Dalawang araw na ang lumipas simula ng mangyari yun at mamaya naisipan ko ng sumama sa review namin nila Tati.
I'm just being civil at them. Like what I said, I'm not mad. I just didn't like the idea that they're fighting because of me.
"Makakasama kana ba sa review natin Via?" tanong ni Noe.
Tumango ako sa kanya saka tipid na ngumiti. Binalik ko naman ang focus ko sa pag-bobrowse sa cp ko ng marinig kong nag-uusap yung tatlong boys.
"Sino yung kachat ni Via?" bulong ni Elijah kela Anwyll.
"Hindi ko alam... Bakit kasi hindi mo pa kausapin?" rinig kong bulong ni Anwyll.
Inaantay ko ang rason niya pero hindi ko na siyang narinig na magsalita pa. Sumapit ang uwian namin at habang nagliligpit ako ay nag-uusap lang sila.
Bakit ganon? Pakiramdam ko na-oout of place na ako sa kanila.
"Let's go?" tanong ni Elijah ng makabalik siya galing sa restroom.
Tumingin pa siya sakin pero hindi nalang ako kumibo. Pagdating namin sa parking ay sasakay na sana sila sa backseat pero pinigilan ko si Aziel.
"Hmm... Aziel, Can you seat infront?" alanganin kong wika.
"Huh?" naguguluhan niyang wika saka nilingon si Elijah. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Elijah.
"Sumakay kana sa front seat Aziel, Tara na!" malamig na wika ni Elijah.
Nang makasakay naman kami agad niyang pinaharurot ang sasakyan pero minsan napapansin ko ang pagtingin ni Elijah sakin mula sa rearview mirror.
Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan ng biglang prumeno ng malakas si Elijah dahilan kung bakit nauntog ako sa bintana.
"Via..." malakas na sigaw ni Tati at Noe. Napahawak naman ako sa noo ko dahil masakit ang pagkakahampas ko.
"s**t!" rinig kong wika ni Elijah.
"Pare, San ka pupunta?" nag-aalalang wika ni Aziel kaya napatingin ako kay Elijah na nagtatanggal ng seatbelt.
Dire-diretso siyang lumabas saka sinisigawan yung sasakyan na muntikang makabanga samin.
"Pigilan natin siya. Mamaya mapaaway si Elijah eh," ani Noe.
Lumabas naman kami habang nakahawak sakin si Tati. Pinagmumura ni Elijah ang kabilang driver at hinahamon ng suntukan kahit pinipigilan siya nila Anwyll.
Lumapit na ako saka hinawakan sa braso si Elijah.
"Stop it!" ani ko kay Elijah saka hinarap yung driver. "Umalis na po kayo sir at mag-ingat nalang po kayo sa susunod,"
Humingi naman siya ng pasensya bago pinaandar ang sasakyan.
"Bakit mo pinaalis? Nang dahil sa kanya nasaktan ka," inis na wika ni Elijah.
"I'm fine Elijah," wika ko.
Bago pa siya makapagsalita ay sumingit na si Tati samin habang nakaturo sa noo ko.
"Via, You're bleeding!" aniya.
Napatingin naman silang lahat sa noo ko lalo na si Elijah na agad hinawakan ang mukha ko.
"Dadalhin ka namin sa ospital," aniya.
Umiling ako sa kanya. "I'm fine..."
Tutol pa sana siya pero nagpumilit ako kaya sinabi niyang magpapapunta siya ng Doctor sa bahay nila.
At kahit tumutol pa ako ay alam kong hindi ko sila mapipilit lalo na si Elijah. Panay punas ako sa noo ko pero patuloy pading tumutulo ang dugo sa noo ko.
"Elijah, I think Via needs to go to the hospital," wika ni Tati.
"No... I'm fine," pigil ko.
Kinunutan naman ako ng noo ni Tati. "You're fine? Your head still bleeding,"
Umiling ako sa kanila saktong tumigil ang sasakyan ni Elijah. Nasa tapat na pala kami ng bahay nila.
"Elijah, Noe nandito na si Dr. Espeña... Ano bang nangyare? Bakit niyo kailangan ng Doctor?" sunod-sunod na tanong ni Tita Elisse. Ang Mommy nila Elijah at Noe.
Bigla naman akong nahiya dahil nakaistorbo pa ako sa Mommy nila.
"Mom... Via's head is bleeding," ani Noe.
"What?" Lumingon naman sakin si Tita Elisse kaya ngumiti nalang ako ng tipid.
"Tita, I'm fine... Huhugasan ko lang po ito ng tubig ay mawawala na rin po 'to," paliwanag ko.
Umiling siya sakin saka inalalayan ako papasok sa loob ng bahay nila. Ginamot naman agad ako ng family doctor nila habang ineexplain nila Noe ang nangyare samin.
"Inumin mo ito Iha para hindi kumirot ang ulo mo ha?" bilin ng Doctor bago umalis.
Hinatid naman siya ni Tita Elisse sa labas.
"Are you okay?" tanong ni Tati.
Tumango ako sa kanila saka ngumiti ng tipid. Nakatitig lang naman sakin si Elijah habang nakatayo sa harapan ko kaya hindi ko maiwasang mailang sa paraan ng pagtingin niya.
"Aray ko, Mommy!" sigaw ni Elijah habang pilit na inaalis ang kamay ni Tita Elisse na pinipingot ang tainga niya.
"Ilang beses kitang sinabihang mag-ingat sa pagmamaneho diba? Kita mo ang nangyari sainyong magkakaibigan... Pano kung nabangga na talaga kayo ng tuluyan ha?" panenermon ni Tita Elisse saka binitawan siya.
Hinawakan naman ni Elijah ang tainga niyang namumula.
"Hindi ko naman gusto ang nangyare Mom..."
Inirapan lang siya ni Tita Elisse saka umupo sa gilid ko at hinawakan ang kamay ko.
"Ayaw mo ba talagang magpa-confine ng ospital? Pasensya na ha? Masyadong reckless driver ang anak ko kaya nasaktan ka pa tuloy," wika ni Tita Elisse.
Makikita mo kay Tita Elisse ang pag-aalala niya sakin. Kung si Mommy kaya siya ganito din kaya siya? Kung sasabihin ko kaya ang nangyari baka magpaparty pa siya.
"I wish you were my Mom..."tanging wika ko.
"Iha?"
Bigla naman akong nabalik sa wisyo ng inalog ni Tita Elisse ang kamay ko. Ngumiti nalang ako ng tipid.
"I'm fine Tita... Don't worry too much,"
Hinawakan niya naman ako sa pisngi saka nagpaalam samin.
"Magluluto muna ako para may makain kayo ha?" Tumayo siya saka nilingon ang dalawang kambal. "Entertain your friends, Okay?"
Nakangiti namang tumango si Noe habang si Elijah ay hawak padin ang namumulang tainga.
Inaya naman nila kaming umakyat sa library room nila para makapag-review na.
Habang nagrereview kaming tatlong babae ay naglalaro naman sila Elijah ng Ml sa gilid. Buti nga hindi sila nanggugulo samin.
Natigil lang kami ng may kumatok sa pintuan ng library room nila.
"Ma'am, Pinapatawag na po kayo ng Mommy niyo para makakain na raw po," ani ng katulong nila.
Ngumiti naman si Noe sa kanya. "Sige po Ya... Sunod na po kami,"
Inayos ko muna ang gamit ko bago sumunod sa kanila. Napalingon naman akong kay Elijah nakatitig sakin.
"Elijah..." gulat kong tanong. Kinagat ko yung ibabang labi ko saka umiwas ng tingin sa kanya. "Bakit nandito ka pa? Kakain na raw,"
"Ikaw nga nandito pa eh," sarkastiko niyang tugon.
Kung pwede ko lang siya irapan ay ginawa kona. Napakapilosopo. Ni hindi ko nga alam bakit niya ako kinakausap samantalang the last time I know he's mad at me.
"Hmm... Tara na," ani ko saka lalagpasan na sana siya pero hinawakan niya ang braso ko.
"Are you still mad at me?" mahinahon niyang wika.
Napakunot ako ng noo sa tanong niya. Bakit niya ako tinatanong? Eh siya nga ang biglang nanlamig ng pakikitungo sakin.
"I supposed to asked you that? Ikaw ang galit sakin diba?"
Nginisian niya ako. "How can I supposed to mad at you Via? Tell me how?"
"Elijah please... Baka nag-aantay na satin ang mga kaibigan natin,"
Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko saka lalakad na sana palabas ng kwarto pero hinawakan niya uli ako para pigilan.
"Do you still mad at me Via? Answer me!" aniya. "Answer my damn question!"
Bumuntong-hininga ako saka umiling sa kanya. "Hindi ako galit sayo Elijah,"
Nakatingin lang siya sa dalawang mata ko. Kinagat ko naman yung ibabang labi ko dahilan kung bakit siya napatingin sa labi ko.
"E-Elijah, I think kailangan nanating bumaba... Tara na." Tinanggal ko uli ang kamay niya sa braso ko.
Bubuksan ko na sana yung pinto ng sinara niya ang pinto at hinatak niya ako pabalik saka sinandal ako sa pintuan.
"E-Elijah..." ani ko.
Nakatingin lang siya sakin habang hawak ako sa braso at sa baywang ko.
"Hindi nga ako galit sayo Elijah. Ikaw ang unang hindi namansin sa ating dalawa diba? Ikaw ang biglang nanlamig ang pakikitungo sakin," paliwanag ko.
"I'm not mad at you Via. I can't be mad at you, Do you understand?"
Tumango ako sa kanya saka itutulak na sana siya palayo sakin pero hinawakan niya akong mahigpit sa braso saka ako hinalikan sa labi.
Nanlaki naman ang mata ko sa ginawa niya kaya hindi ko magawang makagalaw sa kinasasandalan ko.
Mas lalo niya namang diniinan ang paghalik sakin kaya napahawak ako sa damit niya.