Kinaumagahan, agad na gumayak na sila para makauwi dahil pinayagan na ng doktor sina Iska. Binigyan na lamang sila ng reseta ng gamot at binilinan kung ano ang dapat gawin at mga bawal pa, naka alalay si Henry kay Iska at si Roly at Paolo ay nauunang maglakad patungo sa parking. Nahuli si Dino na naka sunod lamang sa kanila, “Roly, nakita mo iyong lalaki sa ward na nadaanan natin na naka black na leather jacket?” bulong ni Paolo. “Oo, parang pamilyar nga pero hindi ko lang napagmasdan gaano.” pabulong na tugon ni Roly, “Isa yun sa magkaangkas na sumusunod sa amin ni Iska na naka motor.” tinuran ulit ni Paolo at nagkatitigan na lamang sila at kapwa nag iisip kung saan nila yun nakita o kung nakilala man.
Nakasakay na si Paolo sa likod ng passenger seat ng sasakyan at katabi na niya si Iska na nakagitna sa kanila ni Henry, si Roly naman ay sa unahan katabi ng driver’s seat. Ilang sandali lang ay sumakay na rin si Dino at siya ang mag mamaneho “Oh bakit natagalan ka? May chicks ba?” biro ni Roly kay Dino. “Oo, natulala nga ako at napatitig.” seryosong tugon ni Dino, “Ang aga mo naman balak mambabae Dino.” dagdag na biro ni Paolo. “Na-love at first sight ka ba at tulala ka pa rin diyan?” pang aasar ni Roly muli dahil natulala pa rin ito at hindi pa binubuhay ang makina ng sasakyan, “May kakaiba kasi dun sa babae.” wala sa loob na sagot ni Dino. “Mamaya mo na isipin yan at magmaneho ka na para maka uwi na tayo at makapag pahinga na rin.” singit ni Henry, “Kung ikaw ang nakakita Henry, panigurado mas magtataka ka.” natatawang tugon ni Dino. “Gago! Ano pinagsasabi mo?” naiinis na singhal ni Henry, “Si Henry pa idadamay mo sa pagiging babaero mo!” nagtatakang singhal din ni Roly. “Kahawig mo kasi Iska, ay hindi. Sa palagay ko kamukha mo talaga.” sabay seryoso na niliingon ni Dino sa likod at tinignan pa si Iska na ikinagulat nilang lahat, “Ano?” nagtatakang sambit ni Iska at namimilog pa ang mga mata nila ni Henry at Paolo. Maging si Roly ay kunot ang noo na tinatantsya kung nagbibiro lang ito, “Ang aga mo mang trip Dino!” pag-singit ni Paolo. “Seryoso nga.” napa iling na sagot ni Dino dahil ayaw nila maniwala sa kanya, binuhay na lang niya ang makina ng sasakyan at agad na nagmaneho.
Sa kabilang banda kasabay ng parehong mga oras na iyon sa pagitan nila Iska palabas ng ospital bago makauwi, may isang ginang na humahangos at inaalalayan ng isang matipunong lalaki papasok sa isang private room sa ospital. “What happened? Are you both okay?” nag-aalala na tanong nito, “Yes tita, everything will be better soon.” tugon ng isang matipunong binata na may mga galos sa braso at maliit na bandage sa kaliwang noo. “What about you hija, my baby?” tanong niya at naupo sa tabi ng isang dalaga na naka sandal sa hospital bed at naka suot ng neck brace. “Don’t worry mom, I feel better now.” tugon ng dalaga, “I am so worried when I heard the news, they should be in jail.” may pagbabanta na sambit ng ginang. “Just let them pay about the damages, I don’t want to waste too much time to what happened. Is that okay mom?” tinuran naman ng dalaga sa sinabi ng ginang, “But, Cassy…” may pag tutol na sambit ng ginang. “I said what I’ve said mom, that’s enough.” pag putol ng dalaga sa sasabihin nito, “Don’t worry tita Isabel, I can handle everything. Besides, its an accident and at least the owner of that truck is taking an action with their charges.” paliwanag ng matipunong binata sa ginang. “Okay, thank you Mikael.” tugon ng ginang, “No problem tita, its my pleasure.” tinuran pabalik nito. “ Mom, I wanna go home.” pag-singit ng dalaga, “Okay, I already talked to your doctor. We can go now.” tugon ng ginang at inalalayan na ng binata ang kanyang nobya pa-upo sa wheel chair at lumabas na sila ng silid, naglakad na sila sa hallway ng ospital patungo kung saan ang parking lot.
Ang mga tagpo na iyon ay sa pagitan nina Iska kasama ang mga kaibigan niya na sina Henry, ang dalaga rin na tinutukoy ni Dino na pinagtaka niya nang nakasalubong niya at napansin niya na kamukha ni Iska ay ang dalagang si Cassy.