"Aaaah!"
Sigaw ko sa loob ng aking utak. Hindi kasi ako nakatulog dahil sa nangyari kagabi. Kaya heto ako, puyat pero kailangang mag trabaho. Ngayong araw din ang alis ni Tokyo kaya naman ako na rin ang mag hahatid sakaniya mamaya gamit yung sasakyan ni Mr. Jang. Nakausap ko na si Mr. Jang at okay naman sakaniya as long na may bayad.
"Good morning! Kumusta ang date natin kagabi?"
Umiling nalamang ako at kumuha ng kape naming dalawa. As much as possible I don't wanna talk about it. Kaka stress.
"What's with the face? Hindi compatible?"
"Ewan."
"Anong ewan?"
"Basta."
"Anong basta? Hindi pwede. I want to know the details."
Inhale exhale Amber. Di ka niya tatantanan, alam mo 'yan. Uminom muna ako ng kape bago nag salita.
"Si Jonah si CJ."
"Holy s**t! Talaga?"
Halata mong gulat si Tokyo dahil yung mala isang guhit niyang mga mata ay biglang namilog. Sino ba naman kasing di magugulat sa mga pangyayaring 'to.
"Kaya nga ayaw ko sanang mag kwento eh."
"No. Continue, mas lalong interesting nga. Tell me what happened?"
Ikinuwento ko sakaniya ang nangyari sa coffee shop kagabi. Itong nasa harap ko naman ngiting ngiti at may mga side comments pa.
"Akala ni Jonah jowa kita."
"What? No way. Kung meron mang 3rd party sainyong dalawa definitely not me."
"Walang third party kasi wala na kami remember?"
"I don't know. I mean, wala kayong closure diba?"
"Closure is not necessary. The moment he left we're done."
"Hmm.. May point ka naman. So how does it feel to date again your ex?"
"Horrible."
"O.A sa horrible. Ituloy mo pa yung kwento mo."
Nagpatuloy nga ako sa pag kukwento hanggang sa nadako kami sa topic kung bakit may dating app kami.
"Sinabi ko na trip trip ko lang. Pero mas nagulat ako sa rason niya ba't may dating app siya."
"Anong rason niya?"
"Gusto niya ng ka-sex."
"Seryoso? Yung supladong 'yun? Sheesh, I can't believe it."
"Same here. Parang ibang tao na siya. Parang hindi siya yung Jonah na nakilala ko noon."
Binigyan ako ng maka hulugang ngiti ni Tokyo habang kumakain ng kaniyang agahan.
"Why are you smiling like that Tokyo Lee?"
"Nothing. I just find yout two amusing. Ex lovers became FuBu. Haha!
"Hoy! Di ako pumayag okay? At saka diba nga sabi ko sa'yo ibibigay ko lang ang sarili ko sa taong mahal ko. Hindi na ako makikipagkita sakaniya. Tama na yung nangyari kagabi sa coffee shop at sa kotse niya."
"Oh, another story."
Shit! Ang tanga ko. Sa sobrang pag depensa ko sa sarili may nabanggit pa akong hindi na dapat pang malaman nitong nasa harap kong lalong lumapad ang ngiti at halos di na kumukurap ang mata sa pag aantay ng susunod kong sasabihin.
"Fine. Umabot kami sa MoMoL."
"Momol lang? Walang home base?"
"Gago walang home base."
"Ang hina naman. I should share some tips to him."
"Loko. Pero hindi yung MoMoL ang nakapag pabagabag sa'kin."
"Ano? Masyado ka namang cliffhanger eh."
"Mahal niya pa raw ako. Gusto niya pa ng chance."
"I knew it. Why bother then? So kayo na ulit?"
"No."
"Damn, why?"
"Hindi ko na siya mahal."
"Anak ng tupa naman Amber. Ako pa ba lolokohin mo? I'm your bestfriend. I know you and you obviously still love him. Just go with the flow Amber. Kung siya talaga para sa'yo, kahit pa nag bago na siya, wala tayong magagawa riyan. Give him the chance he need."
He patted me before going to sink to wash our dishes. Wala nga ba talaga akong magagawa? He left me and I am not giving him another chance. Kung nagawa niya akong iwan noon, kaya niya akong iwan ulit. Once is enough. I should make things clear with him so I can finally have my peace of mind. If a closure is necessary then so be it.
After breakfast ay naligo na ako at inasikaso ang sarili para mag trabaho. Babalikan ko nalamang si Tokyo mamayang 12 Noon para ihatid sa airport tutal 4pm pa naman ang flight niya papuntang Japan. Pag katapos kong maayos ang lahat ay nag paalam na ako at nag tungo kay Mr. Jang. Pagkarating ko sa building kung saan ang unit ni Mr. Jang ay binati ko kaagad ang mga security guards. Magkakilala na kami dahil halos isang taon na rin akong pabalik balik dito para kunin ang kotse ni Mr. Jang. Pero nagtaka ako ng hindi nila ako pinansin bagkus nag iwas pa sila ng tingin sa'kin. Hindi ko tuloy maiwasang mag taka hanggang naka abot ako sa 13th floor kung saan ang unit ni Mr. Jang. Pero ang pagkakataon ulit.. laking gulat ko nalamang ng pag bukas ng elevator ay nakita ko si..
"Jonah?"
Humarap siya sa'kin na gulat din. Sandali kaming nag katitigan bago siya umiwas. May kasama rin siyang magandang babae at mukhang mas bata 'to sa'min. Hindi rin alintana sa paningin ko ang pag abot niya ng pera sa babae. Yung magandang babae naman ay pumasok dito sa elevator. Muntik pa akong madapa ng bigla akong hinila ni Jonah palabas ng elevator. Siya na rin ang pumindot ng floor kung saan bababa ang magandang babae.
"What are you doing here? How did you find me?"
"Excuse me?"
"Let's not talk in here. Come."
Hindi pa man ako nakakasagot sakaniya ay hinawakan niya ang aking kamay at hinila papunta sa ikatlong pinto mula elevator. Pag pasok namin ay isinarado niya ang pinto at ini-lock.
"Ba't mo ni-lock? Anong gagawin mo sa'kin?"
"Amber, I'm not going to hurt you nor do something against your will."
"Kung ganun palabasin mo na ako. May trabaho pa ako Jonah. Saka na tayo mag usap."
"Huh? Trabaho?"
"Yes, trabaho. Grab driver ako sa umaga. Hindi ko alam na nandito ka rin pala nakatira. Pupuntahan ko lang naman si Mr. Jang para kunin yung kotse."
"The drunkard Mr. Jang?"
"Oo. Siya nga. Kaya excuse me haah, male-late na ako."
"No, wait."
Hinarangan niya ang dadaanan ko kaya naman napa cross arms ako sa harapan niya. Hindi na ako madadala ng pang lalandi niya. Never again.
"Bakit na naman Jonah?"
"Mag resign ka na kay Mr. Jang. Use my car instead."
"What? Excuse me Jonah, no offense pero masyado ka atang paki alamero sa buhay ko. Nakakalimot ka ata na wala na tayo okay? Kung ano mang nangyayari sa buhay ko ngayon labas ka na. Kaya if you'll excuse me may trabaho pa ako. Baka di pa ako pasahurin ni Mr. Jang ngayon."
Aalis na sana ako pero pinigilan niya ulit ako kaya lalo lamang akong nairita sakaniya.
"Ano ba?!"
"Paki alamero na kung paki alamero but I won't let you work again with that guy."
"Huh? Stop the crap Jonah."
"I am dead serious Amber. Mag resign ka na kay Mr. Jang. Use my car instead. I'll double the pay."
"Uulitin ko pa ba yung sinabi ko kanina?"
"Amber, Mr. Jang is not only a drunkard. He's into illegal drugs too. That's why I am offering you my car and I'll double the pay."
"Ano? Panong? Okay naman si Mr. Jang ah. Naaabutan ko nga lang siyang lasing madalas pero.."
"Believe me. PDEA's around the building from the past two weeks. They even rented a unit in this floor for close monitoring."
Two weeks? s**t! Baka mapag kamalan pa akong nag dedeliver ng drugs kung two weeks na silang nagmamanman. Tiningnan ko muna si Jonah na nakatingin din sa'kin. Gusto ko sanang maniwala na biro lang ito pero seryoso ang kaniyang mukha at inaantay ang desisyon ko.
"Pano mo nalaman ang mga bagay na 'to?"
"'Cause the government is using my laboratory. Long story. I need now your decision."
"Give me time. Biglaan 'to at mag papaalam muna ako ng maayos kay Mr. Jang."
"Fine. I'll give you time. Samahan na rin kita sa unit niya."
Nauna siyang lumabas saka ako sumunod. Tatanggapin ko ba ang alok niyang trabaho? Kailangan ko ng pera at mahirap ngayon makahanap ng trabaho pero handa ba akong mapalapit sakaniya ulit?