Nanonood ako ng TV ng marinig kong napalakas ang boses ni Tokyo sa study room niya.
"WHAT? Kailan pa? Okay okay, pupunta ako. I need to meet the team before I go. Opo Mama. I know. He's not critical right? Alright. "
Lumabas si Tokyo sa study room niya at tiningnan ako kaya ni-mute ko muna ang TV at nag hihintay ng sasabihin niya.
"Amber's here Ma so no need to worry. Yes, see you soon. I love you."
Pagkatapos niyang makipag usap ay tumabi siya sa'kin. Inayos ko rin naman ang upo ko.
"So ganito Amber. Bukas aalis ako. Baka mawala ako ng 1-2 months. Inatake kasi si Papa."
"Oh my God! Kumusta si Tito?"
"He's stable now pero under observation pa rin."
"Oh okay. Sana gumaling na siya."
"Sana nga. So going back, they need me. Alam mo naman, ako lang ang anak."
"Oo naiintindihan ko. Dapat talagang nandun ka muna."
"Okay ka lang bang mag isa dito? Wag kang mag alala, mag papadala naman ako ng pambayad ng kuryente, tubig pati na rin sa cable & wifi connection."
"Okay lang ako. Wag mo ng alalahanin ang pambayad sa mga 'yan, ako na ang magbabayad tutal ako naman ang titira muna rito."
"Pero you need money too. Ako na ang mag babayad."
"Wag na nga. I can manage."
Napakamot sa ulo ang kaibigan ko sabay umiling iling. Kahit pa sakaniya ang unit na 'to hindi ko naman makakaya na siya pa ang mag babayad ng utilities kung ako na muna ang titira.
"Iiwan ko nalang tuloy isa kong debit card. In case of emergency."
"Wag.."
"Amber, hindi kaya ng konsensya kong magutom ka rito and like what I've said, in case of emergency."
"Ang kulit mo. Kaw bahala."
"Wow, ako pa ngayon ang makulit. Oh siya, kailangan kong pumunta ng office. I need to meet the team before I go. Sama ka na tutal day off ka naman."
"Okay lang ba?"
"Oo naman. Hello? Kumpanya ko 'yun. Pwede kong isama kung sino man gusto kong isama. Baka gusto mo rin itry yung bagong game na dinivelop namin. It is still a beta version pero your feedback is appreciated."
Oo nga pala. Big boss pala 'tong kaibigan kong 'to. Hindi lang halata. Nauna na akong naligo dahil mag bobook pa ng flight si Tokyo papuntang Japan. Pag katapos naming maayos ang lahat ay umalis na kami at nag tungo sa kumpanya niya. Hindi naman first time na makapunta ako rito pero first time kong makakapunta sa game lab nila which is really really cool.
Pagkapasok namin ay agad na bumati ang mga empleyado ni Tokyo sa'min. Si Tokyo parang wala lang narinig at dirediretso sa elevator kaya ako nalamang ang bumati sakanila kaya inantay pa niya ako bago isara ang pinto ng elevator.
"Ba't di mo man lang binati ang mga empleyado mo?"
"Diba ganun sa mga pelikula? Masungit kuno na boss. Hahaha!"
"Ngek. May saltik ka talaga."
"Babatiin ko sila next time. Anyway, dumiretso ka na sa game lab. Ako naman sa meeting room. We'll meet after 1-2 hours."
"Sige. Text mo nalang ako."
Huminto ang elevator sa 8th floor kung saan ang game lab. Lumabas ako at si Tokyo naman ay dumiretso ng 12th floor kung saan ang office niya at meeting room. Ang ganda pala rito, di ako makapaniwala na ganito ang game lab nila. Para akong nasa loob din ng isang game.
"Miss De Jesus?"
Tumingin ako sa pinang galingan ng boses na tumawag sa'kin. Nakita ko ang isang lalaki na may hawak na console at VR equipment.
"Hi, I'm Genesis. Ikaw daw po ang mag tetesting ng game namin sabi ni Mr. Lee?"
"Ah oo. Ako nga."
"Alright. Before you enter the room, you might wanna put this and hold this first."
Binigay sa'kin ni Genesis ang console at isinuot niya rin sa'kin ang VR equipment bago niya ako iginiya papunta sa isang kwarto. Pagka pasok ko palang hindi ko maiwasang dumapa. Narinig ko namang humalakhak ang kasama ko kaya naman napilitan akong tanggalin ang nakasuot sa'king mata.
Tiningnan ko ang paligid at isang malaking black room lang naman siya na may isang computer set sa gilid. Kaya di ko napigilang mapamura.
"Haha! I'm sorry Miss De Jesus. Di ko sinasadya yun."
"Di mo man lang ako ininform na ganun pala ang mangyayari."
"Sorry po talaga. Akala ko po kasi nakapag try ka na ng simulation."
Nakapaglaro na ako ng simulation pero di ko akalaing ganitong laro pala ang madedevelop nila Tokyo. Kaya lang naman ako napadapa kasi pag kapasok ko palang sa kwarto ay isang missile lang naman ang sumalubong sa'kin. Syempre nagulat ako.
"Nakapag try na ako pero di ganito ka intense."
"Kaya naman pala."
Diniscuss sa'kin ni Genesis ang laro. So may pagka Rambo pala ang datingan nito at pwede ka rin mamili ng setting either sa jungle, desert or war zone area. Pagkatapos maexplain sa'kin ni Genesis ang laro ay saka ko isinuot ulit ang VR equipment at nag start mag laro.
"Yari ka sa'kin."
Sa sobrang pag eenjoy ko hindi ko na namalayan ang oras. Feeling ko talaga para akong si Rambo sa ginagawa ko hanggang sa matapos ito.
"How was it po?"
"Maganda. Super. Sigurado kang beta version palang ito?"
"Opo. We might add a female character. Mala Tomb Raider or Electra ang datingan naman. Thanks to you."
Ngumiti siya sa'kin at ganun din ako sakaniya. Inaya niya rin ako sa pantry nila dahil nandun daw ang snack na pinahanda ni Tokyo. Sumama naman ako at nagutom ako kakalaro. Habang kumakain ay narinig kong tumunog ang phone ko.
CJ: Are you free tonight?
Matagal na pala ako nitong inaaya makipag meet pero dahil busy ako madalas eh hindi ko siya napag bibigyan. Medyo matagal tagal na rin kaming nag cha-chat ni CJ. Mabait siya at mukhang matalino. Di ko pa nakikita ang mukha niya although willing naman sana siya mag send ng picture pero ako ang tumanggi. Sabi ko pag nag meet nalang kami para surprise. Di ko rin feel mag send ng litrato ko.
Me: Yes. Day off naman ako ngayon. Anong oras?
CJ: 7pm?
Me: Sige.
CJ: Saan kita susunduin?
Me: Wag na. Puntahan nalang kita.
Binigay niya sa'kin ang pangalan ng coffee shop kung saan kami mag memeet. Malapit lang yun dito kaya kahit mag lakad lang ako ay okay lang.
"How's the game my friend?"
Naupo sa harap ko si Tokyo at kumuha ng fries.
"Cool. Very cool."
"Talaga? You think papatok yun once na marelease namin?"
"Oo naman. Di nga ako makapaniwalang beta version yun eh."
"Thanks. After mong kumain gusto mo munang mag kape?"
"May date ako kaya umuwi ka na at mag ready ng gamit mo."
Tokyo looked at me with shock. Para bang nakakita ng multo. Ako naman nangiti ngiti lang.
"Tama ba narinig ko? May date ka? As in date?"
"Yep."
"Damn Amber."
Yinakap niya ako ng mahigpit halos di na nga ako makahinga. Pinag titinginan na rin kami ng mga empleyado niya.
"Oy Tokyo. Di ako makahinga."
"Sorry. Finally! Madidiligan ka na. I have extra condom, gusto mo? Better be safe than never."
"Gago ka. Hahaha! Mag kakape lang kami."
"Nah, I doubt. 'Yang pag kakape na 'yan aabot 'yan sa kapepisil, kapepindot, kapefinger, kape.."
Sinubuan ko ng shanghai si Tokyo ng mag tigil sa pinagsasabi niya.
"Ang libog mo talaga. Naririnig ka ng empleyado mo."
"Don't mind them. I am happy for you. San mo siya nakilala?"
Ikinuwento ko sakaniya kung pano kami nagkakilala ni CJ. Itong nasa harapan ko naman palawak ng palawak ang ngiti.
"Kaya ngayon palang kami mag memeet."
"Sa wakas, nag ka-interes ka na rin. Welcome to reality my friend. Ihahatid na kita. Uuwi ka ba ngayong gabi?"
"Oo naman. Bakit?"
"Wala naman. Nag tatanong lang. Baka kasi.."
"Wala, walang mangyayari."
"Yeah yeah. So let's go? Quarter to 7 na. Nakakahiya namang malate ka."
"Mag CR lang ako."
Nag punta ako ng CR para jumingle at nag ayos na rin ng sarili. Pag katapos kong mag ayos ay lumabas na ako tinawag si Tokyo. Hinatid nga niya ako sa coffee shop kung saan ang "date" ko.
"We're here. Sigurado kang ayaw mo ng condom?"
"Che! Diyan ka na. See you later."
"Haha! Ingat! Have fun."
Pagka baba ko sa kotse ay tumawid ako at pumasok sa coffee shop. Sabi ni CJ naka white raw siyang long sleeves na polo. Siya lang daw ang nakasuot ng ganun sa loob. Dahil marami ang tao sa coffee shop kaya hindi ko siya mahagilap. Tuluyan na akong pumasok para hanapin siya.
"Amber?"
Oh my.. Not again. Dahan dahan akong humarap sakaniya. I know it's him pero laking gulat ko nalang ng makita ang suot niya. He's wearing a white long sleeves polo. Kita ko ring gulat siya pero unti-unti rin iyon nawala at napalitan ng ngiti.
"Ikaw? Ikaw si CJ?"
"And I suppose you're my date tonight."
Sa oras din na iyon nag sink-in sa utak ko ang CJ. CLEMENTE JONAH.