KABANATA 7: The New Moonlight

3415 Words
Pagkarating ko sa dorm ay naabutan ko doon ang tatlo at tila sobrang nag-aalala ang mga mukha nila. Napatayo silang lahat nang pumasok ako ng tuluyan sa loob. Iniwan kasi nilang nakabukas ang pinto kaya tanaw ko na sila mula pa sa malayo. "Pen?" Tawag nila. "Beh, galit ka pa ba sa amin?" Lumapit si Ry sa akin pero dinaanan ko lang siya. Dumiretso ako sa closet ko at kumuha ng damit. Dinig na dinig ko ang mahinang pag-uusap nila pero hindi pa rin ako kumikibo. Parang nawalan na yata ako ng ganang magpakatao sa mga taong mababa naman ang tingin sa akin. Pagkatapos mamili ng susuotin ay nagdiretso na ako sa banyo at iniwan silang puno ng tanong sa isip. Inilapag ko sa may lababo ang mga isusuot ko at hinubad ang suot na damit saka sumampa sa shower room. Tinaasan ko ang temperature ng heater para mas maramdaman ko ang init sa balat ko. Hinahayaan kong dumaloy ang tubig sa katawan ko habang nakapikit at isa-isang sumagi sa isipan ko ang mga nangyari sa akin noong mga nakaraang linggo. --------------------- "You! Who are you?" "I'm Penelope Clairdelune Cham----" "I'm not pertaining to your name. I'm asking about your 'position' in this institution." "Bakit? Sino ka rin ba sa inaakala mo? Porke't kinakatakutan ka ng lahat inaasahan mo na ring katatakutan kita? Scratch that! Dahil para sa akin, pantay-pantay lang tayo dito. Kadugo ka man ng presidente o anak ng alipin, tatratuhin kita base sa kung ano ang dapat na itrato sa'yo." "Bring her to our headquarters!" ------------------- "Do you know who I am?" "Pwede ba?! Kung kakatayin niyo lang din ako, gawin niyo na! 'Wag mo na akong tanungin nang kung anu-ano dahil wala kang mapapala sa akin!" "Alam mo bang hindi lang ikaw ang unang babaeng nagtangkang kalabanin ako?" "Wala akong pakialam." "Kaya nga sinasabi ko sa'yo ngayon na kahit ilang babae pa ang humarang sa daraanan ko, wala akong maiibigan at walang makakapagpabagsak sa isang Black Heather sa paaralang 'to. Ang sabi kasi nila, kapag daw may tumutol na binibini sa leading man patungkol sa ugali niya, sila ang magkakatuluyan sa huli. What a fairytale, right?" "..." "Stop staring at me." "What?! I'm not staring at you!" "Oh really? Let me guess, you're looking at my broad shoulders but still you're staring me." "'Oh really?' Guess mo mukha mo! Wala kang kwenta! GGSS ka!" "GGSS?" "Oh, bakit? Hindi ba? Feeling gwapo ka! Pero ang baduy-baduy mo naman!" "Everyone knows I'm handsome." "See? Wala ka talagang kwenta!" "Why?" "Anong 'why'?!" "Ano ba ang may kwenta sa'yo?" "B-Bakit ko naman sasabihin sa'yo? At saka, bakit mo ba ako dinala dito? Bored na bored ka na ba talaga kaya nanghuhuli ka na lang ng makakausap mo?! 'Yan piso, ibibigay ko sa'yo. Ikaw na bumili ng kausap mo!" ------------------- "Sino ka?! m******s! Nasaan ako?! Hoy! Sumagot ka! Pinagnanasahan mo ba ako?!" "Ngayon mo sabihin sa akin na hindi mo 'ko kilala." "B-Black?" "..." "B-Bakit mo 'ko dinala dito?" "Kailangan kitang parusahan para sa kaisa-isang patakaran ko na nilabag mo." "Anong patakaran?! Wala akong alam diyan sa sinasabi mo! Hindi ko rin nabasa sa student's manual na may sarili kang patakaran dito!" "Mmm, maaaring hindi ko nasabi sa'yo nang personal. Pero sigurado akong naikwento na ng mga kaibigan mo ang tungkol sa akin." "Pero----" "Sumunod ka sa akin." "..." "Ito ang hardin na pinangangalagaan ng Red C-Note. At gusto kong simula ngayon, ikaw na ang mag-aalaga dito. Araw-araw mong didiligan ang mga halama't bulaklak. Kung mataas na ang tubo ng bermuda grass ay ikaw rin mismo ang magpuputol no'n. Ayokong may mamatay kahit isa sa mga magagandang paru-paro na 'yan----" "Teka, pati ang mga paru-paro, aalagaan ko?!" "Oo, at alam ko ang bilang nila kaya dapat ay pag-igihan mo ang pag-aalaga sa kanila dahil kung hindi----" "Kung hindi, ano?!" "Mapipilitan akong ipaligpit ka---and I'm dead serious. Wala akong pinapaboran sa paaralang 'to, Penelope. Hangga't ako ang namumuno ng Red C-Note at nasa ilalim ka ng kapangyarihan ko, kailangan mong sundin ang lahat ng sasabihin ko sa'yo." -------------------- "Sino ka?" "I'm Blue Asher Greyson, I saw you got bumped by the Dandies. Would you mind if i'll help you?" "..." "Hey? Penelope, right?" "H-Ha? Paano mo nalaman ang pangalan k-ko?" "Nabasa ko ang nakasulat sa cover ng notebook mo. Here.." "Tama, ako nga si Penelope. Maraming salamat sa malasakit mo." "Since ikaw na lang rin ang nandito, maaari mo ba akong samahan?" "S-Saan?" "Sa cafeteria. Hindi pa kasi ako nakakapagbreakfast e, ayos lang ba? Pero kung ayaw mo----" "Hindi! Ay este---oo, s-sasama a-ako!" "Ayos ka lang ba? Sorry natagalan ako, nagtanong pa kasi 'yong tindero kung girlfriend daw ba kita---" "*huk!*" "Penelope! Ayos ka lang?" *coughs!* "Magdahan-dahan ka kasi sa pag-inom para hindi ka nasasamid. Baka kung mapano ka pa." "Ayos na ako, salamat." "May nasabi ba akong mali?" "Hindi---wala. Wala kang nasabi. Ako lang talaga 'yong hindi maingat at nasamid pa ako sa tubig. Hehe." -------------------- "Penelope." "B-Black?" "Can we have a minute?" ------------------- Naputol ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pinto ng banyo. "Sandali!" Sigaw ko at mabilis na tinapos ang pagligo saka itinapis ang tuwalya. Pinagbuksan ko ng pinto ang kumatok at bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Mecca. "May naghihintay sa'yo sa baba." Seryosong aniya at tumango lang ako saka muling isinara ang pinto. Nagbihis agad ako at lumabas. Hindi ko na naabutan pa ang tatlo sa kwarto kaya nagdesisyon na lang akong bumaba. "Hey!" Nakangiting bungad sa akin ni Blue pero sinamaan ko lang siya ng tingin. "Anong ginagawa mo dito? Bawal ka dito." Matigas na sabi ko. "I'm sorry about yesterday. I know galit ka pa rin sa nangyari at nandito ako para humingi ng tawad." Nagmamakaawang usal niya. "Tawad? Wala tayo sa palengke para tumawad ka----" "Penelope, I'm not fooling around, okay? Drop your philosopy. Please, forgive me.." nakikiusap na putol niya sa akin. Sinapo ko ang sariling noo saka umiwas ng tingin. Ayoko siyang tingnan kasi napakaamo ng kaniyang mukha. Mabilis akong maawa at kahinaan ko ang mga taong tulad niyang minsan nang nagmalasakit sa akin. Pero kailangan kong panindigan ang binuhay kong newly improved Penelope Clairdelune Chamberlain. "Pene----" "Pwede ba, Blue?!" Mabilis na pigil ko sa kaniya at natigilan siya. Tumingin ako nang diretso sa mga mata niya at pilit pinapalakas ang loob para hindi niya mahalata ang pagkahabag ko. "Kalimutan mo na 'yong nangyari dahil ibinaon ko na 'yon sa kahapon ko. At tandaan mo 'tong sasabihin ko, 'wag na 'wag ka nang makikipag-away ulit nang dahil lang sa akin. Baka pagsisihan mong tinulungan mo pa ako noong araw." Makahulugang dagdag ko at tinalikuran siya. Hangga't maaari, kailangan ko siyang iwasan para hindi na siya madamay pa sa mga plano ko. Naging mabuting kaibigan siya sa akin kaya pangangalagaan ko 'yon. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko dahil basta na lang akong naglakad palabas para umiwas kay Blue. Maya maya pa ay namalayan ko na lang na nasa harap na ako ng Headmaster's office. Kumatok ako at agad na bumukas ang pinto, pero hindi ko inaasahang makikita ko doon ang kaisa-isang babaeng nagmahal at nagpalaki sa akin sa kabila ng pagiging sakit ko sa ulo. Si Mommy. Wala akong ibang maramdaman kundi panghihina at pagkasabik kaya nang magtama ang paningin namin ay agad ko siyang tinakbo saka niyakap nang mahigpit. Halos mapaluha ako sa sobrang saya! 'Sobrang miss na miss ko na siya.' "Mommy!" Masayang sambit ko at nakangiting pinapanood naman kami ni Mr. Scott. "Magandang araw sa'yo, Mr. Scott." At sinagot niya ako ng tango habang nakangiti pa rin. Namiss ko din ang pagiging weird niya. After kasi no'ng first day ay hindi na kami muling nagkausap pa, at ngayon lang rin ulit kami nagkita. Kusang humiwalay sa pagkakayakap sa akin si Mommy at nakangiting hinawakan ang mukha ko. "I missed you too, my Moonlight. It's been a while." Mahina munit puno ng pagmamahal na tugon niya kaya mas lalo akong napangiti nang malapad. "Buti naman po at napadalaw kayo. Akala ko kasi after 100 days pa kayo pwedeng magpakita sa akin." Pormal na usal ko at umupo kami sa harap ni Mr. Scott. Nginitian ako ni Mommy at inayos niya ang iilang hibla ng buhok ko na lumalabi sa pisngi ko. "May mahalaga lang kaming pinag-usapan ni Mr. Scott, Penelope. At gusto din kitang makita kaya ako na ang nagprisinta na pumunta dito." Pahayag pa niya. "Tinawag mo siyang 'Moonlight', Mrs. Chamberlain. Bakit?" Sabat na tanong ni Mr. Scott at nilingon siya ni Mommy. "She's my moonlight, Mr. Scott. Hindi man ako nagkaroon ng sarili kong anak, pero siya naman ang ibinigay sa akin ng Diyos para maramdaman ko pa rin ang pakiramdam na maging isang ina. She made my dream come true. She's the reason why I worked hard everyday and I'm trying my best to be a good mother to her. That's why I put her second name as 'Clair de lune'." Sagot ni Mommy habang nakatingin sa mga mata ko at niyakap niya ulit ako. Nagkumustahan pa kami saglit ni Mommy bago namin siya inihatid ni Mr. Scott sa labas ng gate. Gusto kong magmakaawa na sumama sa kaniya pero hindi pwede, kasi ang sabi niya nandito raw ang buhay ko. Sa totoo lang, wala akong naintindihan sa mga rason niya pero hindi na ako nagpumilit dahil ayokong mag-away na naman kami bago siya lumisan. Naluluhang kinakawayan ko siya habang nakangiti nang pinaandar niya ang makina ng sasakyan at dahan-dahang naglaho sa paningin ko. Nang makaalis siya ay doon lang ako nakaramdam nang matinding pagod at pagkalulan. Hindi pisikal na pagod, kung hindi ay emosyonal at ispiritual na kapaguran. Pero kailangan kong maging malakas, lalo na ngayong mag-isa na naman ulit ako. Alam kong suicide na naman 'tong gagawin kong pagbabago sa sarili ko pero kailangan. Ito lang ang tanging paraan na nakikita ko para malampasan ko ang lahat ng nakakamatay na pagsubok dito. "Penelope?" Nahinto ako sa pag-iisip nang banggitin ni Mr. Scott ang pangalan ko kaya wala sa sariling nilingon ko siya. "Maiintindihan mo rin ang lahat, balang araw." Pormal na usal niya. "Hindi pa po ba sapat ang edad ko para malaman ang lahat?" Inosenteng tanong ko. "Ang batang tulad mo ay dapat na nagliliwaliw muna. 'Wag mong masyadong pagurin ang sarili mo kakaisip ng mga nangyayari. May tamang panahon para maintindihan mo ang lahat ng 'yon." Mahabang paliwanag pa niya saka ngumiti at ginulo ang buhok ko. "Pumasok na tayo?" Aya niya at tumango na lang ako bilang sagot. 'Masyado pa ba talaga akong bata? Bakit parang atat na akong malaman ang lahat? Why am I so curious? This will gonna kill me or not?' Mga tanong ko pa sa isip. Habang nakasunod ako kay Mr. Scott na naglalakad, hindi ko maiwasang tingnan ang kabuuan niya. Mas matangkad siya sa akin, kasing puti ng balat ko ang kulay ng balat niya, matipuno, pormal, masyadong pino kumilos, walang bakas ng pagkakamali ang hubog ng katawan niya, at binata pa siya. Kung tutuusin, parang kuya ko na siya dahil limang taon lang naman ang tanda niya sa akin. 'Paano niya kaya pinapasan ang lahat ng problema dito? Naiisip niya pa kayang magka-girlfriend kahit ang dami na niyang responsibilidad? Bakit kaya namatay ang daddy niya? May mommy at kapatid pa kaya siya?' Napakaraming tanong na nabubuo sa isip ko sa tuwing kaharap ko ang taong 'to. Tila napakamisteryoso niya at hanggang ngayon wala akong mahitang sagot sa mga tanong ko. Kahit bakas ng pagkakakilanlan ay wala. "Aray!" Ingit ko nang bigla akong tumilapon sa kung saan. Natagpuan kong nagpagulong-gulong sa lupa si Mr. Scott at 'yong isang lalaki na sa pagkakatantya ko ay kasing edad lang niya. Nakita ko kung paano nila sinaktan at halos patayin ang isa't isa, pero sa huli ay pumaibabaw si Mr. Scott sa lalaking nakadapa na duguan ang mukha saka niya ito sinakal at bumulong. Matapos no'n ay padabog niyang binitawan ang lalaki saka nagmamadaling lumapit sa akin at sinipat ang kabuuan ko. "Nasaktan ka ba, Penelope?! Tell me, saan ang masakit?!" Nag-aalalang tanong niya. Pinakiramdaman ko ang sarili ko, munit wala naman akong naramdaman na masakit maliban sa siko kong naitukod ko kanina. "Konting galos lang po sa siko, malayo sa bituka. Pero ayos lang po ako, Mr. Scott." Sagot ko at muling lumingon sa direksyon no'ng lalaki. "Sigurado ka? Ayos ka lang talaga?" Tanong niya ulit. "Opo." Tipid na sagot ko habang nakatingin pa din doon sa lalaki. Unti-unti siyang bumangon at tumingin sa akin. Nagtama ang paningin namin at bigla akong kinabahan kaya agad akong nag-iwas ng tingin. 'Sino ang taong 'yon? Bakit ang sama ng tingin niya sa akin? May ibig sabihin ba 'yon?' Gustong-gusto kong itanong kay Mr. Scott ang nasa isip ko pero ayokong magmukhang praning sa sobrang kakaisip nang kung anu-ano tungkol sa ikinikilos ng ibang tao. "Halika, tumayo ka na diyan, Penelope. Gagamutin natin 'yang sugat mo pagkarating sa YH." At tinulungan niya akong makatayo saka ko pinagpagan ang sarili ko. Nang lingunin ko ulit 'yong lalaki laking pagtataka ko dahil wala na siya doon sa kinatatayuan niya kanina. 'Ang bilis niya! Ilang segundo lang akong nalingat. Wow.' "Mr. Scott?" Tawag ko kay headmaster habang naglalakad kami pabalik sa campus. "Mmm?" Lingon niya sa akin. "Sino po ba ang lalaking 'yon? Bakit niya tayo sinugod bigla? Tsaka, paano niya po nagawang maglaho agad sa iilang segundo lang?" Sunod-sunod na tanong ko dahilan para matigilan siya at gulat na napatingin sa akin pero agad ding nakabawi. "Isa siyang kaaway, Penelope. Delikado siya kaya dapat alam mo nang kailangan mo siyang iwasan, maliwanag?" Tanong niya at agad akong tumango kahit naguguluhan pa rin ako. "Masama po ba talaga siya?" "Oo. Higit pa sa naiisip mo." "Gaano po siya kasama?" "Walang kasing sama ang lalaking 'yon, Penelope. Kaya nakikiusap ako sa'yo na umiwas ka na agad kapag namataan mo siya, okay?" "Maliwanag po, Mr. Scott." "Good girl." Pagtatapos niya sa usapan. Nang makabalik kami sa YH ay agad niya akong dinala sa opisina niya. Pinakuha niya ang first aid kit sa assistant niya saka sinimulang gamutin ang sugat ko. Noong una ay nagprisinta pa akong ako na lang ang gagamot sa sarili ko pero pinairal na naman niya ang pagiging Headmaster niya kaya sa huli ay wala na akong nagawa. Matapos niyang gamutin ang sugat ko ay saglit niya pa akong pinaupo at may kukunin lang daw siya. Habang naghihintay ako kay Mr. Scott may para bang biglang humila sa akin papunta sa hilera ng mga paintings at ayon na naman 'yong painting ng isang babae na parang totoong tao talaga. Lumapit ako at muli ko itong pinagmasdan. Ngayon ko lang napansin ang kulay ng mga mata niya, kulay abo ito, magkasing kulay kami ng mata. Bumaba ang tingin ko sa ibabang bahagi ng painting at doon ko nabasa nang klaro ang buong pangalan niya. "Penelope Demiluna Scott. Half moon siya?" Mahinang bulong ko sa sarili. "She's my mother---" "Oh s**t!" Bulalas ko at halos napatalon ako sa gulat nang biglang nagsalita si Mr. Scott mula sa likod ko kaya dahan-dahan ko siyang nilingon. "K-Kanina pa po kayo diyan, Mr. Scott?" Nahihiyang tanong ko pa. Bigla ko tuloy naalala ang huling eksena namin no'ng nahuli niya akong tinitingnan ang parehong larawan ng babae sa painting. Mapakla at sobrang seryoso ng reaksyon niya no'n kaya ngayon hindi ko mawari kung anong ginawa ko at nangingiti siya sa akin. 'Weird.' "Hindi. Kakadating ko lang. I'm just wondering, bakit lagi mong tinitingnan ang painting na 'yan? Kilala mo ba ang Mama ko?" Kaswal na tanong niya at agad naman akong napailing. 'Mama niya ang magandang babae sa painting? Wow! Magkamukha nga sila pero bakit hindi abo ang kulay ng mga mata niya?' "Kung ganoon, bakit lagi mo 'yang tinitingnan sa tuwing napaparito ka?" Tanong niya ulit. "P-Po? Eh kasi kakaiba 'yong ganda niya. Ngayon pa lang po ako nakakakita nang ganito kagandang painting at parang totoong tao talaga siya sa paningin ko. At saka, kapangalan ko po siya." Halos ibinulong ko na ang huling linya at agad siyang napaiwas ng tingin kaya ramdam ko ang pagsalubong ng mga kilay ko. "Halika, maupo ka muna. May ipapakita ako sa'yo." Pag-iiba niya sa usapan at may ibinigay siyang isang malaking papel na hugis parisukat sa akin. Nang abutin ko ito ay doon ko pa lang nalaman na hindi 'yon papel dahil sa bigat nito. "Ano po ito, Mr. Scott?" Tanong ko habang sinisipat ang laki ng bagay na 'yon. Kasing laki siya ng window-type na aircon, 'yong medium size. "Buksan mo." Pormal na utos niya at ginawa ko naman. Pinunit ko ang papel na nakabalot dito at pagkabukas ko ay naghalo ang sobrang pagkamangha at pagkagulat ko sa laman no'n. Isang painting ng dalawang babae, sobrang ganda nila pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit silang dalawa ang nakapinta doon. Kunot ang noo'ng tiningala ko si Mr. Scott na ngayo'y kampante lang na nakaupo at nakapangalumbaba sa swivel chair niya habang nakangiti sa akin. "Saan po galing ang painting na ito, Mr. Scott? Bakit kayo may painting ng Mama ko at ng bestfriend niya?" Takang tanong ko. Sa halip na sagutin ako ay tumayo siya saka tinanggal 'yong painting ng Mama niya doon sa dingding ng opisina niya at inilahad din 'yon sa harap ko. "They're siblings, Penelope. My mom," turo niya sa Mama niya. "Mrs. Pleineluna Chamberlain." Turo niya kay Mommy. "Your mom." Turo niya naman sa Mama ko. Nalilitong tinitigan ko sila isa-isa saka ako nagtatakang tumingin kay Mr. Scott. "Hindi ko po maintindihan, Mr. Scott. P-Paano nangyaring magkakapatid sila? Penelope din ang pangalan ng Mama mo? Eh ang sabi sa akin ni Mommy, ipinasunod niya ang pangalan pangalan ko kay Ma----" "Shhh. Kumalma ka, Penelope. Ipapaliwanag ko ang lahat tungkol sa kanila." Pagpapahinahon niya sa akin pero hindi pa rin ako napapalagay. Gulong-g**o na ako sa mga nangyayari! 'Anong ibig sabihin nito? Magkaano-ano kami ni Mr. Scott? At anong koneksyon ko sa tatlong babaeng nasa painting?' Sunod-sunod na tanong ko sa isip. Umiling ako saka muling tiningnan ang mga babae sa painting. 'Bakit nga ba hindi ko agad napansin ang pagkakahawig nilang tatlo?' Muli siyang umupo sa swivel chair niya at tumingin sa malayo, tila tinatanong niya ang hangin kung tamang oras na ba para sabihin niya sa akin ang lahat ng nalalaman niya tungkol sa tatlong mga babaeng ito. Halatang nagdadalawang-isip pa siya pero handa na ako. Handa na ako sa lahat ng maririnig at matutuklasan ko. Gayunpaman, nandito pa rin ang matinding kaba sa dibdib ko na lalong nagpapadagdag ng nginig sa katawan ko. "They're the Penelope Sisters. My mom is Penelope Demiluna Scott, Mrs. Pleineluna is Penelope Pleineluna Chamberlain, and your real mom is Penelope Noireluna Chamberlain." Panimula niya. "Sa kanilang tatlo, si Mrs. Pleineluna lang ang walang anak, hindi dahil baog siya at walang asawa kundi dahil," huminto siya dahilan para lalo akong mapatitig sa kaniya at napalunok ng isa. "...ninakaw ito sa kaniya at iniwan siya ng dati niyang kasintahan, kaya sa Mama mo at sa'yo na lang siya nagpokus. Ibinuhos niya ang lahat ng pagmamahal sa'yo noong namayapa ang iyong ina." Kalmadong dagdag niya. 'Bakit itinago sa akin ni Mommy ang lahat ng ito?' "I-Ibig sabihin magpinsan tayo?" Gulat na tanong ko at tumango siya bilang sagot. "P-Pero bakit Penelope din ako?" Takang tanong ko pa ulit. "Dahil lahat ng babae sa angkan natin ay dapat nagsisimula sa pangalang Penelope, 'yon ang isang patakaran mula pa sa kaninuno-an natin. At Moonlight ka kasi Dark---" 'Half moon ang Mama niya, Full moon naman si Mommy, at Dark moon si Mama.. s-sino ang crescent?' "Anong buong pangalan mo? Croissant ba?" Putol ko sa kaniya at natigilan siya, nahuli ko 'yon pero pilit niyang itinatago. "You can understand French?" Gulat na tanong niya. Tumango ako. "May French class kami noong nasa fifth grade ako. Hindi rin lingid sa kaalaman kong French ang pangalan ni Mommy at pati ang second name ko." Diretsong sagot ko at medyo natawa naman siya kaya nagtatakang tiningnan ko siya. "Hahaha! What a small world. Hindi ko akalaing habang nagkukwento ako sa'yo ay unti-unti mo na pa lang nabubuo ang lahat sa utak mo." Hindi makapaniwalang aniya at umiiling pa. "Ngayong alam ko na ang koneksyon natin, Mr. Scott, maaari ko na bang malaman ang 'lahat-lahat'?" Seryosong tanong ko at tumingin nang diretso sa mga mata niya. "Walang ibang nakakaalam sa tunay na pinagmulan ng angkan natin, Penelope. Sana manatili itong lihim sa ating dalawa." Malamig na tugon niya. Bumuntong-hininga ako saka tumayo. "Hindi ako marunong magsayang ng oras na magkwento sa iba lalo na kung tungkol sa akin, Mr. Scott. Kaya makakaasa kang wala akong pagsasabihan." Panunumpa ko. Lumapit siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. "Kay tagal kong tiniis na 'wag kang tingnan bilang kadugo ko, pero ngayong alam mo na, mas lalo akong nahihirapan." Wika niya at humiwalay sa pagkakayakap sa akin. "Bakit?" Tanong ko pa. "Kasi baka hindi ko mapigilan ang sarili kong kampihan ka kapag nagkataong masali ka sa isang gulo." Madamdaming sagot niya. "Kaya ko ang sarili ko. Nabuhay ako sa mapangyurak na mundo kaya handa ako sa lahat." Paniniguro ko at napangiti naman siya saka ginulo ang buhok ko. "Payakap nga ulit---aray!" Impit niya nang batukan ko siya. "'Wag kang mamihasa! Baka kung anong isipin ng mga makakakita." At inirapan ko siya. 'Feeling close ang king ina! Tss.' To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD