Chapter 3

1233 Words
Nalulumbay ako, ang lalim na ng mga eyebag ko. Dalawang buwan na ako sa university na to pero hindi ko na ulit natagpuan si Denver! Ang alam ko ABM siya so tuwing next sub ng mga teacher ko ay sa ABM ay sumasama ako! Kaso patapos na ang midterm ay di ko pa rin siya nakikita dito sa building na to. Eh nandito naman lahat ng mga senior high, nakakainis, hindi man lang hiningi f*******: or name ko nakaraan. "Edi paano ang love story namin nyan? Walang development o kung ano ano. Nakakainis." Saad ko sa kanila kahit alam kong hindi na sila interesado sa mga kwento ko dahil simula nang magkakilala kami ay si Denver talaga ang bukang bibig ko. Feeling ko nga iniisip nilang hindi totoo si Denver! Kung hindi ko lang kasama si Jaina, baka hindi ko madepensahan ang sarili ko. "Celest, hayaan mo na, mag review na tayo." Saad ng new friend ko habang nakaupo kami sa canteen. Kahit maingay ay dito kami nag rereview kasi ang pangit mag review sa room, akala mo mga nag riritwal. Mga nagkakabisado kasi sila ng term. Habang nasa harap kami ng statue ni Saint Vincent de Paul, biglang umulan. "Pucha yung reviewer ko." Sigaw ko dahil literal na parang biglang bumuhos ang ulan at nanalki ng patak eh nakakalat yung mga papel namin sa table. Siyempre ang una kong sinagip is ang laptop ko at isa isang pinagkukuha yung mga papel, sari sarili kaming pulot ng mga circle of friends ko dahil apat kaming nagpapanic, di namin alam kung saan ilalagay yung laptop namin since nasa taas yung bag namin. Ang lalaki pa naman ng patak ng ulan, I can feel my uniform being soak. Naki silong kami sa mga nagtitinda ng mga pagkain dahil hindi kami maka akyat agad, kung aakyat kami, mababasa kami ng sobra kasi medyo malayo pa yung hagdan paakyat sa building namin. "Ano nang gagawin natin, five minutes nalang start na next subject natin." Nanlulumong saad ni Jaina, nakakainis, kanina ang init init ng panahon tapos biglang umulan, akala mo may bagyo eh. "Kapag after three minutes hindi humina or huminto, sugurin na natin?" Tanong ni Ash. Nakita kong may pagdadalawang isip sa mata niya pero siyempre wala naman na kaming choice diba. "Oo, ganoon na lang ang gawin natin. Hingi na lang tayo ng plastic bag," suhestyon ko, may exam kasi kami ngayon. Jusko talaga. Ganoon nga ang nangyari, nanghingi kami ng plastic at pinasok namin yung laptop at papel namin sa loob at tumakbo na papuntang hagdan. Tawa kami nang tawa kasi nagawa pa ni Jaina mag video kahit umuulan, basang basa tuloy cellphone niya nang makarating kami sa hagdan. "Baka mamaya sa sobrang ingay natin ma tlc tayo." Saad ni Ash kaya tawa ulit kami ng tawa. Kilala pa naman siya sa university na to. "Speaking of tlc, bakit hindi mo hanapin doon si Denver, puro confession nakikita ko ron, mag post ka rin kaya." Saad ni Ash at nakipag apir kay Jaina, alam niya kasing gagawin ko yon basta para kay Denver. "Mamaya yon sa akin." Saad ko at pumasok na kami sa loob ng room, tangina general mathematics pala next na ite take kong exam bakit empowerment technology nireview ko? Habang binabalik namin sa harap mga cellphone namin ay binulungan ko sila. "Leche gen math ite take natin ngayon." Bulong ko sa kanila, hoping that may karamay akong hindi nag review. "Oo nga, hindi mo ba alam? Nag gagawa nga kami equations kanina." Saad ng isa sa akin. Shet. Oo shet talaga. Nakatulala tuloy ako habang nakaupo, yung iba tapos na, yung akin wala pa sa kalahati nasasagutan ko. Kailangan pa naman ng solution, I prayed. 'Lord guide my hands to the correct answers...' Inikot ko tuloy yung pencil ko at kung saan ako parang spiritually connected ay ayon ang nilagyan ko ng sagot. Kinopya ko yung question tapos binura ko para kunwari gumawa ako ng solution, siyempre yung mga alam ko sinagutan ko na rin para naman may points ako. And of course, binabasa ko muna bago hulaan, hindi lang dapat spiritually connected dapat pati moral mo connected sa sagot. Kaya nang matapos kami ay tinawanan ko ang sarili ko, tanginangyan. Alam kong bagsak ako pero, in the funniest way. Yari talaga ako sa magulang ko, sayang tuition nila sa akin. "Kumusta exam?" Tanong ni Althea sa akin. "Okay lang naman. Ako kaya kumustahin mo." Saad ko kaya nagtawanan sila. Nanetong mga to, ginagawa pa yata akong clown. Nag ayos na kami ng mga gamit namin, kahit kumain kami kanina sa canteen ay nag aya pa rin silang kumain sa labas, marami kasing fast food chain kapag nasa labas na kami ng walkway kaya ang lalakas nila mag aya. Habang nasa walkway kami, napansin kong ang onti lang ng tao na dumadaan, nakakahiya tuloy magsalita kasi parang rinig hanggang dulo yung mga sinasabi namin. Nag kuwento si Jaina tungkol sa kung paano siya nahirapan mag solve ng mga equations habang ako ay nananahimik sa isang tabi, nag solve din anmana ko pero hindi ako nahirapan. Sinolve ko lang naman don is yung piecewise function. So basic. "Tahimik mo ah, paano mo nasagutan yung mga rational?" tanong sa akin ni Jaina. Sinimangutan ko siya, nananahimik na nga ako para di ako matanong. Nginisian niya lang ako, alam niya na siguro ang sagot. "Piecewise function lang sinagutan ko, pero confident akong mataas score ko." Saad ko at ngumisi. "Gaga ka, dalawa lang naman piecewise function don tapos limang multiple choices. Confident ka pa sa lagay na yan." Natatawang saad ni Jaina. Well... Kinuwento ko sa kanila yung nangyari habang nag eexam ako. What the heck, gagayahin pa nila technique ko. "Alam mo kasi yung feeling na para bang hinihila yung lapis mo sa ganitong letter, mukha namang may sense yung sagot kaya ayon yung nilagyan ko ng shade." Pagkasabi ko non ay may tumawa sa likod namin, at nang tignan ko ay matangkad yon pero nakayuko ang ulo, hindi ko tuloy nakilala. "Pero dinasalan ko muna siyempre, kesa naman magpakampante ako diba, pano kung kupal na espirito pala gumabay sa kamay ko edi talo talo ako non-" naputol ang sinasabi ko kasi may tumawa ulit, mas malakas yon kumpara sa nauna kaya nilingon ko ulit sila. Siguro nung nakita nilang umikot ang ulo ko ay umikot din ang ulo nila kasi nakatingin sila ngayon sa likod nila. Binulungan ko yung mga kasama ko. "Tangina nung mga nasa likod natin, mukha sigurong b***t kaya ayaw magpakita ng mukha." Natawa naman sila at napailing. "Itikom mo nalang muna bibig mo, kung ano ano lumalabas e," saad ni Ash sa akin. Ganoon sana ang gagawin ko kaso masiyado akong madaldal kaya ang mga kuwento na sinasabi ko ay binubulong ko nalang. "Feeling ko kung magiging boyfriend ko si Denver, hindi na ganito yung gagawin ko, tuturuan ako non, feeling ko cute yun siya magalit tapos kapag tuturuan ako pero gentle lang siya kahit pikon na." Saad ko at humahagikgik pa kasi kinikilig ako sa naiisip. "Ano raw??" natatawang saad ni Ash. "Daily dose of delusion niya lang yan, ngayon naman delusyon niyang maging boyfriend si Denver tapos tuturuan daw siya sa mathematics, kung hindi ba naman baliw." Malakas na saad ni Jaina kaya napalingon ako para tignan kung sino sino ang nakarinig, nakakahiya! Pagkalingon ko sa likod ay nagulat ako nang nasa likod namin si Denver.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD