Kabanata 7:
"Elijah..." ani ko sa pagitan ng paghalik niya sakin.
"Damn, You make me crazy Babe. Binaliw mo ako nung panahong hindi mo ako pinapansin," aniya.
Pumikit ako ng madiin. What are you thinking Via? Hindi naghahalikan ang magkaibigan, Why did you let him kiss you?
"Gusto ko ng bumaba. Kung ayaw mong kumain, Iiwan kita rito."
Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sakin habang humahalakhak ng mahina.
Nakahahiya. Gusto ko nalang sabunutan ang sarili ko dahil kahit hawak niya ako kung ayaw kong magpahalik sa kanya dapat nagawa kong pumalag.
"Ang tagal niyo naman?" nakasimangot na bungad ni Aziel.
Binatukan naman siya ni Tati. "How many times do I need to remind you that they need to talked?"
Kinagat ko naman yung ibabang labi ko saka umupo sa hinatak ni Elijah na upuan para sakin.
"Nag-usap ba naman kayo Elijah?" pangungulit ni Noe.
Noe is Noe. She's been like that. Being tsismosa and makulit.
Nakangisi naman si Elijah saka humalakhak. "Nag-usap? Hmm... Sobra pa sa usap,"
"Woaaah...." sabay na wika ni Aziel at Anwyll.
Siniko ko naman si Elijah saka sinamaan ng tingin. Nginisian niya naman ako pero inirapan ko lang siya.
"Nag-usap lang kami. Wag niyong pansinin yang si Elijah," ani ko.
Humalakhak naman si Elijah saka nilagay ang kamay sa baywang ko at hinaplos ang baywang ko.
"Bakit ba ayaw mong malaman na nahalikan kita?" pang-iinis niyang bulong.
"Stop it! Kung hindi uuwi nalang ako," ani ko.
Tinaas niya naman ang dalawa niyang kamay bago nagsimulang kumain. Masaya naman ang mga kaibigan ko na ayos na kami ni Elijah.
Pagkatapos naming kumain ay nag-stay nalang kami sa sala nila at nagkwentuhan habang umiinom ng beer kasama ang Daddy at Mommy nila Elijah.
Habang nakaupo ako ay naramdaman ko naman ang pag-upo ni Elijah sa likod ko bale nasa pagitan na ako ng mga binti niya.
Tinignan ko naman siya ng masama dahil tinitignan nakami ng mga kaibigan namin at parents niya.
"What are you doing?" ani ko.
"Sitting? Isn't obvious Babe?" ngisi niya.
Inirapan ko naman siya saka ngumiti nalang sa mga parents ni Elijah na nakamgiti samin.
"Oh, f**k bro! You are back of being teritorial huh?" pang-aasar ni Anwyll.
Sinamaan ko naman ng tingin si Anwyll. "Oh, Shut up Anwyll!"
Nagtawanan naman silang lahat kaya napahirap nalang ako saka tinunga ang can beer na hawak ko.
"Easy Babe," ngisi ni Elijah sa tainga ko.
Nakaramdam naman ako ng kiliti sa paraan ng pagbulong niya pero binalewala ko nalang.
"Matutuwa talaga ako kapag ikaw ang naging girlfriend ng anak ko Via," singgit ni Tita Elisse.
"No Tita------"
"Don't worry Mommy, She'll be my girlfriend. I promise you that!" putol ni Elijah.
Bumuntong-hininga nalang ako. Kung dati si Elijah ay puro pasaring lang, Ngayon parang nagkaroon na siya ng lakas ng loob.
Hindi naman ako manhid para maramdaman na iba ang pakikitungo ni Elijah sakin. Sadyang ayaw ko lang bigyan ng pansin.
"Gagraduate na rin naman kayo Via at besides ikaw ang gusto ko para kay Elijah dahil alam ko pagdating sayo ay titino yang anak ko,"wika ni Tita Elisse.
Ngumiti nalang ako kay Tita Elisse. I don't want to burst her bubble.
Pagdating ng alas onse ay inaya na ako ni Elijah na umuwi dahil ihahatid niya pa ako.
"Elijah, We can take a cab. Anwyll and Aziel is with us naman eh," paliwanag ko.
Umiling siya sakin. "Mas panatag ako kung ako ang maghahatid sayo,"
"Ang hassle kasi sayo dahil nandito kana oh?"
"Wala namang hassle sakin pagdating sayo," malambing niyang wika habang nakatingin sakin.
Bumuntong-hininga nalang ako saka ngumiti kela Tita Elisse.
"Salamat po sa pag-entertain samin," ani ko saka humalik sa pisngi nila.
Ngumiti naman sakin si Tita Elisse saka hinawakan ang noo kong may bandage.
"Pagalingin mo yang noo mo ha?" aniya. "Elijah, Take care of her. Don't be reckless again!" Dagdag ni Tita Elisse.
Panay asaran naman sila Anwyll at Aziel sa likuran habang si Tati ay nakakatulog. Hindi ko naman mapigilang mapapikit.
Hinawakan ni Elijah ang kamay ko. "Go sleep! I'll wake up kapag nasa bahay niyo na tayo,"
Tumango naman ako saka sinandal ang ulo ko. Hindi rin naman nagtagal ay naramdaman ko na nakakatulog na ako.
"Babe..." Haplos ni Elijah habang tinatawag ako. "Wake up, Sleepyhead!"
Tumingin ako sa paligid namin ng pagmulat ko sa mata ko.
"Nandito na pala tayo," ani ko. "Salamat sa paghatid sakin. Mag-ingat ka sa pagmamaneho ha?"
Ngumiti sakin si Elijah. "Of course Babe,"
Nagpaalam narin ako kela Anwyll at Aziel bago pumasok ng bahay namin. Tanging mga katulong nalang ang naabutan ko sa sala.
"Magandang gabi po Ma'am Avi," bati nila.
Ngumiti ako sa kanila saka nagpaalam bago umakyat ng kwarto ko.
Kinabukasan,
Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Bakit kaya tumatawag ng maaga si Kuya Aidon.
"Hello," ani ko.
[Are you still sleeping?] wika ni Kuya Aidon sa kabilang linya.
"Hmm..."
[Ihahatid ka ba ni Elijah mamaya?]
Bumangon ako saka kinusot ang aking mata. "Opo Kuya,"
[Susunduin kita mamaya kaya wag ka ng magpahatid, Okay?]
"Why? May lakad ba tayo?" tanong ko.
Hindi kasi ako madalas sunduin ni Kuya dahil busy siya sa trabaho niya.
[Hindi ba sinabi sayo ni Monica at ni Mommy?] tanong niya.
Bumuntong-hininga ako. I don't know what to say. Ni minsan hindi ko sinabi sa kanya ang naging trato sakin nila Ate Monica pero alam kong nakakahalata si Kuya sa nangyayari.
[Uuwi si Daddy... Ngayon ang dating niya kaya susunduin kita mamaya para maaga kang makadating diyan sa bahay,] dagdag ni Kuya.
Uuwi na pala si Daddy. Limang taon na simula ng pumunta siya sa california para magtrabaho para samin.
Nagpaalam narin si Kuya Aidon kaya nag-asikaso na rin ako. Alam kong busy si Daddy sa ibang bansa kaya hindi niya ako matawagan kapag naman tumatawag siya kay Mommy ay hindi niya ako madalas makausap kasi sinasabi nila Mommy na wala ako kahit anng totoo ay nandito lang ako sa bahay.
Lumabas na agad ako ng marinig ko yung busina ng sasakyan ni Elijah. Napag-usapan din kasi naming sa starbucks na kami mag-aalmusal.
"Ako na bahala sa order mo," bungad ni Elijah ng makaupo ako sa table.
"Ikaw narin ba ang bahala sa order namin twin brother," ngisi ni Noe.
Hindi ko naman maiwasamg mapangiti sa kanila.
Tinaasan naman siya ng kilay ni Elijah. "Who says? Can you remind me who are you?"
Umirap naman si Noe. "Duh! I'm your one and only twin sister. Napakadamot mo 'no? Mas kaya pa kitang bilhin,"
Humalakhak naman si Elijah saka umiling at nagpunta na sila sa counter. Hindi rin naman niya kinuha ang bayad ni Noe at Tati. Knowing him how much he loves his twin sister, He won't let Noe pay her own food.
Naramdaman ko ang paniniko ni Tati sakin. "Kanina ka pa sinisipat ng lalaki sa kabilang table,"
Napalingon naman ako sa sinasabi niya sakto namang nakatingin nga sakin ang isa sa mga lalaking nakaupo doon at kininditan pa ako.
Umiwas naman ako ng tingin habang tumitili ng mahina si Tati at Noe. Inilingan ko naman silang dalawa.
"Stop that! You look like crazy," ani ko sa kanila. "He's gwapo but at the same time he looks mayabang,"
Humalakhak si Noe sakin. "Conyo mo,"
Ngumiti lang ako sa kanila saka kinuha ang cellphone ko para mag-browse sa IG ko.
"Excuse me..."
Napalingon naman kami sa boses na pinanggalingan kung nasan yung lalaking kumikindat sakin kanina. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa counter at si Anwyll lang ang nakatingin samin.
"Yes, You need something?" tanong ko.
Ngumiti naman yung lalaki sakin saka naglahad ng kamay. "I would like to introduce myself, I'm Patrick from Sto. Tomas University."
Bago pa ako makasagot ay biglang may nagsalita ng malamig.
"I believe my girlfriend doesn't care about you," malamig na wika ni Elijah.
Tinaasan naman siya ng kilay nung lalaki sa harap ko.
"Sino ka ba?" maangas niyang wika.
"Sino ako? Ako lang naman ang nightmare mo!" malamig na wika ni Elijah. "I'm his boyfriend,"
Elijah and I are just friends but I don't want to talked to this guy that's why I let Elijah to tell that I'm his girlfriend.
Tumingin naman ako sa mga kaibigan kong babae na nakatingin lang sakin at kay Elijah na nakatingin sa lalaki.
"Is that true Ms? Is he your boyfriend?" sunod-sunod niyang tanong sakin. "You look an angel. So, You doesn't deserve to have a devil boyfriend,"
Nakangisi pa siya habang sinasabi niya yun. Susugurin na sana siya ni Elijah pero tumayo ako saka hinawakan sa braso si Elijah.
"Can you leave us alone? I don't care about you. Please, Stop pestering me!" malamig kong wika.
Ngumisi naman sa kanya si Elijah. "Narinig mo naman siguro ang sinabi ng girlfriend ko? Now, Leave the f**k us alone!"
Lumapit naman ang isa sa mga kaibigan nung lalaki saka hinawakan siya sa balikat habang nagpipigil ng tawa.
"Pare, Tama na yan... Mamaya makita kapa ni Monica dito. You know how obsessed that girl to you," bulong nung lalaki.
Seriously? Bulong pa ba yun at Monica? Is that my Ate?
Bumuntong-hininga nalang ako saka nilingon si Elijah. "Elijah, Let's eat! Malalate tayo sa klase natin,"
Inalalayan na ako ni Elijah na makaupo uli saka siya umupo. Padabog namang umalis yung lalaki saka inaya ang mga kaibigan niyang umalis na.
Humalakhak naman si Anwyll na paramg kanina niya pa pinipigilan ang tawa niya.
"Hindi ka pa boyfriend niya bro... Pero sobrang possessive mo na," ngisi ni Anwyll.
"Everyone should know that Via is mine,"
Napailing naman ako sa kanila. Pagkatapos naming kumain ay dumiretso narin kami agad sa university.
Halos kasabayan lang namin ang pagdating ng professor namin.
"Kumusta ang pag-rereview niyo Ms. De Villaga?" tanong ng Professor namin habang nagliligpit siya ng gamit.
"Okay naman. Sinisigurado po naming maaaral namin lahat ng tinuro niyo po samin," wika ko.
Ngumiti siya samin. "That's good. Don't fail me, Okay? Classed Dismissed!"
Kinuha ko naman yung bag ko saka cellphone ko sa table ng may mag-pop up na message ni Kuya Aidon.
Kuya Aidon:
Baby sis, I'm here... I'll wait for you! Loveyouuu.
Message sent.
"Who's that?" tanong agad ni Elijah.
Nagtawanan naman ang mga kaibigan namin.
"Bro, You're so possessive... Pati ba naman ang nag-tetext kay Via ay kailangan mong malaman?" natatawang wika ni Aziel.
"Your not his boyfriend twin. So, Please stop it!" dagdag na pang-asar ni Noe sa kakambal.
Napasimangot naman si Elijah sa pang-aasar sa kanya ng barkada.
"Hindi pala ako makakasama sa review natin ngayon girls. Kuya Aidon is waiting for me eh," ani ko.
"Why?" tanong ni Tati.
"Ngayon ang dating ni Daddy. Kanina ko lang nalaman, Sinabi ni Kuya Aidon sakin," paliwanag ko.
Nanlaki naman ang mga mata nila. "Oh, It's been 5 years since Tito Adam leave the country," ani Elijah.
"Kaya nga eh. Sana nga lang hindi na siya bumalik sa cali," ani ko habang naglalakad kami papunta sa parking.
Nadatnan ko si Kuya na nakasandal sa kanyang ford. Napatingin naman agad siya samin lalo na kay Elijah na hawak ako sa baywang.
"Kuya Aidon..." bati ko.
Naiilang pa ako kasi iba ang pagtingin niya sa katabi ko. Dahan-dahan ko namang tinanggal ang kamay ni Elijah sa baywang ko saka humarap sa kanila.
"Salamat sa paghatid sakin dito. Mag-ingat kayo," ani ko. Lumapit ako sa kanila saka hinalikan sa pisngi.
Bago pa ako makalapit kay Elijah ay tinawag na ako ni Kuya Aidon.
"Avi, Let's go. Daddy is waiting for us," aniya.
Tumango naman ako saka tumingin sa mga kaibigan ko at ngumiti sa kanila. Sumakay naman ako agad sa passenger seat at sinuot ang seatbelt habang inaantay na makapasok si Kuya Aidon.