Throwback from Ten Years Ago

4529 Words
Habang naglalakad ang dyese-sais anyos na si Henry at naghahanap ng mabebentahan ng tansong dala niya ay may napansin siya na batang babae sa gilid ng kalsada na umiiyak, lalapitan na niya ito nang natanaw niya ang isang nasa middle aged na lalaki na kanina pa niya hinahanap para pag bentahan ng mga tanso na dala niya. “Mang Tomas! Bilhin niyo na ‘to oh?” sambit niya nang mahabol na niya ito, “Patingin nga.” tugon nito sa kanya. “Oh, ayan sige kunin ko na.” saad nitong muli at inabutan siya ng tatlong daang piso, “Salamat po, sa susunod ulit!” masayang tinuran ng binatilyo na si Henry at umalis na. Habang naglalakad na siya at balak nang hanapin ang dyese-singko anyos na kaibigang si Roly, naalala niya ang nakita niya na batang babae kanina at tila may nagtulak sa mga paa niya upang balikan ito. “Uy, bata!” sambit ni Henry at nilapitan niya ang batang babae, “Bakit ka umiiyak?” tanong niya nang tumigil ito sa paghikbi at itaas nito ang ulo nang tiningnan siya. ”Naliligaw ka ba?” tanong niya muli rito ngunit hindi sumasagot, “Hindi ka ba nakakapag-salita?” tanong niya ulit subalit nanatiling nakatitig lang ito sa kanya kaya napa-kamot tuloy siya ng ulo. -”Hays, ano ba ‘yan! Ano gagawin ko rito? Kawawa naman.”- Bulong ni Henry sa isip, “Ahhh, ano ba pangalan mo? Gusto mo punta tayo sa barangay para mahanap natin mga magulang mo?” muli niyang tanong at naupo sa tabi nito. “Ayaw!” nabigla naman siya sa pag sagot nito at biglang humikbi, “Ohhh sige… sige hindi na, wag ka naman bigla umiyak diyan at baka isipin ay sinaktan kita mapapa barangay ako niyan.” natatarantang tugon naman ni Henry at mabuti nalang ay tumigil rin naman ito sa pag iyak. “Taga-saan ka ba?” muling tanong niya ngunit hindi ito umiimik, “Paano kita tutulungan niyan kung ayaw mo ako kausapin? Sige, bahala ka na nga at aalis na lang ako.” akmang aalis na kunwari si Henry at tumayo. Bigla naman itong tumayo rin at naka tingala na tinitigan siya sa mukha, “Oh, ano? Ngayon ayaw mo naman rin ako umalis?” muling saad niya. Tinitigan niya muli ang mukha ng batang babae at napansin na may pasa ito sa may gilid ng labi at maging sa pisngi kaya naupo siya na nakaluhod ang isang tuhod at pinagmasdan itong maigi, “Ano nangyari sayo? Sino may gawa niyan?” tanong niya rito at hinawakan niya nang marahan ang mukha nito habang tinitignan ang kabuuan kung may iba pa bang pasa. “Mama.” sambit nito sabay yuko at ipinakita pa sa kanya ang magkabilang braso niya at tinuro ang may mga sugat na parang kinalmot o kinurot ng kuko, “Ano? Mama mo?” gulat na tanong niya at nanatili lang ito na nakatitig sa kanya. “Ano gagawin natin ngayon niyan kung mama mo pala mismo gumawa niyan tapos ayaw mo kamo na pumunta tayo sa barangay?” balisang tanong muli ni Henry sa batang babae ngunit sadyang tikom lang ang bibig nito, “Hays, bahala na nga. Sige, sumama ka na lang muna sa akin.” hinawakan niya ito sa kamay at inakay maglakad ngunit napansin niya na iika-ika itong maglakad. “Bakit, anong problema?” tanong niyang muli at itinuro nito ang namamaga na dalawang daliri sa kaliwang paa, “Ano ba ‘yan! Ano naman nangyari diyan?” kamot ulo na tanong niya. “Oh, ipapasan na muna kita sa likod ko ah.” saad niya rito at pumayag naman ito at tumango, habang naglalakad ay kinakausap niya ito na baka sakali ay sumagot na. “Hahanapin muna natin si Roly, tapos uuwi na tayo. Papatulong tayo makabili ng gamot sa sugat mo tsaka pagkain natin. Si Paolo naman at si Dino nasa bahay lang sila na… maliit lang yun e barong-barong. Ano nga ba pangalan mo ulit?” ilang segundo siya naghintay kung sasagot ito pero napa buntong hininga na lang siya at halos mawalan ng pag-asa na makausap ito nang maayos at diretso, “Iska.” tipid na sagot nito bigla. Nabuhayan naman siya nang sumagot ito, “Ahhh Iska, yun pala pangalan mo. E, ilang taon ka na ba?” malambing na tanong niya muli at binuksan nito ang dalawang maliliit na mga kamay sa kanyang harapan na naka limang daliri sa kanan at apat naman sa kaliwa. “Siyam? Siyam ka pa lang pala! Dapat ay nasa bahay ka lang ah, bakit nasa kalsada ka?” tanong ni Henry, “Ayaw ko dun.” sambit ni Iska. “Bakit naman?” ani Henry, “ Si mama…” tugon ni Iska. “Ahhh dahil ba sa nasaktan ka ng mama mo?” tanong ni Henry muli, “Ayaw niya sa akin.” saad ni Iska. “Bakit naman?” ani Henry, “Kasi raw ampon lang ako.” natigilan naman bigla si Henry sa tugon ni Iska na para bang kinurot siya sa dibdib dahil sa murang edad nito ay ganon na lamang ang naging trato sa kanya. “Ah, hmm.. Hayaan mo kung ayaw nila sa iyo edi sa amin ka na lang? Basta hindi ka naman siguro makulit? Ayos lang ba sa iyo?” saad ni Henry, hindi ito umiimik pero batid niya ang pag-sang ayon ni Iska nang humigpit ang pagkakayakap ng payat na mga braso nito sa kanyang balikat na ikina-ngiti niya. “Sige, sa bahay na tayo mag kwentuhan at hanapin na muna natin si Roly.” saad niya at hindi na muna nagsalita pa at naglakad na nang tuloy-tuloy. Halos kinse minutos pa ang lumipas ay nahagilap na ni Henry si Roly na naka upo sa isang bakanteng bangketa sa harap ng palengke, “Roly! Saan ka ba nandoon at kanina pa kita hinahanap e.” inis na tanong ni Henry, “Nakita kasi ako ni Aling Mercy galing kina Aling Nena nung naghatid ako ng paninda kaya nautusan rin ako, ayos naman at dagdag kita.” tugon ni Roly. “Ahh ganoon ba? Nakabili ka na ba ng makakain natin?” ani Henry, “Hindi pa, teka? Sino naman ‘yan?” sagot ni Roly at nagtatakang napatingin kay Iska. “Ahhh siya si Iska, Iska…Si—” ani Henry at napahinto nang napansin na walang kibo ito, “Tulog.” sambit ni Roly. “Ah, nakatulog ba? Dibale at mamaya na natin kausapin.” tugon ni Henry, “Saan mo na naman ba nakuha iyan? Mamaya hanapin ng mga magulang yan e mapa barangay pa tayo.” tinuran ni Roly. “Sa may gilid ng kalsada, doon kanina sa may crossing banda. Naawa ako at umiiyak, ang sabi ko rin ay ipapahanap namin sa barangay ang magulang niya at lalo lang umiyak dahil ayaw niya raw.” saad ni Henry, “Baka naman ginagamit lang ng mga sindikato ang bata na ‘yan.” pagdududa ni Roly. “Eto naman! Mabuti na lang at tulog ang bata, ang sama ng salubong mo.” tinuran ni Henry, “Ikaw naman kasi Henry, una si Paolo at Dino? Ngayon e yan naman? Kung tayong dalawa nga nahihirapan para sa sarili natin tapos nagpupulot ka pa ng bata.” saad ni Roly. “Roly, may katumbas naman na balik ang pagtulong. Isa pa, sayo na nanggaling na kung tayo nahihirapan e paano pa ang mga mas bata sa atin?” may diin na sagot ni Henry, “Bahala ka nga, wala naman na akong magagawa diyan. E, ilang taon na ba yan?” sagot ni Roly. “Siyam.” tugon ni Henry, “Siyam? Nako… naman! Henry e bantayin pa yan lalo na at babae pa.” gulat na tinuran ni Roly. “Hindi naman siguro, mukha naman mabait tsaka matalino. Sabi niya nga sinasaktan daw siya sa kanila kasi ampon siya, kaya minabuti ko na talagang isama na lang muna.” paliwanag ni Henry at hinagod naman ni Roly ng tingin ang mukha at mga braso ni Iska at napansin na may mga sugat at pasa nga ito, “Hmmm.. Sige na nga, bibili na muna ako ng makakain para makauwi na tayo.” ani Roly at napa-ngiti si Henry dahil hindi na ito tumutol pang muli. “Oh, dagdag mo na itong pera at isabay mo na bumili ng gamot sa sugat at sa pamamaga kasi tignan mo yung paa niya oh.” ani Henry at tinuro ang mga namamagang daliri sa paa ni Iska, “Sige, ako na bahala at antayin niyo na lang ako diyan.” tugon ni Roly at dumiretso na sa palengke. Matapos makabili ni Roly ng pagkain nila at ng gamot na rin ay dumiretso na sila pauwi, “Paolo, Dino. Buksan niyo nga itong pinto…” saad ni Henry. Pagbukas naman ni Paolo ng pinto ay bumungad sa kanila si Iska na kagigising lang at ibinaba na ni Henry, nagkatinginan sina Paolo at Dino at sabay na napatitig kay Iska na halinhinan rin silang sinusulyapan nang medyo nakatingala bahagya dahil hanggang balikat lang nila ito halos. “Siya si Iska.” sambit ni Henry na ikinatingala naman nilang tatlo sa kanya, pumasok na sila sa loob at inasikaso ni Roly ang mga biniling luto na ulam sa karinderya para makakain na sila habang ipinapakilala ni Henry ang tatlo sa isa’t isa. “Iska, sila nga pala sina Paolo at Dino. Dose na sila pareho, oh… kayong dalawa ah dapat hindi na kayo masyadong makulit at laging nagbabangayan dahil may mas bata na kayong makakasama rin dito kapag wala kami ni Roly.” pagbibilin ni Henry habang kinakausap ang tatlo na kapwa mga nakikinig lang dahil nagtatansyahan pa at naiilang pa sa isa’t isa, “Oh, magsi-kain na tayo.” pag-aya ni Roly nang nakahain na sa lamesa. Habang kumakain na sila ay napansin nila na medyo nahihiya pa si Iska kaya sinenyasan na lang nina Henry ang dalawa na huwag masyadong sulyapan ito at panoorin upang makakain nang maayos, hindi nagtagal at ilang minuto lang ay ganado na rin itong kumain. “Paolo, Dino. Maglabas kayo ng mga luma na pinagliitan niyo nang mga damit at ibigay nyo na lang kay Iska, sa susunod ko pa siya mabibilhan ng para sa kanya.” ani Henry sa dalawa na agad naman na sinunod ng mga ito, “Sa baba na lang rin ng double deck kayo matulog at si Iska na lamang sa taas.” dagdag pa niya. Pag kaabot ng mga ito kay Iska ng mga damit ay ngumiti lamang siya bilang tugon, “Sige na, matulog na kayong tatlo pagkatapos ni Iska na magbihis dahil lumalalim na ang gabi.” tinuran ni Henry nang nakapagbihis na sila at nakapaglatag, sila ni Roly ay sa may papag naman matutulog at sasapinan na lang ng banig. “Oh, tapos ka na pala.” turan ni Henry nang lumabas na ng banyo si Iska at nakapaglinis na ng buong katawan, may kaluwagan pa rin ang mga pinagliitan na damit nina Paolo at Dino sa kanya dahil payat pa siya at halos nasa 3feet pa lang. “Ang cute niya naman para siyang manyika na de baterya yung sinususian na naglalakad.” saad ni Paolo, “Oo nga at parang bestida yung T-shirt ko sa kanya. Hindi ba mahuhubo yung short mo sa kanya Paolo?” ani Dino. “May garter ba yan? Halika muna nga Iska lumapit ka muna sa akin.” ani Henry na nakangiti dahil napansin niya na ang cute nga na bata ni Iska dahil malinis na ang mukha nito, bilugan ang mga mata pati ang maliit na mukha maging ang maliit na ilong ay sakto lang ang hugis at may kaputian rin talaga ito. “Ayos lang ba sayo yan? Hindi ba maluwag?” tanong ni Henry at ngumiti lang ito at tumango lang, “Aba at may maliliit ka pala na dimples sa magkabilang pisngi sa ibabang bahagi ng labi mo.” napansin ni Henry nang matitigan niya ito nang husto. “Oh, siya matulog na tayo. Akyat ka na diyan sa taas ng double deck at diyan ka na matutulog ngayon” sabi niya kay Iska at sumunod naman na rin ito, at maging sila nina Roly ay natulog na. Lumipas ang mga araw ay nasanay na si Iska at hindi na gaanong nahihiya kina Henry at nakakausap at nkakalaro na siya nina Paolo at Dino, sa katunayan ay kumukulit na nga rin ito. Mag-iisang buwan na mula nang kina Henry na tuluyan na nakatira si Iska at wala naman nang naging problema pa dahil wala namang nagrereklamo at tumatawag sa barangay nila na naghahanap sa kanya, “Iska, Paolo, Dino, andito na kami ni Roly.” ani Henry nang nakapasok na sa loob ng bahay. “Henry.” balisa na sambit ng dalawa na sina Paolo at Dino, “Bakit ano problema?” may masamang kutob na tanong ni Henry, “Ano kasi e…” natitigilan na sambit ni Paolo. “Ano ba kasi yun?” naiinis na tanong muli ni Henry, “Hindi namin makita si Iska.” saad ni Dino. “Ano?? Hindi ba ang sabi ko huwag niyo hayaan malayo sa inyo siya dahil hindi niya pa kabisado rito at delikado para sa kanya?” may diin na saad ni Henry, “Kumalma ka muna Henry, alam mo naman na kumukulit na rin kasi yang bata mo.” ani Roly. “Pero… saan niyo ba siya huling nakita? At bakit hindi niyo hinanap maigi dahil malamang nariyan lang naman sa malapit yon o kabilang pathwalk.” dugtong naman niya, “Nanonood kasi kami sa kabilang kalsada sa may tawid doon sa crossing, may parada kanina tapos dumami yung tao kaya di namin siya napansin.” sagot ni Dino. “Hinanap naman namin siya e kauuwi lang rin namin, naisip kasi namin na baka nauna na siya na umuwi.” dagdag pa ni Paolo, “Henry! Roly… May tao ba riyan?” pagtawag ng tao sa may pintuan nila. Binuksan ni Henry ang pinto at lumabas, “Sino ‘yan? Oh! Patrick, bakit?” nabigla na bungad ni Henry. “Sa inyo ba nakatira itong bata na ‘to?” tugon nito at sumenyas sa kanyang likod kung saan naroon si Iska na gulo-gulo ang buhok na hindi aabot hanggang leeg at bakas na katatapos lang umiyak, “Iska!! Nako! Oo, Patrick. Kanina pa namin hinahanap yan e.” ani Henry. “Kung ganon, aalis na ako at kayo na kumausap diyan. Nakita ko lang sila nina Marie at Tintin na anak nina Aling Maria at Aling Kakai na nag aaway, doon sa may kabilang pathwalk sa may malapit bago mag crossing kaya inawat ko at sabi niya e dito raw siya nakatira sa inyo.” paliwanag pa nito, “Ah! Sige… sige at salamat ah pasensya na.” tugon ni Henry. “Wala iyon sige aalis na ako.” paalam nito, nagpipigil ng galit si Henry na humarap kay Iska pagka pasok nila sa loob at naluluhang naka tingala ito sa kanya, “Bakit ka nakipag-away?” madiin na tanong ni Henry at mabilis naman na umiling nang ilang beses si Iska. “Paanong hindi e rinig na rinig namin ang sinabi ni Patrick?” sabat ni Roly, bumaling ang mukha ni Iska kay Roly at pumatak ang luha sabay tingin muli kay Henry. “Hindi… hindi ako nagsimula ng away ah pinagtanggol ko lang ang sarili ko.” saad niya at tuluyang bumuhos ang luha at nahihikbi, bumuntong hininga si Henry at sabay umupo na nakaluhod ang isang tuhod upang magpantay ang mukha nila ni Iska. “Sige, ipaliwanag mo nga kung bakit ka nakipag-away?” tanong niya rito ngunit hindi makapag salita dahil patuloy sa pag-iyak, muling humugot ng malalim na hininga si Henry at tumayo sabay kinarga si Iska. Ini-upo niya ito sa lamesa upang magkaharap pa rin ang kanilang mukha kahit na siya ay nakatayo, “Hindi ako galit, kaya ikwento mo na ang nangyari dahil gusto namin malaman.” malumanay na saad ni Henry habang pinupunasan ang luha ni Iska gamit ang kanyang palad at inaayos ang nagulo nitong buhok. Unti-unting tumahan si Iska at nagsimulang magsalita, “Kasi… sila naman talaga ang umayaw sa akin e.” “Ano ba kasi ang nangyari?” sabat ni Roly na nasa likuran ni Henry. Napasulyap si Iska kay Roly at lumingon muli kay Henry, yumuko ito at nilalaro ng dalawang maliliit niya na kamay ang dulong laylayan ng kanyang T-Shirt habang kinwento ang nangyari. “Nawala kasi sa paningin ko kanina si Paolo tsaka Dino, nanood kami ng parada. Tapos naligaw ako… nagtanong ako sa kanila pero inaway nila ako, sabi nila hindi daw ako taga rito tapos ayaw nila sakin mukha raw akong may sakit kasi ang putla ko tignan.” pagkwekwento ni Iska at nag angat ng ulo na tumitig muli sa mukha ni Henry ang tinuloy magkwento na humahaba na naman ang nguso na gustong maiyak, “Sabi ko ay maputi lang talaga ang balat ko tsaka sainyo na ako nakatira, tinulak ako ni Marie kasi wag daw ako lumapit kasi baka may nakakahawa raw ako na sakit. Nainis ako edi tinulak ko rin siya tapos hinawakan ako ni Tintin tska ako sinabunutan ni Marie…” napatikom na lang ng labi si Iska pagkatapos magkwento at pumatak na naman ang mga luha na nakatingin lang kay Henry. Kamot ulo na natatawa si Roly na minabuti na lang na asikasuhin ang pagkain nila, “Ibang klase rin talaga mga bata na yun e ano, may pinagmanahan.” saad ni Roly. “Kaya simula ngayon, wag ka na kung saan saan nagpupunta, mas maganda dito ka na lang sa loob ng bahay.” bilin ni Henry kay Iska at napasapo na lang sa noo niya, lumingon naman si Henry sa likuran kung saan nakikinig sina Paolo at Dino sa kanila. “Kayo naman dalawa, ilang beses ko na kayo sinabihan na may binabantayan na kayo kaya wag kayo malilibang na mawala ito sa paningin niyo.” saad ni Henry “Hinawakan niyo sana sa kamay nang dumami ang tao para hindi nawala.” dagdag pa niya “Tama na sermon Henry, lalamig na ‘tong pagkain.” ani Roly nang nakapag hain na siya “Oh, siya. Maligo ka na Iska at bilisan mo para makakain na. At paalala ko lang na wag ka na ulit makulit at magpupunta sa malayo na wala kami. Naiintindihan mo?” saad naman ni Henry kay Iska nang ibaba ito sa lamesa, matapos nila kumain ay nagpahinga na sila. Kinabukasan, “Paolo, gisingin mo na nga si Iska bakit hindi pa tumatayo? Mag-aalmusal na tayo.” utos ni Henry “Henry!” pagtawag ni Paolo na kinakabahan, “Oh, bakit?” sambit ni Henry “Ang init ni Iska, may lagnat.” tugon nito “Ano?” gulat na usal niya at nagmamadaling kinuha ito sa itaas ng kama at ibinaba muna sa ilalim na papag. “Kumuha ka nga ng basang bimpo doon, Paolo.” utos ni Henry at agad naman na sinunod nito, matapos punasan ni Henry si Iska ay pinainom niya ito ng gamot na pinabili niya kay Dino. “Oh, siya. Kumain na kayo roon at ako na bahala sa kanya.” saad niya kina Paolo at Dino “Oh, Henry? Ano nangyari diyan?” tanong ni Roly na kauuwi lang “Si Iska, may lagnat. Saan ka ba galing?” tugon ni Henry “Sumaglit lang ako kina Buboy kasi nakalimutan ko yung parte ko sa bayad sa inayos namin kahapon na bisikleta.” tugon ni Roly “Ahhh, sige kumain ka na rin doon.” sagot ni Henry at bumaling na ulit ng tingin kay Iska. “Hindi rin naman yan agad gagaling kung tititigan mo, kumain ka na rin muna tska mo pakainin ng may sabaw.” saad ni Roly nang mapansin na balisa ito masyado, “Oo, sige.” sambit ni Henry. Nang mag-gabi na, “Paolo, Dino? Kumusta na si Iska?” salubong na tanong ni Henry nang nakauwi na sila ni Roly “Medyo mainit pa pero pinainom na namin ng gamot.” sagot ni Paolo. “Kumain na ba kayo?” tanong ni Henry muli “Tapos na, pero kanina pinakain namin si Iska tapos tumayo siya papuntang banyo at sinuka niya lang rin naman.” saad naman ni Dino, napatitig naman si Henry sa natutulog na si Iska nang nag-aalala. “Dibale, kumain na kayo. May binigay na extra na ulam diyan si Aling Pasing dahil masyadong marami ang pinabuhat niyang paninda sa amin.” sabat naman ni Roly, at dumiretso na nga lang sa lamesa ang dalawa upang kumain. Tumabi at naupo si Henry sa gilid ni Iska at pinagmamasdan lang ito, “Henry, kumain na tayo.” tinuran ni Roly “ Mauna na kayo.” sambit niya “Bakit kaya… hindi natin subukan hanapin ang mga magulang ni Is—.” naputol na saad ni Roly nang mabatid agad ni Henry sasabihin niya “Huwag mo na ituloy Roly, wala akong balak.” agad na sagot ni Henry habang nakatingin lang kay Iska. “Napalapit ka na sa bata pero… malay mo masyado lang nagdamdam yan nang nasaktan siguro ng nanay niya sa kakulitan kaya tumakas. Kaysa tayo yung nahihirap—.” pinutol muli ni Henry ang sinasabi niya “Roly, tumigil ka nga at baka marinig ka niya. Hindi ko siya ibabalik doon dahil kung may pakialam talaga sa kanya ay matagal na siyang hinahanap at isa pa… hindi normal na sugat ang mayroon siya ng mga panahon na nakita ko. Alam mo rin naman iyon diba? Nakita mo rin naman.” pagmamatigas ni Henry at napa kunot noong tingnan siya, “Bahala ka nga.” tanging na sambit ni Roly. Sa ikatlong araw na sumunod ay magaling na si Iska, pero hindi muna siya pinalalabas ng bahay. Hapon pa nang umuwi si Henry at Roly, “Oh, Iska?” salubong ni Henry nang makita niya itong mag-isa at nagwawalis sa loob ng bahay. Patakbo ito na lumapit sa kanya “Umalis si Paolo tska Dino, sabi babalik daw agad.” nakatingalang saad sa kanya nito “Saan daw pumunta?” tanong niya muli “Hindi ko alam e hindi sinabi.” sagot naman ni Iska “Baka nangalakal lang ang mga iyon.” sabat naman ni Roly. Ilang minuto lang ang lumipas, “Tao po, Henry? Roly?” may kumakatok sa may pintuan nila “Sino naman yun?” sambit ni Roly “Aba, malay ko.” tugon ni Henry “Sino yan?” tanong ni Roly pagkalabas dahil siya na ang nagbukas, “Uy, Roly… pumunta kayo sa may barangay, nandoon si Kap. Nandoon sina Paolo at Dino, may nagrereklamo sa kanila.” saad ng isang lalaki na tanod sa barangay nila… “Ah.. sige ho, susunod na kami.” sagot ni Roly. “Ano daw yun Roly?” nagtatakang ani Henry “Puntahan daw natin sina Paolo at Dino sa barangay, nireklamo daw kay Kap.” tugon niya “Bakit daw?” ani Henry “Ewan ko nga rin e kaya tara na!” saad ni Roly, inakay naman ni Henry si Iska at isinama na rin nila. Nang nasa barangay na sila ay agad na nila nakita sina Paolo at Dino, “Paolo! Dino… Ano ba nangyari?” tanong ni Henry at hindi nakakibo ang dalawa at ang Kapitan ang sumagot “Henry, nagnakaw raw ng portable dvd yang dalawa at naibenta. Kaso sa kabilang barangay nakatira ang nakabili na nagkataon pa na kakilala ng may-ari kaya nalaman.” paliwanag nito “Ho?” sambit niya “Totoo ba yun ha?” tanong ni Roly sa dalawa “Hindi ah, nakita namin yan sa may tambakan ng kalakal.” sagot ni Paolo “Nakita namin na mukhang maayos pa kaya naghanap kami ng bumibili ng ganyan.” dagdag pa ni Dino “Ang galing nyo naman gumawa ng kwento!” singhal ng isang babae na nasa humigit kumulang trenta ang edad, “Ano ho ibig niyo sabihin?” tanong ni Henry sa ginang “Sa amin yan, ninakaw nila yan panigurado.” pagmamatigas nito “Ibalik niyo ang pera namin dahil kina Marites daw pala iyan.” pagpupumilit pa ng isa pang babae na kaedaran rin nito kasama ang lalaki na nasa kapareho nilang edad na siyang asawa niya na mismong nakabili ng ninakaw daw na dvd. “Sige na, ibalik niyo na lang nga ang pera nila kung ayaw nila maniwala.” saad ni Henry, matapos magka aregluhan at binalik nalang nila ang pera maging dvd ay kinuha na ng mga ito pauwi. “Mag-iingat na kayo sa susunod ah.” bilin ni Henry sa dalawa, luminga-linga siya at napansin niya na nawala sa paningin niya si Iska. “Teka, Roly? Nasaan si Iska?” nag aalalang tanong niya “Hindi ba’t ikaw ang may hawak dun?” tugon nito “Ha? Nasaan na ba yun?” natatarantang sambit ni Henry “Iska!” panay tawag nila sa paligid at hinahanap nilang apat kung saan na naman siya nag-suot, “Nasaan na yun?” tanong ni Paolo “Hindi ko napansin nga kanina kung pumasok ba sa loob e.” tugon ni Dino “Iskaaa!” panay tawag ni Henry habang napapahawak sa batok at lumilinga-linga “Henry!” isang sigaw ng matinis at maliit na boses mula sa pader sa katabing poste sa tawid ng barangay ang nagpatigil sa kanila “Iska! Anong ginagawa mo riyan?” naiinis na tugon ni Henry at tumawid para kunin ito, kinarga niya ito patawid papunta sa kinaroroonan nina Roly. Ini-upo niya ito sa isang may kataasang batuhan malapit sa gilid ng poste, “Ano ginagawa mo roon? Bakit ka na naman humiwalay sa amin?” nagpipigil ng galit na tanong ni Henry sa humihikbing si Iska, “Si mama…” umiiyak na sambit niya “Mama?” nagtatakang sambit ni Henry “Andoon siya kanina, ayaw ko siya makita ako.” pagkasabi ay humagulgol ito ng iyak, niyakap lang muna ito ni Henry at hinintay tumahan bago tanungin muli. “Wala na ang mama mo, saan mo ba nakita?” tanong niya muli nang huminto na ito sa pag-iyak, “Hindi ko siya mama… ayaw ko na rin sa kanya.” nahihikbing sagot niya “Sino ba kasi? Saan mo nakita?” ani Henry at sumulyap muna si Iska kay Paolo at Dino bago sumagot “Yung nagagalit kanina.” tugon niya, kaya pala ito bumitaw kay Henry dahil nakilala niya ang babae na nagsisisigaw sa loob ng barangay at tumakbo siya palayo dahil sa takot. “Oh, wala na siya. Uuwi na rin tayo.” tugon ni Henry at nagsimula na silang maglakad, nauunang maglakad si Paolo at Dino at kinarga na lang ni Henry si Iska habang naka sunod si Roly sa kanila. Napasulyap si Iska kay Roly na titig na titig sa kanya, sabay silang nag iwas ng tingin nang magtama ang mga mata. Tila may iniisip na malalim si Roly na ikinatakot naman ni Iska.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD