Chapter 2

1187 Words
Para kaming uod na binudburan ng asin habang tinitignan ang picture ni Denver, shet wala akong masabi, walang tapon, ang gwapo talaga. Ang galing naman ng magulang niya, perfectionist ten over ten sila sa akin for creativity. Feeling ko mestizo na siya mula bata palang siya, I bet he's cute too. Parang gusto kong gumawa ng mini him, siya ang ama para sure na kamuka talaga. "Worth it pagpila natin nang napaka tagal, tara canteen na." Aya sa akin ni Jaina. "I think dapat ilibre mo ako kasi look! Ang gwapo, pwedeng pwede mag model! Oh, kung hindi dahil sa akin wala kang picture na pagnanasahan." saad niya at tumawa. "Kadiri ka naman, huwag ka nga mag salita ng ganiyan, masiyadong bastos, hindi bagay sa itsura niya, mukha siyang magiging pari, masiyado siyang innocent looking." Saad ko at natawa ulit kami. Pumasok kami ng canteen at hindi rin ako nakatanggi sa kaniya nung nagpalibre siya sa akin. Sinasabi niya kasi na kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ko makikita si Denver. "What if may girlfriend na siya? Gago nakakawala ng girl code." Saad ko habang umiinom ng shake. "Gago bakit? akala ko ba study first ka, bakit umaasta kang shoshotain mo yon." Natatawang saad ni Jaina. "Ihh, ang pogi kasi. Alam mo yung parang nagiging exception siya sa paningin ko. And I bet he's a math genius, bagay siya sa akin." Nginisian ko siya. "Speaking of which, nandito yung mag t-tropa oh!" Saad niya at napatingin ako kung saan siya nakatingin. Tangina ang gwapo talaga, walang sablay pagkakagawa sa kaniya. Sa kanilang magkakaibigan, siya ang pinaka matangkad, as in! Lahat ng kaibigan niya nasa balikat lang niya ang tangkad, siya rin ang pinaka maputi sa kanila. Napatagal yata ang titig ko sa kaniya dahil napatingin siya sa akin. I smiled at him then wave, he just raise his brows at me, acknowledging my presence. I feel like blushing, hindi naman ganito yung male lead na nababasa ko sa mga libro, diba dapat masungit sila? Bakit yung isang to napaka cute? "Kinikilig ka na naman, tawanan talaga kita kapag may girlfriend talaga yan at friendly lang." Saad ni Jaina na nagpasimangot sa akin, lahat nalang talaga panira sa lovelife ko! "Pag inggit pikit, ayaw mo ba na pogi magiging first boyfriend ko?" Saad ko at tinawanan niya lang ako. "Ewan ko sayo, pero sabagay, feeling ko crush ka rin nyan, tignan mo, kanina ka pa tinititigan." Saad niya. Namula tuloy ako at dahan dahang lumingon sa kung saan nakapila sila Denver, at totoo nga, nakatitig siya sa akin! Kahit malabo mata ko, halatang sa akin siya nakatitig. Humalakhak si Jaina at inasar asar ako, nagulat ako ng bigla siyang tumigil sa kakatawa at biglang tumingala. "Bakit? Ano meron?" Takang tanong ko at nagulat nang nasa likod ko si Denver. "Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko. "Ah... I just want to give you this." Saad niya at inabutan ako ng ice cream at sushi. Napa side eye tuloy ako kay Jaina. Kinikilig ako inside pero shet kailangan ko magpabebe, this is my time to shine! "Ah, para saan?" "For winning out game booth? Sorry I don't know what other reason I can tell..." Saad niya at nag kamot ulo. Ang cute! Ganito talaga mga type ko, mga matangkad na poging nerd na torpe. "Wala yon, no big deal. But thank you! Do you want to join us here?" tanong ko. "No, it's fine, my friends reserved me a seat." Saad niya sa akin, may mga sinabi pa siya bago mag paalam sa akin. Inasar pa siya ng mga kaibigan niya habang umuupo siya, ngumingiti lang siya na parang bata. "Ang dami namang ganap sa inyo, isang araw palang kayo nagkakilala, love at first sight atake?" nang aasar na tono ni Jaina. "Barang ka te, pag talaga naudlot love story namin ipagdadasal kong tumanda kang mag isa!" Saad ko at tinawanan niya lang ako. Tinignan ko ulit si Denver, nakikipag usap ulit siya sa mga kaibigan niya at nakikipagtawanan. "Sana athlete siya, swimmer sana para makita ko katawan niya." Saad ko habang nakatingin sa kaniya. "Kadiri! Parang kanina lang sabi mo mukha siyang pari kasi mukha siyang inosente, ngayon pinagnanasahan mo." Saad ni Jaina at binato ako ng tissue. "Sinabi ko lang na mukha siyang pari, pero wala akong sinabi na hindi ko siya pagnanasahan." Saad ko at ngumisi. Tumingin ulit ako sa kung saan sila nakaupo at napaubo ako nang makitang nakatingin siya sa akin. Tangina narinig niya ba usapan namin? Nakakahiya! "Ano nahiya ka na ngayon? Kagagahan mo, bilisan mo na nga kumain, mag iikot pa tayo ng ibang booth, baka mahaba na ulit pila, mawawalan tayong price kapag hindi tayo nakakuha ng stickers ng mga booth." Saad niya. Mayroon kasi kaming kailangan icollect para kapag tapos ng event na to ay pupunta kami sa adviser namin for price, 5 thousand din yon kaya gusto naming tapusin tong booth. Pinaghatian namin ni Jaina yung sushi na binigay ni Denver, actually feeling ko pang dalawa to kasi noong tinignan namin yung bilihan ng sushi ay anim lang at nasa lagayan ng footlong or siomai yung sushi. Pero ngayon 24 pieces to at nasa plato. Yung ice cream naman may dalawang small spoon kaya naghati rin kami ni Jaina. Nag kwentuhan lang kami ni Jaina about sa mga ka batch namin noon na nagkaroon ng issue kaya hindi naka graduate hanggang sa maubos namin yung pagkain namin. Pag lingon ko kila Denver wala na sila doon. Baka bumalik na sa booth nila, halos onti na rin kasi yung tao rito sa canteen. "Sana nag uwian na yung iba, ayoko pumila nang napakahaba ulit, sila ba si Denver para pilahan nang matagal?" saad ko kay Jaina habang sinasamahan siyang mag retouch ng make up niya. "Mag apply ka ulit lip gloss teh." Saad niya at napatingin ako sa salamin. "Okay." Pagkatapos namin ay lumabas agad ako. Nakita kong mahaba pa rin ang pila kila Denver. Makikigulo sana ako sa kanila para mag papansin kay Denver kaso paano ko gagawin yon kung mahaba ang pila? Nakakainis! Nakasimangot akong pumunta sa tabing booth nila Denver, nasa unahan agad kami kasi nga halos lahat ng tao ay naka pila sa booth ng abm, which is yung kila Denver. Hinanap ko si Denver sa booth nila at nakita kong nakaupo siya sa gilid, pero kita pa rin siya ng mga nakapila, siguro hindi lang siya ang pinipilahan, yung isang tropa niya rin siguro, yung kaibigan niyang umabot sa balikat niya, siya yung sumunod na matangkad sa kanila. Kaso ang baduy non, si Denver pa rin talaga. Ewan, bahala sila, wala silang taste, mas pogi si Denver. Kamukha niya si Jungkook na cute na pogi, hindi yung mga nag v-viral na meme na mukha niya these days. Pero sa totoo lang, kamukha niya talaga si Jungkook na innocent face, just imagine kung ano itsura ni jungkook na nakasalamin. Shet kamukha niya. Yung mga salamin na ginagamit ng mga lalaking teacher, ganon! Nasense niya siguro na may nakatitig sa kaniya kaya napalingon siya sa pwesto ko. Kinawayan niya ako ang he smiled. And I smiled back.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD