16 years ago...
[Year 1990-2000]
Sa malayong pook ng Moon Empire, naninirahan ang magkakapatid na Penelope Demiluna, Penelope Pleineluna, at Penelope Noireluna. Silang tatlo ang namumuno sa paaralang iniwan ng kanilang namayapang ama. Sa kasamaang palad, ulila na ang tatlong dalagita dahil bata pa lang sila noong sumakabilang-buhay ang kanilang ina.
Ngunit bago sila iniwan ng ama ay sinanay muna sila upang maging pinakamahusay na tagapagtanggol kung sakaling may mangyaring masama sa mga magulang nila at hindi nabigo ang kanilang ama sa layunin niya.
Lumaking palaban at mahuhusay sa anumang armas o sandata ang tatlong dalagita. Naitaguyod nila ang nalugmok na paaralan ng kanilang ama at ina. Lumago ito at nakilala, ngunit hindi sa buong siyudad. Dahil sa nakatagong lihim ng institusyong ito, kailangan nilang pakaingatan ang reputasyon at pangalan nito.
Lingid sa kaalaman ng lahat na pag-aari ng tatlong dalagita ang buong siyudad. Ang Moon Empire ay naitayo noong kapanahunan ng mga Kastila. Doon nagsimulang ipasa ng angkan ng tatlo ang siyudad na ito kaya ipinangalan sa kanila ang tatlong klase ng buwan.
Si Penelope Pleineluna ang pinakamatanda sa kanila at hango ang kaniyang pangalan sa 'Full Moon' o kabilugan ng buwan.
Si Penelope Demiluna ang ikalawa sa magkakapatid. Sumisimbolo ang kaniyang pangalawang pangalan sa 'Half Moon' o kalahating buwan.
Si Penelope Noireluna naman ang pinakabunso sa tatlo. Siya ang tinaguriang pinakamalakas at walang kinakatakutan dahil nasa kaniya ang simbolo ng 'Dark Moon' o buwan ng kadiliman.
Lahat ng babae sa lahi nila ay nakarehistro sa pangalang 'Penelope' bago ang ibinigay na pangalan.
Ang tatlong magkakapatid na buwan ay may kaniya-kaniyang taglay na lakas at talento. Ang pinakamatanda ay mahusay sa negosyo at experto siya sa archery. 'Yong pangalawa ay magaling sa karerahan ng mga kabayo at gamay niya ang paggamit ng espada. At ang pinakahuli na siyang napakamalikhain ay likas nang ipinanganak na mahusay sa pagpipinta at sa kanilang tatlo, siya lang ang gumagamit ng b***l sa pakikipaglaban.
Ayon sa haka-haka, napaslang niya raw ang sariling ama noong sila'y nagkagalit ngunit nilinaw ng magkakapatid na aksidente ang nangyari sa kanilang ama. Sandaling natahimik ang balitang 'yon ngunit muli na naman itong umalingasaw sa buong siyudad noong nagkaanak na ang bunso nila.
Naging usapin sa lugar na 'yon ang pagpatay daw ni Noireluna sa sariling asawa at anak dahil hindi nito nakontrol ang sobrang galit. Ngunit, muli na namang nilinis ng una at pangalawang kapatid ang g**o ng bunso.
Nalulusutan ang g**o pero hindi nagagamot ng panahon ang sugat na dulot ng nakaraan niya. Magkakaiba ang ugali nila pero pinagbubuklod ng iisang layunin, ang ipagpatuloy ang nasimulan ng kanilang ama't ina. Ipinangako nila sa puntod ng mga magulang na hinding-hindi nila iiwan at pababayaan ang isa't isa.
"I will make them pay for this!" Galit na sigaw ni Pleineluna nang inihatid sa mansyon nila ang bangkay ng ikalawang kapatid.
Galit na galit rin ang bunso nang natuklasan niya ang balitang mga taga labas ng siyudad ang may kagagawan sa pagkamatay ni Demiluna. Ngunit ang mas kahindik-kahindik na balita ay may kasama siyang isang sanggol nang ihatid dito.
Ayon sa naghatid ay kasa-kasama niya ang sanggol habang tumatakas siya sa mga nagpaplanong pumatay sa kaniya. Naghihingalo siya matapos mabaril nang tatlong beses sa dibdib at dalawang beses sa ulo. Nakita siya no'ng naghatid sa kaniya at nakiusap siyang ipadala sa mansyon ang bata kasama ang malamig niyang bangkay.
Ang taong nagdala sa kaniya sa mansyon ay walang iba kundi ang katiwala ng kanilang ama na kasing edad lang nila.
Walang kasiguraduhan kung kaninong anak ang sanggol na 'yon ngunit buong pusong tinanggap ng dalawang magkakapatid ang bata bilang pagbibigay respeto sa desisyon ng kanilang namapayang kapatid. Itinuring nilang isa sa kanila ang batang 'yon at pinangalanang Croissant o ang ibig sabihin ay 'Crescent Moon.'
Nagpasyang maghiganti ang dalawang natitirang buwan upang pagbayarin ang gumawa no'n sa kanilang kapatid. Ibinilin nila kay Mr. Scott ang sanggol at ang Yes High dahil kailangan nilang lumuwas ng siyudad.
Gaya ng napagplanuhan ay nagtungo sa siyudad ang magkapatid at isinagawa ang paghihiganti. Matapos ang dalawang taon ng pamamalagi sa labas ng siyudad at matagumpay na pagpaslang sa nagkasala ay muli silang bumalik sa Moon Empire upang ipagpatuloy ang buhay.
Itinuring nilang pamilya si Mr. Scott gaya ng pagtrato ng kanilang ama sa kaniya.
Pagkalipas ng tatlong taon ay isinilang ni Noireluna ang pangalawa niyang anak at pinangalanang Penelope Clairdeluna. Naging masaya ang kanilang pamilya ngunit hindi nagtagal 'yon dahil nagkasakit ang bunso sa magkakapatid.
Marami na silang nilapitan na manggagamot pero walang ni isa ang nakakita ng lunas sa sakit ni Noireluna. Isang gabi, napanaginipan niya ang ina nilang si Desang, ang Blood Moon. Binalaan siya nito na mag-ingat sapagkat habang nabubuhay si Clairdeluna ay siya ang magbabayad sa sumpa ng kaniyang ina.
Iniulat ito ni Noireluna sa matandang kapatid ngunit pawang walang katotohanan raw iyon dahil panaginip lang kaya ipinagsawalang-bahala na lang nila.
Lumipas ang mga buwan at muli na namang nagpakita sa panaginip ni Noireluna ang kanilang ina. Hindi na babala ang kaniyang sinabi kundi malungkot na balita. Hindi matatapos ang susunod na kabilugan ng buwan, sa pagpatak ng alas dose ng gabi ay matatabunan ng liwanag ang kadiliman ng buwan na magmumula sa isang nakatakdang ipanganak na mag-iisang taon sa araw na 'yon.
Sa pagdaan pa ng ilang araw ay mas lalong lumala ang kalagayan ni Noireluna. Nagdasal na sila't lahat ngunit wala pa ding lunas na lumitaw para magamot ang bunso ng mga buwan.
Hanggang sa dumating na ang araw na sinasabi ng kanilang ina at bago natapos ang kabilugan ng buwan ay nakita ng lahat kung paano kinain ng liwanag ang kadiliman, kasabay no'n ang paglisan ng kaluluwa ni Noireluna sa kaniyang katawan. Tuluyan na siyang namaalam sa anak na babae, pamangkin na lalaki at kapatid.
Labis na paghihinagpis ang naramdaman ni Pleineluna noong panahong iyon. Nais niyang magsimula ulit kaya pinili niyang umalis sa Moon Empire at iniwan ang lahat ng mana nila kay Mr. Scott, maging si Croissant na anak ng pangalawang buwan.
Naging Headmaster si Mr. Scott sa Yes High at tahimik na namumuhay naman ang pinakamatandang buwan at si Moonlight na anak ng pinakabunso sa labas ng siyudad.
Lingid sa kaalaman ng magkakapatid na si Clairdeluna ang sumisimbolo sa Moonlight o liwanag sa buwan na siyang nakatakdang tumapos sa sarili niyang ina at ang sumpa ng Blood Moon ay maipapasa pagdating ng kaniyang ikalabing-walong kaarawan.
Totoong nailayo ni Pleineluna si Clairdeluna sa kanilang siyudad ngunit hindi matatakasan ng bata ang sumpa at ang nakatakda sa kaniya.
Pinalaki nilang magkahiwalay ang dalawang bata dahil naniniwala silang magtatagpo rin ang mga ito sa tamang panahon. Kahit malayo sila ay naitataguyod naman nila nang maayos ang kanilang pamumuhay.
Naging magaling na Headmaster si Mr. Scott sa Yes High at pinag-aral niya si Croissant. Si Pleineluna naman ay naging isang negosyante at yumaman sila kagaya ng inaasahan. Hindi sila naging madamot sa isa't isa dahil palaging binibisita ni Mr. Scott ang pinakamatandang buwan sa tinitirhan nito pero minabuti na niyang 'wag isama si Croissant sapagkat ignorante ito sa mga bagay na nasa labas ng siyudad nila.
Minahal at ibinigay nila ang lahat sa mga batang hindi nanggaling sa kanila bilang alaala sa mga namatay nitong ina. Ngunit sa likod ng lahat ay naging pariwara pa rin si Moonlight. Naging bulakbol sa pag-aaral at kung saan-saan na siya inilipat ng paaralan ni Noireluna pero ganoon pa rin.
Sa kabilang banda, naging maayos naman ang pagpapalaki ni Mr. Scott kay Croissant ngunit naging sakit pa din siya sa ulo. Gaya ng kaniyang ina ay natuto siyang makipaglaban gamit ang espada hanggang sa ginamit niya ito sa masama na nagdulot ng kaniyang kapahamakan.
Kaninong anak kaya si Croissant? At paano kaya mapupunan ng dalawang bata ang kanilang mga tungkulin?
Mapagtatagumpayan kaya ng Moonlight ang itinakdang kapalaran niya?
Magiging sapat kaya ang pagmamahal para malampasan ang lahat ng pagsubok o muli na namang papalya ang pag-ibig kagaya ng nangyari sa tatlong magkakapatid na buwan?
Ano pa kaya ang mangyayari sa kanila pagdating ng ikalabing-walong kaarawan ni Clairdeluna? Kakayanin kaya niya ang pumaslang para sa propesiya o mas pipiliin niyang mamatay para sa lalaking mahal niya?
The Prophecy declared:
"A new moon was born;
There will be daylight no more,
For she is the light of the moon,
Who was said to be the savior---but unconciously kissed by the blood moon's curse."