"Who are you?" Gulat na tanong ng isang babae sa harap ko.
She's wearing a thin spaghetti top and shorts.
"Hi, I'm Penelope, your new room mate." Sagot ko.
Parang nabunutan ako ng tinik nang dahan-dahang humulma ang ngiti sa kaniyang labi.
'She's simply beautiful..'
"Ay jusko! Bakit hindi ka nagsabi agad?! Halika, halika! Pasok! Pasok! Jusmiyo! Anong oras na at ngayon ka pa dumating?!" Parang naiinis na tanong niya patungkol sa sitwasyon ko.
Hindi ko siya sinagot bagkus ay tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto namin.
May dalawang mataas na bed, dalawang closet, isang mini sala na may tv, sofa, bedside tables, maliit na pinto para sa cr, maliit na mga bookshelves, at malalaking bintana sa tabi ng bed.
Magulo.. maraming gamit.. pero hindi mabaho.
Umupo ako sa kama ko at tumalon-talon nang bahagya para masukat ang lambot no'n.
"I'm Margaux Aeish Arizona, I'm from TAOD Class. Ikaw, anong class ka?" Tanong niya.
Nilingon ko siya nang may pagtataka.
"Anong class? At ano 'yong TAOD?" Inosenteng tanong ko.
"Hala! Hindi ka pa nabibigyan ng class?!"
'Mukha ba? Tsk!'
Umiling ako bilang sagot.
"Ahh, baka kasi gabi ka na dumating kaya hindi na nila naasikaso ang Identification Card mo. Di bale, bukas sasamahan kita sa Headmaster's office para kuhanin 'yon, okay?" Nakangiting offer niya kaya ngumiti na rin ako.
Isa-isa kong inayos ang mga gamit ko at hindi naman ako nahirapan dahil tinulungan ako ni Margaux.
Habang nagsisipat ng mga gamit ay biglang nagsalita si Margaux na pinakinggan ko naman.
"Alam mo bang itong Yes High ay itinayo para sa mga batang katulad natin? Para sa mga batang sakit sa ulo ng lipunan? Bilangguan o rehabilitation ito para daw tumino at tumuwid 'yong landas natin." Panimula niya.
Nanatili akong tahimik.
"Nakakatuwang isipin na may ganitong lugar pala sa buong mundo? Akala ko kasi, 'yong mga 'addict' lang ang nirerehab.. pati pala ang mga katulad natin. Tsk. Tsk. Tsk. Alam mo rin bang ayaw ko dito noong una? Pero wala na akong nagawa. Iniwan ako dito ng mga magulang ko para daw sa kapakanan ko. Haha!" Kwento niya saka natatawa pa habang inaalala ang mga panahon niya.
"Ilang taon ka na dito?" Biglang singit na tanong ko.
Nilingon niya ako nang bahagya saka siya ngumiti nang pilit.
'I feel her sadness..'
"I was just twelve years old simula noong iwan nila ako dito. And now I'm seventeen.. mga five years, ganun." Walang kasing pakla ang sagot niya at nameke ng tawa.
"I'm sorry.." usal ko saka nagbaba ng tingin.
"Aysus! Hindi na bago 'tong kwento ko 'no! Halos lahat naman siguro tayo dito ay ganiyan din ang storya, diba? Wala ka ring ideya na dadalhin ka ng parents mo dito, tama?" Tanong niya dahilan para mag-angat ako ng tingin.
"Mmm.. honestly, mabigat ang loob ko dahil sa ginawa ni Mommy. Pero alam kong kapakanan ko lang ang iniisip niya." Seryosong sagot ko.
Bumuntong-hininga siya saka tumingin sa labas ng bintana niya.
"Hindi alam ng Mommy mo ang mundong pinag-iwanan niya sa'yo. Kulang ang salitang impyerno sa lugar na 'to, Penelope. Kung wala kang kapit sa mataas, mas mapapabilis ang kamatayan mo.. kung may kapit ka naman, hindi ka nga agad-agad mamamatay pero pag-iinitan ka naman araw-araw." Si Margaux saka nilingon ako at binigyan nang makahulugang tingin.
*LUNOK!*
'Anong ibig niyang sabihin? Anong klaseng mundo ba 'tong napasukan ko?'
"Hahahahahaha!" Biglang tawa niya kaya mas lalo akong nalito.
'Tinotokshit ba ako nito?!'
Pinagkunutan ko siya ng noo dahilan para tumigil siya sa kakatawa.
"Natakot ba kita? Sorry. Hahaha! Napakainosente mo pala talaga, pero hindi halata ah? Mukhang ilang krimen na yata ang nagawa mo e! Sobrang seryoso mo, tapos hindi ka pa palasalita. Hmmm, ganiyan ka ba talaga? O na-culture shock ka pa?" Tanong niya.
"Hindi naman. Wala akong kaibigan sa former school ko kaya ganito na talaga ako." Sagot ko.
"Ang weird mo! Hahahaha! Anyways, gusto mo bang malaman ang bali-balita dito ngayon?" Tanong niya ulit na nakapatrigger ng kyuryusidad ko.
"Ano 'yon?"
"Hindi 'to chismis dahil totoo 'to. Kaya 'wag kang mahabag ha? Hehehe!" Babala niya at wala sa sarili naman akong tumango. Tumikhim pa muna siya bago nagkwento.
Ang YES HIGH daw ay binubuo ng walong classes, at sa TAOD o The Angels of Death siya napapabilang.. 'yon daw ang pangalawang mataas na grupo dito sa YH. Merong Red C-Note, The Unfazed, Snitch Killers, The Dandies, Young Bastards, The Rejects, and The Pre-Schoolers.
'Yong Red C-Note ang tinaguriang pinakamalakas at pinakamataas na g**g sa buong campus. Lahat ng nasa mababang class ay takot na takot sa kanila. Sa buong YH, sila lang ang class na may pinakamaliit ang bilang ng miyembro dahil hindi basta-basta ang requirement para makapasok sa grupo nila. Meron silang apat na miyembro lang, sina Black, Razor, Maze at Kenny. 'Yong ibang class naman ay may more than twenty members na.
At lahat ng mga batang nasa edad sampu pababa na nag-eenroll dito ay napapabilang sa The Pre-Schoolers, sila ang pinakabatang g**g ng YH.
Marami pa siyang ikinwento sa akin bago kami nakapagpasyang magpahinga dahil bukas pa pala ang first day of school nila.
'What a well planned, Mommy..'
Napailing na lang ako sa sariling naiisip at natulog na lang.
Kinabukasan...
Maaga kaming nagising ni Margaux at nagpunta sa Headmaster's Office gaya ng napag-usapan namin kagabi.
Kumatok kami sa pinto ng Headmaster at agad naman 'yong bumukas.
Bumungad sa amin ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng purong itim. Nagbigay daan ito sa amin at pumasok na kami.
Naabutan naming busy kakasulat si Mr. Scott kaya napapahiyang tumikhim si Margaux.
"Good morning, Headmaster Scott. Sorry po sa abala pero sinamahan ko lang po dito 'yong bagong dating na estudyante kahapon, si Miss Penelope Chamberlain. Dorm mate ko po siya, Headmaster." Nakayukong ani ni Margaux at parang nanginginig pa habang nakatayo kaya nagtaka ako.
'Is she okay?'
"Good morning ladies. Please have a seat." Nakangiting bungad ni Mr. Scott kaya sumunod naman kami.
"Thank you, Headmaster." Si Margaux.
"I'm glad at naging friends mo din agad itong si Margaux. She's been here for couple of years already pero laging nagsosolo sa dorm niya dahil sa mga hindi maipaliwanag na pangyayari. Anyways, what are you up to, Miss Chamberlain?" Baling niya sa akin.
"Ang sabi po ni Margaux ay sa inyo ko po malalaman kung anong class ako mapapabilang. Paano ko po makukuha ang identification card ko, Mr. Scott?" Pormal na tanong ko sa kaniya.
"Anong 'Mr. Scott'?! 'Headmaster'---'yon ang dapat mong itawag sa kaniya. Hindi mister-mister. Jusko! Gusto mo bang mapalayas sa first day mo, ha?!" Mahinang bulong sa akin ni Margaux at pareho kaming nagulat nang humalakhak si Mr.---Headmaster Scott.
'Tss.'
"Hahahahaha! You're so cute, Miss Arizona. Thank you for correcting her but I don't think she will call me 'Headmaster' dahil kahit alam na niya ang katayuan ko sa school na 'to ay tinawag niya pa rin akong 'Mr. Scott' hindi ba, Miss Chamberlain?" Si Mr. Scott.
"I think it's way more formal kung 'Mister Scott' po ang itatawag ko sa inyo at nakasanayan ko na 'yon sa dati kong school. I mean, wala naman pong magbabago sa posisyon niyo kung tatawagin ko kayo sa nais kong itawag sa inyo, hindi po ba?" Puno ng kompiyansang tanong ko sa Headmaster.
Siniko ako nang mahina ni Margaux at pinandilatan dahilan para matawa na naman ang Headmaster sa amin.
"Of course, Miss Chamberlain. Si Miss Arizona ay naninibago lang siguro dahil wala pang sinumang tumawag sa akin ng ibang katawagan, maliban sa'yo." Natatawa pa ring tugon niya.
Napapahiyang nagbaba ng tingin si Margaux sa mga sapatos niya.
"Mr. Scott, 'yong ID ko po?" Kaswal na tanong ko.
"Oh yeah, sandali ipapaprint ko lang muna. Hintayin niyo 'ko diyan." Anang niya bago umalis.
Naiwang nakamaang si Margaux at parang hindi makapaniwala sa inasta ko sa harap ng Headmaster.
"Bakit?" Hindi ko na napigilan ang magtanong.
"Bakit mo sinagot-sagot nang ganun ang Headmaster? Alam mo bang labag 'yon sa batas dito?" Kunot ang noo'ng tanong niya sa akin at ako naman ay nagkasalubong ang mga kilay sa sinabi niya.
"Anong 'ganun'? Sinagot ko lang naman ang mga tanong niya e. Tsaka, anong batas? Uso pa ba ang galangan dito? Edi ba nga lahat tayo dito ay walang modo, bastos, basagulero, pariwara, salot, at kung anu-ano pa?" Tanong ko.
"Haynaku! Ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo, mag-aalay na lang ako ng kabaong kung sakaling bukas makawala paglalamayan ka na!" Dama ko ang pag-aalala sa boses niya ngunit hindi ko siya naiintindihan.
"Ano bang sinasabi mo diyan? Ang exagge mo masyado. 'Wag mo ngang pangunahan ang mga mangyayari, hindi natin alam kung kapalaran ko ba talaga ang mabuhay nang matagal dito o ikakapahamak ko ang naging desisyon ng Mommy ko."
"Sa ginagawa mo, mas lalo mo lang nilalagay sa kapahamakan ang buhay mo. Pero infairness kay Headmaster ah? Sa tinagal-tagal ko nang nabubulok sa eskwelahang 'to, hindi ko pa siya kailanman nakitang humalakhak nang ganun sa harap ng mga estudyante niya. Tumatawa siya pero hindi kasing lakas no'ng kanina. Grabe, close kayo?" Nang-aasar na tanong niya sa akin.
'I don't know what he's up too..'
"Hindi ko alam. Kagabi ko pa lang siya nakilala pero ang alam ko ay mukhang close sila ng Mommy ko. Nagyakap pa nga sila kagabi no'ng nagkita sila e." Kibit-balikat na sagot ko.
'Bakit nga kaya pumapayag siyang tawagin ko siya sa gusto kong itawag sa kaniya, kung gayong labag naman pala 'yon sa batas ng eskwelahan niya?'
"Hoy! Baka may gusto si Headmaster sa'yo! Alam mo bang bata pa 'yan? Kaka-debut lang niya last year, kaya baka---aray!" Mahinang sigaw niya nang batukan ko siya.
"Ano bang sinasabi mo diyan! Magtigil ka nga! Hindi ako pumapatol sa matatanda!" Asik ko saka nilibot ng tingin ang kabuuan ng office ni Mr. Scott.
"Anong matanda ka diyan?! Engot, ang bata pa kaya niya. Tsaka, kita naman sa itsura e! Ayaw mo no'n, may kapit ka na sa mataas at hindi ka hahayaang masaktan no'n.. paniguradong hahaba pa ang buhay mo dito. Yay! May favoritism na si Headmaster!" Panunukso niya at sinundot-sundot pa ang tagiliran ko.
"Tss! Anong favoritism?" Tanong ko habang naglilibot pa rin ang paningin.
Malaki.. malawak.. maaliwalas.. malinis.. engrande.. at pang-renaissance period ang dating ng office ni Mr. Scott. May malaking kwadro sa likod ng office table at swivel chair niya. Nakaukit doon ang kaniyang kabataan pero hindi ko sigurado kung siya nga ba 'yong nasa kwadro o kamukha niya lang, masyado kasing bata at pinong-pino ang pagkakagawa.
"...special treatment, ganun. Jusko naman, Pene---hoy! Nakikinig ka ba sa akin?!" Sigaw niya at tinapik ako dahilan para lingunin ko siya.
"Sorry, nalibang lang ako sa mga tanawin dito. Mahilig pala sa paintings si Mr. Scott?" Wala sa sariling tanong ko saka tumayo at naglakad palapit sa mga nakahilerang paintings sa left side ng office ni Headmaster.
'I missed my real mom. Ang sabi ni Mommy ay mahilig sa paintings si Mama kaya sa kaniya ko daw namana 'yong pagiging artist ko.'
"Hoy, Pene! 'Wag mo ngang hawakan ang mga 'yan! Alam mo bang kulang pa ang buhay mo pambayad sa isa sa mga paintings na 'yan?! Halika ka na dito oy!" Tawag niyang muli sa akin.
Hindi ko siya pinansin at nagtuloy lang sa pagsisipat ng mga paintings.
'Wow! Napakaprofessional naman ng may gawa nito. Amazing!'
Sobrang namamangha ako! Ang gaganda kasi ng mga paintings, halos lahat ay gawa sa freehand lang at 'yong gamit niyang pangkulay ay coffee lang. Walang bakas ng anumang false brushing. Lahat ay saktong-sakto ang pagkakagawa, maging ang bawat stroke ay pulido. Ngunit sa lahat ng paintings na nandoon, isa lang ang nakaagaw ng atensyon ko.
Ang babaeng ipininta habang natutulog. 'Yong parang 3D? Ganun! Parang buhay na buhay 'yong painting sa paningin at kapag hindi mo nilapitan ay talaga namang parang gagalaw 'yon at imumulat niya ang mga mata niya.
Kadalasan kasi sa mga nakasabit na paintings ay nature-related o kaya naman ay abstract paintings, ito lang atang babaeng natutulog ang nag-iisang taong ipininta dito, maliban sa malaking kwadro ni Mr. Scott.
'Grabe! Sino kayang nagpinta nito? Pero teka, mukhang pamilyar sa akin ang mukha ng babae sa painting. Parang nakita ko na siya dati pero hindi ko lang matandaan kung saan.'
Pinilit kong inalala kung saan ko siya maaaring nakita noon munit nabigo ako kaya mas lumapit pa ako dito at halos maduling na ako dahil pinagduldulan ko na talaga ang mukha ko para maalala lang ang babaeng 'yon.
Sa sobrang lapit ko ay may napansin akong nakasulat sa bottom part nung painting...
'Penelope Demi---'
"Hello, ladies!"
Hindi ko na napagmasdang mabuti ang nakasulat sa painting dahil biglang dumating si Mr. Scott at nakaramdam ako nang matinding kaba sa talas ng tingin niya sa akin.
'Galit ba siya dahil pinakialaman ko ang mga paintings sa office niya?'
Nagbaba ako ng tingin.
'Eto na nga ba ang sinasabi ni Margaux sa'yo e! Tigas kasi ng ulo mo---'
Nagulat ako nang makita ko ang isang pares ng sapatos sa paanan ko.
"Here's your ID and your schedule, Miss Chamberlain. You can now go to your class." Malamig na tugon ni Mr. Scott at may inilahad na papel at laminated ID na agad kong tinanggap, saka dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya.
"T-Thank you, Mr. Scott." Pigil ang hiningang usal ko.
Binigyan niya pa muna ako nang makahulugang-tingin bago tumango.
Nang makalabas kami sa opisinang 'yon ay doon lamang ako nakahinga nang maluwag.
'Bakit ganun ang reaksyon ni Mr. Scott nang makita akong nakatingin sa painting no'ng babaeng natutulog? Anong meron doon? Parang natutulog lang e, St. Peter? Huhu joke.'
Pero sobrang nababagabag talaga ako kay Mr. Scott, sobrang lamig ng mga titig niya sa akin. Parang kanina lang ay tumatawa pa siya, pero biglang nagkagano'n?
'Weird..'
Habang pababa kami ni Margaux ay kinukulit niya ako sa kung ano daw ang class ko kaya siya na lang ang pinabukas ko sa Identification Card ko.
"OMAYGHAAAAAAAAD! HOLY CRAAAAP! SHEYT NA MALUPET! CLASSMATES TAYOOOOO!" Sigaw niya at tumatalon-talon pa sa tuwa.
'So, I am an Angel of Death from now on.'
*HUK!*
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit na mahigpit!
"I-I c-can't b-breathe---!" naiipit na usal ko at agad naman niya akong binitawan habang nakangiti pa rin nang malaki pero pilit na ngiti lang ang naiganti ko sa kaniya.
"Sorry! Masaya lang ako dahil magkaklase tayo! Halika na?!" Aya niya sa akin at hindi na ako nakasagot pa dahil hinila na niya ako paalis.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil isa na ako sa kanila ngayon o dahil sa hindi ko malilimutang reaksyon ni Mr. Scott kanina.
'He's weird but I know he's hiding something too..'
Alam kong mabuting tao si Mr. Scott dahil sa kabaitang ipinakita niya sa akin at sa Mommy ko ngunit hindi ko mapigilan ang magduda sapagkat biglang sumagi sa isip ko ang habilin ni Mommy bago niya ako iniwan kagabi.
'..'wag na 'wag mong iaasa sa iba ang kaligtasan at kaligayahan mo. Hindi lahat ng makakasalumuha mo ay tao..'
'..'wag na 'wag mong iaasa sa iba ang kaligtasan at kaligayahan mo. Hindi lahat ng makakasalumuha mo ay tao..'
'..'wag na 'wag mong iaasa sa iba ang kaligtasan at kaligayahan mo. Hindi lahat ng makakasalumuha mo ay tao..'
'..'wag na 'wag mong iaasa sa iba ang kaligtasan at kaligayahan mo. Hindi lahat ng makakasalumuha mo ay tao..'
At nagpaulit-ulit 'yon sa isip ko hanggang sa masaulo ko.
'Aayusin ko ang buhay ko para sa'yo, Mama..'
To be continued...