Chapter 10:

1846 Words
Dalawang buwan na ang lumipas mula ng welcome party ni Daddy at masasabi kong nakatulong yun para maging close si Daddy sa mga kaibigan ko lalo na kay Elijah. Si Kuya Aidon nanatili narin sa bahay dahil gusto ni Daddy magkakasama kami sa iisang bubong. Habang kumakain kami nila Daddy ay naalala kong bukas na ang laban na sa university ni Ate. Hindi ko sinasabi sa kanila pero gusto ko sana nandon si Daddy para sakin kasi alam ko si Mommy ay pupunta for Ate Monica. "Dad, Are you busy tom?" tanong ko. "Hmm... Why?" Kinagat ko yung ibabang labi ko saka sinulyapan saglit sila Ate. "Naging representative kasi ako sa university para sa isang laban baka pwedeng pumunta ka?" Nag-iisip si Daddy habang kumakain ng sumingit si Ate Monica. "Dad you promised me already that you'll go with me right? Quizbee namin bukas," singgit ni Ate Monica. Mas lalo namang nahirapan si Daddy dahil sa pagsinggit ni Ate kaya bumuntong-hininga nalang ako. Tumingin naman si Daddy sakin saka ngumiti ng tipid. "Pasensya na Avianna ha? Nauna na kasing nagsabi ang Ate mo eh," Ineexpect ko na ako ang pipiliin ni Daddy since si Mommy ay sasama kay Ate Monica pero hindi pala si Ate padin ang pipiliin niya. "I'll go with you Avi," malamig na wika ni Kuya Aidon. Nilingon ko naman siya na ang sama ng titig kela Ate Monica. "Wag na Kuya... You're busy," "I can cancell all my meetings kahit gaano pa ka-importante yan para sayo Avianna kaya ako ang pupunta para sayo," aniya. Ngumiti ako sa kanya ng tipid at tumango. Hangang matapos ako sa pagkain ay hindi na ako nagsalita. Nagpaalam nalang ako sa kanilang magpapahinga na ako para bukas. Pero ang totoo ayoko lang manatili sa baba. Dad is always like that. He always choose Ate Monica then He'll give me a gift para lang mapatawad ko siya. Hindi ko namalayang nakatulog na ako sa pag-iisip. Nagising lang ako sa alog ni Kuya Aidon. "Gising na baby sis. Baka malate na tayo," aniya. Tumayo naman agad ako ng maalala kong ngayon na ang laban namin. Nag-ayos naman agad ako at kumain ng mabilis. Saktong dumating ang mga kaibigan ko ay paalis na dapat kami ni Kuya Aidon. "Kay Kuya Aidon ako sasabay," ani ko. Ngumiti naman sila saka tumango sakin. "Kuya Aidon, Sa school po tayo ni Ate Monica," ani ko. Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko. "Why?" "Isa kami sa kalaban sa quizbee ni Ate Monica Kuya. Hindi ko sinasabi kasi alam kong magagalit si Ate Monica," paliwanag ko. "I tried to reject but my Profesor doesn't agreed," dagdag ko. "Kaya ba hindi mo pinilit si Dad na samahan ka kasi alam mo nandon kadin?" aniya habang nagmamaneho. Umiling ako. "Hindi ko pinilit Kuya kasi alam ko kahit anong gawin ko mas priority niya padin si Ate Monica," "Avi..." Ngumiti ako pero alam kong hindi genuine. "That's fine. Matagal ko ng napapansin Kuya... Hayaan nanatin," Nakita ko sa mga mata niya ang awa kaya iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya. Hindi narin naman siya nagsalita hangang sa makarating kami sa university ni Ate. "Where's Tito Adam?" tanong ni Elijah. "She's with Ate," Kumunot naman ang noo ni Tati saka sumingit. "Kasama ng Ate mo ang Mommy mo pati ba naman si Tito Adam?" Sinaway naman siya ni Noe dahil kay Kuya Aidon. Nagkibit-balikat nalang ako sa kanila. "Hindi alam nila Daddy na kasali sa quizbee si Avi," singgit ni Kuya Aidon. Tinaasan naman siya ng kilay ni Tati."Do you think, If Via tell to your parents about this. It will change everything?" Hindi naman kumibo si Kuya Aidon kaya inilingan ko na si Tati pero nagpatuloy padin siya. "I'm sure kahit alam ng magulang niyo ang tungkol dito ay walang mangyayari dahil laging yung isa mo pang kapatid ang inuuna nila," mapaklang wika ni Tati. "Enough!" madiin kong wika. Hindi ako galit sa sinasabi ni Tati kasi alam kong may punto siya pero ayokong si Kuya Aidon ang awayin niya dahil walang ginawa si Kuya Aidon sakin. "Whatever!" Irap ni Tati saka tinalikuran kami. Nakita ko namang kinausap ni Noe si Tati. Nginitian ko si Kuya Aidon. "Don't mind her Kuya. She's just like that but she's nice naman," Nginitian nalang ako ni Kuya Aidon dahil nag-announce na ang speaker na kailangan ng pumunta ang lalaban para sa quizbee. Hindi ko alam kung may idea ba si Ate Monica na isa ang university namin sa makakalaban nila or clueless talaga sila. Ang alam ko kasi tatlong university ang maglalaban sa quizbee na ito. Hindi ko naman maiwasang kabahan sa maginmging laban at sa pagkikita namin nila Ate Monica. Nasa gilid kami ng stage kasama ang isang university na makakalaban namin habang sila Ate Monica ay nasa kabila kaya hindi nila kami nakikita. "May we call on the representative of Sto. Tomas University..." wika ng Emcee. Nagpalakpakan naman ang ibang audience ng napansin ko sila Daddy at Mommy na masayang masaya na makita si Ate Monica. How I wish ganyan din kayo kasaya para sakin. Napalingon ako sa kumakaway sakin at doon ko napansin si Elijah kasama yung dalawa at si Kuya Aidon pati ang ibang schoolmate namin na may hawak na banner. "Now, May we call on the representative of St. Claire University and Claws University..."ani ng emcee. Napuno ng sigawan ng mga kaibigan ko at mga schoolmate namin ang buong university pero nanatili akong nakatingin kela Daddy na nanlaki ang mata ng makita akong umaakyat sa stage. "What the hell?!" mahinang wika ni Ate Monica. Dahil magkalapit lang kami kaya narinig ko siya. "Go Babe!!!!!!" sigaw ni Elijah. Sinamaan ko siya ng tingin pero kininditan niya lang ako. Tinulak naman ako ng mahina nila Tati. "Please, Introduce yourself students." Inabot niya ang microphone sa kasama ni Ate Monica. Nagpakilala naman sila hangang si Ate Monica na ang magpapakilala. "I'm Monica De Villaga and We are representing Sto. Tomas University," may diin niyang wika. Padabog niyang inabot yun kay Noe. Nilingon ko naman ang pwesto nila Daddy. Ang sama ng tingin ni Mommy sakin habang si Daddy ay ngumiti sakin. Inabot sakin ni Tati ang microphone. Ngumiti naman ako sa lahat bago nagsalita. "Hi, I'm Avianna Shein De Villaga and I'm proudly representing St. Claire University," Nakangiti kong wika. Mas nagsigawan naman ang mga classmate ko pati si Kuya Aidon pero mapapansin mo sa schoolmate ni Ate Monica na may pagtataka dahil siguro parehas kami ng lastname. Nakita ko naman si Patrick na nakatingin sakin. Kinindatan niya pa ako pero umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi rin naman nagtagal ay nagsimula na ang quizbee. Magaling ang representative ng Claws University pero ayokong biguin ang St. Claire kaya binibilisan ko talagang mag-press ng buzzer ganon din naman sila Ate Monica. "What is the currency of Denmark?" tanong ng emcee. Agad namang pinindot ni Tati ang buzzer. Ngumiti naman ako sa lahat bago sinabi ang sagot. "Krone," ani ko. "Well, That's impressive... Your answer is correct," Napatakip naman ako ng tainga sa sigawan ng mga schoolmate ko. Masaya akong nirerepresentative ang unibersity namin. "As of now, Ang Sto. Tomas University at St. Claire University ang nangunguna sa laban..." ani ng Emcee. "Claws University, Kapag hindi pa kayo nakalamang sa dalawajg university ay tanggal na kayo sa laban," Pantay kasi ang score namin nila Ate Monica habang isa ang lamang namin sa Claws University. "Kailangan tayo ang makasagot ngayon para mawala na sa laban ang Claws University," bulong ni Tati. Tumango naman ako sa kanya. Napaligon ako kay Kuya Aidon na nakangiti sakin. "What is the smallest planet in our solar system?" Nagkasabay-sabay ng pindot kaming tatlong university kaya nagkagulo kung kaninong buzzer ang unang tumunog. "St. Claire!!" paulit-ulit na sigaw ng mga schoolmate ko. Kinagat ko naman yung ibabang labi ko habang umaasa na sana kami ang unang nakapindot. "So, Dahil ang St. Claire ang unang nakapindot ng buzzer. The answer is?" Ngumiti si Tati ng alanganin. "Mercury?" Kinunutan ko siya ng noo. Bakit parang hindi pa siya sure sa sagot niya at naalala kong hindi niya masyado kabisado ang solar system. "You are not sure to your answer," tanong ni Emcee. "Mercury is our final answer," ani ko. Hinatak naman ako ni Tati pero inilingan ko lang siya. "Mercury is correct," aniya. "Sorry Claws University...." Nakipag-beso sila saming lahat bago bumaba sa stage. Nang dadaan si Ate Monica ay bumulong siya sakin. "Ako ang mananalo dito!" malamig niyang wika. Nagkibit-Balikat nalang ako sa mga kaibigan ko at ngumiti sa audience. "Tatlong tanong nalang ay malalaman nanatin kung sino ang mananalo ngayon. Ready na ba kayo?" tanong ng emcee. "Yes, We're ready!" sabay-sabay naming wika. Sa unang tanong mas naunang nakasagot ang university nila Ate Monica pero sa pangalawa ay si Tati ang nakakuha ng sagot. Kung ang iba ay kinakabahan dahil isang tanong nalang at pantay pa ang laban namin nila Ate Monica. Ano pa kaya kaming nasa stage. "Last question, What element is denoted by the chemical symbol SN in the periodic table?" tanong ng emcee. Pinindot ko agad ang buzzer at ngumiti sa lahat. "Tin." "Is that your final answer?" Sabi nila kapag alam mong nasa tama ka ay dapat taas noo ka at proud sa ginawa mo kaya nung time na yun ay pinakita ko sa lahat na confident ako sa sagot ko. "That's my final answer!" Walang nagsasalita sa audience miski ang mga kaibigan ko ay nakatingin samin. Mukhang pati sila dama ang init ng laban. This is a close fight. Who wouldn't nervous? "Congratulation St. Claire University because your answer is correct," masayang wika ng Emcee. Hindi naman namin naiwasang mapatalon sa tuwa nila Noe at Tati. "We won!" wika ni Noe. "St. Claire!!" sigaw ng mga schoolmate namin. Umakyat ang Prof and Admin namin para ibigay ang price samin. "Thank you po," ani ko. Hinawakan kami ng Professor namin. "Hindi nagkamali ang admin na kuhanin kayo. The three of you didn't failed our university. Bilang Professor niyo syempre proud ako sainyo," "Thank you po Prof for the wonderful experience and opportunity," ani Noe. Napalingon naman ako sa pwesto nila Dad pero busy na sila sa pag-alo kay Ate Monica na nakayakap kay Mommy. I wish you we're like that to me. How I wish you can hug me too and telling that you're both proud of me. "Baby sis?" Napalingon ako kay Kuya na nakatingin sakin. Ngumiti lang ako ng tipid. "Tara, Lapitan natin sila Daddy?" aniya. Umiling ako. "I know they want to comfort Ate Monica..." "But----" "Babe, Nandito ang parents namin... Celebrate tayo ng sama-sama? You can Invite your parents too..." singit niya. Bumuntong-hininga ako saka ngumiti sa kanya. "I'll go with you. Hindi makakasama sila Daddy eh," Nilingon niya naman si Kuya sa tabi ko. "Baka gusto niyo pong sumama Kuya Aidon?" "He's buys Elijah... Ayos lang," ani ko. "No... I'm going. We should celebrate your victory baby sis," Nilingon ko si Kuya Aidon na nakangiti sakin. "Thank you Kuya for always here for me," Hinawakan niya ang pisngi. "I will always here for you,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD