Habang papalapit si Black nang papalapit sa direksiyon ko, parang kabayong naghahabulan naman ang t***k ng puso ko.
Napahawak ako nang mahigpit sa dulo ng denim jacket na suot ko at nakagat ang pang-ibabang labi.
Nakatitig lang ako sa kaniya habang naglalakad siya, parang may kung anong meron sa mga mata niya na ayaw akong paiwasin.
Halos hindi ko na naririnig ang paninita ng mga kaibigan ko at ang mga bulong-bulungan ng mga tao.
Tumayo ako nang tumigil siya sa mismong harapan ko kaya kahit ako ay nagulat din sa inaasta ko, pero wala nang atrasan 'to.
'Wala akong pakialam kung magagalit siya, basta kailangan kong ipakita na hindi ako katulad nila na natatakot sa kaniya!'
"Who are you?" Makapangyarihang tanong niya pero iba ang dating sa akin, para siyang nagyayabang!
'Tss!'
"I'm Penelope Clairdeluna Cham----"
"I'm not pertaining to your name." Mabilis na pigil niya sa sinasabi ko kaya naman ay mas lalo akong napatitig sa kaniya. "I'm asking about your 'position' in this institution." Madiing dagdag niya kaya agad na tumaas ang isang kilay ko.
Pinagkrus ko ang dalawang braso saka tumango-tangong sinipat ang kabuuan niya mula ulo hanggang paa.
"Bakit? Sino ka rin ba sa inaakala mo? Porke't kinakatakutan ka ng lahat inaasahan mo na ring katatakutan kita? Scratch that! Dahil para sa akin, pantay-pantay lang tayo dito. Kadugo ka man ng presidente o anak ng alipin, tatratuhin kita base sa kung ano ang dapat na itrato sa'yo." Taas-noong usal ko dahilan para umigting ang panga niya, 'yon kasi ang repleksyon na nakikita ko sa mask na suot niya at ang mga mata niya ay nag-aapoy na sa galit pero hindi pa rin ako nagpaapekto.
'Matatakot lang ako sa isang 'to kung siya si Harry Potter, dahil wala akong laban sa abra cadabra!'
"Penelope! Ano bang ginagawa mo?! Gusto mo na ba talagang mamatay?! Suicide 'tong ginagawa mo!" Malakas na bulong sa akin ni Margaux at pinilit pa akong maupo ngunit nagmatigas ako.
"From what class are you?" Kalmado ngunit punong-puno ng pagka-bossy ang tono niya.
'Tss.'
"Bakit ka nagtatanong? Lilipat ka na rin sa class ko?" Mataray na tanong ko pa dahilan para hilahin ako ng mga kasamahan ko kaya napatalikod ako sa direksyon niya.
Hindi na sila magkandaugaga sa pag-aalala sa akin at kitang-kita ko 'yon sa reaksyon ng mga mukha nila.
'Bakit ba sila nagpapauto sa lalaking 'yon?! Tao lang din naman siya, wala siyang karapatang maghari-harian kung kailan niya gusto! Hindi uubra sa akin 'yang mga pa-power effect niya. Mamamatay muna ako bago ako luluhod sa harapan niya.'
"Hoy! Baliw ka na ba?! Ano 'tong ginagawa mo?!" Naghihisteryang tanong ni Margaux ngunit tinitigan ko lang siya.
"Penelope, please, stop this. Hindi mo alam kung anong kahahantungan mo pagkatapos nito!" Pakiusap ni Ry, na pati siya ay hindi ko sinagot at pinasadahan lang din ng tingin.
Hinawakan naman ni Mecca ang kamay ko at nag-aalalang tumingin sa akin, malungkot ang mga mata niya at tila nakikiusap din sa akin na itigil ko na 'tong kahibangan na 'to.
'Pero hindi! Ayoko! Nandito na 'to at pangangatawanan ko 'to kahit anong mangyari. Ipapakita ko sa Black na 'to na hindi lahat ng tao ay kaya niyang paikutin sa mga palad niya at gawing alipin sa ilalim ng impyernong institusyon na 'to!'
Ang dami kong gustong isigaw sa mukha ng feeling hari na si Black pero mas pinili kong isaisip na lang muna dahil ayokong magamit niya 'yon laban sa akin.
"Angels----"
"Bring her to our headquarter!"
Magsasalita pa sana ako nang biglang nagsalita si Black at may ipinag-uutos sa kung kanino, pero bago pa man ako nakagawa ng kilos ay may humawak na sa magkabilang braso ko.
Dalawang nakaitim na lalaki, may takip din ang mga mukha at matatangkad.
"Peeeen!"
"Beeeeeh!"
"s**t!"
Bulalas ng mga kaibigan ko habang tinatangay ako ng mga abubot ni Black patungo sa kung saan.
Hindi ako nagpumiglas dahil gusto ko ring makakuha ng impormasyon mula sa pamilyang kinabibilangan niya.
Ipinanganak na akong mabusisi kaya alam kong kasing itim ng mga suot nila 'yong mga budhi nila.
'Tss. Men in Black---ang baduy!'
Hindi ko saulo ang kabuuan ng YH kaya wala akong ideya kung saan kami patutungo ngayon. Basta, may mga pasilyo kaming dinadaanan at halos pribado ang buong lugar dahil wala man lang katao-tao kahit isa, kaya unti-unting umusbong na naman ang kaba sa dibdib ko.
Nilingon ko ang mga kasama namin at lahat sila ay lalaki. Wala akong nakikitang babae.
'Oh f**k! Wala naman sanang r****t na nakapag-enroll dito.'
Walang nagsasalita sa kanila o kahit ako, kaya wala rin kaming ibang naririnig kundi ang nakakabinging katahimikan.
Ilang minuto pa kaming naglakad nang may batang babae na tumatakbo papunta sa direksyon ko kaya kusa akong natigil sa paglalakad at ganoon din ang mga Men in Black.
"Hi, ate!" Bati niya sa akin nang makalapit kaya nginitian ko naman siya at lumuhod ako para mapantayan ko ang tingin niya.
Hindi sa pagmamayabang pero matangkad ako, mga 5'6 lang naman, gano'n.
"Hello, sweetheart. What's your name?" Tanong ko sa batang babae at ngumiti naman agad siya ng pagkalaki-laki.
"I'm Belle Hanley Baudelaire Ki---"
"Hanley!" Hindi niya naituloy ang pagpapakilala nang biglang sumingit ang epal na lider ng men in black. "I told you not to roam around the campus right this hour. Hindi ba't sinabi ko ding magstay ka lang sa quarter niyo?! Go back there, now!" Maawtoridad na utos ni Black kaya malungkot na lumapit pa sa akin si Belle habang nakanguso at hinawakan ang kaliwang pisngi ko.
Bahagya pa akong nagulat sa ginawa niya dahil hindi ko 'yon inaasahan.
"Till' next time, 'jolie fille'." Paalam niya bago ako tinalikuran at naglakad paalis.
'Tinawag niya akong 'pretty girl'?' Mas gulat na tanong ko sa isip kaya naman ay tumayo ako.
"Bonne nuit, ma belle." Pahabol na sambit ko dahilan para matigil siya sa paglalakad at nilingon ako, ganoon din ang reaksyon ni Black pero nanatili ang tingin ko kay Belle.
[Translation: Good night, beautiful.]
Nakangiti siya habang nagugulat sa akin.
'Cuuuute!'
Tinanguan ko lang siya tanda na naiintindihan ko siya sa lenggwahe'ng 'yon.
"Hanley!" Singit na naman ni Black.
'Tss. Buraot na epal!'
"Au revoir." Muling paalam niya at agad naman akong napangiti.
"Au revoir, Belle." Sagot ko at kinawayan pa niya ako bago tuluyang tumalikod.
Tinanaw ko siya habang naglalakad palayo at kami naman ay umabante na din.
'Bakit ang gaan-gaan ng loob ko sa'yo, Belle? Hindi ko alam kung anong koneksyon natin sa isa't isa, pero gusto pa kitang makilala.'
Ilang sandali pa ay narating na din namin ang headquarters ng Red C-Note.
Sinasabi ko na, madilim at masyadong liblib ang lugar nila. Malayo sa headquarters ng iba. Nakahiwalay kasi ito sa campus pero katabi lang nito ang Pre-Schoolers' headquarters.
Isa sa naobserbahan ko din kanina sa arena ay walang mga bata. Baka dahil hindi pa sila pupwede sa mga ganoong gawain at hindi pa kakayanin ng mga katawan nila ang ganoong klase ng laban. Kaya siguro gano'n na lang kung pagalitan ni Black si Belle kanina.
Hindi na ako magtataka kung may lahing Pranses ang batang 'yon dahil bukod sa mala-diyosa niyang ganda, nagsasalita pa siya ng French.
Pinaupo nila ako sa single sofa na nandoon sa mini-sala nila at si Black lang ang humarap sa akin dahil pinalayas na niya ang iba.
"Do you know who I am?" Seryosong tanong niya nang makaupo sa kaharap kong mahabang sofa.
'Pake ko?! Psh!'
"Pwede ba?! Kung kakatayin niyo lang din ako, gawin niyo na! 'Wag mo na akong tanungin nang kung anu-ano dahil wala kang mapapala sa akin!" Inis na sabi ko pero nanatili lang siyang nakatitig sa akin.
'Nakakailang! Amp*ta!'
Nag-iwas ako ng tingin at nagkunwaring may tinitingnang iba.
'Bwesit na lalaking 'to! Kung makatitig parang dinudurog na niya ako!'
"Alam mo bang hindi lang ikaw ang unang babaeng nagtangkang kalabanin ako?" Tanong niyang muli pero pinigilan ko ang sarili ko na tingnan siya kahit gustong-gusto ko na siyang harapin at dukutin ang mga mata niya.
"Wala akong pakialam." Mataray na sagot ko.
"Kaya nga sinasabi ko sa'yo ngayon na kahit ilang babae pa ang humarang sa daraanan ko, wala akong maiibigan at walang makakapagpabagsak sa isang Black Heather sa paaralang 'to." Madiing sambit niya na batid kong nakangisi na rin siya habang sinasabi ang linyang 'yon.
'Ano bang sinasabi nito?! Parang kaya ko naman siyang pababain! Tss.'
Hindi ako nagsalita.
"Ang sabi kasi nila, kapag daw may tumutol na binibini sa leading man patungkol sa ugali niya, sila ang magkakatuluyan sa huli. What a fairytale, right?" Tanong naman niya.
'Baliw na talaga ang isang 'to! Anong fairy-fairytale?! Gags! Ulol lang ang naniniwala do'n!'
Hindi pa rin ako kumikibo.
Narinig ko siyang bumuntong-hininga at sumandal sa likod ng sofa, kaya doon lang ako nagkaroon ng pagkakataong tingnan siya sa balikat.
'Oo, sa balikat lang! Ayokong mag-isip siya nang kung anu-ano kapag tiningnan ko siya sa mata, baka mahulog ako sa bitag niya. Tsk!'
"Stop staring at me." Seryosong aniya pero nang-aasar ang dating sa akin kaya mabilis akong nag-angat ng tingin sa kaniya habang magkasalubong ang mga kilay at nanggigil ang mga ngipin.
"What?! I'm not staring at you!" Pasigaw na saad ko at agad namang nagbago ang reaksyon niya, mula sa kaninang seryoso, ngayon ay nakangisi na.
"Oh really? Let me guess, you're looking at my broad shoulders but still you're staring me." Kalmadong sabi pa niya kaya lalong sumama ang tingin ko.
'Napakayabang! Tch!'
"'Oh really?'" Panggagaya ko sa kaniya. "Guess mo mukha mo! Wala kang kwenta! GGSS ka!" Sigaw ko.
"GGSS?" Inosenteng tanong niya sa akin.
"Oh, bakit? Hindi ba? Feeling gwapo ka! Pero ang baduy-baduy mo naman!" Masungit na sumbat ko.
"Everyone knows I'm handsome." Nakangisi pa ring aniya at nagkibit-balikat pa.
'Tsa! Ang taas naman talaga ng confidence nitong baduy na 'to!'
"See? Wala ka talagang kwenta!"
"Why?"
"Anong 'why'?!"
"Ano ba ang may kwenta sa'yo?" Bigla ay sumeryoso na naman ang mukha niya dahilan para matigilan ako at napalunok.
'Pwede na gawing emoji ang taong 'to e. Mabilis magpapalit-palit ng reaksyon!'
"B-Bakit ko naman sasabihin sa'yo? At saka, bakit mo ba ako dinala dito? Bored na bored ka na ba talaga kaya nanghuhuli ka na lang ng makakausap mo?!" Inis na tanong ko pero hindi siya nagsalita at umiwas lang ng tingin. Bumunot ako ng piso sa bulsa ko at inilapag 'yon sa maliit na mesa kaya napatingin siya doon at sa akin habang nagtataka. "'Yan piso, ibibigay ko sa'yo. Ikaw na bumili ng kausap mo!" Saad ko bago tumayo at iniwan siya doon.
Mabigat ang loob kong naglalakad palabas dahil naiinis ako sa ideyang hindi niya ako susundan.
'Bwesit!'
Nang makabalik ako sa campus ay nakabukas na ang arena at isa-isa na ding naglabasan ang mga tao kaya dumiretso na lang ako sa dorm namin.
Pagkapasok ko sa loob ay nagulantang pa ako dahil hindi ko inaasahang nandoon ang tatlo.
"Akala namin wala na kaming hihintayin." Seryosong usal ni Ry.
"Oo nga, akala namin huling beses na 'yong pagkikita natin kanina." Malungkot na saad naman ni Mecca.
"Akala ko, mawawalan ulit ako ng dorm mate at ng tunay na kaibigan." Si Margaux.
'Ano bang nangyayari sa mga 'to at puro 'akala'?!'
"Tss. Bakit ba kayo nagdadrama? Akala niyo talaga papatayin na ako no'ng baduy na 'yon?!" Tanong ko pa sa kanilang tatlo.
Sa halip na sagutin ako ay lumapit sila sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Bagaman nagugulat ay niyakap ko pa rin sila pabalik.
Ako ang kusang humiwalay sa pagkakayakap sa kanila at pumwesto kami sa mini-sala namin ni Margaux. Maliit lang kasi ang kwarto, pandalawahang tao lang talaga.
Ikinwento ko sa kanila ang ginawa ni Black sa akin at nakahinga naman sila nang maluwag pero hindi pa rin nawawala ang pagkagulat sa mga mukha nila.
"Teka nga, bakit ba ganiyan ang mga reaksyon niyo? Killer ba talaga ang tingin niyo sa taong 'yon? Hindi ko kayo maintindihan e. Pakiramdam ko tuloy, wala akong alam." Asik ko.
"Lahat ng mga naging kaibigan namin noon na kumontra diyan kay Black ay tinaningan ang buhay. Kakatwang wala ka man lang kahit isang bangas o pinagbantaan." Wika ni Ry.
'Kung ganoon, ako pa lang ang nakasurvive sa taong 'yon? Pero hindi pa rin dapat ako pakampante. Baka may plano na 'yong patayin ako pero maaaring inilihim niya lang muna.'
Aminado akong nakaramdam rin ako ng kaba sa mga nalalaman ko pero dahil lumaki akong palaban at hindi nagpapaapak, kaya naging personalidad ko na rin ang hindi magpadala sa takot at pananakot.
Napapabuntong-hininga ako saka dumungaw sa bintana.
"Sa maniwala kayo at sa hindi, wala akong naramdamang takot noong mga oras na kasama ko siya. Pero," huminto ako at tiningnan silang tatlo. "...baduy siya." At sabay-sabay na bumagsak ang mga balikat nila.
"Bruha! Akala ko kung ano na!" Reaksyon ni Margaux at natawa kaming lahat.
Sandali pang nanatili sa room namin sina Mecca at Ry para makipagkwentuhan, at malalim na ang gabi noong napagdesisyunan nilang bumalik sa room nila.
"Good night, Pene!" Masiglang wika ni Margaux at hinalikan ako sa pisngi bago tumalon sa kama niya at kinumutan ang sarili.
"Good night, Margaux." Nakangiting bati ko naman saka pinatay ang ilaw at ang lampshade na nasa bedside table ko.
ZzzZZzZzzz...
Nagising ako kinabukasan dahil sa tunog ng telepono ko.
Hello, Sunday!
Mabilis ko itong kinapa sa ilalim ng unan ko at tiningnan kung sino ang nagtext.
One message received.
From: +639232121***
Magkita tayo.
07:15AM.
Sa halip na sundin ang plano kong matulog ulit, napabalikwas ako ng bangon at parang biglang nagising ang buong diwa ko. Nawala ang antok ko at napalitan ng kakaibang kaba at pangamba.
'Sino 'to?!'
Nilingon ko si Margaux pero nahihimbing pa siya sa pagtulog kaya imbes na gisingin siya ay bumangon na lang ako nang biglang tumunog ulit ang phone ko.
One message received.
From: +639232121***
Bilisan mo. Nandito ako sa baba ng dorm niyo.
07:18AM.
Matapos kong mabasa ang huling text niya ay agad na nanlaki ang mga mata ko at dumoble ang kaba sa dibdib ko.
'Sino ka bang gago ka?! Peste!'
Dumiretso ako sa cr at naligo saka nagbihis nang mabilis.
Inayos ko pa nang konti ang mukha ko bago bumaba.
Nagpalinga-linga ako sa buong reception area, sa lobby, at nagtanong na rin ako sa staff na nandoon sa front desk kung may nakita ba silang taong naghihintay dito kanina pero wala silang naisagot.
Kaya naman lumabas na ako para muling maghanap pero bago pa man ako mahirapan ay may biglang humila sa akin at tinakpan ng panyo ang bibig at ilong ko, dahilan para mawalan ako ng malay.
Nakaramdam ako ng mga matang tumitingin sa akin kaya dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang maamong mukha ng isang lalaki saka mabilis na bumangon.
"Sino ka?! m******s! Nasaan ako?!" Gulat na sigaw ko nang makita kong nakahiga rin siya sa tabi ko. Nilibot ko ng tingin ang buong silid at muling nilingon ang lalaking blangko ang mukha habang nakatitig lang sa akin. "Hoy! Sumagot ka! Pinagnanasahan mo ba ako?!" Galit na bulalas ko sa pagmumukha niya habang pinagpapalo siya.
Hinuli niya ang parehong kamay ko dahilan para mahinto ako sa paghihisterya at mapatitig sa mga mata niya.
'Parang si----'
"Ngayon mo sabihin sa akin na hindi mo 'ko kilala." Pormal ang paraan ng pagkakasabi niya no'n pero pakiramdam ko ay isinigaw niya 'yon sa tenga ko para magising ako.
"B-Black?" Nauutal at hindi makapaniwalang tanong ko.
Pinagmasdan niya ang mukha ko na para bang binibilang niya lahat ng white heads ko sa mukha hanggang sa bumaba ang tingin niya sa bibig ko dahilan para mapalunok ako at agad na binawi ang dalawang kamay saka dumistansya sa kaniya.
'So, sa kaniya pala ang unknown number na 'yon? Tss.'
"B-Bakit mo 'ko dinala dito?" Wala sa sariling tanong ko at hindi makatingin sa kaniya.
'Gwapo naman pala siya sa personal, lalo na kapag walang takip ang mukha. T-Tss!'
"Kailangan kitang parusahan para sa kaisa-isang patakaran ko na nilabag mo." Diretsong sagot niya kaya agad akong napaangat ng tingin sa kaniya.
Ramdam ko ang pagsalubong ng mga kilay ko habang tinitingnan siya.
"Anong patakaran?! Wala akong alam diyan sa sinasabi mo! Hindi ko rin nabasa sa student's manual na may sarili kang patakaran dito!" Depensa ko.
"Mmm, maaaring hindi ko nasabi sa'yo nang personal. Pero sigurado akong naikwento na ng mga kaibigan mo ang tungkol sa akin." Kaswal na tugon niya at mas lalo akong nagulat.
'Paano niya nalaman 'yon?!'
"Pero----"
"Sumunod ka sa akin." Mariing utos niya at agad na lumabas ng silid kaya wala na akong nagawa kundi sumunod.
Gusto kong magmaktol pero pinigilan ko na lang muna ang sarili ko dahil baka sa susunod ay ipakatay na niya talaga ako.
Paglabas namin ay sobra akong namangha sa aking nakikita, hindi ko inaasahang sa isang garden niya ako dadalhin na puno ng iba't ibang klase ng bulaklak at may mga paru-paro pa.
'Ano bang klase ng parusa ang ibibigay niya sa akin kung dito niya ako dinala sa napakagandang hardin?' Nagtatakang tanong ko sa isip.
Huminto siya sa may dulo at ako naman ay tinatanaw lang siya.
"Ito ang hardin na pinangangalagaan ng Red C-Note. At gusto kong simula ngayon, ikaw na ang mag-aalaga dito. Araw-araw mong didiligan ang mga halama't bulaklak. Kung mataas na ang tubo ng bermuda grass ay ikaw rin mismo ang magpuputol no'n. Ayokong may mamatay kahit isa sa mga magagandang paru-paro na 'yan----"
"Teka," pigil ko sa kaniya at tumingin naman siya sa akin. "Pati ang mga paru-paro, aalagaan ko?!" Tanong ko pa.
Tumango siya. "Oo, at alam ko ang bilang nila kaya dapat ay pag-igihan mo ang pag-aalaga sa kanila dahil kung hindi----"
"Kung hindi, ano?!" Biglang sapaw ko na naman sa litanya niya.
Parang naiinis na siya sa inaasta ko kaya gumuhit ang ngisi sa labi ko.
"Mapipilitan akong ipaligpit ka." Malamig na sagot niya at natigilan ako.
Parang nagyeyelo ang buong katawan ko habang nakatitig sa kaniya.
"---and I'm dead serious." Dagdag niya at tumalikod sa akin. "Wala akong pinapaboran sa paaralang 'to, Penelope. Hangga't ako ang namumuno ng Red C-Note at nasa ilalim ka ng kapangyarihan ko, kailangan mong sundin ang lahat ng sasabihin ko sa'yo." Pagtatapos niya at naglakad palayo.
Habang tinatanaw ko ang pag-alis niya, parang may biglang humaplos sa puso ko dahil sa ibinigay niyang parusa.
"Parusa ba talaga 'to o nagsisimula ka nang paboran ako? Tss." Mahinang bulong ko sa sarili saka muling pinanood ang mga makukulay na paru-paro at ang mga sumasaway na bulaklak.
'Kung magagawa kong baguhin ang masamang ugali mo, magkakaroon na ako ng isang bagay na maipagmamayabang ko.'
To be continued...