Kanina pa nagdidiscuss ang guro sa harap pero wala akong maintindihan. Maliban kasi sa maingay dito, ay punong-puno pa ang isip ko.
"Pen? Penelope?" Mahinang tawag sa akin ni Margaux at siniko ako.
Walang-ganang nilingon ko siya.
"Ayos ka lang? Gusto mo bang lumabas muna? Nagugutom ka? Tara, sasamahan kita sa cafeteria sa baba." Aya niya at kumunot naman agad ang noo ko.
"Pwedeng lumabas kahit sa kalagitnaan ng klase?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Duhhh! We're dumb a*s, remember?" Mataray na sabi niya at napatingin naman ako sa harap.
Napakasipag ng guro naming nagdidiscuss pero 'yong mga kaklase ko parang walang pakialam sa kaniya at may kaniya-kaniyang mundo, pati si Margaux ay nababagot na rin habang naglalaro ng ML.
Tila ako lang ang nakikinig kay Ma'am.
'Ito ba ang mundong gusto mong pamuhayan ko, Mommy? Mas magulo pa 'to sa buhay ko diyan sa labas ah.'
Agad akong pinangiliran ng luha nang maalala ko ang huling beses na pinagalitan niya ako.
'Mas gugustuhin ko pang marinig ang mga pangaral at masasakit mong sigaw, kaysa mabuhay sa mundong 'to, Mommy. Bakit niyo ba ako ipinagkatiwala sa mga tao dito?'
"Pen?! Ayos ka lang?! Bakit ka umiiyak?! Naku, may nangyari ba?! Sabihin mo sa akin, reresbakan natin 'yang mga nang-aaway sa'yo!" Naghihisteryang tugon ni Margaux at agad ko namang pinunasan ang mga luhang hindi ko napansing tumulo na pala.
'Hays.'
"Margaux.." mahinang sambit ko sa pangalan niya.
Nag-aalalang humarap naman siya sa akin at lumapit. "Bakit, Pen? Iniisip mo pa rin ba ang Mommy mo?"
"Wala naman sigurong masama kung lumiban muna ako sa klase, 'no? Gusto ko kasing mag-isip at kailangan ko ng oras para i-absorb ang lahat ng ito." Pakiusap ko at agad naman siyang tumango.
"Siyempre naman. 'Wag ka nang mahiya sa mga teachers natin, saulo na nila ang ugali ng mga estudyante dito. Ikaw lang yata ang kilala kong takot sa guro kahit marami nang krimen na ginawa. Hahahaha! Ang astig mo talaga! Bad girl na magalang! Naaaaays!" Banat pa ni Margaux ngunit hindi ko na siya sinagot.
Kahit kaonti ay may respeto pa rin naman ako sa mga nakakatanda sa akin kaya nagpaalam pa rin ako sa teacher namin at ikinagulat 'yon ng lahat pero wala akong pakialam.
'Ngayon ko lang napagtanto na ako lang pala talaga ang tunay na nakakakilala sa sarili ko, kahit si Mommy ay hindi niya nakikita ang tunay na ako.'
Napabuntong-hininga na lang ako sa naiisip at dumiretso na kami sa baba saka nagtambay sa cafeteria.
Hindi na ako nagulat nang makita ko kung gaano karaming mga estudyante ang nandito at maging sa malaking field.
May kaniya-kaniyang business ang mga tao at parang Amerika lang kung mag-PDA 'yong ibang magnobyo't nobya.
"Basagulera ako pero hindi ako kasing lala nila." Naiusal ko habang pinag-aaralan ang buong paligid.
"Unti-unti ko nang nakikita 'yan. Alam mo, ngayon nagtataka na ako kung bakit ka ipinasok ng Mommy mo dito. Wala ka namang problema e, at sobrang galang mo pa sa mga nakakataas sa'yo. Sa paanong paraan ka nga ba naging baliko, Pen?" Tanong niya sa akin at napatitig naman ako sa kaniya.
'Sa paanong paraan nga ba ako naging mali? Sa pagkakaalala ko kasi, gagawa lang ako ng ganti kung may nang-uuna sa akin. At dahil brutal ako, doble 'yong ganti ko sa kanila kaya sila 'yong lumalabas na biktima.'
"Siguro dahil nagsasawa na siya sa akin kaya ipinamimigay na niya ako." Malungkot ngunit kaswal na sagot ko saka umiwas ng tingin.
"Pen?" Tawag niya at hinawakan ang dalawang kamay ko kaya napatingin ulit ako sa kaniya. "Kahit ano pwede mong sabihin sa akin, ha? 'Wag kang mahihiyang lumapit sa akin kung may kailangan ka. Sa tinagal ko dito, ikaw pa lang ang nakapagpaparamdam sa akin na pwede pa lang maging makabuluhan ang pagpasok ko dito. Makakaasa ka sa akin palagi, tandaan mo 'yan." Nakangiting tugon niya at kusa naman akong napangiti sa kawalan.
Huminga pa muna ako nang malalim bago binawi ang kamay ko mula sa kaniya at kinuha sa bag ang nakaipit na litrato ni Mama sa isa sa mga libro ko, saka ibinigay sa kaniya.
Tinitigan niya 'yon at saka tiningnan ako nang may nagtatanong na tingin.
"Siya si Penelope." Usal ko at agad na nagsalubong ang mga kilay niya. "Siya ang totoong Mama ko. 'Yong Mommy na kinukwento ko sa'yo ang bestfriend niya. Si Mommy ang nag-alaga sa akin simula no'ng namatay si Mama. At sa kaniya din nanggaling ang pangalan ko, isa daw kasi 'yon sa kahilingan ni Mama bago siya namayapa." Kwento ko habang pinagmamasdan ang mga sumasayaw na punong-kahoy sa labas ng cafeteria.
"Hindi na kataka-taka dahil magkamukhang-magkamukha kayo, Pen." Aniya at inilapit sa akin ang litrato saka papalit-palit ang tingin niya sa aming dalawa ng Mama ko. "Halos kahawig na kahawig mo siya. Siguro, mas matured lang siya pero walang mintis, nanay mo talaga siya! Ano bang buong pangalan niya?"
"Penelope P----"
"Margaux!"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang may biglang sumigaw ng pangalan ni Margaux.
Lumapit ang babaeng 'yon sa table namin at may kasama pa siyang isa. Nakipagbeso sila kay Margaux at nakiupo sa amin.
"Hello, Mecca and Ry!" Masayang bati ni Margaux sa kanila.
"Oh! Looks like we have a new squad member? Who is she, Margaux?" Tanong no'ng tinawag niyang Ry.
"Yeah, she's Penelope Clairdelune Chamberlain, the new member of TAOD class. And they're our groupmates, Pen, sina Mecca Ella Carson at Snooky Ryleigh Messina." Pakilala ni Margaux sa amin.
"Hi, I'm Penelope." Pagpapakilala ko sa sarili at inilahad ang kamay sa kanila na agad rin naman nilang tinanggap.
Sa totoo lang, they look like a real gangsters dahil sa suot nilang halos kinulang sa tela, sa make-up nilang parang panda, at sa mga peircings sa ilong, bibig at tenga nila.
Hindi sila desente tignan pero mukha naman silang mababait.
"Hello, Penelope. I'm Mecca with separate Ella, the face of the group!"
"Hi! Ako naman si Ryleigh, but you can call me 'Ry'. 'Yon na kasi ang nakasanayan ng lahat. Hahahaha!"
"Nice meeting you both." Tipid na sagot ko at ibinalik sa bag ang litrato ni Mama saka kami nagkwentuhan.
Noong una ay naiilang pa ako sa dalawang kasama namin dahil masyado silang sensitive at prangka naman ako kaya kailangan ko pang mag-ingat sa sasabihin ko, pero nang lumaon ay nakapag-adjust naman din ako.
Isa-isa nilang ikinuwento ang mga karanasan nila rito at ang mga buhay nila bago sila dumating dito.
Si Ry ay broken family, iniwan sila ng tatay niyang babaero at sumama sa babae niya kaya nagrebelde siya. Nagbulakbol siya at sumasama sa mga addict sa lugar nila kaya ipinadala siya dito ng Mommy niya, four years ago.
Si Mecca naman ay ni-r**e ng sarili niyang ama at nagsumbong siya sa Mommy niya pero hindi siya pinaniwalaan nito dahil masyado daw'ng matino 'yong ama niya para magtaksil sa sariling asawa. Nadepress siya at naglayas, kaya noong nahanap siya ng mga magulang niya ay ipinadala agad siya dito, mahigit apat na taon na rin ang nakakalipas.
"Ikaw naman ang magkwento, beh. Bakit ka ipinadala ng mga magulang mo dito? Wait, let me guess, napasok ka din sa masamang bisyo?" Nanghuhulang tanong ni Ry sa akin at umiling ako bilang sagot. "Ahh, sumali ka sa mga gangster group?" Hula niya pa ulit at umiling na naman ako. "May napatay ka?" Tanong niya dahilan para matawa 'yong dalawa pa.
"Tss." Mahinang singhal ko at agad namang nakuha ni Margaux 'yon kaya siniko niya si Mecca para tumigil sa kakatawa. "Hindi ko gawain ang pumatay----"
"Pero kailangan mo 'yong matutunan, beh. Dito sa mundong 'to, hindi ka mabubuhay kung hindi ka papatay." Sabat ni Ry sa sinasabi ko at tumango-tango naman sa pagsang-ayon 'yong dalawa.
Hindi na ako nagulat sa sinabi niya dahil na-immune na ako no'n kay Margaux, pero hindi pa rin talaga ako makapaniwala hanggang ngayon.
"Nananakit ako kung kinakailangan pero mataas ang pasensya ko, Ry. Kaya hangga't maaari ay nagtitimpi ako para hindi ako makagawa ng hindi dapat." Tugon ko at umiwas ng tingin sa kanila.
"Beh, naiintindihan ka namin. Hindi ba girls?" Tanong niya pa sa dalawa.
"Absolutely, yes!" Sabay namang sagot nila.
"Ganiyan din kami noong mga unang linggo namin dito. Pero sinasabi ko sa'yo, masasanay ka rin sa mundong 'to, beh. Walang kinikilalang santo o Diyos ang halos lahat ng tao dito, pero hindi kami kabilang sa halos na 'yon." Kwento ni Ry.
"Tama! Nagdadasal pa rin naman kami gabi-gabi at tuwing umaga, 'yon nga lang ay patago dahil kapag nakita 'yon ng ibang grupo ay ibubully ka at pag-iinitan ng buong campus." Pagsang-ayon ni Mecca.
"They're right, Pen. Pero may isang bagay pa kaming hindi nasasabi sa'yo." Sambit ni Margaux kaya natuon sa kaniya ang pokus ko.
Ramdam ko ang dahan-dahang pagkunot ng noo ko habang sinisipat ang ekspresyon ng mukha niya.
'Ano ang bagay na 'yon at biglang bumilis ang t***k ng puso ko?' Kinakabahang tanong ko sa isip.
"Legal ang pagpatay dito---"
"Alam ko na 'yon dahil nakailang ulit ka nang sabi no'n sa akin." Mabilis na pigil ko sa kanila ngunit napailing naman 'yong dalawa.
"Hey, beh. Makinig kang maigi ah?" Sabat ni Ry kaya naibaling ko naman sa kaniya ang paningin ko. "Legal ang pagpatay, pero gabi-gabi lang 'yon pupwede at hindi maaaring makarating sa Headmaster ang balitang 'yon dahil si Headmaster Scott II ay marangal at may dignidad. Ayaw niyang may nakakarating sa kaniya na mga ganoong balita." Mahabang dagdag niya.
"Ibig sabihin, hindi niya alam na pumapatay ang mga estudyante niya?" Naguguluhang tanong ko pa.
"Siyempre alam niya. Bago pa man niya pinalitan ang ama niya sa pagiging Headmaster ay naging estudyante din siya dito kaya alam na alam niya ang mga karanasan dito. Pero ang gusto niya ay kung papatay tayo, dapat walang makakapagsumbong at malinis ang pagkakagawa, dahil kapag may nakarating sa kaniya..." binitin niya ang huling linya kaya mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko at nag-aalalang tiningnan sila.
"Kung hindi ano?" Hindi ko na napigilang isatinig ang tanong na naglalaro sa isip ko sa mga oras na 'to.
"Siya mismo ang papatay sa suspek."
"Ano?!" Hindi makapaniwalang tanong ko at napatakip ng bibig sa sobrang gulat.
"Tama ang narinig mo, Pen." Pagkokompirma ni Margaux sa kwento ni Ry.
"Hindi ako tumututol, girl. She's telling the truth. That's the sad reality here." Malungkot na sabi pa ni Mecca.
"Bakit niya naman gagawin 'yon? Hindi ba't Headmaster siya? Bakit siya papatay ng estudyante?" Nalilito pa ding tanong ko kay Ry.
"Marami ka pang hindi alam, beh. Kung naabutan mo lang ang pamumuno ni Headmaster Scott I, 'yong tatay niya, mas maraming dugo ang dumanak no'n. Mas brutal 'yon kaysa kay Headmaster ngayon e. Pero marami ding galit sa kaniya ngayon." Makahulugang sagot niya saa akin.
"Bakit?" Alanganing tanong ko.
"Dahil parati siyang naghahanap ng hustisya. Kadalasang galit sa kaniya ay 'yong mga suspek na pumapatay dahil nawawalan na daw sila ng kasiyahan. At isa pa----"
"Teka! Margaux, 'di ba't may nabanggit ka sa akin kagabi tungkol sa isang araw na malaya ang lahat na pumatay at talunin ang ibang grupo?" Baling ko kay Margaux.
"Aish! 'Yon na nga ang dapat kong sasabihin, beh. Naunahan mo lang 'ko." Nakangusong sabat ni Ry kaya siya na lang ang pinakwento ni Margaux.
'May pagka-narcissistic din pala ang isang 'to.'
"'Yon ang araw ng Kalayaan---joke! Hahahaha! Tuwing Sabado ng gabi ginaganap ang 'Dark Saturday' o gabi ng mga kriminal."
"Hindi rin ba alam ni Mr----Headmaster Scott 'yon?" Tanong ko pa.
"Alam niya. Pero imbes na siya ang mangulo no'n gaya noong kapanahunan ng namayapa niyang ama ay ipinaubaya na lang niyo 'yon sa mga Red C-note. Kaya ngayon, sila na ang namumuno ng Dark Saturday." Paliwanag niya kaya medyo naintindihan ko na, pero magulo pa din.
Dahil sa mga sinabi nila at nalaman ko, naglalayag sa kung saan ang utak ko na naging rason ng pagiging tulala ko minsan kahit sa kalagitnaan ng klase.
Marami pa rin akong hindi nalalaman tungkol sa mundong 'to, kaya kailangan kong ihanda ang sarili ko.
Lumipas ang mga araw at maluwalhating nalampasan ko naman ang bawat impyernong mga araw na 'yon.
"Pen? Handa ka na ba para mamaya?" Kapagkuwa'y tanong ni Margaux sa gitna ng pagbabasa ko.
Sabado na ngayon kaya isang linggo na akong nandito.
Wala kaming pasok ngayon kaya nakatambay lang ako sa dito sa dorm habang inaaliw ang sarili sa pagbabasa at pagsusulat ng kwento.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, nagmemake-up pala siya. "Pwede bang hindi ako sumali diyan?" Nakangiwing tanong ko at muling ibinalik sa libro ang tingin.
"Kung ibang Saturday lang ngayon, pwede. Pero ngayon ang first Dark Saturday ng YH kaya kailangang lahat ay dumalo, lalo na ang mga new enrollees." Sagot niya kaya napabuntong-hininga na lang ako sa kawalan ng magawa. "Baba lang muna ako ah? Kikitain ko 'yong dalawa at pati ang ibang members ng TAOD. Sama ka?" Aya niya ngunit itinaas ko lang ang kamay ko at sumenyas ng 'no'. "Sige, ikaw bahala. See you later!" Paalam niya at hinalikan pa ako sa pisngi bago tuluyang umalis.
Naiwan akong mag-isa at nag-iisip na naman. Palaging sumasakit ang ulo ko dahil napapadalas na ang pag-iisip ko nang kung anu-ano nitong mga nakaraang araw.
Masyado na akong pinapatanda nitong mga nangyayari sa akin.
'Tss.'
Tinapos ko muna ang Chapter 2 ng sinusulat kong kwento bago napagdesisyunang kumilos.
Trenta minutos akong nagtagal sa banyo at namili ng maisusuot.
Kumuha ako ng isang ripped jeans, croptop na black shirt, at rubber shoes.
Matapos kong magbihis ay tanghali na noong makababa ako para ayaing kumain sina Margaux, dahil simula kanina ay hindi pa rin siya bumabalik sa dorm.
Pumunta ako sa cafeteria at hinanap sila doon. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap dahil sila rin ang lumapit sa akin.
"You're hungry?" Bungad ni Ry, siya ang pinakaboyish sa kanilang tatlo at si Mecca naman ang opposite version niya.
Tumango lang ako bilang sagot kaya kumuha na kami ng table at umorder ng makakain.
"Maaari niyo ba akong kwentuhan tungkol sa Red C-Note?" Tanong ko, hindi nila inaasahan. At lahat sila ay natitigilang tumitig sa akin. "What? May sinabi ba akong mali?" Nagtatakang tanong ko pa sa kanilang tatlo.
Kaniya-kaniyang iwas naman sila ng tingin sa akin dahilan para muling bumalot sa akin ang pagdududa at isa-isang nagsulputan ang mga tanong sa isip ko.
'Ganoon ba talaga kaselan ang pag-usapan sila? Sino ba talaga ang mga Red C-Note na 'yan at ganito na lang sila kung magulat? Tsk!'
Matapos no'n, kahit isa sa kanila ay wala nang nagsalita. Tahimik naming tinapos ang pagkain at dumiretso sa headquarters ng TAOD.
"'Wag ka na ulit magtatanong tungkol sa kanila, Pen ha?" Bulong sa akin ni Margaux kaya nagsalubong na naman ang mga kilay ko at hinarap siya.
"Bakit hindi? Ayokong mahuli sa balita, Margaux. Gusto kong malaman 'lahat' at kabilang na sila doon." Seryosong sabi ko.
"Psh! Hindi pwedeng may makarinig sa'yo na binabanggit mo ang pangalan ng grupo nila, dahil kapag nagkataong may magsumbong, ha-huntinging ka ng grupo nila at 'papatayin'." Tugon niya at ibinulong ang huling salita kaya ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko sa gulat.
'Ganoon sila ka brutal?! Demmit!'
"Tss. Parang mga diyos talaga ang tingin nila sa mga sarili nila? Kalokohan!" Asik ko.
"Aish! Makinig ka na lang kasi sa akin, Pen. Para sa ikakabuti mo din 'to." Nakikiusap na sabi ni Margaux sa akin.
"Hey! Hey! Little Angels! Mamaya na kayo magtsismisan diyan. Hali na kayo at magsisimula na ang meeting." Saway sa amin ng bagong lapit na si Ry at nilingon ako. "At ikaw beh, kung ano man ang maririnig mo dito o sa labas, mas mabuti kung panatilihin mong lihim na lang kesa makialam ka. Mas lalo mo lang ilalagay sa alanganin ang buhay mo kapag hindi mo nilabanan 'yang kyuryusidad mo. Tandaan mo 'to, mas ligtas ka kung mananatili kang inosente sa mga mata nila. Lahat ng nakikita nilang may alam ay pinapatay nang palihim." Tugon niya at may halong pagbabanta kaya napalunok na lang ako saka tumango.
Nang matapos ang meeting ay dumiretso na agad kami sa arena na kung tawagin nila ay bulwagan ng mga kriminal.
Wala akong ideya sa itsura ng lugar na 'yon pero sumama na lang ako nang tahimik habang nagmamasid.
Meron kaming mga nakakasabay na grupo pero naiilang akong tignan sila dahil wala pa man akong ginagawa ay nangangain na ang mga titig nila.
Paniguradong alam na nila na baguhan lang ako dito kaya ganoon na lang sila kung makatingin sa akin.
Lahat ng posibilidad ay iniisip ko na at gumagawa na rin ako ng sarili kong mga konklusyon dahil ayoko nang iasa sa iba ang sagot sa mga tanong na nasa isip ko.
Ang sabi sa meeting, 'yong Red C-Note at The Unfazed daw ang maglalaban ngayon. Labanan ng mga malalakas at walang kinikilala.
Nang makapasok kami sa sinasabi nilang Arena ay naghanap na agad kami ng pwesto. Pinili nila 'yong malapit lang sa gitnang bahagi kung saan mangyayari ang madugong labanan sa pagitan ng dalawang grupo.
Napakadim ng ilaw dito, napakalaki ng buong lugar at tila gawa sa metal ang lahat ng parte nitong arena, mula sa bubong na may maraming kabelya, sa dingding na matigas pa sa bato, hanggang sahig at mga benches na inuupuan namin.
Silyado at parang kulungan ng mga mamamatay-tao ang lugar na ito.
'Should I consider myself as one of them? Pero hindi ito ang pinangarap ng Mama ko para sa akin.'
Sa paglipas ng oras ay unti-unti nang napupuno ang buong arena. At nang maisara ang malaking pinto ng entrance ay isa-isang nag-ilawan ang mga puting liwanag mula sa bubong na halos hindi ko maaninag dahil masakit sa mata. Kaniya-kaniyang sigawan, hiyawan, at nagpukpukan na rin ang mga tao dahil hindi na makapaghintay na simulan ang laban.
'Ang sakit sa tenga!'
Tumunog ang gong na hindi ko alam kung saan nagmumula at nagsilabasan ang mga miyembro ng dalawang grupong magsasalang.
'Yong sa Red C-Note, lahat sila ay nakaitim at nakatakip ang buong mukha. 'Yong sa The Unfazed naman ay nakakulay asul na outfit at may takip din ang mga mukha.
Hanggang sa ipinakita na ang huling hudyat ng pagsisimula ay hindi na mabilang ang gulat, pagkalito, at pagiging puzzled ko sa mga nangyayari.
Wala akong ibang kakilala dito kundi ang TAOD lang pero hindi rin silang lahat ang kilala ko, iilan lang.
"From Red C-Note, si Kenny Dale Gambetti ang unang lalaban at sa The Unfazed naman ay si Yolah Gervasi. The ramble will starts in three, two, one----prrrrrrrrrrt!!" At pumito ang referee kaya nagsimula na silang maglaban.
Sapakan, suntukan, sipaan, tadyakan---in short, wrestling na 'to.
'Oh, good Lord, this is not what I planned for my life. I think I'm gonna die virgin.'
Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang kaba na namumuo sa dibdib ko. Ngayon lang ako nakasaksi nang ganito sa tanang buhay ko.
Mabuti pa siguro 'yong wrestling may foul, pero dito p*****n na ang pagtatapos ng laban.
Hindi ko namalayang tapos na pala ang unang rambol at RCN ang nanalo.
"Wow.." namamanghang usal ko.
"Wala pa 'yan. May mangyayari pang mas masahol pa diyan." Si Ry.
Paano kasi, 'yong taga-TU ay halos humiwalay na 'yong kaluluwa sa katawan niya sa sobrang pagkakabugbog at sumusuka na rin ng dugo.
"Tsk. Tsk. Tsk. Masama talagang ginagalit ang RCN, patay kung patay e." Si Margaux.
"Anong ibig mong sabihin?" Wala sa sariling naitanong ko at hindi ko na pwedeng bawiin pa.
"Simula pa lang ito, Pen. Makikita mo mamaya ang totoong laban kapag 'yong dalawang color na ang maghaharap." Nakangising sagot ni Ry habang nakatingin lang sa harap at agad namang nagsalubong ang mga kilay ko.
'Sinong dalawang color?'
"And now, hindi na natin patatagalin 'to, ang pinakahihintay ng lahat. Ang paghaharap ng mga leader ng bawat grupo. From the RCN corner, we have Black Heather Chevalier Kingsley. And on the TU, we have Blue Asher Greyson." Anunsyo no'ng host at pumito agad ang referee hudyat ng pagsisimula ng laban.
"Si Black at Blue talaga ang mortal na magkatunggali sa kahit anong aspeto dito sa YH. Masyado kasing mayabang at bossy 'yang si Black kaya maraming galit sa kaniya pero walang nagtatangkang pumatay dahil lahat kami dito takot sa kaniya. At 'yan namang si Blue, masyadong seryoso at sobra magmahal kaya noong namatay 'yong una niyang pag-ibig ay hindi na ulit siya nagmahal, mas naging mabangis na din at 'yon ang pinakaayaw ni Black, 'yong may kumakalaban sa kaniya." Mahabang kwento ni Ry.
"At hindi lang 'yon, kapag nagkasalubong kayo ni Black, dapat mababa lang ang tingin mo dahil ayaw niyang tinitignan ang mga mata niya. Kapag nahuli ka niyang tinitignan mo siya, kabahan ka na." Warning naman ni Margaux.
"Hindi nagbibigay ng babala ang taga Red C-Note pero malalaman na lang ng lahat na may pinatay sila kapag nawawala na ito ng ilang araw. Gano'n sila kalinis magtrabaho. Ang cool, 'di ba?!" Parang kinikilig pang dagdag ni Mecca.
Kahit medyo hindi ko pa nakukuha ang mga pinagsasabi nila ay tumango na lang ako at tipid na ngumiti saka pinanood ang laban.
Nang mapatumba no'ng Black ang kalaban niya ay umikot siya at hindi ko inaasahang lilingon siya sa direksyon ko.
'Damn!'
Hindi ko makuhang umiwas ng tingin dahil hinihigop ako ng mga mata niya.
Natatabunan man ng mask ang mukha niya pero nakikita ko ang matatalim niyang mga titig sa akin kaya parang tumigil ang oras at walang-kurap akong nakipagtitigan sa kaniya at huli na noong marealize ko ang sinabi kanina ni Margaux tungkol sa mga ayaw ni Black at...
"You!" Malakas na sigaw niya at tinuro ako.
Natahimik ang buong paligid nang dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin.
'Holy crap!'
To be continued...