May org kami ngayon kaya nasa quadrangle kami ngayon, nakapila sa mga booth. I'm currently in my first year of senior high, late ako nakapag aral kaya mas matanda ako sa mga ibang estudyante rito.
"Celestine, tignan mo yung senior natin, shet ang gwapo." Saad sa akin ni Jaina na nasa gilid ko.
Napalingon naman ako sa kung saan siya nakatingin. Tangina, oo nga.
The first thing I noticed was his clear eyes and defined jawline. Sulit tuition ko sa kaniya.
Tinapos muna namin yung laro sa booth na pinilahan namin at lumipat kami kung nasaan yung poging senior.
Humahagikgik pa kami habang nag lalakad palapit sa booth nila. Paano ba naman kasi stem student kami tapos yung pangalan ng booth nila is for abm.
Napasimangot ako nang makita kong nasa dulo kami, kanina nung papalapit palang kami ay parang ang onti lang ng tao pero ngayong nakapila na ako, parang ayaw ko na. Iniisip ko palang na isa isa silang aalis napapagod na ako.
"Sana pala pinuntahan na natin lahat ng booth bago tayo pumunta dito." Saad ko kay Jaina habang naglalakad kasi umusad yung pila.
"Okay lang yan, para kapag tapos natin dito, wala na masiyadong nakapila sa mga booth, mga nasa canteen na."
"Gaga, edi sa canteen naman tayo makikipagsiksikan ng pila." Saad ko at napakamot siya ng ulo.
Naging mabilis yung usad ng pila kasi may nagsisi-alisan, hindi ko alam kung bakit.
Napakunot ang noo ko, ano meron, bakit parang bigla nilang iniwasan 'tong booth?
Nang dalawa nalang yung nasa harap namin ay tinignan namin kung ano yung gagawin sa laro, at kung ano ang price.
Nanlaki yung mata ko nang makita na yung topic nung garde ten na kung saan ako bumagsak is ayon yung question! Shet shet shet!
Napatingin ako kay Jaina at natawa ako nang makitang pareho kaming parang nawalan ng dugo sa nakita.
Madali lang yung laro, is-shoot mo lng yung ping pong ball sa paper cup, pero each cup kailangan mong mag solve para makakuha ka ng price. Ang ganda pa naman ng price nila!
Nagulat ako ng umalis yung babaeng nakapila sa unahan kanina at sumunod naman yung nasa harap ko, edi ako agad yung next!
Narinig kong natawa yung katabi ng pogi kasi para akong nagmamakaawa sa bababeng nasa harap ko kanina.
"Bro help her out na nga, sayang pinag ambagan natin para bumili ng price, wala namang nanalo." Saad pa nung lalaking natawa.
I saw a ghost smile in his face, feeling ko tuloy namumula ako ngayon, what the heck, bakit siya nagpapacute kung kailang nasa harap niya ako?
But my ego talking, ayaw kong mag mukhang bobo sa harap niya. "Pwede ba isearch? Nakalimutan ko step by step nito eh." Saad ko at ngumisi naman ang ilan sa kanila. Para nilang ina underestimate ang kakayahan ko.
"Okay miss, kung saan ka sasaya." Saad ng kung sino, hindi ko nakita kasi kinukuha ko yung bola na inabot sa akin ng katabi nung pogi.
"Kung saan ka sasaya, ikasasaya rin namin." Sabat ng isa kaya nagtawanan sila.
"Huwag ka gagawa ng ikahihiya nating dalawa ha, ang pogi nyan tangina ka." Bulong sa akin ni Jaina at natawa naman ako. Ewan ko rin ano ba itong ginagawa ko, too much for being a papansin.
Nagsimula na ako mag bounce ng mga bola, hindi ko alam kung nanginginig kamay ko dahil nakatitig sa akin yung pogi o siguro muscle memory ko na sadyaing hindi makashoot.
"Ate pag nashoot mo yan may kasamang 1x1 picture ni Denver yung price." Tinignan ko yung nagsabi non.
"Sino 'yon?" tanong ko.
"Ayan teh oh, yung poging matangkad na nakasalamin." Saad ng isa na para bang magic word kasi biglang nag shoot sa paper cup yung ping pong ball.
Nagtawanan sila at nag apir, nahihiya ko tuloy tinignan yung lalaki na para bang hindi alam kung tatawa o papalakpak.
Tawa rin nang tawa si Jaina sa likod ko at bahagya pa akong kinurot.
"Oh puro kaharutan yang nasa utak mo ha, mag solve ka ngayon." Saad sa akin at nilabas ang papel kung saan nashoot ang bola.
"Basic. Pwede naman mag search diba?" tanong ko.
"Yeah, but of course you can't use apps that will solve the equation." Saad nung pogi na ang pangalan ay Denver.
"Oh yeah, sure sure sure, of course." Saad ko na hindi na pinag isipan pa, bigla ba naman akong inistraight english, eh yung mga kasama niya mga balagbag yung humor.
Sayang, bet ko pa naman funny guy. Eme! siyempre exception siya.
Word problem yung nakalagay sa papel kaya useless na rin yung pag s-search dahil yung formula is nandoon na rin. Nakakahiya tuloy na tinanong ko kung pwede bang mag search ng step by step.
Ginamitan ko ng common sense yung equations at nakangising pinakita sa kanila yung sagot ko.
"Engk, mali ka miss." Saad ng isa sa kanila.
Napakunot naman ang noo ko at tinignan ulit yung gawa ko. What the heck?
"It's wrong because you didn't multiply it first," Saad nung Denver.
Nahihiya tuloy akong ngumiti at dahan dahang umalis sa pila.
"You can try again, you did it correctly naman, you just forgot to multiply it first." Lumapit siya sa akin at kinuha ang papel ko.
Tinuro niya gamit ballpen yung pinaka una kong solution, tama nga siya, dapat pala minultiply ko muna bago ko gamitan ng division.
I did it again and this time napansin kong ngumiti siya habang nakatitig sa papel ko, yumuko kasi siya kasi tinitignan niya kung paano ko isolve yung equation.
Kinikilig tuloy ako, isang araw palang pero grabe na siya mag pacute sa akin.
Umayos siya ng tayo at nginitian ako. "Nice!" Saad niya at binigyan ako ng malaking stuffed toy.
"Oy 'ya, madaya ka rin eh no, porket ikaw mas malaki yung inambag magdedesisyon ka na." Saad ng isa na para bang inaawat si Denver sa pagbigay ng stuffed toy na teddy bear sa akin.
"What?" Natatawang tanong ni Denver. "It's not like may mananalo pa dito, sayang lang. If you want, you can take all of this." Saad niya na di ko mawari kung biro ba yon o seryoso siya.
"Crush mo ba yan pre, kanina pa kita nahahalata ah." Pang aasar ng isa.
"Asshole." Saad niya.
Hindi man lang sinagot yung tanong o nagsabi ng sign man lang. Paano kaya ako magiging delulu niyan?
Tumikhim ako. "Isang stuffed toy nalang kukunin ko, sayang naman kung sa akin lahat yan, pamigay niyo na lang sa iba." Saad ko, pabebe kasi dapat hindi tayo magpakita ng greediness, masama yon.
Inagaw ng isang lalaki sa kamay ni Denver yung stuffed toy at inabot sa akin. Agaw eksena naman to.
Parang padabog na inabot sa akin yung premyo ko. Wait kulang to ah?
Sinimangutan ko yung nag abot sa akin nung stuffed toy, siya rin kasi yung nagsabi na bibigyan niya ako ng 1x1 ni Denver.
Sinulyapan ko si Denver saglit at nakita kong may sinusulat siya sa isang maliit na papel. Agad din naman siyang natapos at tinignan ako.
"You're leaving without this?" tanong niya pinakita yung 1x1 niya.
Narinig kong medyo natawa si Jaina. Shet nakakahiya, parang sinabi naman niyang patay na patay ako sa kaniya.