KABANATA 1

2260 Words
16 years later... PENELOPE'S POV "Kailan mo ba planong ayusin 'yang buhay mo, Penelope?! Gusto mo bang maging tambay at palaboy na lang sa daan pagdating ng araw ha?! Hindi ko alam kung saan ka nagmana at ganiyan katigas ang ulo mo! Ano?! Ilang beses pa ba ako ipapatawag ng Dean niyo para lang tumino kang bata ka?! Kahit kelan ang sakit mo sa ulo! Wala ka nang ginawang maganda sa pamilyang 'to!" Galit na galit na sigaw na naman ni Mommy sa akin dahil kulang-kulang isanlibong beses na siyang ipinapatawag ng Dean namin dahil sa mga maling kagagawan ko sa loob ng campus. "Wala naman po akong ginawang mali. Hindi ko po plinano 'yon, sinabutahe lang nung malditang Chasca na 'yon ang investigatory project ko kaya nasabunutan ko siya." Depensa ko habang nakasimangot. "Kahit na! 'Yong project mo, pwede pang maayos. Pero 'yong buhok niya na kinalbo mo, maibabalik mo ba agad 'yon?!" Malakas na tanong niya munit hindi ko siya sinagot at nagbaba na lang ng tingin sa mga paa. 'Bwesit!' "Hay naku! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo! Kuhanin mo na lahat ng gamit mo sa classroom at uuwi na tayo!" Utos niya dahilan para mag-angat muli ako ng tingin sa kaniya. "May klase pa po ako.." mahinang usal ko na may halong pagtataka. "Hindi ka na papasok! Grounded ka for one week at isinuspend ka na rin ng Dean niyo. Kung bakit kasi sa dinami-dami ng pwede mong gawin dun sa kaklase mo ay 'yong pagkalbo pa ang naisipan mo!" Sigaw niya. 'Suspended at grounded? Well, ano pa bang bago? Bakit kasi hindi na lang ako i-expell ng school na 'to? Mga bwesit naman lahat ng studyante nila!' "'Yon po kasi ang unang pumasok sa isip ko. Pinagpuyutan ko pong tapusin 'yong IP ko tapos sisirain lang niya? Hindi po makatarungan 'yon." mababa pa rin ang tono ng boses ko. Kahit isandaang milyon bilyon trilyon niya pa akong pagalitan at bungangaan dahil sa pakikipag-away ko sa mga schoolmates ko, hindi ko pa rin siya kayang pagtaasan ng boses kasi malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Siya na kasi ang tumayong nanay at tatay ko for more than sixteen years. Siya ang kumupkop sa akin noong namatay ang bestfriend niya, ang totoong Mama ko. Kahit kelan ay hindi pa niya naikwento sa akin ang dahilan ng pagkamatay ni Mama at hindi niya rin alam kung buhay pa ba ang totoong Papa ko. "Bakit, sa tingin mo ba ang pagkalbo ng kaklase, pagsusunog ng faculty ng mga lecturer niyo, pananapon ng kemikal sa kaklase, panunusok ng lapis sa kamay, panununtok ng teacher at kaklase, paninira ng damit, pangwawasak ng teacher's table ay makatarungan?! 'Wag ka na ngang magdahilan, Penelope! Kunin mo na ang mga gamit mo at uuwi na tayo! Bilis!" Wala na akong nagawa kundi sumunod na lang. Tahimik kaming bumiyahe hanggang sa nakauwi sa bahay. BAHAY. "Akyat lang po ako sa kwarto." Paalam ko munit hindi niya ako sinagot kaya nagdiretso na lang ako sa kwarto at doon nagmukmok. Kinuha ko ang nag-iisang litrato ng Mama ko na nakaipit sa pinakapaborito kong libro ni ate Maxine, ang MOON. Mula sa b****a ng maliit kong bintana ay tinanaw ko ang bilog na buwan at pinagmasdan ang magandang mukha ng aking ina. 'Bakit niyo po ako iniwan? Ano po bang dahilan ng mundo para paghiwalayin tayo? Makakasama pa ba kita? Sana, kung dumating man ang araw na muli tayong magkita, maipagmamalaki niyo na ako.' Ang dami kong tanong sa isip na hindi masagot-sagot. Punong-puno ng misteryo ang bawat pangyayari sa buhay ko. Lahat ay nakakapagtaka at kwestiyonable. Sinipat kong muli ang larawan ni Mama at hinalikan 'yon nang matagal. 'Mahal na mahal kita, Mama..' Pinuno ko nang pang-unawa ang gabing 'yon at kinatulugan ang sobrang paglalayag ng isip ko. ~KNOCK!~KNOCK!~ Nagising ako kinabukasan dahil sa katok mula sa pinto ng kwarto ko. Iika-ika akong bumangon at pinagbuksan 'yon. Si Mommy. "Bumaba ka na, mag-aagahan na tayo. May pupuntahan pa tayo mamaya." Malamig na tugon niya at nagsalubong naman ang mga kilay ko. "Saan po tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko. "'Wag na maraming tanong, Penelope! Bumaba ka na lamang kung ayaw mong uminit na naman 'tong ulo ko." Pormal na sagot niya saka agad na nag-iwas ng tingin sa akin at mabilis na umalis. Dahan-dahan kong isinara ang pinto ng kwarto at nagtungo sa kama ko na may pagtataka. 'Parang may MALI. Bakit tila malungkot si Mommy? Anong meron sa pupuntahan namin mamaya?' Imbes na punuin ng katanungan ang isip ko ay nagdiretso na lang ako sa banyo para maligo, at nang makapagbihis ay bumaba na ako sa dining area. Sobrang seryoso pa rin ng mukha ni Mommy habang nakakunot ang noo. Nagdesisyon akong hindi na lang kulitin si Mommy at tapusin ang pagkain. Naunang matapos si Mommy sa akin at mabilis na nagtungo sa sala. Nang matapos din ako ay agad kong niligpit ang pinagkainan namin at hinugasan ang mga plato. Pabalik na sana ako sa kwarto nang makita kong may kausap si Mommy sa telepono. "Yes, Mr. Scott. We'll be there before tomorrow. Thank you so much for your offer. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko sa batang 'to. Busy ako sa opisina kaya hindi ko siya nababantayan sa school, at wala naman akong kaagapay para matingnan siya maya't maya. Sige, sige. We'll see you there, Mr. Scott." Si Mommy saka ibinaba ang tawag. Mabilis akong nagtago nang lumingon siya sa direksyon ko. Habol ang hininga kong naglakad sa kabilang pasilyo at doon dumaan paakyat ng kwarto ko. 'Sinong Mr. Scott?' Habang naghihintay na tawagin ako ni mommy ay nagbasa lang muna ako ng libro. "Penelope! Penelope! Wake up!" Dinig kong tawag ni Mommy kaya napadilat ako ng mata. Hindi ko namalayang nakatulugan ko na pala ang pagbabasa. Nagtaka ako nang makita ko siyang naka-formal na suot at parang may importanteng lakad. "Bakit ka ba natutulog?! Hindi ba't sinabi kong may lakad tayo ngayon?! At hindi ka pa nag-iimpake! Ano ba 'yan, Penelope?!" Naghihisteryang tanong niya. "Wala po akong maalala na sinabihan niyo akong mag-impake. 'Yong tungkol sa lakad lang natin ang nabanggit niyo." Sagot ko. "Aba'y 'wag ka na lamang magdahilan! Napupurwisyo ako dahil sa'yo! Mag-impake ka na! Bilisan mo at maghahapon na!" Utos niya saka lumabas. Kaya nagmadali akong kuhanin ang kulay black na maleta ko saka isinilid ang mga damit at iilang gamit na palagi kong ginagamit sa araw-araw. 'Saan ba talaga kami pupunta? Diba, grounded ako at busy siya sa work? May panahon pa talaga kaming magbakasyon?' Nalilito pa rin ako hanggang sa nakababa ako dala-dala ang maleta ko. "Bilis, Penelope! Ayokong gabihin sa daan!" Sigaw ni Mommy kaya binilisan ko na ang pagbaba na halos talunin ko na ang bawat hakbang ng hagdanan. Ipinasok na niya sa compartment ang maleta ko, munit napansin kong ako lang ang may dalang gamit. "Mommy, bakit po ako lang ang may dalang maleta? Nasaan po ang mga gamit niyo?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya. "Saka na ako magpapaliwanag, Penelope. Pumasok ka na sa kotse." Diretsong sagot niya at gaya kanina ay umiwas rin siya ng tingin sa akin ngayon. 'Anong nangyayari?!' "Ano pong ibig niyong sabihin, Mommy?" Inosenteng tanong ko. Bumuntong-hininga siya saka muling tumingin sa akin nang diretso. "You're going on a vacation, Penelope. Ayokong mag-istambay ka lang dito sa bahay lalo't suspended ka pa sa klase mo. Mas mabuti nang nandoon ka para may makapagbantay sa'yo at umayos-ayos naman nang unti 'yang utak mo." Seryosong sagot niya habang magkakrus ang dalawang kamay. "Saan po 'yon?" "Sa Yes High." Diretsong sagot niya. Hindi na ako muling nagtanong pa. Wala akong ideya sa Yes High na sinasabi ni Mommy pero may tiwala ako sa kaniya. Alam kong kapakanan ko lang ang iniisip niya at kahit kelan hindi ko pa 'yon pinagdududahan. Hindi ko alam kung ilang oras kaming bumiyahe dahil gabi na nung ginising niya ako at nandito na kami sa harap ng isang malaking pader na may malaking pintuan? 'Ano 'to?! Bakit ang tataas ng mga nakapalibot na pader? Pati ang malaking pintuan---gate ba 'to? Parang mga higante ang nakatira sa likod nito ah? Gising ba talaga ako o nananaginip pa rin?' Natigil ako sa pag-iisip nang may kinausap si Mommy sa telepono. "Hello, Mr. Scott. We're here." 'Yon lang at ibinaba na niya ang linya. Nalilito.. naguguluhan.. at nagtataka ako sa inaasta ni Mommy ngayon. 'Ano ang lugar na 'to? At bakit niya ako dinala dito?' Hindi pa man kami nakakapasok munit kakaiba na ang pakiramdam ko. Inilibot ko ang aking paningan at...parang lungga, kulungan, o taguan ang lugar na ito. Masyadong silyado at paniguradong walang makakapasok dito kung hindi bubuksan ang malaking gate sa harap namin. "Sana maintindihan mo ang desisyon kong 'to, Penelope. Mahal kita ngunit kailangan kong gawin 'to, alam kong nalilito ka pa sa ngayon, ngunit ito ang tatandaan mo.. 'wag na 'wag mong iaasa sa iba ang kaligtasan at kaligayahan mo. Hindi lahat ng makakasalumuha mo ay tao.." biglang usal ni Mommy dahilan para lingunin ko siya nang may pagtataka. "Ano pong ibig niyong sabihin?" naguguluhang tanong ko. "Hindi lahat ng tao ay tunay na tao. May ibang nagtatago lang sa likod ng maskara. Hindi ko alam kung anong mararanasan mo pa sa loob ng institusyong 'yan, pero tatlo lang ang maipababaon ko sa'yo.. ang pagmamahal ng iyong ina, ang pagmamahal ko, at ang pangako kong itutuwid ko ang landas mo." Paliwanag niya. 'Bakit ganun? Hindi ko pa rin maintindihan..' Hindi na ako nakapagtanong pang muli nang bumukas ang malaking gate sa harap namin. Naipokus ko roon ang aking atensyon kahit na naguguluhan pa rin ako sa nangyayari. Mula doon ay lumabas ang isang lalaking mas bata kay Mommy. Mga nasa twenty's pa lang ang edad niya. Nang makalapit ay agad siyang niyakap ng Mommy ko. 'Sino siya? At magkaanu-ano sila?' Pilit ang ngiting iginanti ko sa lalaki nang guluhin niya ang buhok ko. "She's my daughter, Penelope Clairdeluna Chamberlain." Pagpapakilala ni Mommy sa akin. "Hello, Penelope. I'm Mr. Scott, ako ang Headmaster ng School na ito. Nice meeting you." Nakangiting pagpapakilala niya sa sarili saka inilahad ang isang kamay niya na tiningnan ko lang. Hindi ako nagsalita at pinakatitigan lang ang kabuuan niya. He looks like a bookworm, nerd, intelligent, handsome at chicks boy! 'Ew..' "Penelope?" Si Mommy. Nilingon ko siya nang may pagtataka. "Sino siya? Bakit kailangan mo 'kong dalhin dito? Hindi ba't suspended lamang ako sa Underwood High? Anong gagawin ko dito? Ang sabi mo ay magbabakasyon lamang ako?" Hindi ko na napigilan ang inis at walang paggalang sa tono ng pananalita ko. Nilapitan niya ako saka hinawakan sa magkabilang balikat. "P-Penelope, you're already expelled at Underwood High. Simula ngayon, dito ka na mag-aaral.." nalulungkot na sagot niya at hindi nakaligtas sa akin ang mumunting butil na namumuo sa gilid ng mga mata niya. 'E-Expelled na ako sa UH? Pero, bakit nagsinungaling siya sa akin? Kailan ba ako tumutol na ilipat niya ako ng school? At anong meron sa school na 'to para makaramdam ako ng takot kung sakaling iiwan niya ako dito?' "Mommy, I'm not staying here, diba? Hindi niyo 'ko iiwan sa kanila, diba?" Umaasang tanong ko habang nagpipigil ng luha. "I'm sorry, Penelope, but you have to stay here. This is a dormitory school. But I will visit you every 100 days, that's for sure." Sumisinghap na sagot niya. "So, I am staying here 'alone'?" At tumango siya. "Pero wala po akong kakilala dito." pagtutol ko. "Marami kang pwedeng maging kaibigan dito, Penelope. Maraming mga batang katulad mo dito. I'm sure mag-eenjoy ka." Nakangiting sabat ni Mr. Scott. 'I was just wondering, napakabata niya pa para maging isang Headmaster..' Nilingon ko siya pero muli kong ibinalik kay Mommy ang tingin. "M-Mommy, ayoko pong magstay dito.. please? Ayokong maiwan dito.. p-parang awa mo na po, h-hindi ko sila kilala at n-natatakot ako." Mangiyak-ngiyak na pagmamakaawa ko munit hindi 'yon pinakinggan ni Mommy. Tumayo siya at nagpunas ng sariling luha saka naglakad papunta sa likod ng kotse. Pagbalik niya sa harap ko ay dala-dala na niya ang maleta ko. 'S-So, she's leaving me here..' Tiningnan ko siyang muli pero umiwas lang siya ng tingin. "Mahal na mahal kita, Penelope. Patawarin mo sana 'ko." Anang niya bago sumakay sa kotse at pinaharurot 'yon. Nang astang hahabulin ko 'yon ay may mga lalaki nang pumigil sa akin. "Mommyyyyyyyyyyy! 'Wag niyo akong iwan dito! Huhuhu! Mommyyyyyy! Mommyyyyy! Please, Mommyyyyyyy! Bumalik kayo! Huhuhuhu! Mommyyy!" Sigaw ko habang umiiyak at nagpupumiglas na makaalis pero nabigo ako. Habol ko ang hininga nang matigil sa kakasigaw dahilan para mapaluhod ako sa lupa at napatungo. 'Mommy, bakit niyo 'ko iniwan dito? Bakit kailangan niyong gawin 'to sa akin? Bakit niyo 'ko hinayaang mag-isa dito?' Naramdaman ko ang paglapit ni Mr. Scott at iniluhod din niya ang isang tuhod sa harap ko. Iniangat niya ang baba ko para magpantay ang paningin namin. "Balang araw, maiintindihan mo rin ang desisyon ng Mommy mo, Penelope. Balang araw ay pasasalamatan mo siya dahil dinala ka niya dito." Mahinang tugon niya pero wala na akong ganang makinig sa mga pakundangan nila. 'Bakit lagi na lang akong iniiwan? Kapalaran ko na bang mag-isa sa laban buong buhay ko?' Nang hindi ako nagsalita ay dahan-dahan siyang tumayo at tinulungan akong makatayo saka inalalayang maglakad. Sa unahan namin ay mga kasama niyang lalaki na may dala ng maleta ko. Hindi ko alam kung saan sila nanggaling at bigla na lang silang sumulpot kanina no'ng habulin ko ang sasakyan ni Mommy. Pero kahit gano'n ay nasasaktan pa rin ako. Sobrang naguguluhan at wala akong naiintindihan kahit isa. Dinala ako ni Mr. Scott sa isa sa mga naglalakihang gusaling nakatayo dito sa school na sinasabi nila. Hindi ako namangha sapagkat wala ako sa hulog ngayon at wala akong planong maglibot. "Gusto ko na pong magpahinga, Mr. Scott." Pigil ko sa kaniya nang astang maglalakad pa sana kami. "Kung 'yon ang nais mo." nakangiting pagsang-ayon niya. 'Building I, Room 201.' Iyan ang nakasulat sa harap ng pinto ng magiging kwarto ko for the rest of the school year. "Have a good night, Penelope." Pamamaalam ni Mr. Scott bago tuluyang umalis kasama ng mga rogelio niya. Kakatok na sana ako nang kusang bumukas ang pinto. "Who are you?" To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD