street foods

812 Words
Hindi na nag-atubili pa na magpaliwanag si Iska sa babae, mukha naman maayos ang kalagayan nito kaya mas minabuti na niya na maglakad na muli palayo rito. Habang unti-unti na naglalakad si Iska palayo, natauhan naman ang babae na nakatanaw lang sa kawalan dahil sa nagulat siya sa nakita niya, nagkakagulo ang mga tao dahil sa nabangga ang kotse sa poste sa katawid kalsada. Maingay ang paligid na nagpa-balik ng diwa niya sa katawan, dali-dali siya na tumayo at palinga-linga na may hinahanap. At nang nahanap na ng kanyang paningin si Iska na malayo na naglalakad ay agad siya na tumakbo at hinabol ito, “Sandaliii, kuya! Ay!! Ate? Uhmm… Ah, basta ate na kuya o kuya na ate. Antayin mo ako!!” sigaw ng babae kay Iska. Hindi na lumingon si Iska at mas binilisan pa ang paglalakad niya, “Uy! Sandali.” mas malakas na niyang naririnig ang boses ng babae na humahabol sa kanya. “S-sandali, sandali lang muna!” sambit nito sabay kapit sa braso ni Iska habang hingal na hingal dahil sa pagtakbo nito para habulin siya, “Ano na naman ba?” medyo malakas na pagkaka-tanong ni Iska at huminto para lingunin ito. “Hmm… Ahhh… Kasi ano, gusto ko ulit mag-thank you.” medyo nag-aalangan na sagot ng babae, “Ok.” tanging sagot ni Iska at naglakad na muli. “Wait lang muna kasi…” paghabol nito at naglakad na sumunod sa kanya, “Bakit ba ang kulit mo? Ano ba talagang kailangan mo? Ha?” naiinis na tanong ni Iska sa babae. “Sorry na kung makulit ako, hindi ko rin naman alam kung bakit kusang sinusundan ka nitong mga paa ko kahit tinataboy mo ako.” sagot nito na medyo malungkot, “Tantanan mo na lang kasi ako.” tugon ni Iska sa mababa nang boses. “Iniligtas mo na naman ako ulit, kaya huwag ka na mag-isip na may masama ako na iniisip laban sa iyo. Gusto ko nga na mas makilala ka e may kung ano dito sa sarili ko na pinipilit ako na makipagkaibigan sa iyo. Ngayon ko lang naramdaman ito, kung alam mo lang.” mahabang pagpapaliwanag na sagot ng babae kay Iska, “Akala mo lang kasi noong umpisa na lalaki ako kaya ka ganyan.” tugon naman ni Iska. “Oo, siguro? Pero ngayon alam ko nang hindi, bakit ganoon pa rin?” pabalik na tinuran nito, “Aba, malay ko rin sa iyo.” tanging sagot ni Iska sa malamig at mababang boses. Bumuntong hininga ang babae at biglang huminto na sumunod mag lakad kay Iska, nagtaka naman si Iska nang maramdaman niya na huminto ito at napa-hinto rin siya sabay nilingon ito habang nakatayo lang at nakayuko ang ulo. Tinitigan lamang ito ni Iska sandali at lumakad papalapit sa babae, ngunit natigilan siyang muli at bumaling ulit paharap kung saan siya naglakad na lang palayo. “Uy!” nagulat si Iska nang sumunod na naman pala ang babae sa kanya, “Akala ko magpapakilala ka na.” nilingon niya lang ito at humarap na ulit para maglakad. “Sabihin mo na kasi pangalan mo, gusto ko lang ng bagong friend.” Huminto si Iska at bumuntong hininga muna, “Iska.” sambit niya. “Ano?” tanong ng babae, “Bingi ka ba?” inis na tanong niya. “Hindi, uhm… Iska? Tama ba o medyo mali ata??” muling tanong ng babae, “Oo.” sagot niya. “Ah, Iska ang pangalan mo?” muli na naman na tanong nito, “Oo nga! Ang kulit mo rin talaga ano?” inis na sagot ni Iska. “Ay, hehe. Sorry naman naninigurado lang at baka lalo ka pa na magalit kung mali ang pagkaka-banggit ko, ako nga pala si Analyn.” malambing na sagot na may kaunti na pagtawa dahil nahihiya sa pag-sagot nito, sabay abot ng kamay niya upang magpakilala. “Sige na, ang pormal naman niyan.” sagot ni Iska na medyo hinawi pababa nang mahina ang kamay ni Analyn, “Ay, ganon? Hmmm… Gusto mo kumain muna?” tanong ni Analyn. Lumingon lang si Iska at lumakad uli palayo, “Hala! Ang sungit mo pa rin? Tara na kasi.” pagmamaktol na sabi ni Analyn sabay habol at hatak sa braso ni Iska dahil lagi itong nakapamulsa. “Ano ba, sandali!” tanging na-sambit ni Iska ngunit wala nang nagawa kung hindi ang sumunod dito, “Street foods tayo!” masayang pag-aya ni Analyn. "Bahala ka, ang kulit mo e.” pabulong na naiinis na sagot ni Iska, “Yey! Hahaha tara na.” hagikhik na sagot naman ni Analyn. Napa-ngisi na lamang si Iska sabay buntong hininga, "Pili ka, kung fish ball, kwek-kwek, kikiam, isaw o kahit ano jan." pag-aya ni Analyn kay Iska habang itinuturo niya ang mga pagkain isa-isa. "Kahit ano jan, ikaw na bahala." tugon ni Iska.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD