Curiosity

1747 Words
-“Kumusta na kaya si Iska? Naalala ko nga pala ang sabi niya ay ika labing siyam na kaarawan na niya sa susunod na darating na linggo, halos ilang buwan lang rin pala ang pagitan ng edad namin at nilamang ko sa kanya. Matawagan ko na nga lang muna siya...”- “Hello?” tugon ng nasa telepono, “Uy! Hello, Iska! Kumusta ka naman, hindi ka na nagpaparamdam?” nagtatampo na pagsagot ni Analyn. “Oh! Analyn, ikaw pala! Pasensya ka na, may trabaho na kasi ako e nakaraan lang kaya hindi na kita na kumusta. Ano na ba ang balita sa iyo at ginugulo ka pa ba ng ex ng ex mo?” mahabang tinuran ni Iska, “Haha! Nako, mabuti nga at hindi ko na ulit nakita pa iyon. Saan ka na pala nagtatrabaho ngayon?” sagot ni Analyn. “Ah, sa Soju Hotel. Mabuti naman at tinigilan ka na pala.” tugon ni Iska, “Haha! Oo nga e. Kumusta naman pala ang trabaho mo?” ani ni Analyn. “Maayos naman ako, nakakabisado ko na rin agad.” tugon ni Iska, “Naalala ko lang, hindi ba sabi mo sa susunod na darating na linggo ang kaarawan mo at labing siyam ka na rin?” mahabang saad ni Analyn. “Ahh.. Oo nga pala, muntik na mawala sa isip ko. Nalibang ako sa trabaho, pero sa susunod na linggo pa naman ‘yun.” tugon ni Iska, “Dalawin sana kita, may mga bisita ka ba?” unas ni Analyn. “Wala naman akong inaasahan na darating na bisita, kami kami lang at hindi naman ako pala imbita talaga.” sagot ni Iska.” Kung ganon, pupunta ako ah!” saad ni Analyn, “Oo ba! Walang problema at aasahan kita.” masayang tugon ni Iska. “Oh, paano? Ibababa ko na nang makapag pahinga na rin tayo pareho.” pagpapaalam ni Analyn, “Sige, sige. Magkita na lang tayo sa linggo.” wika ni Iska. “Oo naman, sige at goodnight na.” muling paalam ni Analyn, “Goodnight na rin.” paalam ni Iska at kapwa na nagbaba ng telepono ang dalawa. Muntik nang mahuli sa trabaho si Iska dahil bahagya siyang tinanghali nang gising ngunit nakaabot pa naman ito, “Iska, akala ko hindi ka na papasok.” bungad ni Bobby. “Nako, kamuntik na nga ako mahuli ng pasok nang husto. Mabuti at naka motorsiklo naman.” tugon niya, “Naalala ko lang hindi ba kaarawan mo na sa susunod na darating na linggo.” tanong ni Bobby. “Aba, paano mo nalaman?” tugon ni Iska at hindi nila napansin na narinig na nina Rick, Janna at Trisha ang usapan nila dahil palapit ang mga ito sa kanila, “Noong nag-apply tayo ay nasilip ko sa birth certificate mo na kasama sa mga documents na dala dala mo.” tugon ni Bobby. “Ang talas rin pala ng memorya at lalong lalo na ang mata mo.” tugon ni Iska, “Mahilig siguro siya sa kalabasa. Haha!” biro ni Janna, “Pero dahil nalaman na rin namin, pwede ba kami maki-join diyan sa pa-birthday mo?” dagdag pa nito. “Wala naman talaga akong hilig mag handa, pero sige at kayo ang bahala.” sagot ni Iska, “Ayos! Ako na bahala sa cake mo.” singit ni Rick. “Talaga ba? Sige ah asahan ko iyon at salamat in advance. Haha!” tugon ni Iska, “Oh, paano? Sa susunod na natin pag-usapan siguro, dahil sa susunod na linggo pa naman iyon. Trabaho na muna.” dugtong pa niya. “Sige.” naka ngiti na tugon ni Rick at ngumiti lang rin si Janna at Trisha at tumango ang mga ulo, nagkanya kanya na muli sila na balik sa trabaho. Nasa trabaho naman na rin ngayon si Analyn nang may biglang announcement sa kanila, “Okay, listen guys! Sa susunod na darating na linggo ay ika nineteenth birthday ng soon to be CEO daughter ng ating mahal na mga boss. Kaya ang sabi ang mga may day off sa atin ay pwedeng mamili kung morning or lunch magpupunta for a little give away pa blowout, ang pang umaga naman ang pasok ay sa tanghali sila pupunta at ang pang umaga naman ang mga pasok ay sa tanghali magpupunta. Gets? Sa susunod na linggo pa naman iyon kaya be prepared, color lavander daw at lilac ang motif sa venue.” mahabang sanaysay ng kanilang katrabaho na ikinapagtaka lalo ni Analyn dahil ka-birthday pa ito ni Iska at labing siyam rin ang edad. Tapos na ang oras ng trabaho, “Iska, sa linggo ah?” sambit ni Janna nang nakaangkas na siya kay Paolo at pauwi na. “Sus! Ang tagal pa, kayo talaga. Sige mag-iingat kayo.” paalam ni Iska at umalis na sila, tulad ng napag usapan nina Janna ay kay Bobby na siya sumasabay para makarating sa sakayan ng jeep at si Trisha naman ay kay Rick. Pagka-uwi nina Iska at Paolo ay nakahanda na ang hapunan, tulad ng request niya kay Henry ay nakapag luto na ito ng bulalo. “Aba! Tinotoo mo nga ah?” saad ni Iska, “Syempre naman!” tugon ni Henry. “Ganyan ka kalakas kay Henry, Iska!” pagsingit ni Roly, “Nako, ha?” sambit ni Iska. “Oh, bumili kami ni Iska ng softdrinks.” saad ni Paolo paglapag niya ng mga ito sa lamesa, “Ano na? Let’s eat!” tila takam na takam na tinuran ni Dino at nagsimula na nga silang kumain. “Gutom na gutom ka ba Dino?” biro ni Roly, “Mag dahan dahan ka naman oy!” dagdag pa ni Paolo at nagka tawanan sila. “Ang tagal na rin kasi na hindi tayo nag bulalo, kaya bilib na talaga ako sa iyo Henry! Mas sumarap ka ata na magluto ngayon?” saad ni Dino, “Syempre, ayaw ko mapahiya rin sa request ni Iska.” tugon ni Henry. “Nako ah?” sambit ni Iska, “Ayun naman pala!” wika ni Paolo. “Totoo naman Iska, kung hindi dahil sa request mo.” ani ni Roly, “Hindi rin, may talent na talaga sa pagluluto rin si Henry matagal na, iba rin talaga ang panlasa niya.” tugon ni Iska. “Naks naman! Napaka ganda nga naman din talaga ng taste ni Henry sa kahit ano, hindi ba?” saad ni Dino, “Totoo naman!” pagsingit ni Paolo. “Haaay, tama na nga at kumain na lang tayo ng kumain at baka lumaki na ulo ko niyan.” tinuran ni Henry at natawa na lamang sila. Matapos nila mag hapunan ay nagtungo na sila sa kanya-kanyang silid para makapag pahinga na rin, nang matapos na magbanyo ni Iska ay biglang tumunog ang kanyang telepono bago pa man siya maka pwesto ng higa dahil balak na niya matulog. “Hello?” pag sagot ni Iska, “Hello, Iska. Naistorbo ba kita? Tulog ka na ba, natutulog ka na ba?” tugon ng nasa telepono. “Hindi pa naman, bakit Analyn at napa tawag ka ulit?” tanong ni Iska, “Wala naman.. Hmm..” natitigilan na sagot ni Analyn sa kabilang linya. “Sigurado ka ba? Bakit nga? Anong problema?” nag-aalala na wika ni Iska, “Ano.. ahhh ano ba buo mong pangalan?” biglang tanong ni Analyn na ikinapagtaka ni Iska. “Ha?” sambit niya, “Ahhh Cheska Aragon, bakit mo naman biglang tinanong?” naguguluhan na tanong ni Iska. “Hmm wala, wala naman. Hindi ko rin alam hehe! Bigla lang ako napa-isip ng kung ano e ganon ako kapag bigla nalang nakaka isip ng kung anu-ano haha! Parang gusto ko talaga agad malaman.” paliwanag ni Analyn, “Ah, akala ko naman kung ano haha! Ang random mo rin talaga minsan e no?” natatawang tinuran ni Iska. “Oo e haha! Hmm paano mo pala nalaman iyon kung iniwan ka lang sa ampunan?” habol na tanong ni Analyn, “Hmm.. apelyido iyon ng umampon sa akin.” sagot ni Iska. “Pero may note daw sila na nakita sa may loob ng bulsa ng damit ko noong iniwan ako at may nakakita sa akin, naka lagay doon ang birthday ko at pangalan ko na sa palagay nila na impormasyon ko ‘yun. Kaso tanging pangalan at birthday ko nga lang ang nasa kapirasong papel, wala nang iba pa tanging ako lang at yung note na yun.” kwento ni Iska, “Oh! Talaga?” gulat na sambit ni Analyn. “Ano ba nakalagay?” pag uusisa pa ni Analyn, “Birthday ko nga lang tapos pangalan ko daw siguro, Cheska Del Mundo. Pero dahil nga sa inampon ako noon ay nabago na at Cheska Aragon na ako.” paliwanag muli ni Iska. “Ha? Ano? Ulitin mo nga ang sinabi mo, ano ang buo mo na pangalan na nakalagay?” tila nanginig ang buong katawan ni Analyn sa narinig at sa tinuran ni Iska, “Cheska Del Mundo, bakit ba? Parang ano ka diyan, ano ba nangyayari sa iyo?” nalilitong tugon ni Iska. “Ahhh… ano.. Ano lang kasi, may ka apelyido ka kasi na kilala ko. Hmm.. Oo, yun. Pasensya ka na kung ang kulit ko, mabuti pa siguro ay mag pahinga na tayo at pagod ka rin e sa susunod na lang natin ulit pag usapan pag nag kita tayo.” mahabang saad ni Analyn. “Hmm.. sigurado ka ba na ayos ka lang?” pag aalala ni Iska, “Oo naman! Huwag mo na masyado pansinin ang pagiging curious ko kung madalas. Hehe!” tugon ni Analyn. “Haha! Ikaw talaga, basta huwag ka mag dalawang isip na magsasabi agad sa akin. Ipahinga mo na iyan.” tinuran ni Iska, “Haha, sorry na. Sige, goodnight.” paalam ni Analyn. “Goodnight rin.” pag papaalam rin ni Iska at ibinaba na nila ang kanilang mga telepono, -”Ibig sabihin, tama ang hinala ko. At kitang-kita ng dalawang mga mata ko. Kakambal ni Iska ang anak ng boss namin! Pero paano nangyari iyon at paano ko ba ipapaliwang o itatanong at aalamin para makausap ko si Iska? O siya na mismo kaya ang sabihan ko? Pero… haaayysss”- gulong-gulo na tuloy ang isip lalo ni Analyn sa nalaman niya at hindi malaman paano sasabihin kay Iska. Sa pagod at kakaisip, naka tulog na rin si Analyn at dinalaw na ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD