Ka-lalabas lang ni Paolo ng banyo at nakapag-bihis na, suot niya ang isang jogging pants at isang T-shirt na parehong itim. “Lumabas ka na riyan!” saad ng lalaki nang buksan nito ang pintuan ng kwarto, sumunod naman siya rito at bumalik sila sa stadium kanina na pinanggalingan nila.. Silang apat lang ang naroon ng mga lalaki na laging naka-bantay sa kanila ni Iska. “Lahat ng mga gamit dito ay pwede mo na magamit para makapag-ensayo, simulan mo na.” tinuran ng lalaki at agad niya na ini-libot ang mata sa paligid, may mga punching bags at mga dumb bell at iba pa na mga gym equipments. Tiningnan niya muli ang tatlong lalaki na kapwa na-upo sa isang gilid at nag-babantay lang sa kanya, sinimulan na niya mag-buhat ng mga dumb bell at ilang minuto lang ay nilapitan siya ng isang lalaki. “Oh, ayan.” sambit nito sabay abot sa kanya ng isang parang libro na hindi naman gaano makapal, itinigil niya muna ang pag-dudumb bell at binuklat iyon.. Doon mababasa lahat ng mga basic skills pang-martial arts at binasa niya muna iyon habang nag-papahinga.. Ilang minuto lang ay sinubukan niya na gayahin kung paano sumuntok at umilag katulad ng mga nasa libro sa harap ng punching bag. Halos dalawang oras rin siya na nag-eensanyo, naupo na muna siya sa isang gilid dahil nakaramdam na siya ng pagod.. Ilang sandali lang ay lumapit na ang tatlong lalaki sa kanya. “Babalik na tayo.” saad ng isang lalaki sa kanya kaya tumayo na rin siya agad at sumunod, “Sandali.” sambit ni Paolo nang nakapasok na siya sa silid at akmang isasara na ng lalaki ang pinto para i-lock. “Bakit?” tugon ng lalaki “Hindi ko ba makakasama si Iska ngayon?” tanong niya “Malinaw naman ang sinabi ni boss ah? Pagkatapos pa ng laban mo siya maaring makita, kung .. mananalo ka.” muling tugon nito sabay sara ng pinto at ini-lock, napa-hilamos naman siya ng kanyang palad pataas ng kanyang ulo at napa-sabunot pa sa buhok dahil sa sobrang inis.
-“Bakit kaya hindi pa pinababalik si Paolo dito, ang sabi ay bukas pa ang laban niya ah?”- tanong sa isip ni Iska dahil nag-aalala siya sa mga pwedeng mangyari kay Paolo, bigla naman na bumukas ang pinto ng kwarto at agad siya na napa-tayo sa sofa bed “Oh, mga damit daw iyan na pwede mo magamit at nariyan na rin ang pagkain mo.” saad ng lalaki pagka-patong ‘non sa lamesa at akmang isasara na ang pinto “S-sandali lang!” sambit ni Iska “Ano yun?” tugon nito “Si Paolo?” ani Iska “Nandoon siya sa unahang silid sa kanan” tugon sa kanya “Bakit hindi siya dito?” muling tanong ni Iska “Bakit ba ang dami mo tanong!” naiinis na saad nito “Paki-sagot lang naman oh.” paki-usap ni Iska sa ma-luluhang tono ng boses “Hays, ang kulit mo. Makikita mo lang siya ulit kapag nanalo siya sa laban niya!” saad nitong muli “Ano ibig sabihin ‘non?” nagtatakang tanong na naman ni Iska “Kapag hindi siya naka-balik dito, natalo siya o kaya patay na!” nananakot na tugon nito sa kanya “Bawiin mo ang sinabi mo! Hindi siya mamamatay!!” mangiyak-ngiyak na sigaw ni Iska “Bahala ka nga diyan!” sigaw na tugon nito sabay sara at lock ng pinto. -”Diyos ko! Huwag po, huwag naman po.. Huwag niyo po hayaan na mangyari iyon at iligtas niyo po kami para makawala na dito.”- dasal sa isip ni Iska, nang kumalma naman na siya ay binuksan niya ang malaking plastic na nasa lamesa. -”Ano ‘to? Hindi naman ako sanay sa ganitong damit!”- bulong sa isip ni Iska nang makita ang laman ng mga iyon kaya ang isang plastic na lang na may styroware at bottled water ang inuna niya at kumain na muna, nagpahinga na rin siya pagkatapos dahil parang may sinat pa rin ang pakiramdam niya.
“Iyan daw ang costume mo bukas ng gabi at nariyan ang pagkain mo.” saad ng lalaki pagkabukas ng pinto at nilagay sa may lamesa, “Teka! Si Iska, kumain na? Magaling na ba siya?” tanong ni Paolo “Anak ng! Nakakahalata na ako sa inyong dalawa ah! Ginagawa niyo ako na messenger!!” naiinis na tugon nito “Huwag ka na magreklamo dahil ginusto mo yan.” tinuran ni Paolo “Aba’y gago ka rin pala ee!” sambit nitong muli “Ano nga kasi? Sabihin mo na kung kumusta siya at anong sinabi niya!” pag-pupumilit ni Paolo “Haaay, tinanong niya kung buhay ka pa!” nang-aasar na tugon nito “Hindi ako nakikipag-gaguhan sayo, kinakausap naman kita ng matino kaya ayusin mo!” naiinis na saad ni Paolo “Oo na! Kadadala ko lang ng damit at pagkain niya, hinahanap ka rin.. Sabi ko patay ka na.” malokong tugon nitong muli “Tarantado ka ba ha! Bakit mo sinabi iyon!!” sigaw ni Paolo sabay hablot sa damit nito “Mukha naman na magaling na at kasing kulit mo! Tanong nang tanong!! Bitiwan mo nga ako!” naiinis na tugon nito at hinawi ang kamay niya “Bawiin mo ang sinabi mo sa kanya at iharap mo ako sa kanya ngayon!” ani Paolo “Tangina mo! Ang sinabi ko lang na nasa isa ka sa mga kwarto dito! Ayos ka na?” tugon nitong muli “Gago!” sambit ni Paolo “Gago ka rin! Diyan ka na!!” tugon nito at ni-lock na ang pinto. Nang kalmado na si Paolo ay binuksan niya ang plastic at naroon ang isang boxing shorts na kulay black at red at pulang pares ng boxing gloves at iba pa na gagamitin niya, may isa ring full faced mask na katulad ng ginagamit ng mga wrestler na pinaghalong kulay itim at pula.
Kinabukasan, “Kumusta?” sambit ni Red Wolf at napabalikwas si Iska sa gulat at napa-tayo sa sofa bed.. “Lumabas muna kayo.” utos niya sa tatlong bantay na agad nilang sinunod at sinara ni Red Wolf ang pinto sabay bumaling ng tingin kay Iska at hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa. Dahan-dahan lumakad palapit si Red Wolf kay Iska kaya napa-atras siya “Bagay sa iyo ang ipinadala ko na damit ah, nagustuhan mo ba?” saad niya “Hindi ako sanay sa ganito, wala lang ako pagpipilian at kailangan ko na mag-palit.” tugon ni Iska, tila ngayon lang siya nakaramdam ng ganong kilabot at takot sa buong buhay niya.. Hinawakan siya sa braso at pisngi ni Red Wolf at marahang hinahaplos. “Bitiwan mo nga ako!” sigaw ni Iska at nag-pumiglas kaya napa-upo siya sa sofa bed at tinitigan ang legs niya ni Red Wolf maging ang diddib niya dahil hapit ang suot niya.. Naupo si Red Wolf sa tabi ni Iska at bahagyang lumayo si Iska, “Huwag mo nga ako lapitan! Nasaan ba si Paolo? Ano ba ginagawa mo dito!!” sigaw ni Iska sabay akmang tatayo ngunit bigla siyang hinablot sa baywang at pinigilan ni Red Wolf at inilapit sa kanya “Ano ba!” sambit ni Iska “Nakaka-sama naman ng loob, ako ang narito pero siya ang hinahanap mo.” saad ni Red Wolf “Ano naman pakialam ko sa iyo!” sigaw ni Iska at nagpupumiglas, inilapit ni Red Wolf ang mukha niya sa leeg ni Iska at inaamoy siya at bumulong sa kanyang tainga.. “Nagdadalawang isip tuloy ako kung ano ang mas gusto ko na mangyari, ang manalo ba siya para dumoble ang pera na ipupusta ko.. O matalo siya .. para makuha ko ang gusto ko sa iyo.” saad niya, na-tuod naman si Iska at natahimik sabay nilingon si Red Wolf na nagtataka “Oo nga pala, hindi mo pa alam.” sambit niya “Ang ano?” ani Iska “Kailangan niya manalo dahil kapag natalo siya, ikaw ang kapalit.” tinuran ni Red Wolf “Nababaliw ka na ba? Wala naman sa usapan iyon!” singhal ni Iska sabay tulak sa kanya “Hahahah! Siya kamo ang malamang na nababaliw na sa mga oras na ‘to dahil alam niya na at sinabi ko na rin sa kanya.” saad ni Red Wolf at tumayo “Sige, maiwanan na muna kita.” tinuran ni Red Wolf at tuluyang lumabas ng kwarto at ni-lock.
Lumipas ang maghapon, balisa si Iska dahil lumalalim na ang gabi.. Biglang pumihit ang lock ng pinto habang hindi siya mapakali kaka-lakad sa loob ng kwarto kaya bigla siyang nagtago sa likod ng pintuan bago pa man tuluyang bumukas dahil kinabahan siya. “Oh, ayan na ang mga gamot sa sugat mo pati ang pagkain niyo!” saad ng isang bantay at pinatong iyon sa lamesa na nakapag-paluwag ng paghinga ni Iska nang marinig niya, nang sumara ang pinto at na-lock na.. “P-paolo?” sambit ni Iska na pumapatak na ang mga luha, agad naman na napa-lingon si Paolo sa kanyang likuran “Iska.” sambit niya at bahagyang napa-awang ang bibig sa gulat, naka mini-skirt dress na itim si Iska na hanggang kalahati lang ng hita niya kaya lalong lumitaw ang kaputian niya at dahil sleeveless at fitted iyon ay kita ang hubog ng katawan niya.. Natauhan naman si Paolo nang biglang yumakap si Iska at siniksik ang mukha sa dibdib niya at humagulgol ng iyak. “I-iska! B-bakit? Anong ginawa nila sa iyo?” natatarantang tanong ni Paolo at bumitiw ng yakap si Iska sabay hinawakan niya sa magkabilang pisngi at pinunasan ang mga luha niya gamit ang daliri “S-si Red Wolf, kanina.. Nandito. A–akala ko siya ulit ang pumasok ..” nauutal na saad ni Iska “Ano ginawa ng hayop na iyon!!” sigaw ni Paolo “S-sabi niya kapag natalo ka daw ay ako ang kapalit.” tugon ni Iska at agad siyang niyakap ni Paolo nang marinig iyon “Hayop siya! Hinding-hindi mangyayari iyon!!” singhal ni Paolo, nang mahimasmasan na si Iska ay naupo sila sa sofa bed. “K-kumusta naman Paolo?” tanong ni Iska “Ayos lang ako, bakit pala ganyan ang suot mo?” saad ni Paolo “Ahh.. kasama ito ng mga damit kahapon na binigay nila nung hinatiran ako ng pagkain, kahit hindi ako sanay ay kailangan ko na mag-palit.” tugon ni Iska “Nasaan ang iba pa?” ani Paolo at tinuro ni Iska ang plastic na nasa gilid ng sofa bed at binukasan ni Paolo “Ano ‘to?” sambit ni Paolo nang makita ang mga puro tube dress at maninipis na iba pa na mga damit na halos fish net na lang “Tangina! Anong klaseng damit ‘to?” naiinis na saad ni Paolo at hinagis iyon sa sahig at bahagya pa na sinipa “Huwag mo isusuot iyan ah! Ganyan na ba ang ayos mo nang mag-punta dito si Red Wolf?” tinuran ni Paolo at napa-yuko si Iska sabay tumango “Hayop siya!! Tangina niya!! Halatang sinadya niya pa talaga!!” singhal ni Paolo, bumuntong hininga si Paolo at tumayo.. “Tara na at kumain na muna.” saad niya at nag-punta sa may lamesa, binuksan niya muna ang mga gamot para gamutin muna ang mga sugat niya nang kunin iyon ni Iska sa kanya “Ako na.. Maka-bawi man lang ako.” saad ni Iska “Hindi mo kailangan bumawi dahil natural lang iyon.” sagot ni Paolo “Kahit na.. Sinasabi mo lang iyan.” tugon ni Iska “Maupo ka muna.” dagdag pa niya at pinalapit si Paolo sa isang upuan na nasa tabi ng lamesa “Ako na bahala, Iska.” sambit ni Paolo nang naka-upo na siya at lumapit si Iska sa kanya at akmang papahiran na ng gamot ang mga sugat niya “Ako na nga..” sambit ni Iska at wala na siya nagawa pa, dahil malaking tao itong si Paolo ay kahit naka-upo ay halos hindi naman na kailangan yumuko pa masyado ni Iska ngunit hindi maiwasan ni Paolo ang matitigan si Iska dahil sobrang lapit na rin ng mukha nila sa isa’t isa.
“May problema ba?” ani Iska nang mapansin na napapa-ngiti si Paolo sa kanya “Masaya lang..” wala sa loob na sambit ni Paolo “Ano?” nagtatakang sambit ni Iska “Ah.. Ano, masaya ako na .. maayos ka naman.” saad ni Paolo at tumango na lang si Iska sabay ngumiti at itinuloy ang paggamot sa mga sugat at pasa ni Paolo na halos mamaga na ang buong mukha “Palagay ko mamamaga pa nang husto bukas ang mga sugat at pasa mo, ngayon pa lang ay namamaga na.” nag-aalala na saad ni Iska “Hayaan mo lang at mawawala rin iyan.” tinuran ni Paolo habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa mukha ni Iska “Alam mo.. Iska .. Hindi ko masisisi si Henry.” biglang saad ni Paolo na ikina-kunot ng noo ni Iska sabay tingin nang nagtataka kay Paolo “Ha?” sambit ni Iska “Ahh.. dahil ba wala pa sila? Maging ako ay naiinip na, pero tulad ng sabi mo hindi natin sila masisisi..” dugtong naman ni Iska “Hindi iyon ang ibig ko sabihin.” sagot naman ni Paolo “Ha! Ee, ano ba iyon?” nagtatakang tanong ni Iska at napa-ngiti si Paolo dahil lukot na ang mukha niya sa sobrag pagtataka “Hindi ko siya masisisi dahil sobrang ganda mo.” saad ni Paolo habang nakatitig lang sa mukha ni Iska “Ano? Dahil sa pagkaka bugbog mo kung anu-ano na pinagsasasabi mo!” gulat na gulat na tinuran ni Iska “Totoo naman ah, loob at labas ay napakaganda mo.” muling saad ni Paolo na hindi napapatid ang tingin sa kanya at namumula na rin ang mga pisngi ni Iska “Ibang klase pagkaka-alog ng ulo mo ah!” tinuran ni Iska muli “Bakit ba ayaw mo maniwala na maganda ka.” saad ni Paolo “Ang weird mo na ah, dati-rati wala ka ginawa kung hindi asarin at pikunin ako samantalang ngayon ay puring-puri mo ata ako?” naguguluhan na saad ni Iska at natawa nang mahina si Paolo “Oo, tama ka.. Nakakatuwa ka na tignan kapag napipikon na.” natatawang saad ni Paolo “Inaasar mo lang talaga ako ano!” naiinis na saad ni Iska at diniinan ang sugat ni Paolo sa pisngi na bigla tuloy dumugo nang kaunti at nataranta siya na punasan iyon “Hala! Sorry, ikaw kasi ee..” naka-nguso at nag-aalala na sabi ni Iska dahil napa-ngiwi naman sa kirot ang mukha ni Paolo na agad rin inalis ang eksresyon niya na iyon nang mapansin na maiiyak na si Iska “Ayos lang, huwag ka mag-alala.” sambit ni Paolo at ngumiti habang kinuha ang bulak sa kamay ni Iska at pinunasan ang tumulong dugo sa pisngi niya “Ako na..” malambing na saad ni Iska at hinayaan na ulit ni Paolo si Iska na ipag-patuloy ang paglalagay ng gamot sa mga sugat niya “Kapag nakaalis na tayo rito at maayos na ang lahat, pwede ka na mag-nurse dahil ang galing mo mag-alaga.” naka-ngiting saad naman ni Paolo habang tinatanggalan siya ng benda sa mga kamao “Ayan ka na naman! Kung kasing bolero mo at mapang-asar ang magiging mga pasyente, ay ayoko na lang!” naiinis na tugon ni Iska na ikina-tawa ni Paolo.
“Ano na ba gagawin natin Henry?” ani Roly “Hindi ko alam! Bwisit!! Kahit na anong isip ko kung hindi ko naman kilala kung sino ang nasa likod nito o kahit na kung saan man lang nila dinala sina Iska, wala man lang bakas!!” naka-kuyom na ang kamao ni Henry sa inis, bigla naman na may nag-doorbell “Sino na naman kaya iyon?” ani Roly at agad silang lumabas papuntang gate “Analyn?” nagtatakang sambit ni Dino na agad pinapasok siya sa loob “Ano ginagawa mo dito?” tanong ni Dino “Ah.. pasensya na ah, nag-aalala lang ako nang sobra nang malaman ko kina Janna ang nangyari kaya raw nag-leave si Iska.” saad niya “Alam mo na pala ang nangyari, bakit nagpunta ka pa dito. Delikado!” nag-aalalang tugon ni Dino “Buti at narito kami ngayon pagpunta mo dahil balak na namin umalis, mabuti pa ay umuwi ka na rin dahil hindi gugustuhin ni Iska kung madadamay ka pa.” saad ni Henry “Ihatid mo na siya Dino.” utos ni Roly “S-sandali, baka pwedeng makausap ko muna si Iska kahit na saglit lang.” pakiusap ni Analyn na nagpatahimik sa tatlo “Sa susunod na.” pagpapalusot naman bigla ni Henry “Sige naman na oh?” pagpupumilit ni Analyn “Nagpapahinga siya dahil nabigla siya sa nangyari, sasabihan ka na lang namin..” pagsisinungaling ni Roly upang itago ang totoong nangyari dahil alam nila na mas lalo lang siya na mag-aalala “Halika na, Analyn.” sambit ni Dino at hinawakan sa kamay si Analyn palabas at naglakad na sila dahil sasamahan na niya ito pauwi.
Habang nasa daan, “Dino, kumusta ba siya?” tanong ni Analyn “Ah.. ano, hindi masyadong maganda.” nauutal na tugon ni Dino “B-bakit? Nasaktan ba siya?” nag-aalala na tanong muli ni Analyn “Hindi, masama lang ang pakiramdam.. Tulad ng sabi ni Roly dahil nabigla siya.” pagpapalusot ni Dino “Matapang naman yun ah? Bakit kaya ganun bigla? May sakit ba siya?” nagtataka na tinuran ni Analyn “Ah, oo. Sakitin yun mula bata, sadyang malakas rin naman ang loob kaya huwag ka na masyadong magalala..” pilit na sagot ni Dino na itago ang totoo at kumalma na lang “Sigurado ka ah?” tila hindi kumbinsido na saad ni Analyn at tumango na lang nang pilit si Dino, bigla naman sumama ang pakiramdam ni Dino na tila parang may naka-sunod sa kanila at lumingon ngunit wala naman siyang nakita na kahina-hinala kaya tumuloy sila sa paglalakad. Ilang sandali lang ay may isang sasakyan ang tumigil sa kanilang harapan, dalawang lalaki ang biglang tumakip sa bibig ni Dino at sapilitan siyang hinatak papasok ng sasakyan at ang isa naman na lalaki ay tinakpan rin ang bibig ni Analyn at ipinasok rin sa loob ng sasakyan. “Tangina! Saan niyo kami dadalhin!” sigaw ni Dino “Tumahimik ka!” sigaw ng isang lalaki sabay tutok ng baril sa kanya, lahat sila ay naka bonet mask kaya hindi nila makilala kung sino ba ang mga iyon at hindi man lang rin niya mabosesan ang lalaki.
“Aba! Ayos ah! Mukhang isang pares ng love birds na naman ang nahuli natin!!” natatawang saad ng isang lalaki na tila naalala ni Dino na siyang kumuha kina Iska at Paolo “Sige, nailipat na yung dalawa kaya doon niyo muna ilagay yan sa unang pinagdalhan sa kanila.” utos nito sa tatlong may hawak kina Dino at Analyn. “Pasok!” sambit ng isang lalaki at tinulak silang dalawa sa loob ng silid at ni-lock at iniwanan sila. “D-dino?” umiiyak na sambit ni Analyn at agad siyang niyakap ni Dino “Shh! Huwag ka mag-alala nandito lang ako.” pagpapa-tahan ni Dino kay Analyn. Nang nahimasmasan at tumigil na si Analyn sa pag-iyak, “Dino? Sino ba sila? Bakit nila tayo dinala dito?” balisang tanong ni Analyn “Hindi ko rin alam, basta huwag ka mag-alala hindi ko hahayaan na saktan ka nila.” saad ni Dino, ilang sandali lang ay pumasok muli ang lalaki kanina at may dalawa pang lalaki na kasunod niya na bantay rin.. Huli na pumasok si Red Wolf. “Sino ka?” matapang na tanong ni Dino at napatayo sila ni Analyn at hinawakan niya sa kamay si Analyn at itinago sa likuran niya, “Red Wolf.” matipid na sagot nito “Red Wolf? Tangina! Sino ka ba!” naiinis na muling tanong ni Dino “Haha! Pareho talaga kayong hindi pamilyar sa akin ni Paolo, pero malamang kung si Henry at Roly ay makikilala agad ako.” saad naman niya “Ano ba kailangan mo?” singhal ni Dino “Oras na siguro para maka-harap ko sina Henry at Roly.. Pero .. gusto ko na maging isang sorpresa iyon.” saad ni Red Wolf “Ano pinagsasabi mo?” naguguluhan na tanong ni Dino “Gusto ko na dalhin mo sa akin sina Henry at Roly nang hindi nila alam na ikaw mismo ang mag-susuplong sa kanila sa akin.” tinuran ni Red Wolf “Bakit ko naman gagawin iyon? Hindi mo ako tauhan, at mga kaibigan ko sila!!” naiinis na saad ni Dino at sinenyasan ni Red Wolf ang mga bantay na agad kinuha si Analyn sa kanya at hinawakan rin siya “Putangina!! Huwag si Analyn!!” sigaw ni Dino “Kung gusto mo na maabutan na maayos pa ang kalagayan ng babae na ‘to ay gagawin mo ang kagustuhan ko. Sige, Ilabas niyo na iyan.” saad at utos ni Red Wolf “Analyn!!” sigaw ni Dino bago mailabas ng kwarto “Dino!!!” sigaw pa-balik ni Analyn “Babalikan kita! Putangina mo ka! Red Wolf kung sino ka man na hayop ka!! Huwag mo gagalawin si Analyn!!” pahabol pa ni Dino habang kinakaladkad siya palabas. “Hello, lovely.. You’re so cute .. mukhang nakita na kita kung saan ah. Dibale, sana ay mailigtas ka rin niya. Haha!” saad ni Red Wolf kay Analyn at tuluyan nang lumabas ng silid, naiwan si Analyn sa kwarto na iyon nang umalis na ang mga bantay at ni-lock at tuluyan nang lumandas ang mga luha niya nang walang tigil hanggang sa makatulog na lamang siya sa kakaiyak.
Gabi na nang naka-uwi si Dino at iniwanan lang siya ng mga dumukot sa kanila sa may kanto, “Dino!” nag-aalalang sambit ni Henry “Bakit ngayon ka lang? Saan ba kayo nagpunta ni Analyn?” dagdag niya pa “Ha?” lutang na sambit ni Dino “Gagong ‘to! Saan ka ba galing?” sabat ni Roly at natulala lang si Dino “Ayos ka lang?” tanong ni Henry at wala pa rin siyang imik na naupo sa sofa “Anong problema mo?” nagtataka na tanong ni Roly “Sumama bigla pakiramdam ko, ipapahinga ko muna.” walang buhay na sagot ni Dino at umakyat sa kwarto. “Ano nangyari dun?” naguguluhan na tanong ni Henry “Hindi ko rin alam, baka nag-away sila ni Analyn?” panghuhula ni Roly “Maayos naman sila kanina?” tugon ni Henry “Aba, malay ko diyan! Kung bakit kasi ngayon pa naisipan na mag-nobya!” naiinis na saad ni Roly “Pabayaan mo na, kausapin na lang natin bukas.” ani Henry.
Kinaumagahan, sabay na bumaba si Henry at Roly at inabutan si Dino na nagkakape at tulala. Sumenyas si Roly at pumasok siya sa kusina kaya si Henry muna ang lumapit kay Dino sa sala at naupo sa sofa katapat ng sofa na kinauupuan ni Dino “May problema ka ba, Dino?” tanong ni Henry “Ha?” wala pa rin sa sarili na sambit ni Dino “Si Analyn ba?” tanong ni Henry muli “Ha! Ano?” ani Dino “Ano ba nangyayari sa iyo? Ha..ka nang ha?” nagtatakang tanong ni Henry “Huwag mo na masyadong isipin si Analyn, minsan talaga ay matampuhin ang mga babae. Hindi ka pa ba nasanay kay Iska?” dugtong pa niya “Lalambot rin iyon, unahin na muna natin sina Iska at Paolo tsaka ka namin tutulungan diyan kay Analyn.” sabat ni Roly paglabas ng kusina na dala ang kape nilang dalawa ni Henry, “Hindi niyo naman kasi naiintindihan!” tila gustong umiyak na sagot ni Dino at nagkatinginan sina Henry at Roly “Mukhang iba tama mo ah? Dati-rati ay napaka-babaero mo!” natatawang saad ni Roly “Hindi ako babaero!!” naiinis na sagot ni Dino “Sige na! Mag-handa na tayo dahil may pupuntahan muna tayo kaya huwag mo muna isipin iyan, Dino.” sabat ni Henry.
Tulala pa rin si Dino sa loob ng sasakyan, “Oh, ayan daw ang address sabi ni Henry.” saad ni Roly pagkasakay ng sasakyan “Dino?” sambit ni Roly dahil wala siyang imik “Ha? Oo.” tanging tugon ni Dino “Tara na.” sambit ni Henry pagkasakay niya rin ng sasakyan, habang nasa byahe ay pasimpleng sinusulyapan lang ng dalawa si Dino dahil sobrang tahimik niya na tila napakalalim talaga ng iniisip.. “Ayos ka lang ba Dino? Baka mabangga tayo.” saad ni Roly ngunit hindi siya sumasagot kaya napatitig lang ang dalawa sa kanya na diretso lang ang paningin sa pagmamaneho. Halos dalawang oras ay naroon na sila sa address na sinabi nila Henry, “Ako na lang, antayin niyo na lang ako.” saad ni Henry at bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng isang mansion nang binuksan ang gate ng isang security guard, sinusundan lang siya ng tingin ni Roly at biglang napalingon kay Dino at nagtataka dahil na-tuod lang ito na nakatingin sa kawalan. “Hoy! Dino? Ano ba kasi problema mo?” tanong ni Roly “Basta..” tanging tugon niya “Hays, dahil sa babae nagkakaganyan ka? Ee sinabi na nga na tutulungan ka naman namin lalo na kung mabawi na natin sina Iska, mas alam makuha ni Iska kiliti ‘non!” saad pa ni Roly ngunit walang kahit na anong sinagot si Dino na tulala pa rin, halos kinse minutos lang ay lumabas na si Henry ngunit nakakunot ang noo “Oh, bakit Henry?” ani Roly pagkasakay niya ng sasakyan “Ayos na.” sambit niya “Ee, bakit busangot ka? Sino ba kinausap mo at ano ba sinadya mo diyan, ang sabi mo makikigamit tayo ng pang hide-out?” nagtatakang tanong ni Roly “Oo nga, napilitan lang ako na sa kanya lumapit dahil parang wala na akong ibang mas siguradong mapagkakatiwalaan o kilala pa.” paliwanag niya “Sino nga?” tanong muli ni Roly “Si Nicole.” naiinis na sagot ni Henry “Ano? Yung mamatay na kakahabol sa iyo?” gulat na gulat na saad ni Roly “Hindi ko alam ‘don! Kahit kanino naman na matipuhan niya ganon siya.” naiinis na saad ni Henry na ikinatawa ni Roly pero nananatiling tulala at walang reaksyon si Dino “Baka magkaproblema ka niyan kay Iska? Baka iba hingin niyan na kapalit?” ani Roly “Hindi iyan! Akala naman niya papayag ako, kung gusto niya ay ikaw na lang.” matigas na tugon ni Henry “Nako! Huwag ako, hindi ako kaladkarin.” sagot ni Roly at tumawa silang dalawa pero bigla silang natigilan nang mapa-tingin sila kay Dino na walang buhay na nakatulala pa rin at tila nawawala ang isip sa paligid niya. “Dino? Naririnig mo ba kami? Wala ka pa rin imik diyan?” ani Roly “Heto address ng lugar kung saan pansamantala tayo na tutuloy.” saad ni Henry habang inaabot ang cellphone ngunit hindi niya kinuha “May pupuntahan muna tayo.” walang buhay na tugon ni Dino kaya itinago muna iyon ni Henry at nagkatinginan sila ni Roly na kapwa may masamang kutob, “Saan?” ani Roly ngunit hindi siya sumagot at sinimulan nang magmaneho.