Hindi ko magawang tignan si Elijah. Alam kong wala akong sinabing masama tungkol sa relasyon namin.
Pero siyempre ayokong mapahiya si Elijah lalo na nandito yung epal na lalaking ito.
"Magandang Gabi po Mr. De Villaga..." wika ni Elijah.
May inabot siya kay Daddy at sa tingin ko wine ang inaabot niya kay Daddy.
"Sana po matanggap niyo po ito at masaya po akong nakauwi na kayo. I know how much Via misses you," dagdag ni Elijah.
Ngumiti ng tipid sa kanya si Daddy saka tinanggap ang hawak niya.
"Salamat Iho," wika ni Daddy.
Akala ko makakalusot na ako sa boyfriend thing na yan ng magsalita si Kuya Aidon.
"Avi, Siya yung lalaking nakahawak sa baywang mo kahapon na sinasabi kong may gusto sayo diba?" malamig niyang tanong.
"Kuya Aidon...."
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko at paano ko ipapaliwanag sa kanila.
"Yes po. Ako po yun." Nilingon naman ako ni Elijah kaya inilingan ko siya. "I'm taking this chance to ask you if can I court your daughter Sir?"
"Elijah," saway ko at lalapitan na sana siya pero hinatak ako ni Kuya Aidon.
"Let him Avi. If he's serious about you, He'll asked our permission to let him court you," seryosong wika ni Kuya Aidon.
"How much do you like my daughter?" seryosong tanong ni Daddy.
"I like her so much Mr. De Villaga and I want her to be my girlfriend,"
Ngumisi naman si Kuya Aidon. "Pano ko masisigurado na yang like na sinasabi mo ay magiging love yan? Na hindi mo sasaktan ang kapatid ko?"
"Then let me court her and I promise you that I'll love her... I won't hurt her, I'll kill myself if I hurt her," seryosong wika ni Elijah.
Nakangiti lang ang mga kaibigan namin na akala mo sobrang proud sila sa ginagawa ni Elijah.
"Patunayan mo saking seryoso ka sa anak ko at kapag dumating yung time na umiyak ang anak ko dahil sayo. Pinapangako ko na ilalayo ko siya sayo," ani Dad.
Napatingin ako kay Dad at Kuya Aidon. It does mean, They'll let Elijah to court me?
Napangiti naman si Elijah sa sinabi ni Daddy. "Thank you po Mr. De Villaga. Hindi ko po kayo bibiguin."
"Tito nalang ang itawag mo sakin,"
Binitawan na rin naman ako ni Kuya Aidon. Padabog na tumayo si Ate Monica sa kanyang upuan.
"Mommy, Let's start this party... Masyadong attention seeker," nakasimangot na wika ni Ate Monica.
"Elijah, Are you sure about this? We're friends," ani ko.
Inakbayan niya naman ako saka lumapit pa ng kaonti sakin.
"I know that you know already that I like you. Hindi ka naman siguro manhid 'no? Gagraduate narin naman tayo kaya walang masama kung ligawan kita. Gusto kita Via higit pa sa kaibigan,"
Kinagat ko yung ibabang labi ko para pigilan ang pag-ngiti ko.
"Hindi ako humahalik ng kaibigan Via, You should know that!" nakangising wika niya.
Siniko ko naman siya na tinawanan niya lang naman.
Nakinig nalang kami kela Ate Monica at Mommy ng nagsalita sila tungkol kay Daddy. Nagbigay din ng kaonting speech si Daddy bago ako inalalayan ni Kuya Aidon para sa family picture.
Akala ng lahat masaya talaga kaming pamilya pero hindi nila alam na yung closeness na 'to ay hangang dito lang talaga.
Nung nakita kong kaonti nalang ang tao sa harap ay kumuha narin ako ng pagkain ko.
"Manliligaw palang pala eh?" wika ng lalaki sa likod ko. Nilingon ko naman yun at nakita ko yung lalaking katabi kanina ni Ate Monica.
"Ang lakas mang-bakod sayo samantalang ngayon ka palang liligawan. Pwede pa akong sumingit diba?" dagdag niya.
"Shut up! Your with my Ate right? Hindi ako magpapatuhog sayo,"
Tumaas naman agad ang sulok ng labi niya sa sinabi ko. "I'm not in a relationship to your Ate. Yes, She likes me but I don't like her. You wanna know why?"
Tatalikuran ko na sana siya pero hinawakan niya ako sa braso at nagsalita uli siya.
"I like you. Since the day, I saw you in starbucks? I know that I like you," seryosong wika niya.
"Let me go!" wika ko. "I said, Let me go. If you don't want to destroy my Dad's party. Just let me go.. Hindi mo alam kung paano magalit si Ate Monica,"
Nginisian niya ako saka binitawan ang braso ko. "You'll be mine!"
Pagdating ko sa pwesto namin ay naabutan ko si Elijah na madilim ang mukha.
"Why?" tanong ko. Kahit alam ko ang rason ay tinanong ko padin siya.
"What did he tell you?" tanong niya.
Umiling ako sa kanya. "Nonsense. Nag-aasar lang Elijah, Hayaan nanatin."
Mabuti naman naniwala si Elijah sa sinabi ko sa kanya.
"Patrick, Why are you keep on looking to my sister?" rinig kong wika ni Ate Monica.
"Huh? I'm not Monica... Your just hallucinating," ani Patrick.
Damn this guy. He just give Ate Monica more reason to hate me.
Hindi ko nalang sila pinansin at pinagpatuloy ang pagkain namin.
"Excuse me..."Nilingon ko si Daddy na nasa likod namin. "Avianna, Are you done? Your Tita's looking for you,"
Pinunasan ko naman ang bibig ko saka tumango kay Daddy.
"Saglit lang ha?" paalam ko sa mga kaibigan ko. Tumango naman sila habang si Elijah ay pinaghatak pa ako ng upuan.
Ngumiti lang ako sa kanya saka sumunod kay Daddy papunta sa table nila Tita.
"Adam, Is this Avianna Shein?" turo sakin ni Tita Adela.
"Hi po...." nakangiti kong wika.
Yinakap naman agad ako nila Tita Adela saka ng ibang Tita ko. Kamag-anak ko sila sa side ni Daddy. Ang hindi ko lang maintindihan bakit ako lang ang hinahanap nila at hindi kasama sila Ate at Kuya Aidon.
"The last time I saw you Iha ay sobrang liit mo pa at ngayon kamukhang-kamukha mo na ang Mommy Avi-----"
"Ate Adela!" putol ni Daddy sa kanya. Napakunot naman ang noo ko dahil parang ibang pangalan ang babangitin ni Tita Adela.
"Pagpasensyahan mo na ang Tita Adela mo ha? Siguro nag-uulyanin siya kaya ganyan siya," panghihimasok ni Tita Edna.
Ngumiti ako sa kanila. "That's fine po Tita... Thank you for coming po pala ha?"
"Oh, That's nothing... Matagal ko ng sinasabi diyan sa Daddy mo na dapat manatili nalang siya rito dahil wala akong tiwala sa kasama mo sa bahay," mapaklang wika ni Tita Adela.
"Po? What do you mean po?" naguguluhan kong tanong.
Napalingon pa ako kay Daddy na nakatingin lang kay Tita Adela.
"Oh... She mean nothing iha. Nga pala, Narinig ko sa Daddy mo na nandito ang manliligaw mo?" panghihimasok ni Tita Edna. "Care to introduce him?"
Kinagat ko naman yung ibabang labi ko. Do I need to that? Hindi ba masyadong mabilis para ipakilala sa kanila.
"Avianna... Puntahan mo si Elijah roon at dalhin mo rito para makilala ng mga Tita mo," wika ni Daddy.
Wala na akong nagawa kundi sundin si Daddy. Napansin ko naman ang paglingon agad ni Elijah sakin ng makalapit ako.
"Oh, Babe tapos ka ng kausapin ng mga Tita mo?" tanong ni Elijah.
Ngumiti ako sa kanya. "Dad told them about you courting me and they want to meet you,"
"Pucha, Bro hindi mo naman kami na-inform na pamamanhikan na 'to," Halakhak ni Anwyll.
Napailing nalang ako sa kanila habang nakatingin kay Elijah.
"Should I call Tita Elisse? Noe, Call your parents." dagdag naman ni Aziel.
"Mga siraulo!" ani ko. Tinawanan naman ako ng mga kaibigan ko.
Tumayo naman si Elijah kaya dinala ko na siya sa table nila Tita.
"Tita, This is Elijah..." pagpapakiala ko kay Elijah. "Elijah, This is Tita Adela and Tita Edna."
"Magandang gabi po Mrs.-----"
"Oh, Cut the crap Iho... Just call us Tita," nakangiting wika ni Tita Edna.
"Welcome to the family, I guess?" halakhak naman ni Tita Adela.
Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon kong ipakilala si Elijah sa kanila.
"Wag kang pakampante. Dahil habang hindi mo napapatunayang deserving ka ay hindi ko ipaglakatiwala ang anak ko sayo," may diing wika ni Daddy.
Napatawa naman sila Tita Edna sa sinabi ni Daddy. Ngumiti nalang akong alanganin sa kanila.
Pagkabalik namin sa table ni Elijah ay nagpaalam naman akong pupunta muna akong restroom.
Habang naghuhugas akong kamay ng makita ko si Ate Monica sa likuran ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Hindi porket pinakilala mo si Elijah kay Daddy. Hindi porket ikaw lang ang hinanap ng kapatid ni Daddy ay ikaw na ang bida,"
"I didn't say that Ate Monica,"
"Ang plastik mo kapag nasa harap ka ni Daddy 'no? Kunware mabait pero hindi naman talaga," mapaklang wika ni Ate Monica.
Mas pinili ko nalang tumahimik dahil hahaba lang ang usapan at masyado ng nonsense ang sinasabi ni Ate.
"I don't know why Kuya Aidon is always taking your side knowing that you are nothing to him," dagdag niya.
Kumuha ako ng tissue saka humarap kay Ate Monica.
"What do you need Ate? Kasi yung mga sinasabi mo sakin ay nonsense na," wika ko.
"Akala mo ba hindi ko napapansin yung pagtingin sayo ni Patrick? I'm sure inakit mo siya para mapansin ka niya. So, You better back off because Patrick is mine!"
Sabi ko na nga ba magiging issue sa kanya si Patrick. Napailing nalang ako sa kanya.
"Si Patrick? Yung katabi mo? Sayong-sayo na siya dahil hindi ko naman siya type Ate. Don't worry, Wala akong planong agawin siya sayo,"
Lumapit sakin si Ate saka hinaklit ang braso ko. "You better make sure na may isang salita ka,"
Pagkatapos niyang bitawan ang salitang iyon ay padabog siyang umalis sa harapan ko.
Bumuntong-hininga nalang ako saka pinilit maging okay. Paglabas ko ay nagulat akong nakita si Patrick na nasa labas ng restroom.
Lalagpasan ko na sana siya ng hinawaknan niya ako sa braso.
"Let me go!" ani ko. "Ano ba, Let me go Patrick!"
Wala naman siyang nagawa kundi bitawan ako ng may dumating na mga babae papasok sa restroom saktong may lumabas din sa restroom ng boys.
"Via?" gulat na wika ni Anwyll saka lumingon sa lalaking nasa harapan ko.
Napapikit ako saka pinilit na alisin ang braso ni Patrick sakin.
"Stay away from me!" madiin kong wika.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Anwyll bago ako inalalayan paalis sa lugar na yun.
"Please, Don't tell Elijah about what you saw Anwyll," wika ko.
Tinignan niya naman ako sa mga mata kaya tipid akong ngumiti sa kanya.
"You know how possessive Elijah right? Ayoko ng away kaya wag mo nalang sabihin," dagdag ko.
"Is he bothering you?"
Tumango ako. "Hindi nanaman mangyayari ulit yun dahil hindi natin siya classmate tapos may relasyon sila ni Ate Monica,"
Hindi pa siya nakakasagot samin ng may tumawag na sa pangalan ko.
"Bakit ang tagal mo Babe?" nakakunot na wika ni Elijah.
Kinagat ko yung ibabang labi ko. They know if I'm not telling the truth. I'm not good in lying.
"Bro, Namiss agad? Mahaba ang pila sa restroom," singgit ni Anwyll.
"Tss..." Hinawakan naman ako sa baywang ni Elijah saka inalalayan pabalik sa table namin.
Naabutan kong nasa table narin namin si Kuya Aidon at si Daddy habang si Mommy ay katabi si Ate Monica.
"Dad, Umuwi na po ang ibang bisita? Sila Tita Edna?" tanong ko.
Tumango si Daddy sakin saka tinaas ang boteng alak na hawak niya.
"Hindi po magpapakalasing ang mga kaibigan ko Dad," ani ko.
"Baby sis, Masyado mo namang pinaghihigpitan si Elijah," halakhak ni Kuya Aidon.
Sinamaan ko siya mg tingin pero tinawanan niya lang ako. Hinayaan ko naman sila sa gusto nila. Alam ko namang alam nila Elijah ang limit nila saka mataas ang alcohol tolerance nito.
Pati ang mga kaibigan ni Ate ay nakikisabay narin sa inuman. Bumulong naman ako kay Elijah.
"Hindi pa ba kayo uuwi? I'm sleepy na." Hikab ko.
"You can sleep... Uuwi nalang kami pagkatapos then I'll text you,"
Tinignan ko siya sa mata niya kaya nginitian niya ako.
"Hindi ako magpapakalasing Babe," aniya.
Dahil nga inaantok na ako ay hinayaan ko sila at nagpaalam akong aakyat na ako para matulog.