Matapos ang usapan namin ni Mr. Scott sa opisina niya noong araw na 'yon ay lumabas ako na parang wala akong natuklasang mabigat na rebelasyon tungkol sa pagkatao ko.
"Beh, may susuotin ka na sa darating na Sabado?" Tanong ni Ry sa akin habang namamahinga kami sa ilalim ng puno.
Kasalukuyan kaming nasa field dahil PE class namin ngayon.
Napagod ako sa kakatakbo kaya nagpasya akong mag-water break muna at sumunod naman si Ry sa akin.
Ilang linggo na rin ang nakalipas simula noong nagbago ako sa kanilang lahat. Hindi ako manhid para hindi maramdaman ang lungkot nila at mas lalong hindi ako bulag para hindi makita ang efforts na ginagawa nila to get the old Penelope back.
Gustuhin ko mang bumalik pero hindi na pwede. Masyado na akong maraming isinakripisyo sa old Penelope na 'yon. Blue and I are just strangers now kahit kinukulit niya pa rin ako. Actually, silang lahat naman ay estranghero para sa akin, maliban kay Mr. Scott. Si Black naman ay ganun pa rin, mayabang at bossy. Araw-araw akong pumupunta sa hardin nila para diligan ang mga halaman doon. Noong isang linggo ay tinulungan pa ako nina Ry, Mecca at Margaux sa pagputol ng bermuda grass pero nahuli kami ni Black kaya nakatanggap na naman ako ng isang parusa. Well, hindi ko masasabing mabigat 'yon kasi ang hinihingi niya lang naman ay maging date niya ako sa Acquaintance Party.
'Tss. Pwede namang mang-aya, nambablackmail pa!'
"Sa Sabado na pala 'yon?" Walang interes na tanong ko pabalik sa kaniya at tinungga ang isang malamig na bottled water.
"Oo. Ano, may maisusuot ka na? Kasi kung wala, marami akong extra. Pwede kitang pahiramin kung gusto mo?" Alok niya.
"Meron na. Salamat na lang." Pagtanggi ko.
Sa totoo lang, hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung saan ko pupulutin ang isusuot ko sa Sabado.
Malamig pa rin kasi ang pakikitungo ko sa kanilang lahat, maging kay Margaux ay madalang rin akong nakikipag-usap kaya nahihirapan akong manghiram kahit alam kong willing naman silang pahiramin ako anytime.
Masyadong mataas ang pride ng new Penelope kaya talagang mahirap tumanggap ng tulong mula sa iba.
'You feel me? Hays.'
Hindi rin kasi mahilig sa party ang old Penelope kaya wala akong damit na pang-okasyon na gaya ngayong Sabado. Kahit dress ay wala ako. Kadalasan sa mga damit ko ay malalaking t-shirt, tutteredipped jeans, denim jackets, shorts, sleeveless at pantulog. Hindi kami mahirap pero hindi ko din trip sumali sa mga night life kaya botlog ako ngayon.
Napabuntong-hininga na lang ako sa klaseng buhay na ibinigay sa akin.
"Hindi ka talaga mahilig sa outdoor games, beh?" Biglang tanong ni Ry sa gitna ng pananahimik ko.
Tinatanaw namin ngayon ang mga kaklase naming naglalaro ng iba't ibang outdoor games like soccer, volleyball, at iba pa. Kabilang na sa kanila sina Margaux at Mecca. Sobrang saya nila tingnan. Para silang mga batang paslit na malayang nakakapaglaro at nakakapag-enjoy sa araw nila.
"I used to, back then.. pero hindi na ngayon." Kalmadong sagot ko at kusang napangiti.
"Bakit naman? If you don't mind me asking." Mahinang aniya.
"Lampa ako pagdating sa mga ganiyang bagay kaya noong bata pa lang ako, biktima na ako ng pambubully. Pero hindi ko inakalang makikilala ko sa sitwasyong 'yon ang taong unang nagpatahan at hindi natakot na lumapit sa akin. Hindi niya ako ipinagkaila at ikinahiya katulad ng iba." Mahabang kwento ko habang nakangiti pa rin at inaalala ang unang pagkikita namin ni Mask Guy.
FLASHBACK
8 years ago...
"Lampa! Lampa! Hahahaha! Iiyak na 'yan! Iiyak na 'yan!" Malakas na sigaw nila sa akin habang pinagtatawanan ako.
"Kawawang bata! Lampa! Hahaha!"
"Oh! Crybaby! Iiyak na 'yan!" Panunukso pa nila sa akin.
Parang nakakarinding bubuyog ang mga presensya nila sa tuwing nakikita nila ako. Pakiramdam ko, wala na akong katahimikan sa eskwelahang ito. Maging kaibigan ay wala kahit isa. Wala talaga akong kakampi dito. Ayaw naman akong e transfer ni Mommy dahil ito ang pinakamahal at pinakasikat na paaralan sa buong rehiyon namin. She wants me to study in a prestigious school to get a lot of better opportunities in the near future. Pero kung ganitong klaseng buhay ang sasalubong sa akin dito, mas mabuti pang sa public school na lang ako mag-aral. Hindi naman siguro basehan ang pinagmulang paaralan para makapagtrabaho. 'Yong iba nga diyan ay idinadaan na lang sa diskarte, pero atleast marangal pa rin.
Hindi ako marunong maglaro ng buwan-buwan dahil mabagal akong tumakbo at madalas pa akong nadadapa kaya nagagalit 'yong mga kagrupo ko tapos tinutukso na nila ako hanggang sa umiyak ako.
May mga araw ding hindi nila ako pinapasali sa laro dahil mahina daw ako. Kahit sa school binubully ako ng mga kaklase ko dahil paborito ako ng titser namin.
Pero isang araw habang nagpe-PE class kami, grade two pa lang ako no'n, iniwan kami saglit ng PE instructor namin kaya nag-ingay ang buong klase. Naglaro at nagsisitakbo sila tapos naghahabulan at kung anu-ano pa. Habang ako ay nasa ilalim lang ng isang puno at pinapanood sila. Isang kaklase kong lalaki ang lumapit sa akin, medyo nerd siya pero mayabang din minsan. Mabait siya sa akin, palagi niya kasi akong ipinagtatanggol kapag may nang-aayaw sa akin.
"Gusto mo bang sumali sa amin? Kulang kami ng isa sa grupo." Nakangiting alok niya sa akin pero tumanggi ako kaya umalis siyang bigo.
Matapos no'n ay bumalik na ang PE instructor namin at sinimulan na niya ang pagtuturo kung paano maglaro ng basketball.
At dahil mahina nga ako, palagi akong huli sa listahan. Nahuhuli rin akong umuwi kasi bawal kang pauwiin kung hindi mo maipapasa ang score na gusto ng instructor niyo.
"Titser?" Biglang lapit sa amin ng kaklase kong lalaki, 'yong lumapit sa akin kanina sa ilalim ng puno.
"Yes, dear? May kailangan ka pa?" Tanong ni Ma'am sa kaniya.
"Pwede po bang ako na lang ang magtuturo sa kaniya? Friends po kami niyan kaya ayos lang siguro sa kaniya na ako ang magturo sa kaniya." Saka siya lumingon sa akin at nginitian ako.
Noong una ay naging hesitant pa ako.
'Paano niya ako matuturuan? Kung sa bagay, magaling naman siya sa larangang 'to. Idol ko nga siya e!'
Pumayag si Ma'am kaya iniwan niya muna kami sa field.
"Ano? Simula na tayo?" Tanong niya sa akin at nakangiting tumango naman ako.
Naging maayos ang takbo ng pagtuturo niya sa akin. Sa tuwing nadadapa ako at sumasablay, tinulungan niya akong makatayo saka chinicheer-up na magpatuloy. Hanggang sa,
"Ahh!" Malakas na ingit ko nang batuhin niya ako ng bola.
Akala ko noong una ay hindi niya lang sinasadya 'yon pero nagkamali ako dahil inulit niya pa at tumayo siya sa harap ko saka nginisihan ako.
Inabot niya ang kamay niya sa akin pero no'ng tatanggapin ko na sana 'yon para makatayo ay bigla niyang binawi kaya natumba na naman ako.
Biglang nakarinig ako ng malakas na tawanan at maya maya lang ay lumabas sa kung saan ang mga bully kong kaklase.
"Good job, Will. Good job!" Pumapalakpak na ani Barak, hindi niya tunay na pangalan. Siya ang pinakahambog at pinakamasama sa grupo nila. Siya ang mastermind nilang lahat.
Unti-unting pumatak ang mga luha sa pisngi ko nang napagtanto ko ang mga nangyayari.
'Pinaglaruan lang ako ni, Will! Manloloko siya! Akala ko matino siya at iba sa kanila!'
"Hahahahaha! Ang mga lampa nga naman! Naniwala ka naman dito kay Will?! Hahahaha! Hindi ka lang pala lampa dahil tanga ka rin!" Sigaw sa akin ng isa ko pang kaklase na lalaki.
"I'm sorry, Luna. That was all a show." Kibit-balikat na sabi ni Will at sinamaan ko siya ng tingin. "Akala mo ba makikipagkaibigan ako sa isang walang kwenta na katulad mo?" Nakangising tanong pa niya kaya naikuyom ko ang mga palad ko sa galit.
"Napakasama mo, Will! You lied to me! I hate you!" Umiiyak na sambit ko bago tumayo at kumaripas ng takbo palabas ng eskwelahan.
Tumakbo ako kahit wala naman akong patutunguhan. Hanggang sa makarating ako sa isang maliit na parke na hindi naman kalayuan sa school namin.
"Ang sama-sama nila! Pare-pareho lang silang lahat! Huhuhuhu!" Sigaw ko pa habang umiiyak.
END OF FLASHBACK
"Walang tigil ang pagluha ko no'n." Wala sa sariling nasambit ko.
"'Yon na 'yon?! Hala! So, si Will 'yong sinasabi mong nagpatahan sa'yo at hindi ka ikinahiya?! Eh walang-hiya pa 'yon sa mga nambully sa'yo ah!" Hindi makapaniwalang tanong ni Ry sa akin.
Natawa naman ako nang mahina. "Siyempre---"
"What?! Siya talaga?!"
"Tss!" Malakas na singhal ko. "Siyempre, hindi siya. Patapusin mo nga muna ako."
"Kasalanan mo, binitin mo 'ko e! Oh, anong nangyari pagkatapos?" Atat na tanong niya at inismiran ko lang siya saka nagkwento ulit.
FLASHBACK
8 years ago...
Sobrang sama ng loob ko noong mga oras na 'yon. Hindi ko lang matanggap na kahit si Will na minsan na din naging mabait sa akin ay nagpasakop sa kanila. Ngayon, isa na siya sa kanila, isa na din siyang bully.
Parang ayoko nang pumasok dahil alam kong wala nang magtatanggol sa akin kapag may nambubully sa akin.
Hindi pa din naubos-ubos ang luha ko sa kakaiyak habang nakaupo sa isang bench doon at yakap-yakap ko ang mga tuhod ko nang biglang,
"Gusto mo?" May nagsalita kaya agad akong natigil sa pag-iyak at nag-angat ng tingin sa taong 'yon.
Gulat akong napatitig sa kaniya dahil may dala siyang cotton candy at inilahad niya 'yon sa harap ko. Isang batang lalaki na pangmayaman ang porma pero nakasuot siya ng itim na mask kaya hindi ko maaninag ang kabuuan ng mukha niya.
"S-Sino ka?" Gumagaralgal ang boses na tanong ko.
Sa halip na sagutin ako ay mas lumapit pa siya sa akin at kusang iniligay sa kamay ko ang dala niyang cotton candy kaya nagtatakang tiningnan ko siya.
"B-Bakit mo 'ko b-binibigyan n-ng ganito?" Tanong ko pa sabay pakita ng cotton candy niya at umayos ako ng upo.
"Dahil malungkot ka. Kaya 'wag ka nang umiyak." Sagot niya. Hindi ko alam kung nakangiti siya habang sinasabi 'yon pero napakakalmado ng boses niya at natigilan ako. "Hindi dapat umiiyak ang mga babae dahil dapat silang alagaan, 'yon ang sabi ng Mommy ko. You're so precious to be in pain." Dagdag niya kaya literal akong napanganga.
'Anghel ba siya? Bakit ang bait niya sa akin kahit ngayon lang kami nagkakilala?'
"Hindi mo 'ko ibubully katulad ng mga kaklase ko?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya.
Umiling siya at tumabi sa akin.
"I won't do that to you. You don't deserve to be treated like that." Pormal na sagot niya at natigilan na naman ako.
Hindi ko makuhang ngumiti sa ipinapakita niya dahil sobrang nagugulat pa rin ako.
"Why are you doing this to me? You don't know me and we're not even f-friends." Nahihiyang sabi ko pa sa huling salita at nagbaba ng tingin sa lupa.
"When I saw you crying a while ago, I know to myself that we can be good friends. Isn't it cool?" Kaswal na tanong saka nilingon ako.
Hindi ako nakasagot agad dahil bukod sa tanong niyang hindi ko inaasahan ay nagulat pa ako no'ng pinahiran niya ang mga luha ko sa pisngi at inayos ang mga takas na hibla ng buhok ko at inilagay 'yon sa likod ng tenga ko.
"What's your name, Miss?" Pormal na tanong niya.
"I'm Luna." Tipid na sagot ko at ngumiti.
"Nice name." Puri niya sa pangalan ko kaya agad akong napangiti nang malapad.
"Ikaw? Anong pangalan mo, Mister?" Tanong ko naman sa kaniya.
"Wala akong pangalan. Tawagin mo 'ko kahit anong gusto mo." Seryosong sagot niya at agad na nagsalubong mga kilay ko.
"Ha? Pwede bang walang pangalan ang mga bata?" Naguguluhang tanong ko pa.
At tumango siya. "Friends?" Alok niya at inilahad ang kamay saka nakipag-shakehands sa akin na agad ko ding tinanggap.
"Yes, friends!" Masiglang sagot ko at nayakap ko siya sa sobrang saya ko.
Nahihiyang humiwalay ako sa kaniya nang narinig ko siyang tumawa nang mahina.
"You're so lovely. I'll see around." Paalam niya saka nagsimulang naglakad paalis.
"Wait!" Pigil ko sa kaniya at nahinto siya saka lumingon sa akin. "Can I call you 'Mask Guy'?" Pahabol ko.
Simula kanina ay hindi niya talaga tinatanggal ang mask na suot niya.
'Hindi naman siguro mabaho ang hininga niya, 'no?'
"Sure." Sagot niya sabay tango at tuluyan nang umalis.
Tinanaw ko siya at nakita kong sinalubong siya ng isang babae, baka sinusundo na siya ng mommy niya.
And speaking of Mommy---
"Si Mommy!" Sigaw ko nang maalala kong gumagabi na at nasa school pa ang bag ko.
Kumaripas ako ng takbo pabalik ng school at natanaw ko na si Mommy sa labas ng gate. Sa itsura niya, hindi lang siya galit dahil galit na galit siya!
Nang makalapit ako, naabutan kong pinapagalitan ni Mommy 'yong PE teacher ko at 'yong guard namin.
END OF FLASHBACK
"Inaasahan ko na ang kahihitnan ko no'n pag-uwi." Wika ko at napabuntong-hininga.
"'Yon lang ang nangyari sa inyo ni 'Mask guy'? Wala nang kasunod?" Sunod-sunod na tanong ni Ry sa akin kaya napangiwi ako.
"Pagod na akong magkwento. Tapos na ang water break natin." Rason ko at tumayo pero hinila niya ang kamay ko kaya napaupo ulit ako.
"Hoy! Ang daya! Hindi mo pa tinatapos ang kwento niyo e! Nabitin ako!" Nakangusong reklamo niya.
"Tss. Sa susunod na lang, Ry. Ubos na ang laway ko." Pagtanggi ko saka tuluyang bumalik sa field.
Sa totoo lang, hanggang ngayon ay curious pa rin ako kung bakit ayaw niyang tanggalin ang mask niya.
'May itinatago ba siya sa mukha niya? O baka may sakit siya?' Tanong ko pa sa isip na agad ko ring inalis dahil ayoko ng mag-isip nang sobra, nakakabaliw.
Pagkatapos ng PE namin ay dumiretso ako sa dorm at nagpalit ng damit. Hindi ko na hinintay pa sina Margaux dahil kukulitin lang ako ng mga 'yon.
Wala pa rin kasi ako sa hulog. Masyadong marami akong iniisip ngayon. Una, 'yong tungkol sa amin ni Mr. Scott. Pangalawa, 'yong alaala ko kay Mask Guy. Pangatlo, si Black.
Ewan, hindi ko talaga alam kung anong meron sa lalaking 'yon at palagi niya akong binubwesit sa mga pautos-utos niya. Akala niya siguro mauuto niya ako.
"Tsk! Kung kasama ko lang sana si Mask Guy ngayon, siguro giginhawa ang buhay ko kahit papaano." Mahinang sabi ko sa sarili at napabuntong-hiningang umupo sa sofa.
"Did you just mention 'Mask Guy'?"
Halos napatalon ako sa gulat nang biglang nagsalita ang pinakabaduy sa lahat mula sa likuran ko.
Dahan-dahan ko siyang hinarap at sobrang sama ng mukha niya. Kulang na lang ay patayin niya ako sa mga titig niya.
'Ano na naman ba 'to?! Tsk!'
Naglakad siya palapit sa akin at pinatid niya nang mahina ang pinto para maisara ito.
Hindi niya inalis ang mga mata sa akin hanggang nasa harap ko na siya.
"A-Anong ginagawa mo dito? B-Baka may makakita sa'yong lady guard at mahuli pa tayo. A-Ayokong ma-detention!" Kinakabahang usal ko habang napapalunok na tumitig sa kaniya.
"Isinara ko ang pinto para walang makahuli sa atin." Sagot niya at naglalakad ulit papunta sa akin kaya kabadong napapaatras naman ako.
'T-Tss! Ano bang ginagawa ng king ina'ng 'to dito?!' Inis na tanong ko sa isip.
"A-Ano bang s-sinasabi mo diyan?! U-Umalis ka nga!" Asik ko sabay tulak sa kaniya pero hindi man lang siya natinag sa kinatatayuan at nagpatuloy lang sa paglapit. Habang ako ay kinakapos na ng hangin dahil sa ginagawa niya.
Parang unti-unting lumiliit ang espasyo sa pagitan namin. Naaamoy ko na rin ang pabango niyang mamahalin, pati ang brand ng toothpaste niya ay nasisimot ko na rin.
'Peste!'
"Bakit kinakabahan ka?" Seryoso pa rin ang mukha niya nang nakipagtitigan sa akin. Hindi ko kinaya kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
"H-Hindi ako k-kinabahan!" Depensa ko.
"Pero nauutal ka." Sambit pa niya.
"T-Tumigil ka n-nga!" Inis na sigaw ko at huli na no'ng astang aalis ako sa pwesto ko dahil,
"Dead end." Bulong niya nang makorner niya ako at isa-isang nagtayuan ang lahat ng mga balahibo ko sa kakaibang tunog ng boses niya.
Parang nang-aakit na nangangagat---hindi ko alam!
Siguro, napapraning lang ako sa kakapanood ko ng The Vampire Diaries at iba pang Vampire stories. Ganito kasi kung mang-akit ang mga bampira doon para makainom ng dugo ng tao.
'Aish! Nasaan na ang tapang mo, Penelope?! Palayasin mo ang lalaking 'yan!'
"U-Umalis ka sabi e!" Buong-tapang na ani ko at pilit siyang itinulak ulit pero nahuli niya lang ang mga kamay ko dahilan para mas lalong nagdikit ang mga katawan namin saka nagkatitigan sa isa't isa.
"Stop fighting back, Luna." Mahinang sabi niya na ikinalaki ng nga mata ko at nilingon siyang muli.
'Paanong---'
"Luna." Muling banggit niya sa dati kong palayaw na matagal ko nang inilibing sa limot kaya mas lalo akong natigilan.
'How did he knew that?! Si.. si Mask Guy lang ang may alam no'n---oh my god!'
Pinakatitigan ko siya dahil hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya ngayon sa harap ko at may nababasa akong lungkot sa mga mata niya.
"B-Bakit mo 'ko tinatawag na ganiyan?" Takang tanong ko at matunog na lumunok. Hindi niya ako sinagot, bagkus ay tumitig lang siya sa akin. "Bakit mo 'ko tinatawag na 'Luna', Black?" I repeated but his face turned serious.
'Yong lungkot sa mga mata niya kanina ay napalitan ng galit ngunit hindi ko alam kung bakit.
"I just remembered the girl I met before. But I'm sure it's not you, because you're way more agressive than her." Blangko ang mukha na sagot niya kaya nagbaba ako ng tingin para itago ang kakaibang nararamdaman ko sa lalaking 'to.
'Anong alam niya kay Mask Guy?! Bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin ngayon?' Naguguluhang tanong ko pa sa isip.
"B-Bakit parang galit ka sa kaniya? Weren't you in good terms? Anong nangyari sa inyo?" Concern kunwaring tanong ko, pilit itinatago ang kaba sa dibdib.
'Don't tell me he's M-Mask Guy?!'
Ramdam ko na ang panginginig ng mga kamay ko, tanda na natatakot ako sa posibleng mangyari ngayon.
"We were, before she betrayed me." Seryosong sagot niya habang nakatitig sa mga mata ko nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya.
Hindi agad ako nakapagsalita.
Parang ipinapamukha niya sa akin na kailangan kong umamin at mag-apologize sa kaniya.
Nakagat ko ang sariling labi saka napalunok ng ilang beses.
"You look nervous." Usal niya kaya nang nakakuha ako ng pagkakataon ay muli ko siyang itinulak at this time ay nagtagumpay akong ilayo ang sarili ko sa kaniya.
"I hate your presence, Black. Can you please go out?" Nakikiusap na tanong ko at tumalikod saka huminga nang malalim.
"Why? Is it because you finally heard my side now, Luna?" Nanghuhuling tanong naman niya kaya napapikit ulit ako sa sobrang pagpipigil.
Nilingon ko siya at hinarap nang buong kompiyansa. "Stop calling me that!" Galit na sigaw ko at hindi siya kumibo. "If you're thinking that I have something to do with your 'Luna', then you're wrong. And if I were you, I will forget her.. because for sure, she's already gone." Madiing sabi ko pa.
Lumapit na naman siya sa akin pero hindi na ako umatras. Ipapakita ko sa kaniyang wala na ang Luna na nakilala niya noon. Ako na ngayon si Penelope na hindi papaapi.
"Are you telling me what to do, huh?" Tanong niya.
"Yes." Diretsong sagot ko habang nilalabanan pa rin ang nakakakilabot na kaba sa dibdib.
"Are you jealous?" Nakangisi nang tanong niya kaya agad na umarko ang kilay ko.
"What?! B-Bakit naman ako magseselos? At isa pa, sino ka ba?! Isa ka lang hamak na leader ng isang g**g na naghahari-harian dito at wala kang gawa sa akin!" Inis na sigaw ko sa kaniya.
"Before you say that again, think twice because," huminto siya kaya naintriga ako at tumingin nang diretso sa kaniya. "Baka hindi na cotton candy ang ibibigay ko sa'yo kapag nakita kitang umiiyak." Makahulugang dagdag niya at natigilan ako.
Agad akong nakaramdam ng panlulumo nang makompirma kong siya talaga ang childhood friend ko. Si Mask Guy na matagal ko nang hinahanap! Ang taong gusto kong mayakap at makausap ulit. Tuloy ay nanumbalik ang lahat ng alaala naming dalawa. Kung paano kami nagsimula at nagtapos sa kahindik-hindik na sitwasyon.
Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko kaya hindi ako nakapagsalita agad. Nagsisimula na akong pangiliran ng mga luha kaya agad akong umiwas ng tingin.
Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan sa kaniya. Hindi na ako si Luna na umiiyak lang matapos apihin. Hindi na ako 'yon!
"Go out!" Sigaw ko habang nakakapagtimpi pa ako at nagpalakad-lakad sa kwarto saka nasapo ang sariling noo na para bang napakalaking suliranin ang ibinigay niya sa akin. "I said go out!" Muling sigaw ko nang hindi siya gumalaw sa kinatatayuan.
Nakatalikod siya sa gawi ko kaya kitang-kita ko ang pagbagsak ng mga balikat niya.
"But please," pahabol ko nang nagsimula siyang naglakad papunta sa pintuan. Tumigil siya. "After leaving this room, forget Luna. S-She's gone. And stop your special treatment to me. I'm sick of being your slave, Black." Madamdaming dagdag ko at nagitla ako nang lumingon siya na blangko ang mukha.
"I will, but can you do me a favor too?" He asked.
I nodded as an answer.
"Don't leave me. I can't afford losing you again even if you're not Luna anymore." Malungkot na tugon niya saka tuluyan nang lumabas ng kwarto.
Parang naestatwa ako sa mga tinuran niya. Hindi ko alam kung saan patutungo 'to pero bahala na. Pumayag ako sa pabor niya kaya kailangan kong panindigan 'to. In fact, we're always together since we're just in the same campus.
Tinanaw ko siya sa baba mula dito sa bintana ko. "Look back, please." Mahinang pakiusap ko kahit imposibleng niya akong marinig dahil sa distansya namin pero umaasa pa rin ang puso ko.
'Kapag lumingon ka, akin ka.'
At halos magulantang ako nang hindi niya ako binigo. Nagtama ang paningin namin pero agad ding naputol 'yon nang bumukas ang pinto at mabilis kong naisara ang bintana.
"Sinong kausap mo diyan, Penelope?"
To be continued...