Nakailang doorbell na ako sa unit ni Mr. Jang pero walang sumasagot o nag bubukas man lang. Nakakapanibago. Pero di rin alintana sa'kin na kanina pa nakatingin sa direksyon ko si Jonah kaya naaasiwa ako.
"Let's go Amber. Seems like he's still sleeping or maybe he went out."
"Imposible. Alam niyang pupunta ako. Kahit lasing o antok yun pinagbubuksan ako nun. Di rin 'yun umaalis hangga't di ko nakukuha ang kotse niya."
"Fine."
Did he just rolled his eyes on me? Kailang pa natuto 'to ng ganiyan? Nakita kong kinuha niya ang cellphone niya habang nag aantay sa'kin. Ako naman pinag patuloy ang pag do-doorbell.
"Hi Jonah."
"Hi Cassandra."
Tiningnan ko kung sino ang bumati kay Jonah. Maiksi lang ang buhok niya, pixie cut at mukhang isang boss sa isang kumpanya. Dagdag mo pang maganda siya, maganda rin ang tindig at hubog ng katawan na halatang alaga ng gym at matangkad pa, halos abot tenga siya ni Jonah, si Jonah kasi 6'0. Hindi ko tuloy maiwasang maging conscious sa sarili ko.
"What are you doing in Mr. Jang's unit?"
"Sinamahan ko lang girlfriend ko. She needs to talk to Mr. Jang."
Girlfriend?
"Overprotective huh?"
Ngumiti siya ng makahulugan sa'ming dalawa. Mag sasalita sana ako pero nag salitang muli si Cassandra na pareho naming ikinagulat ni Jonah.
"Well, you won't see Mr. Jang anymore."
"Why?"
"We rushed him this morning to the hospital but unfortunately dead on arrival na siya. My team will be checking his unit later to find evidences regarding the illegal drugs. Baka makahanap rin kami ng lead kung saan nanggagaling yung supplies and who runs the laboratory."
Napatakip ako ng bibig sa nalaman. Kausap ko lang kahapon si Mr. Jang tapos ngayon wala na siya? Agad namang lumapit sa'kin si Jonah at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.
"Anyway, you mentioned your girlfriend needs to talk to Mr. Jang? If you don't mind me asking are you related to Mr. Jang?"
Tiningnan ako ni Cassandra. Iniimbestigahan niya ba ako? Naramdaman kong pinisil ni Jonah ang balikat ko kaya tiningnan ko siya. He nods at me giving me an assurance that it's okay to speak and I shouldn't be afraid.
"Grab driver po ako. Ako lang po ang nag mamaneho ng sasakyan niya."
"I see. Would you mind me asking you few questions?"
Kinakabahan ako. Wala naman akong alam sa pagkaka sangkot sa drugs ni Mr. Jang. I swear. Napansin ata ni Jonah na pinagpapawisan ako kaya naman nag salita siya.
"If you'll ask her then ask her in my unit. She's not feeling well as you can see."
"Right. Don't worry Miss, it won't take long. Take a deep breath, I won't bite you."
Ngumiti si Cassandra sa'kin. Ngumiti rin ako ng konti pero hindi pa rin naaalis ang kaba sa'king dibdib. First time ko 'to eh.
"Let's go back to my unit then."
Hinawakan ni Jonah ang kamay ko pabalik sa unit niya habang naka sunod namam si Cassandra sa likod namin. Pagkarating namin ay pinaupo niya muna ako sa couch at umalis. Naupo naman sa single sofa si Cassandra. Hindi rin nag tagal ay bumalik si Jonah may dalang tubig at kape. Inabot niya agad sa'kin ang tubig.
"Drink."
Sinunod ko naman siya. Mukhang nauhaw ako at naubos ko ang tubig kahit di ako mahilig sa tubig. Nang napansin niyang okay na ako ay tumabi siya sa'kin.
"I'm sorry if I have to do this. Part of my job."
"Okay lang po."
"Anyway, I'm Detective Cassandra Almazena. And you are?"
"Amber po. Amber Rose De Jesus."
"Nice to meet you. So shall we start?"
Nag tagal ng 30 minutes ang usapan namin ni Detective Almazena. Sinabi ko sakaniyang hindi ko alam na nag da-drugs si Mr. Jang at sangkot siya sa iligal na droga. Ang tanging alam ko lang ay lasenggo siya dahil simula palang na mag bukas ang pinto ng unit niya ay amoy na amoy sa labas ang alcoholic drinks lalo na kapag lumabas na siya at ibibigay sa'kin ang susi ng kotse. Hindi naman niya ako pinapapasok sa unit niya kaya hanggang labas lang ako. Wala rin naman akong makitang kakaiba sa loob ng sasakiyan niya.
Nang okay na sa mga sagot ko si Detective Almazena ay nag pasalamat na siya't nag paalam. Sa punto lamang na iyon ako nakahinga ng maayos. Doon ko lang din nai-gala ang mata ko sa loob ng unit ni Jonah. Halos kasing laki rin 'to ng unit ni Tokyo. Emerald Green at white ang kulay ng unit. May glass wall din na natatakpan ng kurtinang puti at sa katabi ng glass wall ay isang sliding door na tinted. Sa tingin ko papuntang balkonahe 'to kasi may nakikita akong succulents at orchids. Malinis ang loob at malamig. Higit sa lahat, kalat ang mabango niyang amoy, hindi mo mapagkakailang sakaniya 'to.
"Kumain ka na?"
"Oo, kanina."
"Ako hindi pa eh. Gusto mong kumain ulit para mawala yung kaba mo?"
"Wag na. Salamat. Uuwi nalang ako."
"Wait. You haven't given me your decision yet."
Oo nga pala. Inaalok ako nito ng trabaho. Pero..
"Hindi ko pa alam Jonah. Naguguluhan pa ako."
"Alright. I understand. Just remember my offer's still available though hindi mo naman sana kailangan mag driver pa. I'll still give you whatever you need but knowing you I know you can't accept something without working hard for it."
"Bakit mo pa kailangan ng driver? Marunong ka naman mag drive."
Ngumiti lang siya sa'kin bago niya kinuha ang remote ng TV saka ini-on ito. Nilipat niya rin ito sa balita at saka umalis sa tabi ko.
"Oy Jonah. Wag kang mag walk out sa'kin."
"I just did. I'm hungry."
Nag dirediretso siya papunta sa isang pinto at iniwan akong mag isa rito sa sala niya.
"Makaalis na nga."
Akma na sana akong tatayo para umalis ng marinig ko ang boses niya mula sa loob ng pinasukan niya.
"Don't leave yet Amber. Ihahatid na kita."
"Uuwi na ako."
Nakita ko ang basong ginamit ko pati na rin ang tasang ginamit ni Detective Almazena kaya naman kinuha ko ito at sumunod sakaniya para itanong kung saan ko ilalagay ang pinag gamitan namin pero hindi ako ready sa nakikita ko ngayon.
"What? Why are you looking at me like that?"
"Ikaw? Nag luluto?"
"Yes. Why?"
"Marunong ka na?"
"Of course.
Ngumiti siya at parang proud na proud na marunong na siyang mag luto. Gumagawa siya kasalukuyan ng pancakes.
"O-okay."
"A way to a woman's heart is through her stomach. Kaya nga kanina pa kita inaayang kumain. Ayaw mo naman."
He rolled again his eyes on me then shook his head before continuing his cooking. Hindi ko tuloy maiwasang mag taas ng kilay.
"Man kaya 'yun. Hindi woman."
"Are you a man?"
"Hindi."
"Of course you're not. You're a woman. My woman."
H-haah? Ano raw?
Parehong nawala ang attention namin sa isa't isa ng biglang may nag doorbell. Lumabas siya ng kusina at sumunod naman ako. Nang buksan niya ang pinto bumakas sa mukha niya ang gulat samantalang nag taka naman ako. Ito yung babae kanina na hinatid ni Jonah sa elevator.
"You. What are you doing here?"
"I forgot my bra."
Bago siya tuluyang pumasok tiningnan niya muna ako ng sandali saka dumiretso. Di rin naman siya nag tagal at nakuha nga niya ang naiwan niya dahil hawak niya na 'to. Bago pa man siya lumabas tiningnan niya ako ulit pero hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.
"f**k! Get out!"
Hinalikan niya si Jonah. Sa harapan ko mismo. Hindi lang ako at maging si Jonah ay nagulat din sa kaniyang ginawa kaya naman naitulak niya ito na kamuntik ng ikatumba ng babae.
"I said get out!"
Kung kanina daring ang itsura ng babae ngayon para siyang binuhusan ng malamig na tubig kaya naman lumabas ito kaagad at siya na rin ang nag sara ng pinto. Tiningnan naman ako ni Jonah, halata mong galit siya. Pati ako parang natatakot na rin.
"A-ano. Uuwi na ako."
"No, stay here."
"Pero..
"Don't let me repeat myself."
"O-okay."
Bumalik siya sa kusina at ako naman ay bumalik sa couch niya. Ba't ang daming nangyayaring ganap sa buhay ko ngayon simula ng makita ko ulit si Jonah? Hindi ko maintindihan. Naputol ulit ang pag iisip ko ng marinig ko ang balita.
Pansamantalang pinapatigil muna ang operasyon ng mga pampublikong sasakiyan, clubs, schools, at kung ano pang may kinalaman sa mass gathering bilang pag iwas na rin sa nakamamatay na virus na ito. Ito ay mag sisimula bukas mismo.
"What the.."
"f**k!"
Nasa likod ko na pala si Jonah kaya nagkatinginan kami habang patuloy na nakikinig ng balita. Nang matapos ay saka siya ulit nag salita.
"Ang bilis niyang kumalat. s**t, this virus is really s**t!"
Pareho kaming frustrated sa nalaman. Sa part ko ay pansamantala akong walang trabaho. Papano ang family ko? San ako kukuha ng pera? Anong gagawin ko? Nakaka pang hina naman ng loob. Habang nag iisip ako kung anong gagawin ko ay naramdaman kong nag va-vibrate ang cellphone ko. Si Tokyo tumatawag.
"Hello?"
"Hi Amber. Will you come pick me up now? I arranged an emergency meeting with my team. I never thought aabot tayo sa lockdown dahil sa virus. After ng meeting diretso na tayo ng airport. Mabuti nalang di naman cancelled pa ang flight."
"Y-yes sure."
Pagkatapos ng tawag ay tumayo na ako at kinuha ang bag ko.
"Uuwi na talaga ako Jonah. Ihahatid ko pa kasi si Tokyo sa kumpanya niya tapos sa airport na rin."
"Iiwan ka niya at this time? San ka mag stay while lockdown kung wala siya?"
"Dun pa rin. Ako muna ang bantay sa unit niya habang nasa Japan siya. Inatake sa puso si Tito kaya kailangan niyang umalis muna."
Parang gusto kong umiyak. Hindi ko alam ang gagawin ko sa ngayon kaya naman nag madali na akong naglakad paalis bago pa ako maiyak dito ng tuluyan.
"Everything's gonna be alright Amber. Akong bahala sa'yo. I promise."