Para akong nanlamig sa kinatatayuan ko, is this real? Shet sana bigla akong maglaho, ngayon na! Nakakahiya kasi siya mismo ang nasa likod ko ngayon, okay lang sana kung mga kaibigan lang niya ang nakarinig kaso shet! Siya mismo nakarinig!
Tinignan ako ni Jaina nang may pagtataka. "Bakit nanahimik ka? kulang ba ang sinabi ko?" humagikgik siya. "Oo nga kulang, sabi mo feeling mo cute yon magalit pero gentle pa rin kahit pikon na sayo." Saad niya at feeling ko pulang pula na ako ngayon. "Bakit? Ano bang meron? Kapag siya ang usapan dati tuwang tuwa ka, bakit wala ng delusyon utak mo ngayon?"
Kinurot ko siya. "Gaga ka, nasa likod si Denver." Saad ko at ang gaga naman ay napasinghap at mabilis na lumingon sa likod, edi lumingon din tuloy si Ash At ang iba pa naming kasama.
"Mali ka sa isa miss, hindi ito cute magalit." Natatawang saad nung isang lalaking kasama ni Denver.
Nagtawanan mga kasama ko at ako naman ay lumingon sa kanila at nginitian lang sila kahit nahihiya na.
Tangina bagsak na nga ako sa gen math, ganito pa kahihinatnan ko. Binilisan ko nalang ang mga hakbang ko at feeling ko alam na ng mga kasama ko ang ginagawa ko kaya binilisan din nila ang mga hakbang nila.
Nang lumingon ako sa likod ay medyo malayo na sila kaya nakahinga ako nang maluwag, tinignan ko sila at nakita kong nagpipigil sila ng tawa.
Natawa ako sa mukha nila kaya nagtuloy tuloy yung mga tawanan namin.
"Ngayon na nga lang nag salubong yung landas namin, ganoong paraan pa talaga." Natatawang saad ko.
"Gago, Denver ka nang Denver eh mas sikat siya sa pangalang Eli, tsaka girl, hindi yong senior high, college na yon!" saad ni Althea sa akin.
Nanlumo ako sa narinig ko pero nawala rin agad kasi hehe, senior high na ako, hindi na masama na college siya, basta hindi siya graduating, hindi ko matatanggap yon.
"Bakit ngumingiti ka? Bente anyos na yung tao, hoy." Natatawang sabi ni Ash.
Etong gagang to, kilala rin pala si Denver.
"Ano naman? 18 years old na rin naman ako." Nginisian ko sila.
"Kahit naman maging bente ka, di ka papatulan non." Saad ni Ash at nag tawanan kami.
"Hoy hindi ka sure, nandoon ako nung unang kita nila, gago akala ko nga mag p-propose tong si Denver kay Celest kung maka asta." Saad ni Jaina sa kanila at tumatango lang ako. Oh diba, hindi ako nag iisa sa delusyong ito.
"Friendly lang talaga yon hoy, para kayong tanga, hindi yon nag g-girlfriend, last year nga lang naging pala ngiti yon kasi nakahanap ng mga kaibigan." Saad ni Althea. "Extrovert na friendly yon ngayon kasi napabarkada sa mga boys at the back."
"Tangina ka, bakit parang ang dami mong alam tungkol kay Denver? Parang magiging kaagaw pa kita sa love story ko, Althea wag mo ng subukan." Saad ko at tinawanan siya.
Kakarating lang namin sa mcdo kaya umorder na muna ako sa screen at pumila na, ako ang may buong pera kaya ako ang pumila mag isa habang umoorder pa sila don. Lifehack kasi yon, naka pila na dapat ang isa tapos ang isa ay naghahanap na ng mauupuan habang ang iba ay nag oorder pa, para hindi sayang oras.
Habang nag aantay ako na ibigay nila yung number ay napatingin ako sa mga pumasok, nanlaki ang mata ko nang makita kong nagkatinginan kami ni Denver. Shet.
Bakit laging nagtatagpo yung landas namin ngayon? Eh nung mga first week palang ako sa university na to, laging plakado mukha ko at parang naligo sa pabango, ngayon naman nag liptint lang ako at amoy white flower buong pagkatao ko.
Yumuko tuloy ako at nagtago sa buhok ko, nag cellphone na rin ako para maabala ang sarili ko.
"Ano nangyari sayo? oh 'yan na, punta na ako kay Jaina, aayusin na rin namin bayad namin sayo." Saad ni Ash at iniwan na ako.
Hays, ang landi ko pero ganito ako umasta. Pero bakit kasi ganito yung timing, madaming panahon akong nag antay sa kaniya tapos ngayong hindi ko inaasahang makikita ko siya, ngayon siya magpapakita?
"Uy si miss lucky winner na naman." Saad ng nasa likod ko, di ko napansin na sila ang nakapila sa likod ko.
Nginitian ko sila, may lakas pa ako ng loob na ngumiti sa kanila kasi wala si Denver.
"Kayo na naman?" Kunwari naiinis kong saad pero ang totoo ay gusto ko makipagkaibigan sa kanila para maging kaclose ko rin si Denver. Gusto ko kasi friends to lovers trope ng love story namin, hehez.
"Ano ayaw mo sa amin miss? Nasaan ba yung alumni namin, nagsusungit to e." Nang aasar na saad ng isa.
"Huy gagi joke lang, saan ba nag aaral si pogi, bakit di ko nakikita siya nakikita sa campus halos mag tatatlong buwan na?" Tanong ko sa kanila.
"Hindi mo talaga makikita yon kung sa campus mo hahanapin, try mo sa library mo hanapin sa susunod." Saad ng isa at may nakipag apir naman sa kaniya.
"Pero huwag ka na mag aksaya ng oras sa kaniya miss, hindi kayo bagay non," saad ng isa at siya lang natawa sa sinabi niya.
Kumunot ang noo ko kaya nag patuloy siya. "Maliit ka lang e, hanggang balikat lang kita eh hanggang balikat lang ako non." Natatawang saad niya.
Nagtawanan sila at nag apir ulit, para tuloy akong pick me na one of the boys.
"Parang pinag ttripan niyo lang ako e-" naputol ang sasabihin ko kasi lumapit si Denver.
Ang hirap naman humanap ng maayos na postura kapag kaharap mo yung crush mo, tangina ang tangkad pa kaya ang awkward na nakatayo ka lang sa harap niya.
"Ang iingay niyo, rinig kayo hanggang dulo. Magsiupo na kayo ron, ginugulo niyo pa si Celestine." Saad niya at nag blush naman ako.
I don't know kung paano niya nalaman ang pangalan ko pero shet, totoo pala yung say my name and everything just stops ni Taylor Swift!
Iniwan na kami ng mga kaibigan niya kaya kaming dalawa nalang ang nasa pila, di ko alam kung bakit, pero kanina pa hindi umuusad tong pinilahan ko.
"I hope they didn't bother you..." Saad niya kaya umiling ako.
"No, hindi naman, mabilis ko naman sila naging kaclose kaya ang ingay nila kanina." Saad ko at tumango naman siya.
Finally umusad din ang pila at ako na ang pangalawa, sayang hindi kami magtatagal na magkasama ni Denver
"Tinapon mo ba yung picture ko?" tanong niya out of nowhere.
"Ha? Hindi ah? Bakit mo natanong?" Nag papanic kong saad, bakit siya mag ooverthink sa ganon eh halos iworship ko nga ang mukha niya doon.
In fact, pina wallet size ko pa nga yung 1x1 niya.
Kumunot ang noo niya pero tumango rin, "Then why didn't you accept my friend request?" Takang tanong niya.
Pumintig ang puso ko. "Huh? Hindi ko nga mahanap f*******: mo, i accept pa kaya?" natatawang tanong ko.
"I putted my f*******: account behind my 1x1 picture." Saad niya and I was left speechless, shet??
Magsasalita pa sana ako nang umalis na yung babaeng nasa harap ko kaya binigay ko na ang papel at nagbayad.