bayad utang

908 Words
Nang makarating na sina Iska sa bahay ay agad na muna silang nagpahinga, nag padala ng mensahe si Iska na siya ay mag sick leave dahil sa nangyari at nag email na rin ng medico legal sa manager. ( Ring ring ) Balak nang matulog ni Iska nang tumunog ang kanyang mobile phone, inaasahan na niya ito dahil alam niya na mababalitaan na ng kanyang mga katrabaho ang nangyari. “Hello.” pag sagot ni Iska sa tawag, “Iska! Kumusta? Nabalitaan namin ang nangyari. Ayos ka lang ba?” nag-aalalang bungad ng nasa kabilang linya na walang iba kundi si Bobby. “Oo, wag na kayong mag-alala at ayos naman na ako. Kailangan ko lang magpahinga, kauuwi lang rin at babawi na ng maayos na tulog.” tugon niya, “Ganon ba?Mabuti naman. Sa susunod na mga araw ay dadalaw kami sa iyo.” ani Bobby. “Kayo bahala.” sagot ni Iska, “Oh, siya. Kinamusta ka lang namin. Magpahinga ka na.” paalam ni Bobby. “Salamat, mag iingat kayo.” paalam ni Iska, “Salamat rin, bye. Take care..” pahabol ni Bobby. Lumipas ang ilang oras ay nakapag pahinga na sina Iska kahit papaano, balak na bumaba ni Iska at bumangon na siya sa kanyang kama ngunit hindi pa siya nakakatayo sa pagkakaupo ay bumukas ang kanyang pintuan sa kwarto. “Oh, gising ka na pala. Hindi na ako naka katok dahil balak ko na sana gisingin ka dahil parang tulog ka pa.” bungad ni Henry, “Kagigising ko lang rin at bababa na sana.” tugon niya. “Siguro ay gutom ka na?” ani Henry, “Ahhh.. Oo.” sagot ni Iska. “Sabi ko na e kaya wag ka na bumaba, dinalhan na kita.” tugon ni Henry at ipinasok ang tray ng pagkain na nasa labas ng kwarto na naka patong sa maliit na trolly, “Nag-abala ka pa, kaya ko naman bumaba.” nahihiyang sambit ni Iska. “Ano ka ba, kailangan mo muna mas makapagpahinga.” tinuran ni Henry, “Sige na ar kumain ka na muna.” dagdag pa nito at naupo sa gilid ng kama niya. “Ikaw ba? Kayo, kumain na kayo.” ani Iska, “Tapos na kami, huwag ka na mag-alala. Kumain ka na..” tugon ni Henry at akma pa na inaayos ang plato ni Iska. “Hindi na, kaya ko na yan.” nahihiya na pag-awat ni Iska, medyo naiilang man si Iska dahil nagtataka siya at naka bantay pa ito sa kanya habang pinapanood ay kumain na lang siya nang kumain. Ilang minuto ang lumipas, “Tapos ka na?” sambit ni Henry nang makita na ubos na ang pagkain niya. “Oo..” tanging nabigkas ni Iska, “Heto na mga gamot mo, uminom ka na.” ani Henry at iniabot ang mga gamot sa kanya. “Salamat.” ani Iska pagkatapos uminom, “Wala iyon, sige ibaba ko na ito at magpahinga ka na ulit.” tinuran ni Henry at ibinaba na ang pinagkainan ni Iska. Tila may kung ano naman ang naramdaman si Iska sa ikinikilos ni Henry na hindi niya mawari, napabuga siya ng hangin paglabas nito ng kwarto. -”May kakaiba kay Henry ngayon ah? Hays, nag-alala lang siguro sa nangyari.” Bulong sa isip ni Iska at nagpahinga na. Katatapos lang maghugas ni Henry sa kusina at sakto pag labas niya sa sala kung saan nandoon sina Roly, Paolo at Dino na nanonood ng telebisyon ay tumunog ang kanyang cellphone. ( Ring ring ) Kumunot ang noo niya dahil isang unknown number ito, “Hello. Sino ‘to?” pag sagot ni Henry ngunit walang sumasagot. “Hello?” pag-uulit niya ngunit bigla itong nawala sa linya, “Sino kaya ‘to?” sambit niya na naka kunot noo. “Baka nagkamali lang yan.” ani Roly, “Baka nantritrip.” pag singit ni Paolo. “Scammer lang yan, natakot siguro sa iyo kaya hindi naka sagot.” pahabol ni Dino na ikinatawa nila, “Gago!” natatawa na tugon ni Henry ngunit nawala rin ang kanyang ngiti sa mukha nang mabasa ang mensahe mula sa kaparehong numero na katatawag lang sa kanya. (‘Sinigurado ko lang na sa iyo nga ang numero na ito Henry kaya tumawag ako. Gusto ko lang malaman niyo na nagsisimula na akong maningil sa pagkakautang niyo sa amin.’) “Oh, bakit Henry?” sambit ni Roly nang magbago ang timpla ng ekspresyon nito, “Sino kaya ‘to?” nagtataka na tinuran ni Roly nang iniabot na lang ni Henry sa kanya ang cellphone at pinabasa ang mensahe at hindi na kumibo. “Baka iyan yung humabol sa amin ni Iska noong nakaraan?” ani Paolo nang ipabasa na lang rin ni Roly ito sa kanila ni Dino, “Baka nga.” pag sang-ayon ni Dino. Natahimik na lang sila at iniisip kung sino iyon, tinakasan na nila ang buhay nila noon kaya iniisip nila kung sino sa mga nakasalamuha nila noon na may mga ilegal na negosyo o nasamahan nilang organisasyon. Walang alam tungkol dito si Iska at tanging sila lamang apat, sinadya nila iyon dahil ayaw naman nila na sa mas peligrosong sitwasyon mapasama ito dahil iniingatan nila na mapahamak siya. Tanging pandurukot lang ang alam nito dahil nga naisasama nila si Iska kung magka-minsan na hindi nila maiwanan mag-isa, kaya iyon lang rin ang natutunan niya at wala nang iba pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD