KABANATA 11: The Truth 3

3353 Words
"S-Sino 'yon, Black? B-Bakit may b-barilan?" Kabadong tanong ko kay Black habang tinutulungan niya akong makatayo saka hinila sa madilim na parte ng school ground at doon kami nagtago. "Shhh." Senyas niya sa akin at kahit naguguluhan ay sinunod ko pa din siya. Nanahimik ako at pinakiramdaman ang paligid. Nagpuputukan pa din pero wala akong mahagilap na tao. 'Imposible namang 'yong mga puno ang nagbabarilan, diba?' Napansin kong balisa si Black habang nagmamasid din sa buong lugar. Maya't maya siya kung sumilip at tumitig sa kung saan. Napakadilim kasi dito ngayon dahil gabi na at walang mga poste. 'Ang yaman-yaman ng may-ari pero hindi man lang nakapagpatayo ng ilaw dito! Tsk.' Mahirap hagilapin ang mga tao sa paligid, lalo na kung nagtatago. Pero para kay Black na sanay na sanay na sa ganitong sitwasyon, parang kanina niya pa nakilala ang mga taong nasa paligid namin. "Black?" I whispered to his ear. Nilingon niya ako pero kalahati lang. "Anong nangyayari? Bakit tayo nagtatago?" Bulong na tanong ko pa rin. "Listen, mamaya na ako magpapaliwanag, okay? Sa ngayon, manahimik ka na muna para hindi tayo mabuko dito." Nagpapaliwanag na tonong aniya. Wala na naman akong nagawa kundi manahimik. Dumaan ang ilang minuto at ganoon pa rin ang set-up namin. Nawala na 'yong barilan pero suntukan naman ang naririnig ko. "Black!" May biglang sumigaw kaya naalarma ako. Nanatili pa ding kalmado ang mukha ni Black kahit batid kong kinakabahan na siya. "Dito ka lang." Bulong niya sa akin at astang tatayo nang pinigilan ko siya. "Saan ka pupunta?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya. "Wala tayong dalang kahit ano kaya wala tayong laban sa kanila. You have to stay para hindi tayo madehado pareho." Sabi niya at napakamot ako ng ulo. "Wala akong naintindihan." Nakangusong usal ko at bumagsak naman ang mga balikat niya. "Okay. Ganito ha? You stay here and i'll go there." Sabay turo niya doon sa gitna ng field kung nasaan 'yong mga nagpaputok kanina. "I know they're looking for me dahil hindi ako sumipot sa Arena ngayon---" "Teka," pigil ko at kumunot naman ang noo niya. "Ibig sabihin---hala s**t! Saturday nga pala ngayon! I mean 'Dark Saturday'!" Gulat na sabi ko at agad na napatakip ng bibig. Tumango lang siya bilang pagsang-ayon. "Pero bakit ka pupunta doon? Wala kang armas, baka kung mapa'no ka!" Nag-aalalang bulong ko sa kaniya pero ngumiti lang siya. "Hoy, Black! Hindi bulletproof 'yang katawan mo para magpapain ka do'n!" Inis na sabi ko ngunit sa halip na sumagot ay niyakap niya lang ako nang mahigpit. "Salamat sa pag-aalala mo, Penelope. But I assure you, i'll live until the end of this story." Bulong niya saka nakangiting humiwalay sa pagkakayakap sa akin. Hindi ko pa rin makuhang suklian siya ng ngiti at kiligin sa mga sinasabi niya dahil nag-aalala talaga ako. Wala pa nga akong lead doon sa Hades na 'yon, pati doon sa kaso ni Margaux, tapos eto na naman?! 'Oh, good Lord! Help me!' "Promise me," huminto siya at napatitig naman ako sa kaniya. Tanging liwanag mula sa buwan lang ang nagbibigay ilaw sa amin dahil sobrang dilim talaga. "You'll stay quiet until i'll finish all of them. If you can no longer handle your worry, just run silently and go to Headmaster Scott. Tell him what happened." Habilin niya at naluluhang umiiling ako saka nagbaba ng tingin. "B-Black.." mahinang sambit ko at naramdaman ko ang mga palad niya sa magkabilang pisngi ko. Unti-unti niyang iniangat ang mukha ko at doon na tuluyang tumulo ang mumunting butil sa gilid ng mga mata ko. "Please don't cry." Utos niya habang nakatitig pa rin sa akin. "I don't deserve your tears." "B-Bakit hindi na lang tayo, tumakas dalawa? May oras pa naman e." Suhestiyon ko kahit malabo nang magbago ang desisyon niya. Bumuntong-hininga siya at mas inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Halos maduling ako sa sobrang lapit namin sa isa't isa pero hindi 'yon ang inaalala ko ngayon. 'Kailangan mo siyang pigilan, Penelope, kung hindi ay magiging cargo de konsensya mo pa siya. Tss.' "Kapag ginawa natin 'yon, pareho tayong mapapahamak. Kung susundin mo 'ko, may pag-asa pang makatakas ka at makapagsumbong." Sagot niya pero hindi ko pa din maintindihan. "No! Hindi pwede! Hindi kita iiwan mag-isa dito, Black. Alam mo bang napanood ko na 'to sa mga movies dati? Kapag sinunod natin 'yang gusto mo, mamamatay ka mag-isa at habang-buhay akong magsisisi dahil doon." Pagmamatigas ko habang naluluha pa rin. "Penelope, please cooperate? Gahol na tayo sa oras." Pagmamakaawa niya at halatang nagpipigil lang siya ng inis sa tono niya. 'Anong gagawin ko?! Hindi ko siya pwedeng pabayaan na gawin ang plano niya! Suicide 'yon!' "Kung magpapakamatay ka doon, sasama na lang ako! Ayokong maiwan dito at tumunganga habang pinapanood kang unti-unting nilalapa ng mga leon na 'yon!" Matigas na sabi ko at pinagkrusan siya ng mga braso na parang batang ayaw paawat sa gusto. Napabuntong-hininga na naman siya at halatang nawawalan na ng pasensya. Luminga-linga pa muna siya sa paligid bago muling lumingon sa akin. Pareho kasi kaming nakaupo kaya hindi nila kami masyadong napapansin, pero masyadong tahimik ang lugar kaya maaaring isang maling sigaw ko lang ay mahuhuli na nila kami. "Fine. Do you know how to use a dagger?" Seryosong tanong niya at nanlaki ang mga mata ko. "D-Dagger? As in 'yong maliit na e-espada?" Hindi makapaniwalang tanong ko at sinukat pa 'yon sa mga kamay ko. Tumango naman siya bilang sagot. "Well, hindi ko pa nasusubukan pero---" "Then, you are not coming." "Sandali!" Mabilis na pigil ko sa kaniya nang astang aalis na ulit siya kaya walang-ganang nilingon niya ako. "I don't know how to use that...b-but, I know how to manipulate them para makaagaw ng baril." Nahihiyang sambit ko at napatungo. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko at hinila papunta sa gitna ng school ground. May isang lalaking nakatayo doon at may dalang b***l habang nakangisi sa amin. "Long time no see, Black Kingsley." Nakangising bati ng lalaki kay Black na ngayon ay hindi na maipinta ang itsura. "Anong kailangan mo, Hades Roulette?" Malamig na tanong naman sa kaniya ni Black. Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko kaya pinisil ko 'yon para maramdaman niyang hindi na maganda ang kutob ko sa kalokohan naming ito. "Oh! Hahahaha! Mabuti naman at naalala mo pa ang pangalan ko? I am suprised!" Sarkastikong asik noong Hades at umastang parang nata-touched. 'Teka---' "Black, siya ba 'yong Hades na leader ng The Rejects g**g?" Bulong ko kay Black at tumango lang siya habang hindi pa din pinuputol ang tinginan nilang dalawa kaya nagulat na naman ako. 'Ikaw pala ang gagong 'yon! Bwesiiiit! Kaharap na kita ngayon, kaya humanda ka na dahil hindi kita palalampasin! Kingina ka!' Galit na sabi ko sa isip. Biglang nabuhay ang galit sa loob ko habang nakatitig sa halimaw na Hades na 'yon. 