumunod nalamang ako. Kukunin ko na sana ang wallet ko pero pinigilan niya ako sabay abot ng pera sa cashier at ng isang kahon. "Add this too. Thank you."  "Nasa mood Sir?" -Cashier Ngumingisi ngisi pa ang cashier habang inaasikaso ang pinamili namin. Kibit balikat lang si Jonah habang nag aantay. "Swerte mo Sir. Good luck! Hehe!" -Cashier Jonah just smirked at him. Pagkatapos niyang mag bayad at makuha ang pinamili namin ay nag lakad na kami pabalik. Nadatnan naming nakahiga na si Tokyo kaya naman nag madali ako agad. "Hoy Tokyo. Gising." Kahit anong gawin kong pag gising ayaw pa rin niyang magising. Tulog na tulog na ang walang hiya. Naghihihilik pa na akala mo sa kama nakahiga. "He's wasted. Let me give you a ride." "Pero.." "Hindi mo siya kakayanin Amber. Hatid ko na kayo." Ayoko sanang sumama sakaniya pero tama siya kaya naman nag tulungan kaming buhatin si Tokyo papunta sa kotse ni Jonah. Bubuksan ko na sana ang passenger seat pero pinigilan ako ni Jonah. Buksan ko raw ang sa likod. Pagka bukas ko ay dahan dahan naming ipinasok si Tokyo na walang malay. "Sakay." Nakita kong bukas na ang passenger seat at nag aantay si Jonah. "Hindi, dito nalang ako sa tabi ni Tokyo." "Ano ako? Driver niyo? Sakay." Ang sungit! Nang di pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko ay hinila niya ako at sapilitang pinapasok sa passenger seat. Nang masigurong okay na ako ay saka siya umikot para makasakay sa Driver seat. Tiningnan niya muna ako bago binuhay ang makina. "So where are we off to Madam?" Hindi ko sinasadyang mapangiti sa sinabi niya kaya binaling ko ang mukha ko sa kabilang direksyon para di niya makita ang pag ngiti ko. Noong kami pa, palagi niyang linya 'yan bago kami pumunta kung saan. Walang saysay din pala ang pag iwas ko dahil nakita niya pala ang pag ngiti ko. "I'm glad I made you smile. Fasten your seatbelt now." Nahihiya akong harapin siya kaya sinabi ko sakaniya kung saan ang condo ni Tokyo ng hindi tumitingin. Nang malaman niya ang lugar ay saka siya nag maneho paalis ng club. Tahimik kami pareho. Siya focus sa pag mamaneho habang ako nakatingin sa labas. "Matagal ka ng nag tatrabaho sa club na 'yun?" Sinagot ko ang tanong niya ng hindi pa rin tumitingin sakaniya. Nahihiya pa ako at ang awkward ng sitwasyon namin. "Medyo. Apat na taon na rin." "I see. Are you enjoying your job?" "Oo. Masaya naman mag trabaho sa club." "I witnessed. You were great by the way. I mean the way you do the flairing and dancing." "Thank you." "Ikaw din ang pinaka magandang flairtender na nakita ko." Dun lamang ako napatingin sakaniya. He's not looking at me as his attention's on the road. Pinagsasabi nito. "Kung dinaan mo nalang sana sa tip ang pambobola mo eh di sana nakatulong ka pa." "Oh I can give you one in an unexpected way." He laughs and it was breath taking. Sheesh! Lalo ko lang nakumpirmang lalong gumwapo ang mokong na 'to. Hindi na ako nagsalita pa kaya bumalik kami sa katahimikan. Ilang minuto pa ang nakalipas ay narating din namin ang building ng condo ni Tokyo at nag tulungan ulit kaming buhatin ulit ito hanggang sa makaabot kami ng condo unit. Pag kapasok namin ay agad naming dinala siya sa kwarto niya at ihiniga. "Thank you Jonah. Pasensya na rin sa abala." "It's okay. Anything for you." Ngumiti siya sa'kin. Pauuwiin ko na ba agad 'to? Nakakahiya naman kung ganun. Tinulungan na nga kami. "Gusto mo muna ba magkape?" "Okay lang. Okay lang sa'yo?" "Okay lang naman. Naka abala kami sa'yo eh. Pasensya na kung kape lang muna ang kaya kong i-offer." "Muna. Hmm.. May maooffer ka pa ba next time?" "Huh?" "Nothing. Coffee will be nice." "Ah Sige. Mag titimpla lang ako. Make yourself at home." Pumunta ako ng kusina para ipagtimpla ng kape si Jonah. Nag lagay ako ng kape sa coffee maker at sinimulan ko na ring ilabas ang pagkain ko para i-microwave. Itatapon ko na sana ang paper bag pero napansin ko yung maliit na kahon. Baka ito yung binili ni Jonah kanina. Kinuha ko ito para ibigay sakaniya ngunit di ko maiwasang mag salubong ng kilay sa nakikita't hawak ko ngayon. Sakto namang sumulpot sa kusina si Jonah. "Hey." Nakita niya ang hawak kong condom kaya naman nag madali siyang kunin 'yun sa'kin. "Ano.. Sorry, hindi ko sinasadyang makuha." "It's okay." "Magkakape ka pa ba?" "Yes. Why?" "May lakad ka ata o baka nag mamadali ka." Ngumisi siya sa'kin at naglakad palapit na siya namang ikina-atras ko. Pero di siya tumigil at palapit ng palapit pa rin siya hanggang sa na corner niya ako sa pader. Nilagay niya rin ang kaliwang kamay niya doon at inilapit ang mukha sa'kin. In short, wala akong takas. "A-anong ginagawa mo?" "Sabi mo nga baka nag mamadali ako diba?" Tiningnan niya ako mula mata hanggang sa mga labi ko. Napalunok ako ng di oras. "s**t naman Amber. Of all people, ba't napunta ka pa kay Tokyo? If I know na mga kagaya pala ni Tokyo ang gusto mo I could have given it to you before. Ten times better." "Ano? Anong pinagsasabi mo?" "Hindi na sana ako nag pigil pa noon." Magsasalita pa sana ako pero bigla niyang sinakop ang bibig ko at ikinulong ang katawan ko sa braso niya. Hindi ako makagalaw kahit anong gawin kong pag pupumiglas. Mapusok ang kaniyang halik hanggang sa naramdaman kong pilit niyang ipinapasok ang dila niya sa bibig ko. "Jonah.." And to my stupidity when I mentioned his name he successfully entered my mouth. s**t! What is he doing? And what am I doing? Kung kanina nag pupumiglas ako, bakit ngayon parang nadadala na rin ako. Itinaas niya ang dalawa kong kamay at ipinako sa pader habang patuloy ang pag halik niya sa'kin. When I tried to copy and to respond to him that's the time he stopped. Ibinaba niya na rin ang kamay ko. Ngumiti siya ng nakakaloko sa'kin saka ako tinalikuran at humakbang paalis. Pero bago pa man siya mag laho sa paningin ko ay may sinabi pa siyang lalong nakapag pagulo ng isip ko. "Now you know kung anong pakiramdam ng bitin. Anyway, thanks for the coffee. Looking forward to taste it again." W-What the f**k just happened? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD