Tahimik lang si Kuya Aidon habang nagmamaneho kaya naisipan kong magsalita.
"Is Daddy is there already?" tanong ko. "Sino ang sumundo sa kanya?"
Tumango siya. "Sinundo siya nila Mommy at Monica,"
Buti pa sila ang sumundo kay Daddy samantalang ako nasa school. Pinilit ko nalang wag isipin yun para hindi ako makaramdam ng inggit.
"Boyfriend mo ba yung lalaking nakahawak sa baywang mo?" seryosong tanong ni Kuya.
Napatingin ako kay Kuya at inantay kung may kadugtong pa siya pero seryoso padin siyang nagmamaneho.
"Si Elijah po? He's my friend," ani ko.
Tumango-tango naman si Kuya Aidon sakin. "I'm a man and I can say if a man like you Avi. It's fine if you have a boyfriend already because your in a right age but..."
Lumingon siya sakin bago lumiko sa subdivision namin. "I want him to court you formally... Gusto ko kung magkakaboyfriend ka ay doon ka sa bahay liligawan,"
"Tatandaan ko po yan Kuya Aidon," ani ko nalang para hindi na humaba pa ang usapan.
"Obviously, That man likes you Avi. I don't mind if he courts you but I should know if he's serious about you,"
Bumuntong-hininga ako. I don't know how to explain to my Kuya about Elijah.
I understand already that Elijah likes me but he never told me that he'll court me.
"Kuya Aidon, We're just friends. Hindi naman po siya nanliligaw sakin," paliwanag ko.
Nagkibit-balikat sakin si Kuya Aidon saka pinarada ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.
"If you say so..." aniya saka lumabas ng sasakyan.
Napabuntong-hininga nalang ako saka lumabas ng sasakyan. Hawak ako ni Kuya Aidon sa kamay habang naglalakad kami papasok ng bahay.
Naabutan namin si Daddy na nasa sala habang busy nag-aabot ng pasalubong kela Mommy at Ate Monica.
"Daddy..."
Lumingon naman si Daddy na nakangiti. "Avianna, Napakalaki mo na at mas lalo kang gumanda."
Yumakap naman akong mahigpit kay Daddy. Akala ko hindi magiging masaya si Daddy na makita ako.
"I miss you Dad... Sobra po kitang namiss," ani ko.
Hinalikan niya ako sa noo. "Namiss din kita anak ko. Kamukhang-kamukha mo ang Mommy mo,"
Napatingin naman ako kela Mommy pero inirapan lang nila ako kaya ngumiti nalang ako kay Daddy.
Tinapik niya naman sa balikat si Kuya Aidon. "You did great son... You take care of your Mom and sisters,"
"That's nothing Dad. They're my family," ani Kuya Aidon.
Hinatak naman ako ni Daddy saka umupo sa sofa. "May binili akong bagong sapatos, Bag at cellphone para sayo Avi... I know you'll love my present,"
Kinagat ko naman yung ibabang labi ko. Tinanggap ko naman yung bag na inabot niya sakin pati narin yung dalawang box.
"Wow. Dad, This is the latest iphone and... Yung shoes na madalas kong pinopost sa f*******:," masaya kong wika.
"Alam kong mapapasaya kita kapag yan ang binigay ko sayo,"
Yinakap ko uli si Daddy ng mahigpit habang nagpapasalamat. "Salamat po Daddy, I love you po!"
"Anything for my princess," nakagiting wika niya.
Inabot niya narin ang pasalubong niya kay Kuya Aidon. Nang biglang nagsalita si Ate Monica.
"Daddy, Maayos pa naman po ang cellphone ni Avi. Yung pinadala niyo last time? Yung akin po ang sira na screen kaya dapat akin nalang po yung iphone," ani Ate Monica.
Napatingin naman si Daddy sakin saka kay Mommy.
"Oo nga naman Honey... Sira na ang screen ng cellphone ni Monica," sang-ayon ni Mommy kay Ate.
Nakita ko si Daddy na nahihirapang magdesisyon pero tipid siyang ngumiti kay Ate.
"Monica, I already bought what you want diba? Lahat ng bilin mong pasalubong binili ko na kaya hayaan mo na kay Avianna ang Iphone. She deserve that too since her phone isn't latest edition," paliwanag ni Daddy.
"But Daddy...." naiiyak na tugon ni Ate Monica sakin.
Pati ba naman ito Ate? Pati ba nan dito makikipag-kumpetensya ka?
Sinamaan ako ng tingin ni Mommy habang hawak sa balikat si Ate Monica.
"Hmm... Dad, Okay lang po kung mas need ni Ate Monica ang cellphone. Ayos pa----"
Hinawaka ni Kuya Aidon ang kamay kong nakaangat habang inaabot ang box ng Iphone kay Ate Monica.
"No Avi... Binigay ni Daddy sayo yan. So, You should keep it... I know, Mommy wouldn't mind if she need to buy a new phone for Monica right Mom?" malamig na wika ni Kuya Aidon.
"Kuya Aidon..." ani ko.
Hinawakan niya ako sa pisngi saka ngumiti. "Okay lang yan baby sis... Diba Mommy?"
"Aidon, Mas kailangan ni Monica ng new phone." matigas na wika ni Mommy.
"Edi bumili kayo. Bilhan mo siya tutal binibigyan din naman kayo ni Daddy ng pera at nagbibigay din ako sainyo," inis na wika ni Kuya Aidon.
Kinagat ko yung ibabang labi ko. Nakakaano kasi syempre ngayon lang dumating si Daddy tapos nakikiya niya pa kaming nagtatalo ng dahil lang sa iphone.
"Hayaan niyo na kay Avi ang binigay ni Daddy sa kanya... Mas madami pa siyang nakuha kaysa kay Avi oh? Can you just be contented Monica?" dagdag na wika ni Kuya Aidon.
"Fine!" Umirap si Ate Monica samin ni Kuya Aidon.
Hinawakan naman ni Daddy ang kamay niya saka ngumiti.
"Thank you for understanding Monica," ani Dad.
Ngumiti naman siya kay Daddy. Nag-aya narin si Mommy na kumain ng dinner.
Habang kumakain kami ay naisipan kong tanungin si Daddy about sa pananatili niya dito.
"Dad, Are you staying here for good? I hope it's a yes," tanong ko.
Ngumiti siya sakin. "Well, At first dapat vacation lang 'to pero narealize ko na manatili nalang dito sa pilipinas para mabantayan kayo,"
"Talaga? I'm glad that you're staying here Dad," masaya kong wika.
Sumingit naman si Mommy sa usapan namin habang nakangiti.
"Magpapaluto ako bukas sa mga katulong para magkaron tayo ng konting salo-salo para sa pananatili mo dito satin," masayang wika ni Mommy.
"Wag na Honey... Okay lang naman kahit wala ng ganon," ani Dad.
Kung ako tatanungin ayos lang kahit wala ng ganon pero syempre maganda rin magkaron ng welcome party para kay Daddy.
"Dad, Mini welcome party lang naman yun tapos iimbitihan ko ang mga kaibigan ko," masayang wika ni Ate Monica.
Wala namang nagawa si Daddy sa pangungulit nila Ate Monica at Mommy sa kanya. Nilingon naman ako ni Daddy.
"Avianna, Do you already have a friends?" tanong niya.
Naalala ko bago siya umalis ng pilipinas lagi niya akong sinasabihan na maghanap akong kaibigan.
Pinunasan ko ng ang labi ko saka ngumiti kay Daddy. "Yes Daddy,"
"Really? I'm glad because finally may mga kaibigan kana. You should invite them too..."
"What?!" malakas na wika ni Ate Monica. "No way Dad! That party is for you,"
Gusto kong umirap pero pinigilan ko dahil sigurado akong maiinis lang sila sakin.
"Monica, I just want to meet Avianna's friend. There's nothing wrong with that," paliwanag ni Daddy.
Bago pa makapagsalita si Ate Monica ay sumingit na agad si Kuya Aidon.
"Me too Dad. I want to meet them." Ngisi niya saka nilingon ako. "And besides, Mag-iimbita kadin ng kaibigan Monica right? So, I assumed Avi has the right to invite her friends."
Minsan hindi din maganda ang sinasabi ni Kuya Aidon kaya mas naiinis sakin si Ate Monica dahil madalas niyang ipakita na mas pabor siya sakin.
Wala namang nagawa na si Ate Monica nang pati si Mommy ay sinabing papuntahin ang mga kaibigan ko.
Mabuti nalang din ay wala kaming pasok bukas kaya nung nagsabi ako sa mga kaibigan ko sa groupchat namin ay wala pang minuto ay decided na agad sila.
Tati:
Meeting the parents na raw Elijah hahaha.
Anwyll:
@Elijah You should bring a present for her parents kung gusto mong makuha ang amor.
Noe:
Tandaan mo twin brother... It look likes Kuya Aidon doesn't like you for his one and only bunso hahaha.
Yan lang naman ang sunod-sunod na reply nila sakin nung sinabi kong magkakaroon ng mini welcome party si Daddy lalo na hindi na siya aalis ng bansa.
Nag-type agad ako ng reply sa kanila habang napapailing nalang sa kalokohan nila.
:Remind me again, Why I invite you to my Daddy's welcome party.
Aziel:
Because you want Elijah to introduce to your parents as your boyfriend.
Napapikit nalang ako habang napapangiti habang hawak ang cellphone ko.
:Elijah is not my boyfriend Aziel. Please, Wag niyo akong bigyan ng kahihiyan bukas.
Madami pa kaming pinag-usapan at asaran sa groupchat pero ng nakaramdam ako ng antok ay nagpaalam ako sa kanila na matutulog na ako.
Kinabukasan,
Tinanghali na ako ng gising dahil sa piyat. Kung hindi pa ako ginising ni Kuya Aidon baka tulog padin ako hangang ngayon.
Busy ang mga katulong at si Mommy na nagluluto para sa magiging party mamaya. Narinig ko din kasing inimbitahan ni Mommy ang mga amigas niya at mga Tita ko sa side ni Daddy.
Pagsapit ng alas sais ay unti-unti ng dumadating ang bisita ni Mommy. Nag-ayos narin ako at nagsuot ng simpleng dress at dollshoes.
"Ganda natin ha? May pinaghahandaan ba yan baby sis?" nakangising tanong ni Kuya Aidon.
Inirapan ko naman siya. "Ikaw ba Kuya wala bang girlfriend na dadating dito para ma-meet na ni Daddy?"
Natatawa naman siya sa sinabi ko saka pinisil ang pisngi ko. "Wala pa naman,"
Inaya niya na akong pumunta sa garahe kung nasan ang magiging handaan. Buti nalang din may business si Kuya para maging rason ng pananatili dito ni Daddy.
Napag-usapan kasi nila kagabi na magtutulungan sila para mas mapalago pa ang business ni Kuya Aidon.
Nakita ko si Ate Monica na may mga katabi sa table na hindi ko kilala pero mukhang kaibigan niya.
"Sino sila Kuya Aidon?" tanong ko.
Nilingon niya naman ang tinitignan ko. "That's Monica's friend,"
Tumango naman ako saktong pagtawag sakin ng isa sa katulong namin.
"Ma'am, Nandito na po ang mga kaibigan niyo," aniya.
Nilingon ko naman ang sinasabi niya kaya nagpasalamat ako sa hinalikan sila isa-isa sa pisngi.
Inaya ko silang pumunta kela Daddy para mapakilala sila sakto namang nandon sila sa pwesto nila Ate Monica.
"Dad," tawag ni Kuya Aidon na kinalingon ng lahat samin.
Napansin ko naman ang isang lalaking pamilyar sakin na nasa tabi ni Ate Monica na nakatingin din sakin.
I'm sure I saw him somewhere. Pinili ko nalang na iwasan siya ng tingin.
"Dad and Kuya Aidon, I would like you to meet my friends..." ani ko saka tinuturo isa-isa ang mga kaibigan ko. "This is Anwyll, Aziel, Tati, Noe and Elijah. They're my friends Dad,"
Nakipag-kamay naman ng kamay ang mga kaibigan ko kay Daddy at Kuya Aidon.
"Friends? I thought he's your boyfriend," singgit nung lalaki na nasa tabi ni Ate Monica.
"Boyfriend?" sabay na wika ni Daddy at Kuya Aidon.
Ngayon alam kona kung sino siya. Siya yung lalaki sa starbucks at si Ate Monica ang sinasabi ng kaibigan niya.
"Wait. Patrick, Do you know my sister?" singgit ni Ate Monica.
"Avianna, Sino yung boyfriend na sinasabi niya?" madiing tanong ni Daddy.
Bumuntong-hininga ako saka tumingin kay Daddy.
"Dad, Wala po akong boyfriend." wika ko.