'What the hell?! Napakasikat ng pangalan niya, tapos lahat lang pala ay dahil sa kabarumbaduhan niya?! Lagot ka ngayon sa akin! Gago ka!' Pagmumura ko pa ulit sa isip. "Sabihin mo na ang gusto mo, nagmamadali kami." Walang emosyong utos ni Black kaya napaigting ang panga no'ng Hades. "Walang-hiya ka pa rin hanggang ngayon, Black. Di bale, nandito na tayo e---teka, may kasama ka pala? Baka gusto mong ipakilala 'yang bago mong chicklit---" "Touch her and you will taste death." Seryosong banta ni Black sa kaniya. Tumawa siya nang nakakaloko dahilan para magtiim ng bagang ni Black. 'Tss! Napakapasensyado talaga! Hmp!' "Seriously? Hahahaha! In love na pala ulit ang Black na hinahangaan ng lahat." Tumatawa pa ring aniya pero hindi nagsalita si Black. Naglakad siya palapit sa amin. "Naging tanga ka na ba ulit o gago ka lang talaga?" Tanong niya ulit kay Black pero nanatili lang itong walang kibo dahilan para ngumisi na naman ang demonyong si Hades saka pinaglaruan sa isang kamay ang b***l na hawak niya. "Alam ko namang kahinaan mo ang litseng pagmamahal na 'yan, pero hindi ko inakalang kokonsintihin mo pa ulit 'yang puso mo. Napakaduwag mo talaga! Mahina ka pa rin! Bwahahahaha!" Dagdag niya sabay tawa nang malakas at boses niya lang ang maririnig sa buong school ground. 'What the f**k?! Ano bang pinagsasabi ng cholokoy na 'to?!' "Ano ba talagang kailangan mo?! Sinasayang mo ang oras ko!" Inis nang usal ni Black at ramdam ko ang pagpipigil niya dahil magkahawak-kamay pa din kami. 'HHWS lang ang peg namin e. Tsk! Tsansing din ang isang to ah! Makutusan nga mamaya! Hihi.' "Ashushu! 'Wag masyadong atat, Black. Hindi pa nagsisimula ang tunay na laban." Nakangising sabi no'ng Hades kaya mas lalong napahigpit ang hawak ni Black sa kamay ko. 'Masaket!' "Ang dami mong satsat!" Asik ni Black. "Ohhh! Chill! Hahaha! Mayabang ka pa rin kahit walang armas. Tsk tsk tsk." Umiiling na sabi ni Hades at hinarang pa kami gamit ang dalawang b***l niya. Hindi ko alam kung saan niya kinuha 'yong isa pero hindi na 'yon mahalaga. Kailangan kong makuha kahit isa no'n para patas na ang laban kahit isang daan pa sila. "You, son of a b***h!" Sigaw ko sa pagmumukha no'ng Hades sabay bitaw kay Black at sinipa ko siya sa panga. "Ang tagal kitang hinanap, gago ka! Tapos, ganiyan ka lang pala ka panget?! Pwe!" Nandidiri kunwaring sabi ko habang dahan-dahang lumalapit sa kinaroroonan niya. Tumilapon siya sa di kalayuan matapos ko siyang sipain sa panga at hindi niya 'yon inaasahan dahil halatang gulat na gulat pa rin siyang tumingin sa akin. Agad kong naramdaman si Black sa likod ko. "Penelope?! Ano bang ginagawa mo?!" Inis na bulong niya pero hindi ko siya sinagot. "Oh? Bakit parang nakakita ka ng multo?" Nakangising tanong ko kay Hades at patuloy pa rin sa paglapit sa kaniya. "Ako lang 'to, ang babaeng tatapos sa'yo." Pagpapakilala ko at huminto sa paglalakad. Naging seryoso ang mukha no'ng Hades at tumayo siya saka tinapunan pa muna ng tingin ang taong nasa likod ko na si Black bago niya sinipat ng tingin ang kabuuan ko. "So, ikaw pala ang sinasabi ng isang kasamahan ko---" "Tama." Putol ko sa kaniya at umikot ako sa kinatatayuan niya. "At ano nga ulit 'yong gusto mo? Ipahanap ako at iharap sa'yo dahil gusto mo 'kong makalaban nang one on one? Eto na ako oh." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. "Paano mo nalaman---" "Bobo ka kasi! Makikipagmeeting ka na lang, sa ilalim pa ng puno." Madiing sabi ko pa at muli lamang siyang nagulat. 'Psh! Kung may sakit 'to sa puso, kanina pa 'to inatake. Tsk tsk tsk.' "Penelope!" mahinang sigaw ni Black sa akin at pilit akong iniharap sa kaniya. "What do you think you are doing?! I should be the one protecting us? Ano bang alam mo?! Baka mapahamak ka!" Nangangaral na dagdag niya pero nanatili lang akong nakatingin sa maamo niyang mukha at saka ko 'yon hinaplos nang mahina. "Naniniwala ka bang ang liwanag ay para sa dilim?" Mahinang tanong ko sa kaniya habang pinagmamasdan ko pa rin siya. "Tch. This is not the right time to ask questions like that, Penelope. But why?" Nalilitong tanong niya. 'Nananaway pero magtatanong din pala! Tss.' "Because when the night comes, the moonlight shines." Makahulugang sagot ko at mabilis ko siyang binitawan saka sinipa nang patalikod para makaharap ko si Hades. 'Akin ang halimaw na ito!' Sigaw ko sa isip. Hinihintay kong sumugod siya at hindi niya ako binigo. Sinipa ko ang mukha niya gaya ng palagi kong ginagawa sa mga nakakalaban ko para maliyo sila at makakuha ako ng pagkakataong mang-agaw ng armas. Sa huli ay tig-iisa na kami ng b***l. Nilingon ko si Black at nanlalaki pa rin ang mga mata niya habang nakangiti kaya nginitian ko din siya saka kinindatan. Muli kong nilingon itong si Hades pero ilang metro na ang distansya niya. Pinag-aralan kong mabuti ang kilos niya dahil iika-ika na siyang naglalakad patalikod habang pilit na sumesenyas. At hindi ako nagkamali ng iniisip dahil ilang sandali lang ay may nagsilabasan ng mga tsolokoy sa madidilim na parte ng school ground. "Oh s**t!" Dinig kong bulalas ni Black at naramdaman ko ang paglapit niya. "Diyan ka lang." Pigil ko sa kaniya kaya nagtatakang tiningnan niya ako. "Kung kaya mong mang-agaw ng b***l sa pinakamabilis na oras, mabuti 'yon pero kung hindi---ya!" Sigaw ko at sinipa nang dalawnag beses sa ulo ang taong astang susugod sa kaniya mula sa likod sabay hawak ko pa sa magkabilang balikat niya upang doon ibigay ang lakas ko bago sumipa sa ere, saka ko siya muling tiningnan. Gulat na gulat pa rin siya sa nasasaksihan niya pero saka na lang ako magpapaliwanag. "Ako ang gagawa." Dugtong ko at ibinigay sa kaniya ang b***l na inagaw ko mula kay Hades. Nag-alinlangan pa siyang tanggapin 'yon pero tinanguan ko lang siya saka tumalikod ako para harapin ang mga abubot ni Hades na duwag! 'Bwesit! Nakatakas ang king ina! Nagpadala pa ng mga sundalong walang ensayo. Hays!' Napabuntong-hininga na lang ako sa naiisip habang nilalabanan ang mga sumusugod at hindi nagtagal ay nakaagaw ulit ako ng b***l. 'Wag kayong mag-isip nang kung anu-ano dahil hindi ako pumapatay. Pinapuputukan ko lang sila sa paa para hindi makakilos nang mabilis saka tatakutin. Gano'n lang kasimple. Pagkatapos no'n, sila na ang bahala sa mga buhay nila. Nangalahati na ako sa bilang nila saka ko muling tiningnan si Black na habol-habol na rin ang sariling hininga at lumingon siya sa direksyon ko kaya nagtama ang paningin naming dalawa. Nakaramdam ako ng koneksyon sa titigan namin pero hindi ko pwedeng seryosohin 'yon dahil marami pa akong gustong malaman sa kaniya. "You're so sexy." Wika niya nang walang boses at parang may kumiliti naman sa akin dahilan para mapangiti ako. "You're so hot." Sabi ko na wala ding boses at gumanti siya nang matamis na ngiti. "Sa likod mo!" Sigaw niya at inambaan ko 'yon ng suntok bago ko nilingon. 'Nakatulog ang kingina!' Nawalan ng malay 'yong lalaking papasugod sa akin dahil naunang dumapo ang kamao ko sa kaniya bago ang astang pagsugod niya. Matapos no'n ay kaming dalawa na lang ni Black ang nakatayo kaya ako na ang nagkusang lumapit sa kaniya habang nakangiti pa rin at gano'n rin siya. 'Oh, diba? Ngiting tagumpay, mga ting! Hahahahaha!' "You're amazing!" Namamanghang aniya nang tuluyang akong makalapit. "Because you believed in me kahit natakot ka." Nakangiting sabi ko naman at napakamot siya ng ulo. 'Cute! Hahaha!' "How did you do that?" Naguguluhang tanong niya at hindi ko pa rin inaalis ang mga ngiti ko sa labi. "Ang alin?" Maang-maangan ko at inakay niya paalis doon. "Iba't ibang stunts ang ginamit mo kanina sa mga kalaban, how did you do that? Nag-aral ka ba ng karate noon?" Nang-uusisa pa ring tanong niya. Mabagal lang ang paglalakad namin pero kahit sobrang saya ko dahil nagtagumpay kami, hindi ko pa rin inaalis ang pakiramdam ko sa buong paligid. Batid ko kasing nakamasid pa din sa amin si Hades dahil tumakas siya kanina noong napuruhan ko na siya. At isa pa, hindi ko din nakita kanina sa mga abubot niya 'yong lalaking kausap niya doon sa ilalim ng puno kaya malamang ay magkasama na sila ngayon. 'Tsk tsk tsk!' "Hindi naman totally. May nagkusa lang na nagturo sa akin. Balang araw daw kasi ay magagamit ko 'yon. Kaso, noong tumagal ay naging mayabang ako at nagamit ko sa masama pero hindi naman ako umaabot sa puntong pumapatay. Hindi ko gawain 'yon." Mahabang paliwanag ko habang nagmamasid pa rin sa kaliwa't kanan. "Ahhh. Kaya pala hindi kita nakitang nagpaputok sa ulo. Lahat sa paa mo tinitira." Usal niya at tumango lang ako. "Pero, hindi ko talaga inaasahang kaya mong gawin 'yon." "Ang alin ulit?" Walang emosyong tanong ko pa. "Sa liit mong 'yan, nakaya mo silang sipain sa mukha? Hahaha! Ang taas ng sipa mo ah? Kahit hindi ka naman long-legged." Natatawang kwento niya at nameke lang ako ng tawa habang sumusulyap-sulyap pa rin sa paligid. 'May something e. Parang mapapalaban ulit kami ngayon.' Hinala ko sa isip. "Mataas na pagtalon lang ang sikreto diyan." Kaswal na sagot ko at ngumiti pa kunwari. Nanatili pa rin akong kalmado dahil unti-unti nang nagbabago ang pakiramdam ko. 'Kailangan naming bilisan ang paglalakad dahil pareho naming iniwan ang mga b***l doon. Aish!' Patuloy pa din siya sa pagkukuwento at panay tango lang ako kahit wala na akong naintindihan kahit isa. "Ah, Black?" Tawag ko sabay hinto at napahinto rin siya. "Can we play a game?" Tanong ko nang hindi tumitingin sa kaniya pero kita ko sa peripheral vision ko ang pagtango niya. "What game?" Inosenteng tanong niya. "Runaway game." Sagot ko. "Paano ang mechanics?" "Kung sinong unang makakarating sa finish line, siya ang lulutuan ng masarap na dish para sa tatlong meals ng isang araw. At sa clinic ang finish line natin. Ano game?" Nagmamadaling paliwanag ko at tumango ulit siya kaya nakangiting hinila ko siya saka sabay kaming tumakbo. "Bakit ka nakahawak sa kamay ko? Nandadaya ka ah!" Reklamo niya habang tumatakbo pa rin. "Wala na tayong oras. One minute lang ang sinet ko sa wrist watch ko." Pagsisinungaling ko at binilisan pa ang takbo. Ang totoo, gusto ko lang na makaalis kaagad kami sa lugar na 'yon dahil kapag may tumira sa amin mula sa malayo ay wala na kaming laban. Ramdam ko kasi ang iba't ibang pares ng mga mata na nakamasid sa amin at walang dudang babarilin nila kami kapag nagtagal pa kami. Halos sabay lang kaming dumating ni Black sa entrada ng clinic at pareho naming hinahabol ang sariling hininga. Astang tatalikuran ko siya dahil balak ko nang pumasok pero hinila niya ako at hindi ko inaasahang gagawaran niya ako nang isang madiin na halik sa labi. Nagugulat man ay ginantihan ko 'yon saka kami naghabol ulit ng huminga nang bumitaw siya sa halik at sabay na natawa sa isa't isa. "Where the hell did you go, Penelope?! Alam mo bang sobra kaming nag-alala sa'yo?! Dark Saturday ngayon at kung saan-saan ka pa namin pinahanap sa mga Angels pero eto ka, susulpot na lang bigla habang tuwang-tuwa pa! Saka kasama mo pa 'tong si Black. Tsk!" Galit na bungad ni Ry sa akin nang makapasok kami ni Black sa ward ni Margaux na ngayon ay gising na at nakikinig sa pakundangan ni Ry. "Don't worry, Ry, hindi naman namin pinabayaan ang isa't isa." Si Black ang sumagot. Palihim na napangiti na lang ako saka napatungo dahil ayokong magalit lalo sa akin si Ry kapag nakita niyang masaya pa rin ako kahit na sobrang pinag-alala ko sila. Nag-angat lang ako ng tingin sa kaniya nang umastang seryoso na ulit ako. "I'm sorry if I made of all you worried sick. Masyado kasing naging mabilis 'yong pangyayari kaya hindi na ako nakapagpaalam." Paliwanag ko pa. "Tanghali ka pa umalis tapos madaling araw ka na bumalik! Ayos lang sana kung normal day lang ngayon, e kaso Dark Saturday! Tapos ikaw naman, Black---diba, laban niyo kanina? Bakit kasama mo 'tong kaibigan namin? Don't tell me---" "Shut up, Ry!" Singit ni Mecca saka pumagitna sa amin kahit wala naman kaming plano mag-away ni Ry. "Please stop making a scene. They're here na nga, diba? Penelope is safe now together with Black. So, stop!" Mataray na dagdag niya at inirapan lang siya ni Ry. Biglang natahimik ang buong ward at wala nang may gustong bumasag ng katahimikan kaya napabuntong-hiningang humingi ako ng sorry sa kanilang lahat. Pagkatapos no'n ay nagpasya nang umalis si Black dahil late na masyado at baka hinahanap na rin siya sa headquarters nila. Ihahatid ko siya sa may labasan kaya sabay kaming naglakad palabas. "I'm sorry if napagalitan ka pa ni Ry. It's all my fault." Biglang ani ko at nagbaba ng tingin sa lupa. "Don't be. It's alright. Ginusto ko rin 'yong nangyari at nag-enjoy akong kasama ka sa laban." Kaswal na sabi niya at napatingin ako sa kaniya saka ngumiti. "Thank you." Nasambit ko. Tumaas ang isang kilay niya. "What for?" "For..." hindi ko makuhang ituloy ang sasabihin ko dahil nag-aalinlangan ako. "For?" Naghihintay na tanong niya. "For---" "Wait!" Pigil niya at napatitig naman ako sa kaniya. "Let me guess, you're thanking me for the kiss a while ago?" He smirked at agad akong matunog na napalunok. Hindi ako nakapagsalita. Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. Agad naman akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Parang bigla kasi akong kinabahan sa tanong niya. Iba 'yong impact niya sa akin. Nakaramdam ako nang panandaliang skip of heartbeat. Tinitigan niya ako at nakakailang 'yon, sobra! Gusto kong umalis sa kinatatayuan ko pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Inilapit niya ang sariling mukha sa akin at napapikit na lang ako sa sobrang pagkailang. Kahit nakapikit ako, ramdam ko ang mga titig niyang nang-aakit. May gusto siyang sabihin sa mga titig na 'yon pero hindi ko maintindihan kung ano. Agad na nagsitayuan ang mga balahibo ko nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko. Nanatili pa rin akong nakapikit at nakagat ang pang-ibabang labi sa sobrang pagpipigil. 'Is he going to kiss me? Again?' Kinakabahang tanong ko pa sa isip. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD