"Ah!" Impit na sigaw ko nang matisod ako sa kakatakbo.
"Are you okay, Miss?" Tanong ng lumapit pero hindi ko siya binalingan.
Tumayo ako at pinagpagpagan ang sarili. Umayos ako ng tayo ngunit dahil sa hiya ay hindi ko siya nagawang tingnan.
Nanatiling mababa ang tingin ko kahit batid ko nang nakatitig na siya sa akin.
"Stop staring at me." Mariing utos ko saka nilayasan siya.
Dumiretso ako sa dorm para maligo at magpalit ng damit. Nagdala na rin ako nang kaunting necessities ni Margaux dahil ang sabi ng nurse ay mananatili muna siya doon hanggang bukas ng umaga para makapagpahinga at mamonitor nila ang kalagayan niya.
Binilisan ko ang kilos saka muling bumalik sa clinic. Naabutan ko doon si Ry na natutulog nang nakabaluktot sa single sofa at si Mecca naman ay nakapangalumbaba sa kama ni Margaux na tulog na tulog pa rin hanggang ngayon.
Inilagay ko ang mga gamit sa ibaba ng kama at nilapitan ko si Mecca. Batid kong hindi niya ako napansin kaya kinalabit ko siya nang mahina.
Namumungay na nilingon niya ako at agad na nanlaki ang mga mata nang makita ako.
"Nandito ka na pala. Halika, tabi tayo dito. Wala na kasing ibang upuan." Aya niya at tumabi naman ako sa mahabang sofa na inuupuan niya.
Ramdam ko ang gulat niya nang sumandal ako sa balikat niya, hindi niya inaasahan pero agad din namang nakabawi.
Namutawi ang katahimikan sa pagitan namin dahil walang may gustong magsalita.
Nanatili lang siyang nakatingin kay Margaux at ako naman kay Ry. Tinitigan ko ang mala-anghel niyang mukha habang natutulog. Nagiguilty pa rin ako sa itinrato ko sa kaniya noong mga nakaraang linggo dahil hindi ko alam na may pinagdadaanan pala sila ni Blue.
"Mecca?" Tawag ko sa sinandalan ko.
"Mmm?" Tipid na aniya.
"Maaari mo ba akong kwentuhan tungkol sa nangyari kanina? Alam kong hindi 'yon sa dorm nagsimula. At bakit pati kayo ni Margaux ay nadamay?" Tanong ko pa.
Bumuntong-hininga siya nang isa. "It was my fault. Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ng mga taga Rejects g**g. I was in the middle of moodswings kaya tinopak ako at lumabas sa building. I didn't know na nandoon din pala si Margaux noong una. Hindi na sana ako aapela nang marinig ko ang sigaw ni Margaux at sunod-sunod na putok ng b***l. Nagpanic ako at napatili nang malakas kaya nahuli nila ako pero," sandali siyang tumahimik. "Hindi ko inaasahang makikita ko doon si Ry. Nasa malayo siya at nakatingin lang sa amin. Bago pa man siya makalapit ay kinaladkad na kami ng mga lalaking 'yon. Ang huli kong nakita sa baba ay si Ry na tahimik na hinihila si Margaux paalis doon sa lugar na 'yon." Dugtong na kwento niya.
"Sinong 'kami' ang tinutukoy mo kung wala ka naman pa lang kasama no'n?" Nagtatakang tanong ko.
"'Yong namatay na babae sa harap mo, siya si Loreen. Isa siya sa mga leader ng The Dandies." Seryosong sagot niya.
Umalis ako sa pagkakasandal sa balikat niya at hinarap siya.
"Namumukhaan mo ba 'yong tatlong lalaki na dumakip sa inyo? Ang sabi mo taga The Rejects g**g sila, diba?" Pang-uusisang tanong ko.
"Nakabalot ang mukha nila pero maaaring sila ang tatlong leader ng g**g na 'yon o mga inutusan lang." Sagot niya pero nakukulangan pa rin ako.
"'Yong babae na sinasabi mong Loreen ang pangalan, paano siya nahuli?" Tanong ko pa ulit.
"Gaya ko ay nagliliwaliw lang din siya sa labas. Kapag ganoong oras kasi ay normal lang 'yon sa lahat. Kadalasan 'yon ang mga panahon na nakakapagbisyo kami na walang sumisita." Paliwanag niya at biglang may pumasok na ideya sa utak ko.
Tumayo ako na ipinagtaka niya habang magkasalubong ang mga kilay.
"Dito muna kayo. May kailangan lang akong puntahan. I'll be back later." Mabilis na paalam ko.
"Sandali," pigil niya sa akin at malamyang nilingon ko siya ulit. "Gusto lang kitang iinform na namove 'yong Acquaintance Party natin." Sambit niya.
"Kailan daw?" Tanong ko.
"Sa Martes. 'Yon na lang kasi ang available day. Busy na sa susunod na linggo dahil mag-eexams na." Kompletong sagot niya.
"Okay. I have to go." Wika ko at hindi ko na siya pinagsalita pa.
Tumakbo ako palabas ng clinic at dinial ang numero ni Black. Hindi ko alam kung bakit siya ang nilalapitan ko ngayon kahit hindi kami cool.
'Hays! Bahala na. May kailangan lang akong malaman na siya lang ang makakasagot.'
Nakailang dial na ako pero hindi niya sinasagot. Nagtext pa ako para mabasa niya kung sakaling busy siya bago ako nagpasyang magtungo sa headquarters nila.
Habang papalapit ako doon ay unti-unti ding nabuhay ang kaba sa aking dibdib. Pero kahit ganoon ay tumuloy pa rin ako. Wala akong ibang iniisip ngayon kundi ang isiping kailangan kong gawin 'to para magkaroon ng kapayapaan dito.
I'm not a heroine pero may kung ano sa akin na nagsasabing responsable ako na gawin ito at maluwag sa loob ko ding ginagawa. Sana lang hindi ito maging dahilan ng katapusan ko.
'Hays!' Napasinghap na lang ako sa naiisip habang naglalakad papunta sa Red C-note Headquarters.
Hindi ako naniniwalang nagkataon lang na nandoon din si Ry at Margaux ng mga oras na 'yon. Kailangan ko ding makausap si Margaux sa totoong nangyari sa kaniya dahil alam kong may kinalaman ako doon. I was mad at her that time kaya malamang ay pumanhik 'yon palabas para mag-isip. Si Ry naman ay nakatingin mula sa malayo pero bakit hindi siya lumapit para tulungan sila? Tapos lumapit lang siya noong umalis na ang mga lalaki.
Nang ilang metro na lang ang distansya ko sa headquarters nila ay napahinto ako, hindi dahil umuurong na ako, kundi may natatanaw akong mga nag-uusap. Dalawang nakaharap sa direksyon ko at isang nakatalikod sa akin. Hindi ko masyadong maaninag ang mga mukha nila kaya mas lumapit pa ako at nagtago sa pinakamalapit na puno.
Malabo sa pandinig ko ang mga boses nila dahil ang hihina pero bahala na, kailangan ko talagang makita si Black.
Hahakbang na sana ako paalis nang may biglang humila sa akin papunta sa liblib na lugar at tinakpan ang bibig ko. Nagpumiglas ako upang makawala sa taong humila sa akin pero masyado siyang malakas.
'Kailangan mong makatakas sa taong 'yan, Penelope! Baka ipaambush ka na niyan bago mo pa matulungan ang YH.' Sabi ko pa sa isip at huminga nang malalim.
Bumwelo ako at nakakuha ako ng pagkakataon na tadyakan siya kaya nabitawan niya ako. Tumakbo ako nang mabilis hanggang sa nakarating ako sa kung saan.
Nagpalinga-linga ako pero hindi pamilyar sa akin ang lugar na kinatatayuan ko ngayon.
"s**t! Nasaan ako?!" Tanong ko sa sarili. "Tss. Tatakbo-takbo pero hindi naman tinitingnan ang patutunguhan. Tsk! Hindi ka talaga nag-iisip, Penelope! Paano na ngayon 'yan?" Paninisi ko sa sarili at napakamot ng ulo.
Nakarinig ako ng mga kaluskos kaya agad akong naghanap ng mapagtataguan. Wala akong makitang mga dahon o kahit mga kahoy na pwedeng pagtaguan kaya ang ginawa ko, umakyat ako sa puno na nasa harap ko at doon nagtago.
'Hindi naman siguro nila ako makikita dito sa taas ng puno. Sana lang talaga, dahil kung hindi wala na akong takas! Tsk!'
'Di nagtagal at nakarinig ulit ako ng mga kaluskos. Sumunod ay mga yabag ng paa. Tinanaw ko mula dito sa taas ang dalawang taong nag-uusap ulit. Sila 'yong nag-uusap kanina sa labas ng headquarters nina Black pero kulang na sila ng isa.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung saan ko huling nakita ang dalawang taong 'to.
'Impossible!'
"Hindi siya basta-basta, Boss. Unang kita ko pa lang sa babaeng 'yon, alam ko nang marunong siyang makipaglaban. Pero hindi ko inakalang mas malakas siya kaysa sa akin. Patawarin mo 'ko, Boss Hades." Paghingi ng tawad no'ng lalaki habang nakayuko sa kaharap.
Taas noo'ng tiningnan siya ng isa. "Kung ganoon, gusto ko siyang makalaban. Nais kong masaksihan ang sinasabi mong kakaibang lakas niya. Ipahanda mo ang grupo, kailangan nating mahuli ang babaeng 'yon sa lalong madaling panahon." Pag-uutos no'ng tinawag na Hades.
"Sigurado po kayo, Boss?" Alanganing tanong niya.
"Kailan pa ako nagdalawang-isip, Ossoca?" Tanong ni Hades pero hindi siya sinagot ng kausap. Humakbang siya patagilid at tila may hinahanap ngunit muli itong lumingon sa kasama. "Magiging malaking balakid siya sa mga plano ko, Ossoca. Kaya hangga't maaga ay mailigpit na natin siya. Ilang taon ko ding pinaghandaan 'to at ayokong mauwi ang lahat ng pinaghirapan natin sa wala." Seryosong sambit nito at tumango lang ang kaharap.
"Makakaasa kayong magagawa namin nang maayos ang mga trabaho namin, Boss."
Pagkatapos no'n ay umalis na sila at ako naman ay nakahinga nang maluwag.
Tumagaktak ang mga pawis ko at tila ba takot na takot ako nang marinig ko ang sinabi ng Hades na 'yon. Batid kong ako ang pinag-uusapan nila at mas dumoble pa ang kaba ko noong sinabi niyang matagal na siyang may binabalak, pero kanino at bakit? Ano bang nangyari noon at may ganitong mga tao ngayon na gustong maghiganti o gumawa nang masama?
Ibig sabihin nito, delikado ang lagay ng YH. Kailangan kong ipaalam ito sa nakakataas pero agad akong natigilan.
'Paano nila ako paniniwalaan kung ang tanging meron ako ay ang takot sa dibdib ko? Hindi pwede 'to! Kailangan kong matuklasan ang balak ng Hades na 'yon! Kailangan kong makahanap ng ebidensya. Dapat siyang mapigilan bago pa man matuloy ang masama niyang binabalak.' Pangungumbinsi ko sa sarili saka tinalon ang puno.
Isang tao lang ang kilala kong makakatulong sa akin ngayon. Kailangan ko siyang makausap agad. Bumuntong-hininga muna ako bago tumakbo pabalik ng campus.
Dumiretso muna ako sa cafeteria para bumili ng makakain at maiinom dahil parang buong araw nang walang laman ang tiyan ko.
"One bottled water at dalawang potato chips, ate." Sabi ko doon sa tindera sa cafeteria.
"Is that your lunch or merienda?" Biglang tanong ni---
Nilingon ko ang nagsalita.
"Are you following me, Blue?" Walang-ganang tanong ko at umupo sa bakanteng upuan.
"Yes, and I just want you to know na hindi ako susuko." Pagkasabi niya no'n ay agad na kumunot ang noo ko at tiningnan siya na umupo rin sa katapat kong upuan.
"What do you mean?" Takang tanong ko.
"You know what I mean, Penelope. Please---"
"Ano ka ba naman, Blue?! Can't you see what's the situation right now? At isa pa, I don't want to hurt Ry. Kaibigan ko siya at mahal ko siya. Sila na ang pamilya ko." Madiing pigil ko sa kaniya at seryosong napatitig siya sa akin.
Alam ko ang pinupunto niya. Alam ko ding may gusto siya sa akin, matagal na. Ayoko lang na sakyan siya dahil masyadong komplikado ang sitwasyon. And main reason ko rin ang pagkakaibigan namin ni Ry.
'I'm sorry, Blue.'
"Pen, if you're concern about Ry and me, tapos na kami. We're over for years already. What's the problem with that?" Tanong niya at hinawakan ang mga kamay ko pero agad ko ding nabawi dahil ayokong pag-usapan kami ng mga tao sa paligid at makarating na naman 'to sa kung saang lupalop ng YH.
"Sana intindihin mo naman ako. Nahihirapan rin ako sa sitwasyon natin ngayon. Ayoko lang na umasa ka---"
"Bakit? Wala ba akong pag-asa sa'yo? Tell me, kahit konti ba wala akong pag-asa, ha Pene?" Putol niya sa akin at ako naman ang natigilan.
'Ano bang pinagsasabi nito? Tsk!'
Napabuntong-hininga na lang ako at tumayo para kuhanin ang inorder ko sa counter. Bumalik ako sa upuan at inoffer sa kaniya 'yong isang potato chips pero tumanggi siya kaya hindi ko na pinilit.
"Answer me, Penelope. Kaibigan lang ba talaga ang tingin mo sa akin?" Seryosong tanong niya at umiwas naman ako ng tingin.
'Tss!'
"Don't make me feel uncomfortable when you're around. Sana 'wag mong sirain ang pagkakaibigan natin nang dahil lang diyan sa nararamdaman mo." Tugon ko at itinuloy ang pagsubo ng chips.
Narinig ko siyang bumuntong-hininga at sumandal sa likod ng upuan. "Alam mo bang napahanga mo 'ko?" Biglang tanong niya pero hindi ako kumibo. "Una pa lang kitang nakita, alam ko nang kakaiba ka. Pero mas lalo lang akong humanga noong isang araw na nagalit ka sa amin at hindi ka umuwi sa dorm. Kahit gano'n, naging mabuting kaibigan ka pa din sa amin. Kaya lang, lalo tuloy akong nahuhulog sa---"
"Blue." Pigil ko at tiningnan siya nang diretso sa mata. "Sa ibang araw na lang tayo mag-usap. May mas dapat akong pagtuunan ng pansin ngayon. Pasensya na." Usal ko at saka umalis doon.
Iba ang pakay ko, patawad Blue. Dumiretso ako sa hardin at tinawagan ko si Black.
Nakailang dial na ako pero hindi niya pa rin sinasagot.
"Gaano ka ba ka-busy, Black at hindi mo man lang matingnan ang telepono mo?! Tsk!" Inis na bulong ko.
"Are you calling me?"
"Ay tae! Ano ba?! Bakit bigla ka na lang susulpot matapos mong balewalain ang mga tawag ko?!" Asik ko at ngumisi siya pero may bahid ng pagkahabag ang reaksyon niya.
'Hmm. Ano kayang nangyari?'
"I'm sorry, nahulog ko 'yong phone ko sa kung saan kaya bumili na lang ako ng bago." Kalmadong sagot niya.
"S-Sorry, hindi ko alam." Napapahiyang ani ko at napatungo.
"Can I have your number, Miss?" Tanong niya at agad akong napaangat ng tingin.
Seryoso ang mukha niya at halatang hindi siya nakikipagbiruan.
"S-Sige." Nauutal na ani ko at inabot sa kaniya ang telepono ko.
"Here." Pagsauli niya sa phone ko matapos niyang maitype ang numero niya.
Agad ko 'yong sinave at tinext ko siya ng 'Hi' para ma-save niya rin ang number ko.
"Saved." Nakangiting sabi niya.
Ang gwapo niya ngumiti---este bagay sa kaniya kung hindi siya masyadong seryoso. Palagi kasi siyang galit at parang kaaway niya ang lahat.
Napakaputi ng mga ngipin niya at mamula-mula rin ang kaniyang sakto lang sa nipis na mga labi. Matangos ang kaniyang ilong, mahahaba ang mga pilik-mata, malalim ang mga talukap, kulay itim ang mga mata, makakapal at maganda ang kaniyang mga kilay. In short, mala-anghel ang kaniyang mukha. Pero bakit kaya siya tinawag na Black kung blonde naman ang kulay ng buhok niya? Magkasing kulay lang kami ng buhok e.
"You're staring at me again." Sambit niya dahilan para mapaiwas ako ng tingin.
'Tsk! Panira! Sayang talaga ang mukha e kapag lumabas na ang tunay na ugali!'
Hindi ako nakakibo kaya tumalikod na lang ako at pumasok sa loob ng kubo. Dito niya ako dinala noong una kong nakita ang totoong itsura niya. May isang kwarto at sala ang kubo na ito kaya ayos lang magpalipas ng gabi dito kung gusto mong mapag-isa.
Ramdam kong nakasunod siya sa akin pero hindi ako nag-abalang lumingon dahil nahihiya ako.
"Hey!" Mahinang tawag niya nang makalapit sa likuran ko pero nanatili pa rin akong nakatalikod sa kaniya. "Why don't you call me again? For sure, sasagutin ko na." Kahit hindi ko siya tanaw, alam kong nakangiti siya.
Napapikit ako sa sobrang pagkapahiya kahit hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam nang biglaang pagkailang sa taong 'to.
"I-I don't need to c-call you. You're here a-already." Sagot ko at nakagat ang pang-ibabang labi dahil sa matinding kaba na nabubuhay sa dibdib ko.
'f**k! Ano 'to?! Tss.'
"But I want you to call me again. Gusto kong marinig ang boses mo sa telepono." He insisted.
"W-Walang pinagkaiba ang b-boses ko sa p-personal at sa t-telepono." Pagmamatigas ko pa.
"Don't feel nervous, I'm not that bad." Wika pa niya.
"I'm not." Turan ko at pilit pinapamukhang hindi kinakabahan sa presensya niya.
'Tss. Bakit ko pa kasi hinanap ang baduy na 'to?! Ako tuloy ang napagdiskitahan!' Paninisi ko pa sa sarili.
"Okay." Tipid na sabi niya at matapos no'n, hindi ko na siya narinig na nagsalita kaya lumingon ako at halos napaliyad ako nang saluhin niya ako mula sa pagkagulat ko.
Hindi ko alam na nasa likod ko pa rin pala siya. Sobrang lapit niya noong lumingon ako kaya halos napatalon ako sa gulat. Mabuti na lang at mabilis siya kaya nasalo niya agad ako. Nakasuporta ang isang kamay niya sa likod ng beywang ko at ang isa naman ay nasa batok ko.
Isang dipa na lang ang distansya ng mga mukha namin at pareho kaming nagulat habang nakatitig sa isa't isa.
Biglang nagbago ang reaksyon niya at napalitan ng ngisi kaya agad na nagsalubong ang mga kilay ko. Itinulak ko siya at lumayo ako sa kaniya.
'Napaka-careless mo, Penelope! Nakakahiya 'yong nangyari! Baka kung ano pang isipin ng baduy na 'yan. Tsk!'
"T-Tss." Mahinang singhal ko at astang aalis nang hilahin niya ako pabalik. "Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas ko at pilit inaagaw sa kaniya ang mga braso ko.
Mas lalo niyang hinigpitan ang kapit sa akin kaya nahirapan akong makawala. "Who told you to left me without a word? After mong magpahanap, mang-iiwan ka na lang?" Naningkit ang mga mata niya habang tinatanong 'yon.
Ako naman ay gulat pa din at hindi makapaniwala sa nangyayari.
'Did he just grabbed my hand at napunta kami sa ganitong posisyon? Tch! Masyado siyang malapit! Hindi ako makatingin nang diretso! f**k!'
Pero nagtataka akong tiningnan siya matapos kong ma-digest ang tanong niya.
"Wait," sabi ko at kumawala sa kaniya saka tumayo nang maayos. "Ako?" Turo ko sa sarili. "Nagpahanap sa'yo?" Sabay turo ko naman sa kaniya at tumango siya.
Blangko pa rin ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Nakakailang pero kailangan kong labanan ang mga tingin niyang 'yon.
"Teka, tinawagan lang kita. Hindi ko sinabing hanapin mo 'ko." Reklamo ko habang nakasimangot.
"Yeah, but you texted me. I was on the meeting with my g**g noong tumawag ka kaya hindi ko nasagot. Late ko na rin nabasa ang text mo. I was about to look for you nang sinugod kami no'ng mga taga ibang g**g kaya nahulog 'yong phone---"
"Ha? Sinugod kayo ng ibang g**g?" Putol na tanong ko sa kaniya at tumango siya ulit.
"Kaya natagalan ako. Matapos namin silang takutin ay dumaan pa muna ako sa dorm niyo pero walang tao doon." Pahayag niya.
"Pero, paano mo naisip na nandito ako? I mean, naisip mo ba---"
"Yes. Ito lang kasi 'yong lugar na alam kong pagtataguan mo kapag may problema ka. This place is so peaceful, right?" Tanong niya saka ngumiti at sandali pa akong natigilan saka napatitig sa kaniya.
'Bakit ba mas lalo siyang gumagwapo sa paningin ko?! Tsk. Samantalang si Blue naman ang gusto ko pero hindi pwede. Hays!' Bigla akong nakaramdam ng lungkot sa naiisip.
"Tama ka. Wala bang ibang pumupunta dito maliban sa ating dalawa?" Wala sa sariling naitanong ko saka umupo sa may mini sala.
Sumunod siya at umupo rin sa kabilang upuan pero hindi niya pa rin inaalis sa akin ang paningin.
"Why? Gusto mo bang solohin natin ang lugar na 'to?" Nakangising tanong niya habang pilit na pinipigilan ang matawa.
Hinampas ko siya nang mahina sa balikat saka kami sabay na natawa sa isa't isa.
"Kahit kailan ka, panira ng moment!" Wika ko pa sabay tawa. "Seryoso 'yong usapan pero dahil ikaw si Black na baduy, kaya ugali mong iliko 'yong topic! Hahahaha!" Natatawa pa ding dagdag ko.
"No, no, no! I'm not baduy, I'm cool. Actually, this guy next to you is the hottest guy in Yes High." Mayabang sambit na niya patungkol sa sarili.
'Psh! Hindi lang pala baduy ang isang 'to, mahangin din!'
"Yeah, right. Kinababaliwan pero kinatatakutan din ng lahat. Kaya ka siguro walang lovelife, 'no?" Pang-aasar ko pa.
Nawala ang ngiti ko nang biglang sumeryoso ang mukha niya noong tiningnan ko siya.
'Hala! Mali ba ang tanong ko?'
"I-I'm sorry. Did I say something---"
"No." Mabilis na pigil niya sa akin at natawa nang mahina. Hindi ko mawari kung peke 'yon o hindi dahil nakayuko siya. Pero muli na namang sumeryoso ang mukha niya nang nag-angat ng tingin sa akin. "Don't be sorry. Sanay na ako sa mga tanong na ganiyan. It's not new na 'yan agad ang unang impresyon niyo sa akin. I prefer not to say anything, kasi bawat salitang bibitawan mo may maipipintas sila." Kwento niya at nagkibit-balikat.
Napamaang ako at naaawang tumitig sa kaniya.
'Kawawa naman pala ang baduy na 'to. Tsk! Nakakaguilty tuloy.'
"It's late already, hindi ka pa ba babalik sa clinic?" Tanong niya nang hindi ako nakapagsalita.
Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko at 8PM na pala.
Nilingon ko siya at nginitian nang malapad. "Pwede ko ba namang iwan ang lalaking walang lovelife?" Biro ko sa kaniya saka natawa.
Napailing na lang siya at hinila ako saka niyakap. Hindi na ako nagulat dahil ugali na niya ang gano'n.
'I'm just wondering, baka hindi niya lang sa akin 'to ginagawa. Hays!'
Siya ang kusang humiwalay sa pagkakayakap sa akin at tumayo.
"Hoy! Saan ka pupunta?" Tawag ko sa kaniya at sumunod sa kusina.
"Ipagluluto ang babaeng wala ding lovelife. Hahahahaha!" At tumawa siya nang malakas kaya napatitig ulit ako sa mukha niya.
'Damn! Bakit ang sexy niya tingnan sa apron na suot-suot niya?!' Tanong ko pa sa isip.
Nagsisimula na siyang maghanda ng mga sangkap at ako naman ay naupo sa isang upuan habang pinapanood siyang magluto.
"Ang swerte siguro ng magiging girlfriend mo." Usal ko habang nakangiti. Nilingon niya ako saglit at ngumiti rin saka muling ibinalik sa niluluto ang tingin. "Hindi lang siya magkakaroon ng boyfriend, may instant chef pa siya."
"Yeah, you're lucky." Aniya habang naghihiwa ng bawang.
"Ha?" Takang tanong ko pero hindi siya sumagot, bagkus ay nginitian niya lang ako at nagpokus ulit sa pagluluto.
I don't have any idea if he's serious but there's something inside me, keeps telling that he's referring to me. I don't want to assume, so, I didn't mind it.
Seryoso lang siya habang nagluluto, parang totoong chef talaga. Gwapong chef siya!
'Shet! Oo na! Gwapo na siya! Basta 'wag lang lumabas 'yong pagka-leon niya. Natatabunan kasi ang mala-anghel niyang mukha.'
"Why do you keep doing that?" Maya maya'y tanong niya kaya panandalian akong natigil sa pag-iisip at wala sa sariling nilingon siya.
"Ha?"
"Why do you keep doing that?" Pag-uulit niya.
"Ang alin?" Inosenteng tanong ko pa.
"I always caught you staring at me everytime I look you. Can't you just do it without getting caught?" Tanong niya na hindi sa akin nakatingin kaya malaya akong napakurap habang matunog na napalunok nang sunod-sunod.
'Oh my god! Nahuli niya akong nakatingin sa kaniya?! Nakakahiyaaaaaaaa!!!' Sigaw ko sa isip at napapikit.
'Anong sasabihin ko?! Shet! Bakit kasi nakakamangha ang itsura niya?! Lintek sa kagwapuhan e!'
"What are you doing?" Biglang tanong niya kaya agad akong napadilat at ngayon ay nakatingin na siya sa akin.
'Oh my! Anong isasagot ko?! Magsalita ka, Penelope! 'Wag kang obvious!'
"A-Ahhh, h-hahaha! H-Hindi ah! Ngayon lang k-kasi ako n-nakakita ng lalaking marunong magluto. W-Wala kasi kaming kasamang l-lalaki sa bahay." Palusot ko at sabay paliwanag na rin.
Sinulyapan niya ako pero saglit lang dahil naghahalo na siya ng mga sangkap. "Hindi mo ba kasama ang daddy mo sa bahay niyo?" Tanong niya at umiling ako.
"Patay na ang daddy ko." Ani ko.
"Oh? I'm sorry to hear that."
"Hindi, ayos lang. Baby pa lang ako noong iniwan niya kami kaya hindi ko na siya nakilala pa." Nakangiting kwento ko.
Totoo, wala akong kahit anong grudge sa Mama at Papa ko kahit ni isang beses ay hindi ko sila nasilayan nang personal. Kung hindi kasi dahil sa kanila, hindi ako mabubuhay at makakaranas ng lahat ng mga nararanasan ko ngayon. And I am certain about one thing, I never lost them. They're always in my heart forever.
"Who are you living with noong nasa labas ka pa ng YH?" tanong niya.
Naaamoy ko na ang niluluto niya.
'Mmmm! Ang saraaaaap---ng luto niya. Hehehe!'
Napabuntong-hininga ako sa tanong niya. "I'm with my Mommy, but she's not my real mom." Sagot ko.
Naramdaman ko ang paglingon niya kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
"Where's your real mom?"
"Kasama ni Papa---sa langit. Hahaha! Ang unfair, 'no? Nagsama sila doon tapos iniwan nila ako dito." Mapaklang sagot ko at ngumiti nang pilit.
"Sorry, I didn't know---"
"Hay naku! 'Wag na nga natin silang pag-usapan. Hahaha! We're here to celebrate our single life, diba?" Pag-iiba ko sa usapan at ngumiti naman agad siya.
"Sandali na lang 'to." Wika niya.
"Tulungan na kitang maghanda sa mesa." Prisinta ko at hindi na siya tumutol.
Nang matapos naming kainin ang mga niluto niya ay nagpasya siyang ihatid ako sa clinic at gusto niya din daw kumustahin si Margaux.
"Alam mo, Black---"
"Hindi ko alam." Mabilis na singit niya kaya hinampas ko na naman siya sa balikat.
"Nakakainis ka talaga! Patapusin mo kaya muna ako?" Natatawang sabi ko at tumawa naman siya.
"Binibiro lang kita. Go on."
"Akala ko n---"
"Penelope!"
Pareho kaming napalingon sa likod nang may biglang sumigaw ng pangalan ko. Kasabay no'n ay hindi ko na namalayang hinila na pala ako ni Black at pareho kaming nadapa sa lupa, saka sunod-sunod na may nagputukan sa paligid.
"s**t!" Pabulong na bulalas ni Black habang nakayakap pa din sa akin pero nasa malayo ang tingin.
'A-Anong n-nangyayari? S-Saan galing ang mga p-paputok na 'yon?'
To be continued...