Mag-iisang linggo na ang lumipas at bahagya nang naka-recover sina Iska at Paolo ngunit hindi muna pumayag si Henry na pumasok na si Iska at sinabing magpa-extend na lang ito ng pag-liban sa trabaho at maging si Paolo tuloy ay sinabihan na lang nito na manatili muna sa bahay upang hindi na tumutol pa si Iska.
“Naboboring na ako.” sambit ni Iska at naupo sa may sofa sa sala, “Manood ka na lang muna diyan ng tv.” tugon naman ni Paolo na nasa kabilang sofa at naglalaro ng mobile game. “Wala naman magandang palabas at hindi ko type mga pelikula ngayon.” tinuran ni Iska, “Laro na lang tayo, alam mo ba ‘to?” pag-aya ni Paolo kay Iska sa nilalaro niya sa cellphone. “Ano ba ‘yan?” ani Iska, “The Legendary Mobile.” sagot nito. “Ahhh iyan ba yung lagi nyo nilalaro?” tanong ni Iska, “Oo, tagal na nga namin hindi nakaalis ni Dino sa level na ‘to. Kainis!” iritableng sambit ni Paolo. “Wala kasi ako hilig diyan e pero subukan ko lang. Paano ba?” saad ni Iska, “Download mo sa phone mo tapos tuturuan kita.” sagot ni Paolo habang panay pindot sa cellphone niya. Ilang minuto lang, “Oh, eto na.” sabi ni Iska sabay lapit kay Paolo at abot ng cellphone niya. Nang naituro na ni Paolo kay Iska ay sabay na silang naglaro, “Ayos ah! Bilis mo mag level up, parang aabutan mo na kami.” ani Paolo dahil agad na natutunan ni Iska ang laro. “Fast learner ata ako!” pagmamalaki ni Iska sa sarili, “Yabang!” sambit ni Paolo.
Habang nasa kalagitnaan ng paglalaro sina Iska at Paolo ay may nag doorbell bigla, “Sino ‘yun?” sambit ni Paolo. “Baka si Dino?” tugon ni Iska, “Sabi niya ay hindi na siya dito uuwi ng tanghali ah, isa pa ay may dala naman siya na duplicate ng susi para maka pasok.” nagtataka na saad ni Paolo. “Ewan ko rin.” ani Iska habang naglalaro pa rin sa phone, “Ang seryoso mo na diyan ah? Haha!” tinuran ni Paolo at tumayo na para tingnan kung sino ang taong nag-doorbell sa gate at tumawa lang si Iska bilang tugon pero naka tutok lang sa cellphone.
Pagka-bukas ni Paolo ng pinto ay napansin niya na may naglakad paalis sa may labas ng kanilang gate, “Sino ‘yan?” sambit niya at agad na nagtungo sa gate upang buksan. “Wala naman? Nasaan na ‘yun?” saad ni Paolo sa hangin at napa buntong hininga nang wala naman datnan na tao sa paligid nang buksan na niya ang gate at sumilip sa labas, ilang segundo pa siya na nanatili rito at lumilinga-linga pero wala naman katao-tao kung kaya pumasok na lang siya muli sa loob ng bahay.
“Oh, sino raw ‘yun?” tanong ni Iska nang naka pasok na sa loob ng bahay si Paolo, “Ewan ko, wala naman tao.” nayayamot na tugon ni Paolo. “Hmm? Baka mga pilyong bata lang na biglang nagdo-doorbell. Ganyan rin naman kayo dati. Hahaha!” tugon ni Iska, “Hahaha! Bakit nakikisali ka rin naman.” sagot ni Paolo na ikinatawa nila pareho ngunit nang hindi na nakatingin si Iska sa kanya at pinagpatuloy ang paglalaro ay agad na nawala ang ngiti niya dahil iba ang naramdaman niya sa nag doorbell sa kanila. Napansin niya na malaking bulto ng katawan ang naaninag niya na anino ng isang tao ang bigla na lang naglaho paglabas niya ng gate, kaya masama ang kutob niya rito at balak na lang niya na banggitin iyon kina Henry pag uwi ng mga ito.
-”Tama, diyan pala kayo nakatira.”- Bulong sa isip ng taong nagdoorbell kina Iska at nagtago sa may pader na may katabing poste ilang metro lang ang layo mula roon at sinilip lang niya si Paolo nang lumabas ito sa gate ng bahay nila, “Boss, positive location.” saad nito sa cellphone niya nang sumagot ang tinawagan niya sa kabilang linya at tuluyan nang lumakad paalis doon.
Kinabukasan nang tanghali at pasado ala una na, nag paalam sina Paolo at Dino na may bibilhin lang sila ngunit babalik rin agad kaya si Iska lang ang maiiwan sa bahay dahil pumasok na sina Henry at Roly. “Haaays, nakaka bagot! Ayaw ko na maglaro nitong Legendary Mobile at ang sakit na ng mata ko! Makapag linis na nga lang at makapag laba dahil mukhang medyo marami nang labahin pala.” saad ni Iska sa hangin dahil wala naman siyang kausap, nang isinalang na niya ang mga damit sa washing machine ay nag patugtog siya ng mga naka save niya na kanta sa cellphone niya na kinonekta sa amplifier at speaker na bahagya niyang nilakasan kaunti ang volume at sinabayan pa ng pagkanta habang siya ay nag lilinis. Napapa head bang pa si Iska habang sumasayaw sayaw, ginagawang gitara ang walis na ani mo ay rockstar sabay ikot at gagawin naman na mikropono kunwari ang hawak na dust cleaner brush. ?"This ain’t a song for a broken hearted…Teng! Teng! Tenenenen tenenten!”? pag sabay ni Iska sa kanta ni Bon Jovi na kahit na ang tunog ng backround ay ginagaya, ?"No silent prayer for the faith departed…Teng! Teng! Tenenenen tenenten!”???“I ain’t gonna be just a face in the crowd, you’re gonna hear my voice when I shout it out loud!”???“It’s my liiiiifffeee! It’s now or never, I ain’t gonna live forever. I just wanna live while I’m alive…”? halos mukha nang may kaaway si Iska sa pag sigaw ng chorus. ?"My heart is like an open highway, like Frankie said I did it my way. I just wanna live while I’m alive…”It’s my life!”? tumuntong pa si Iska sa may sofa dahil… wala lang at gusto niya lang magwala at wala naman daw siyang kasama sa isip isip niya siguro, ?"This is for the ones who stood their ground, for Tommy and Gina who never backed down…??? “Tomorrow's getting harder make no mistake, luck ain’t even lucky got to make your own breaks.”???“It’s my liiiiife!!! It’s now or never! I ain’t gonna live forever! I just wanna live while I’m alive… It’s my life!”? panay kanta lang si Iska at sige sayaw pero hindi niya alam ay dumating na sina Paolo at Dino na sinundo lang pala sina Henry at Roly dahil sila talaga ang may mga binili at nag half day lang sila sa trabaho. ?“Better stand tall when they’re calling you out… don’t bend, don’t break, baby, don’t back down!”? binuksan na ni Paolo ang gate at pumasok na silang apat pero wala pa rin alam si Iska at sige lang kanta at sayaw, “Si Iska ba ‘yun?” tanong ni Henry. “Haha! Sino pa nga ba?” tugon ni Paolo, “Huwag kayo maingay, silipin muna natin.” natatawang saad ni Dino. Dumambot ng payong si Dino na nakalagay sa gilid ng pinto at kinuha naman ni Paolo ang suklay na nakasabit rin malapit doon, “Mamaya na kayo pumasok kapag narinig niyo na rin kami ni Paolo na kumakanta ah.” bulong ni Dino kina Henry at Roly na ikina-kunot ng noo ng dalawa at nagtatakang nagka tinginan. ?“It’s my liiiiffee!! It’s now or never!”? birit na birit na pagkanta ni Iska ?"I ain’t gonna live forever!”? sabay naman na kumanta sina Paolo at Dino kasabay nang pag lapit nila kay Iska, nagulat si Iska pero natawa lang nang makita na hume-head bang na rin ang dalawa at sumabay sa kanya. ?"I just wanna live while I’m alive!”? ngayon ay tatlo na silang kumakanta at sumasayaw, ?“It’s my life! It’s now or never! I ain’t gonna live forever! I just wanna live while I’m alive!”? pumasok na sina Henry at Roly nang marinig ang tatlo na kumakanta. Bitbit na nila ang ilan sa mga karton at plastic ng groceries at ulam na pinamili nila habang natatawa na lang sa tatlo na akala mo ay mga bumalik sa pagiging bata tulad noon na tila naalala nga nila bigla. ?"My heart is like an open highway! Like Frankie said I did it my way! I just wanna live while I’m alive…”It’s my life!”? Nang matapos ang kanta ay bumaba si Iska ng sofa at tiningala habang halinhinang sinulyapan si Paolo at Dino na nagtataka ang mukha, “Akala ko may bibilhin kayo? Nasaan na?” tanong ni Iska. “Eto na oh.” sambit ni Roly nang marinig ang tanong ni Iska at itinaas ang dala niyang plastic, gulat naman na napalingon si Iska sa likuran niya nang marinig. “Bakit hindi niyo sinabi na nandito na sila?” tanong ni Iska kay Paolo at Dino, “Syempre sinabayan ka muna namin.” natatawang sambit ni Paolo at sinimangutan siya ni Iska. “Sinundo lang talaga namin sila at nagpatulong sa pinamili.” natatawang dugtong ni Dino, “Ahhh s-sige, n-naalala ko yung washing machine!” wala sa loob na sambit ni Iska nang nahihiya at namumula pa ang pisngi na humarap ulit kina Henry at Roly sabay talikod at diretso sa likod bahay para pumunta sa nilalabhan niya. “Anong nangyari dun?” tanong ni Henry, “Nahiya?” dagdag ni Roly. “Hahahhah! Oo, big girl na kasi.” natatawang tugon ni Dino, “Baby Iska pa rin naman, kunwari lang. Hahahhahah!” sabat pa ni Paolo na ikinatawa na lang nila. “Bakit naman nahiya sa amin?” nagtatakang tanong ni Henry, “Baka kasi iyang dalawa lang talaga sanay siya na kasama sa kalokohan palagi.” natatawang tugon ni Roly at ikina-iling nalang ni Henry at bahagyang natawa.