broken glass

854 Words
“Sige mauuna na kami.” paalam ni Iska sa mga katrabaho niya, “Sige, ingat.” tugon ni Janna. Kumaway na lang sina Trisha, Rick at Bobby. Nang medyo nakalayo na sila Iska ay napansin ni Paolo na flat ang isang gulong ng motorsiklo kaya huminto sila sa isang gasolinahan para i-vulcanize, habang inaasikaso ni Paolo ang gulong ng motor ay may napansin si Iska sa hindi kalayuan na mag kaangkas na kalalakihan na sumusulyap sulyap sa kanilang gawi na parang nagmamatyag. Nakaramdam siya na para bang may nagbabadya na panganib sa mga tingin ng mga ito, “Paolo.” bulong ni Iska nang nakapag vulcanize na ito at nilapitan niya. “Bakit?” sambit nito, “Panay tingin nung dalawang lalaki sa atin na magkaangkas sa may tawid kalsada.” tugon ni Iska. “Kilala mo ba?” dagdag pa niya, pa-simple na tinignan ni Paolo ang mga ito nang ilang ulit para usisain ngunit hindi niya naman makita ang mga mukha nang malinaw at hindi rin makilala kung pamilyar man lamang ba. “Hindi ko naman makita at parang hindi ko rin kilala, makiramdam ka lang at parang may masamang balak ang mga yan kaya mauna na tayo at baka tayo ang iniisip na pwede na makursunadahan.” mahabang sagot at paalala ni Paolo, “Mukha nga e kutob ko rin” ani Iska at umangkas na kay Paolo upang makauwi na sila. Kalahati na ng byahe sina Iska at Paolo nang maramdaman nila na may naka sunod sa kanila na motor, sinilip ni Paolo sa side mirror at nabalisa sila pareho nang mapagtanto na ang magkaangkas kanina na mga lalaki na napansin ni Iska ang nakabuntot pala sa kanila. “Iska, sila yung mga napansin mo kanina at sinusundan nga tayo.” bulong ni Paolo, “Lakasan mo pakiramdam mo at kumapit ka nang mahigpit” dugtong pa niya. “Oo, sige.” tanging nasambit ni Iska, “Kumapit ka Iska, bibilisan ko ang takbo.” utas ni Paolo. Napansin ni Paolo na mas bumilis rin ang takbo ng motor na nakasunod sa kanila, “Tangina! Sino kayo ha?” singhal ni Paolo. “Putangina mo rin! Hindi niyo na ba kami kilala?” sigaw ng nasa motor na bumubuntot pa rin sa kanila, pamilyar ang boses na iyon na parang inaalala ni Paolo. “Sino ba ang mga yan Paolo?” tanong ni Iska, “Parang kilala ko ang boses pero hindi ko maalala.” sagot ni Paolo. “Gago ka ba? Tatanungin ko pa ba kung sino kayo kung kilala kita?” sigaw ni Paolo, “May utang pa kayo sa amin!” “Maniningil lang. Hahahha!” muling sigaw pabalik ng mga ito. Nataranta naman si Paolo nang biglang may bumubulusok na truck na nawawalan ng kontrol ang paparating na sasalubungin sila at kahit sinubukan niya na umiwas pero nahagip pa rin sila gayundin ang kanina pa na nakasunod na motor sa kanila, “Iska! Talon!!” sigaw ni Paolo at tumalon na rin. “Iskaaa!” ganun na lamang ang takot ni Paolo nang makita niya na nagkamali ng pagtalon si Iska at tumilapon ito sa gilid ng kalsada ngunit tumama ang ulo sa isang bato at natanggal pa ang suot na helmet, nagmamadali na tumayo si Paolo papunta kay Iska kahit na nagkanda galos-galos rin sya at nahirapan na kumilos. “Tulooong! Tumawag kayo ng ambulansya!!” sigaw ni Paolo at nagkakagulo na ang mga tao sa paligid dahil may isa pang kotse ang nahagip pala ng truck maliban sa kanila, “Iska! Iska!” ginigising niya ito ngunit wala pa ring malay kaya tumawag na rin siya kina Dino. Kasalukuyan na naghahanda si Henry ng hapunan nang madulas sa kamay niya ang baso at nabasag, kinabahan siya bigla at napatingin sa orasan at nagtataka na hindi pa nakakauwi sina Paolo at Iska kahit na pasado alas nuwebe na ng gabi. “Oh! Ayos ka lang Henry?” gulat na tanong ni Roly dahil natulala ito sa basag na baso, “Nabasag kasi itong baso.” wala sa loob na tugon ni Henry. “Ahhh ako na bahala dyan.” sambit ni Roly, “Sila Iska, nakauwi na ba?” biglang tanong ni Henry. “Parating na rin siguro at baka na traffic lang.” sagot ni Roly, “Henryyyyy! Rolyyy!!!” aligaga at tensyonado na sigaw ni Dino. “Oh!! Ano at humahangos ka?” kabado na tanong ni Henry, “Tumawag sa akin si Paolo, naaksidente sila ni Iska.” natataranta na sagot nito. “Anooo???” natatarantang tanong ni Henry, “Hiramin mo yung sasakyan ni Roger, bilisan mo para mapuntahan natin sila!” utas ni Roly dahil hindi na naka imik rin si Henry sa gulat. "Nasaan ba sila? Ano ba kasi nangyari?" hindi mapakali na tanong ni Henry, "Kumalma ka muna Henry" sambit ni Roly. ( Beep ) Bumusina na si Dino sa may gate makalipas ang halos sampung minuto at sumakay na sina Henry at Roly upang pumaroon sa ospital kung nasaan sina Iska at Paolo, “Bilisan mo Dino!” natatarantang tanging nabibigkas ni Henry sa sobrang pag-aalala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD