Been spending most of their lives living in the gangsta’s paradise
Been spending most of their lives living in the gangsta’s paradise
Keep spending most of our lives living in the gangsta’s paradise
Keep spending most of our lives living in the gangsta’s paradise
Tell me why are we so blind to see
That the ones we hurt are you and me?
Trenta minutos na ang lumipas at tahimik lang si Dino na nagmamaneho at maging si Henry at Roly ay hindi magawang magsalita dahil sa kakaibang kinikilos ni Dino, “Dino, ano ba talagang problema mo? Saan tayo magpupunta at kagabi pa namin napapansin na iba ang kilos mo mula paguwi mo! Ano ba kasi ang nangyari?” saad ni Roly nang hindi na makapagpigil pa “Basta ihanda niyo na lang ang mga sarili niyo.” tugon ni Dino “Ano ibig mo sabihin?” ani Henry “Sana maintindihan niyo ako kung bakit ko gagawin ‘to.” muling saad ni Dino “Ee, hindi ka nga namin maintindihan ngayon pa lang! Sabihin mo na kasi kung ano ba ang nangyari?” naiinis na saad ni Roly at hindi napigilan ni Dino na pumatak ang mga luha “Mahal ko kayo pero kailangan ako ni Analyn.” muling saad niya na tila nahuhulaan na nila Henry ang nangyayari “Putangina!! Kinuha nila si Analyn?” tanong ni Roly at lalong bumuhos ang mga luha ni Dino “Itigil mo muna ang sasakyan!” sigaw ni Henry at sinunod iyon ni Dino “Tangina naman!! Bakit hindi mo sinabi agad!!” nanggagalaiti na sigaw ni Roly nang naihinto na ni Dino ang sasakyan at tuluyan nang umiyak “Kumalma ka Roly, ngayon i-kwento mo na para maayos natin na mapagplanuhan.” tinuran ni Henry “P-pasensya na, bigla kasing may dumukot sa amin kahapon. Palagay ko doon rin nila dinala sila Paolo at Iska.” paglalahad ni Dino habang pinipunasan ang mukha na puno na ng luha “Oh, ano pa nangyari?” ani Roly “Humarap sa amin yung Red Wolf daw, hayop siya!!” nanggigigil na saad ni Dino “Kayo lang daw dalawa ang makakakilala sa kanya kumpara sa amin ni Paolo, ang sabi niya gusto niya maging sorpresa ang paghaharap niyo kaya dalhin ko raw kayo sa kanya kapalit ni Analyn.” dugtong pa ni Dino at napa-kuyom ang mga kamao nila “Tanginang Red Wolf iyan!” sambit ni Roly “Siya pala ang may pakulo ng lahat!” dagdag pa niya “May sinabi pa ba siya na iba pa? O dahilan niya?” tanong ni Henry “Wala na, basta pagkasabi niya ‘non pinakaladkad na ako palabas at iniuwi tapos kinulong panigurado nila si Analyn sa pinagdalhan sa amin na kwarto at sana huwag na huwag nila siyang gagalawin!!!” ngitngit na saad ni Dino “Oh, siya.. Kalmado tayo na pupunta doon at aarte kami ni Roly na walang alam .. pabayaan mo lang kung ano ang sasabihin niya.” saad ni Henry at ini-handa na nila ang mga sarili, kumalma na muna si Dino at sinimulan na ang pagmamaneho.
Isang oras ang byahe nang makarating na sila, “Mauuna akong bumaba.” saad ni Dino “Oo, magpakiramdaman na lang tayo.” ani Roly “Huwag ka na lang basta magpapahalata, ayusin mo rin ang pagpapanggap.” tinuran ni Henry at bumaba na si Dino, saktong pagka-baba ni Dino ay naroon na ang isang lalaki na laging naka-bantay rin kina Iska at Paolo na tila pinaka-nangunguna o pinagkakatiwalaan ni Red wolf. “Nasaan siya?” matapang na tanong ni Dino at sabay naman na bumaba si Henry at Roly na lumakad papunta sa likod ni Dino “Dino, nasaan tayo?” saad ni Roly ngunit nilingon lang siya ni Dino at bumaling ulit sa lalaki “Sabihin mo, nandito na kami.” muling saad ni Dino “Sino ba iyan? Ang sabi mo ay ipapakilala mo kami sa kakilala mo na tutulong sa atin ah?” tinuran ni Henry at nilingon lang rin siya ni Dino at humarap muli sa lalaki “Sila na ba iyon?” tanong ng lalaki kay Dino “Oo.” tugon ni Dino “Sige, sumunod kayo sa akin.” dumiretso lang ng lakad ang lalaki at sinusundan siya ni Dino habang naka-sunod lang si Henry at Roly kay Dino, tumigil sila sa isang malawak na stadium na walang laman na kahit na ano.. Parang isang bakanteng lugar sa underground. “Nasaan ba tayo Dino?” tanong ni Roly nang tumigil sila doon “Sino ba ang sinasabi mo, nasaan na siya?” tinuran naman ni Henry “Magsi-tahimik kayo dahil papunta na rin si boss.” naiinis na saad ng lalaki “Ee, sino ka ba?” naiinis na tugon ni Roly “Huwag niyo na siya pansinin.” tugon ni Dino, ilang sandali lang ay pumasok na rin doon si Red Wolf kasunod ang ilan pa na mga bantay roon.. Sumenyas siya sa mga tauhan niya at hinawakan ng dalawang lalaki si Henry at dalawang lalaki rin ang humawak kay Roly “Red Wolf?” sigaw ni Henry “Ano ibig sabihin nito Dino?” sigaw naman ni Roly “Hahaha! Nagustuhan niyo ba ang sorpresa ko?” saad ni Red Wolf “Sandali, ang usapan natin!” saad ni Dino “Kapag dating talaga sa babae, hindi makakalimot. Haha!” tugon naman niya at sumenyas sa isang lalaki na ilang sandali lang ay pumasok na rin hawak si Analyn, “Dino!” naiiyak na sigaw ni Analyn ngunit hindi pa siya binibitawan ng lalaki “Analyn!” sambit ni Dino at akmang lalapitan na siya ngunit hinawakan siya bigla ng dalawa pang lalaki “Ano ‘to! Tumupad ako sa usapan ah!!” sigaw ni Dino “Huwag ka magmadali dahil hindi pa tayo tapos, ang sinabi ko lang ay matitiyak mo ang kaligtasan niya kung susunod ka.. Hindi ko sinabi na ibibigay ko na agad siya sayo.” tinuran ni Red Wolf “Tangina naman!! Ano pa ba gusto mo!!” singhal ni Dino -”Tuso ka talaga kahit kailan Red Wolf!”- bulong sa isip ni Henry -"Hayop na ‘to!! Ang dami katarantaduhan na alam!!”- bulong ni Roly sa isip “Ilapit niyo iyan sa akin!” utos ni Red Wolf at habang hawak si Dino ng dalawang lalaki ay iniharap siya kina Henry at Roly na kapwa hawak rin ng apat na kalalakihan pa, nasa bandang kaliwa ni Dino si Red Wolf isang metro ang layo at isang metro rin ang layo sa kanan naman rin ni Dino si Analyn na hawak ng isa pa na lalaki.. at may ilan pa na mga tauhan niya na naka-palibot sa kanila.
“Oh, pagkain niyo!” saad ng lalaki pagbukas sa pinto “Sandali.” ani Paolo “Ano na naman?” tugon nito “Kukuha lang ako ng damit saglit doon sa kabilang kwarto pero babalik ako dito agad.” tinuran ni Paolo “Ang dami niyong request! Sige, sasamahn ko ‘to.. diyan ka muna pre at tignan mo iyan.” saad ng lalaki at sinamahan niya si Paolo habang ang isang lalaki ay nasa labas ng kwarto, napansin ni Iska na sinisilip siya ng lalaki dahil siguro sa suot niya at napa-tingin siya sa naka-sabit na susi sa may bulsa nito na kapareho ng nasa bawat bulsa ng bawat tauhan na naroon.. Lumapit siya sa lalaki. “Ah.. pwede magpatulong?” ani Iska at pumasok iyon sa loob “Bakit?” tanong nito “Sa CR kasi hindi ko maabot iyong damit ko.” tinuran ni Iska at tinuturo niya ang pinasabit niya kay Paolo na jacket niya dahil nilabhan niya iyon kinagabihan, tumataas lalo bahagya ay skirt niya dahil sa pag-angat ng mga kamay niya na medyo sinasadya niya na lumiyad nang kaunti kaya napapatingin ito lalo sa kanya at halos mawala sa sarili. “Ah.. sige ako na bahala.” tugon nito at tumuntong sa silya, kunwari ay inaalalayan niya ito habang dahan-dahan na hinahawakan sa braso maging sa baywang at nang nakapa niya ang susi ay agad na maingat na tinanggal niya sa pagkakakawit sa bulsa nito. “Oh, ayan.” sambit nito at iniabot sa kanya pagkababa ng silya “Salamat!” tinuran ni Iska nang may kasama pa na ngiti “Wala iyon.” tugon nito na napa-hawak pa sa batok na tila kinilig, “Ano nangyayari dito?” gulat na saad ni Paolo na nakakunot pa ang noo na tumingin sa lalaki at sabay kinuha si Iska papunta sa likod niya “Nagpatulong lang ako sa kanya para kunin ‘to!” paliwanag ni Iska at ini-angat pa ang jacket “Bakit hindi mo na lang ako hinintay?” ani Paolo “Magbibihis na sana ako.” tugon naman ni Iska “Sige na nga, diyan na kayo!” inis na saad ng lalaki at lumabas na, ni-lock naman na ng kasama niya iyon at nauna na siyang lumakad dahil nainis ata kay Paolo. “Oh, heto ang mga damit na binigay nila sa akin. Mayroon pa doon kaya iyan na lang ang gamitin mo imbis na ang mga ganyang damit na pinadala sa iyo.” saad ni Paolo at iniabot kay Iska ang ilang T-shirt at jogging pants “Sige, magbibihis na ako.” ani Iska, paglabas niya ng banyo ay tumabi siya kay Paolo habang nakaupo sa sofa bed at nagiisip “Ano iniisip mo?” tanong ni Iska “Iniisip ko kung paano tayo makakaalis dito, parang malabo kasi na mahanap tayo basta basta nila Henry.” saad ni Paolo “Ako, may naiisip na ako.” ani Iska “Ano naman?” tanong ni Paolo “Edi, tumakas tayo!” saad ni Iska na ikinatawa ni Paolo at naiiling “Ikaw talaga!” sambit pa niya “Oo, nga!” tugon ni Iska “Paano naman, sige nga e bantay sarado na nga tayo naka-lock pa lagi ang mga pinto. Hayaan mo kapag naka-tyempo ay gagawin natin iyan.” tinuran ni Paolo “Edi, ngayon na!” saad ni Iska sabay labas ng susi na nasa bulsa niya, nanlaki naman ang mata ni Paolo “Saan mo nakuha iyan?” tanong niya na hindi makapaniwala “Yung bantay ko kanina, napansin ko na panay ang tingin sa akin dahil siguro sa suot ko! Kaya imbis na mainis ako ay nagpatulong ako kunwari na kunin ang jacket ko para dukutin ‘to!” paglalahad ni Iska “Ibang klase ka rin talaga!” sambit ni Paolo at napanganga sa mangha, “Aba, syempre naman!” pagamamalaki ni Iska, kinuha ni Paolo kay Iska ang susi at nagbihis na sila at hinanda ang mga sarili..
Nakikiramdam si Paolo na nakikinig sa may pintuan kung tahimik ba at walang mga bantay. Sinubukan niya isa-isa ang bawat susi, una ay hindi nagkasya, ang pangalawa ay hindi pa rin at ang huli at pangatlo ay gumana na, dahan dahan niya na binuksan ang pinto at sumilip.. Walang sino man ang naroon kaya dahan dahan na silang lumabas at nilock na muli ang pinto. Lumakad sila nang napaka-ingat para hindi makagawa ng ano man na ingay “Nakakapagtaka ah, walang mga bantay.. Pero mabuti na rin at pagkakataon ang umaayon sa atin.” bulong ni Paolo “Hanapin natin saan nila tinatago ang mga sinusuot nila na pare-pareho pati mga armas.” bulong ni Iska “Oo, tama.. Iniisip ko na rin iyan pero hindi ko pa malaman kung saan.” tugon ni Paolo “Basta, huwag na huwag ka gagawa ng ingay at huwag ka na rin gaano magsalita dahil mabobosesan ka nila.” dagdag pa ni Paolo, dumiretso lang sila at lumagpas na sa boxing gym at napansin ni Iska ang isang pintuan na nilagpasan nila na nag-iisa lang sa kanang bahagi mula roon “Sandali.” bulong ni Iska kay Paolo at tinuro iyon kaya dahan dahan silang pumunta doon at ginamit ni Paolo ang isa sa dalawang susi na hindi gumana kanina sa kwarto at sa kabutihang palad ay gumana ito, pumasok sila at tumambad sa kanila ang mga armas at maging mga damit na ginagamit ng mga ito.. Nagsuot sila ng camouflage cargo pants na nandoon kagaya ng sinusuot ng mga tauhan at black armored jacket maging ang itim na combat shoes at itim na bonet mask. “Doblehin mo ang mask mo dahil baka mahalata ka sa sobrang liit ng mukha mo.” saad ni Paolo kaya sinunod na ito ni Iska “Puro may silencer ang kukunin ko na baril.” muling saad ni Paolo at inabutan rin si Iska na napatitig pa sa baril “Itago mo lang iyan diyan, huwag ka kakabahan. Basta kapag kinakailangan ay itutok mo lang kung kanino mo gusto tsaka mo kalabitin ang gatilyo, asintahin mo lang.” paliwanag pa ni Paolo at tumango si Iska, nang maayos na at handa na sila ay dahan dahan muli silang lumabas at ni-lock iyon ni Paolo.. Wala naman mga bantay sa parteng iyon kaya malaya silang nakababa sa unang palapag ngunit pagdating sa ibaba ay may nakita silang ilang mga tauhan at nagkunwari silang mga kasamahan nito at dahan dahan na naglakad. “Hoy!! Naliligaw ba kayo? Bakit kayo pakalat-kalat na dalawa riyan!” sigaw ng lalaki at nagkatinginan lang sina Iska at muling bumaling ng tingin sa lalaki “Baka mga baguhan lang rin iyan, pumila kayo sa likuran.” saad naman ng isa pa na lalaki kaya sinunod nila ito at sumunod sila nang pumasok ang mga ito sa isang malawak na walang laman na underground stadium kung saan ikinagulat nila pareho ang nagaganap at nang makilala ang mga tao na nasa loob ngunit pinanatili nilang kalmado ang mga sarili upang hindi sila mahalata.
“Ngayon, nandito na tayo sa paborito ko na parte ng laro natin.” saad ni Red Wolf at sumenyas sa tauhan niya, binitiwan ng dalawang lalaki si Dino at inabutan ng martilyo “Anong gagawin ko rito?” nagtatakang tanong ni Dino “Hahaha! Pukpukin mo ang paa ni Roly!” utos niya “Ano?” singhal ni Dino “Uulitin ko pa ba?” sambit ni Red Wolf “Bakit ko gagawin iyon? Ayoko.” tugon ni Dino at sinenyasan ni Red Wolf ang lalaking may hawak kay Analyn at tinutukan ito ng baril “Tangina!! Hoyy!!! Sandali lang. Sandali.” sigaw ni Dino at halos mataranta dahil hindi malaman kung saan siya titingin kung kay Analyn ba, kay Henry at Roly, kay Red Wolf o sa martilyo.
-”Putangina! Ano ba gagawin ko, hayop na Red Wolf ‘to!”- bulong sa isip ni Dino -”Diyos ko po, ano nangyayari? Kung panaginip ang lahat, pakigising na po ako!”- pagdarasal ni Analyn sa isip niya -”Sadista pala ‘tong putanginang ito!”- nanggigigil na bulong sa isip ni Roly -”Anong kabaliwan ba nasa utak mo, gago ka!”- bulong ni Henry sa isipan niya “Boss!” biglang sigaw ng isang tauhan ni Red Wolf “What the f**k! Nakikita mo ba na may ginagawa kami dito?” singhal ni Red Wolf “P-papasensya na po boss! Importante lang.” nanginginig na tugon nito “Then, what?” sigaw ni Red Wolf “Yu-yung.. Mga bihag po nakatakas.” tila maiiyak na saad nito “What the fuckiiing shiiiiittt!!!” malakas na sigaw ni Red Wolf “Hanapin niyo sila at huwag kayong babalik nang hindi niyo nakikita! Kill that bastard if you must!! Pero ibalik niyo sa akin nang walang galos ang babae!! Bilisan niyooo!! Stupid f*****g idiooots!!” dagdag pa niya “You! All of you! What are you doing? Get off and find them!!” singhal niya pa muli sa mga tauhan na nakatayo sa paligid nila at nagsi-pulasan nang mabilis ang mga ito. -”Sina Iska ba tinutukoy ng hayop na ’to? Tarantado!!”- naiinis na bulong ni Henry sa isip niya -”Gago! Kursunada si Iska!!”- bulong ni Roly sa isip -”Baliw na nga ata ‘to ah pati si Iska kinababaliwan na rin!!”- bulong ni Dino sa isip niya. “And you!” singhal ni Red Wolf kay Dino “Bilisan mo at pukpukin mo na ang paa ni Roly!” nag-ngingitngit na saad niya nang biglang tumumba ang apat na may hawak kina Henry at Roly nang sunud-sunod maging ang may hawak kay Analyn at nakitang may dalawa sa bandang itaas na bahagi ng gusali ang tumakbo palayo na inakala niya na mga tauhan niya ngunit sina Paolo at Iska iyon, “Traitoooors!!!” sigaw niya at bigla naman siyang sinapak ni Henry habang sina Roly at Dino ay nakikipag-suntukan sa dalawang tauhan niya na naiwan kasama nila “Ano ba problema mo! Tarantado ka!!” singhal ni Henry nang bumagsak si Red Wolf “You! All of you!!” sigaw naman niya “Baliw!” sigaw ni Dino sa kanya “Magpagamot ka na!!” nang-aasar na saad ni Roly sabay sapak sa kanya, bigla naman may mga putok ng baril sila na narinig at nakipag-palitan ng bala sina Henry at Roly sa mga paparating na tauhan ni Red Wolf, hinawakan ni Dino si Analyn sa kamay habang tumatakbo sila palayo kasunod nila Henry at nakikipag-palitan na rin ng bala. “We’re not yet done!! I will hunt youuu!!” rinig nilang sigaw ni Red Wolf bago pa man sila makalabas sa underground stadium. “Bilis!” ani Dino pero napahinto sila nang makita ang dalawang tauhan na magkatalikuran habang parehong nakikipag-barilan sa kapwa nila tauhan sa tapat ng sasakyan nila dahil balak na nila iyon puntahan at makatakas “Ano nangyayari?” tanong ni Henry at napatingin rin sa dalawa “Sino ang mga iyan?” nagtataka na tinuran ni Roly, napalingon ang dalawa sa kanila at nagkatinginan at sabay nilang tinanggal ang mga suot na bonet mask “Iska!” napa-awang ang bibig nina Analyn at Henry sa kanila “Paolo!” gayundin sina Dino at Roly at agad nilang nilapitan ang dalawa “Tara na!” sigaw ng dalawa at nagsi-sakay na sila sa sasakyan at pinakaripas ng takbo.
Been spending most of their lives living in the gangsta’s paradise
Been spending most of their lives living in the gangsta’s paradise
Keep spending most of our lives living in the gangsta’s paradise
Keep spending most of our lives living in the gangsta’s paradise
Tell me why are we so blind to see
That the ones we hurt are you and me?
Sa sasakyan, “Woah! Grabe iyooon!! Sino sa inyo nagpabagsak sa mga gago?” ani Dino habang nagmamaneho “Si Iska sa isang may hawak kay Analyn, ako naman sa apat!” pagmamalaki ni Paolo sa may likod nakaupo katabi si Iska na pinagigitnaan nila ni Henry “Aba! Ayos ah!! Parang hindi mo first time Iska.. kamuntikan ko pa naman na talagang martilyuhin ang paa ni Roly konting-konti na lang!” malokong saad ni Dino “Gago! Kung ginawa mo ‘yun ako na ang mismong gagawa ng lapida mo!!” singhal ni Roly sa kanya at tawa naman sila nang tawa na anim “Kumusta, Analyn?” tanong ni Iska “Ayos lang, kinabahan ako pero okay na.” tugon ni Analyn na nasa tabi ni Dino at pinagigitnaan siya nila ni Roly “Mabuti, nagulat ako nang sobra nang nakita ka namin na kasama. Buti ay hindi ako nataranta agad, nasa loob rin kasi kami nagpanggap na kasamahan nila.” tinuran ni Iska “Talaga?” sambit ni Analyn “Paano nga pala kayo nakatakas?” nagtataka na tanong ni Henry “Sinungkit ko lang naman ang mga susi sa bulsa ng isa sa nagbabantay sa amin!” mayabang na paglalahad ni Iska “Aba!! Talaga nga naman!!” ani Henry “Kanina rin pala ang angas mo ‘dun! Kung hindi mo pa tinanggal ang mask mo ay na-inlove na ako!!” papuri ni Analyn “Astig ko ‘noh!!” ani Iska “Ako ba hindi mo pupurihin?” pagtatampo ni Dino “Heto naman si singit ng sarili, lakas kasi ng dating ni Iska kanina!!” saad ni Analyn “Paano ba iyan Dino, pangalawa na yan Analayn ah? Hahaha!” biro naman ni Iska na ikinatawa na lang nila “Ee paano nga pala na pati si Analyn ay dinamay pa nila dito?” naiinis na tanong bigla ni Iska “Nangamusta kasi siya sa bahay, nang ihahatid ko na siya pauwi ay dinukot kami.. Sinabihan niya ako ni Red Wolf na dalhin ko sina Henry at Roly sa kanya bago siya ibabalik sa akin!! Hayop siya!! Gusto ko tanggalin ang maskara niya kung gaano ba kasama ang totoong mukha niya!!” inis na inis na pagkwento ni Dino “Kilala niyo ba talaga siya Henry, Roly?” sabat ni Paolo “Hindi siya pamilyar sa inyo dahil hindi naman kami pumayag na isama nila kayong dalawa sa malalayo at malalaking transaksyon, kasa-kasama siya lagi ni White Tiger at sa palagay namin ay kaedad niyo lang siyang dalawa dahil nasa katorse lang rin siya nang mga panahon na iyon.. Hindi namin alam kung anong relasyon nila pero sa tingin ko tuwing sinasama siya ay para na rin siya na nasa training at baka sa kanya na ibinigay lahat ng negosyo na pinapatakbo niya o dalawa na sila.” paliwanag ni Henry “Bakit ba sila naka-maskara at voice changer?” dagdag pa ni Paolo “May mga legal rin sila na negosyo na ayaw nila siguro na madamay sa tuwing napupurnada ang mga ilegal nila na ginagawa.” tugon ni Henry “Nakita niyo na ba sila?” sabat ni Dino “Hindi. Wala pa kahit isa sa mga tauhan nila at maging kami ang nakakita na sa totoong mukha nila.” saad ni Roly “Ee bakit naman kasi nagsasayang sila ng oras sa atin? Umalis na tayo sa kanila?” ani Paolo “Baka may traydor sila na katransaksyon o kanegosyo na nagkataon kung kailan umalis tayo ay naloko sila, sila-sila kasi naggagaguhan kaya walang tiwala kahit kanino.” sagot ni Henry “Malamang iyan si Black Cheetah o Silver Bull. Pero tayo pa ang naisip na pagbintangan?” ani Roly “Bahala sila diyan, akala siguro may iba tayo na inaniban na grupo!” naiinis na saad ni Henry “Hay nako! Kung ako mag-cocode name, gusto ko Mr. Simpatiko!!!” biro naman ni Dino “Gago! Hindi bagay sa iyo!! Itsura mo nga kanina e akala ko rin sa ulo mo na ipupukpok yung martilyo!” pang-aasar ni Paolo “Tarantado ka! Mamaya ka sa akin at dadagdagan ko iyong mga pasa sa mukha mo!!” naiinis na saad ni Dino “Hindi ka uubra sa akin!” ani Paolo “Ano nga pala ang nangyari sa iyo at sumobra ata bugbog mo?” tanong naman ni Henry “Paano ba naman! Mas malaki pa kung ikukumpara sa iyo ang naka-laban ko!” tugon ni Paolo “Nakalaban?” ani Roly “Ako ba naman ang ginawang manok para ilaban sa kabilang boxing stadium sa ikalawang palapag ng gusali na iyon noong nakaraang gabi, at kapag hindi ako pumayag ay sasaktan niya raw si Iska kaya pumayag na ako.. pero biglang sabi niya kapag natalo naman ang pusta niya ay ganon rin at kukunin niya si Iska .. kung hindi ba naman tarantado ang hayop na iyon!!” gigil na lahad ni Paolo “Buti pala at nagawa mo na manalo sa pakulo na laro ng gago na yun!” saad ni Roly “Syempre, ako pa!” ani Paolo “Ang yabang mo ah! Huwag mo akong takutin!!” biro ni Dino “Papalag ka pa?” tugon ni Paolo at natawa na lang sila sa mga kalokohan na pinagsasabi nila gawa ng mga sakuna na naganap.
Dalawang oras mahigit ang byahe nila nang makarating na sila sa isang subdivision kung saan sila mananatili pansamantala, “Sino ho sila, Sir?” tanong ng guard na nasa gate “Ah, sa house number 96.” sagot ni Dino “Ah.. okay, okay na po at nasabihan na po kami .. diretso lang po kayo tapos pagkanan niyo tingin na lang ho kayo sa nasa bandang kaliwa na mga bahay at doon ho ninyo makikita naman agad sa mismong poste ng gate nakalagay ang house number.” tugon nito “Sige sige, salamat.” ani Dino at nagmaneho na papasok ng subdivision, “Dito na siguro, ayan oh number 96.” sambit ni Dino “Tara na.” pag-aya ni Henry at nagsi-baba na sila, pagbukas ni Henry ng gate dahil nasa kanya ang mga duplicate keys ng bahay ay isa-isa na silang sumunod sa kanya “Kanino ‘to? Ang ganda ng bahay ah!” ani Iska nang nasa loob na sila “Sa kaibigan ko, nakiusap ako na pansamantala na makikituloy tayo.. Pumayag naman siya dahil kalahating taon na daw mula nang lumipat sila ng ibang bahay at hindi na ito ginagamit pa sa ngayon.” saad ni Henry “Hi, Henryyy!!!” nagulat naman silang lahat nang biglang may boses sila na narinig mula sa itaas ng hagdan na medyo maarte at matinis ang boses “N-ni-nicole?” gulat na nauutal na sambit ni Henry at gusto tuloy matawa ni Roly nang makita ang babae at sa reaksyon ni Henry, si Paolo at Dino naman ay napa-kunot noo dahil tila inaalala nila kung sino yun at unti-unting namilog ang mga mata nang makilala.. Samantalang si Iska at Analyn ay napa-awang lang bahagya ang mga bibig sa gulat at pagtataka.