Chapter 7: Imbento at kapalit...
Lily's POV
Nakakabagot. Ewan ko nalang. Yung pagka-boring ng buhay ko ngayon mga 11/10.
Nakatingala ako sa kisame habang nakasalampak sa swivel chair. Iniikot-ikot ko sarili ko.
Kaliwa. Kanan. Kaliwa ulit.
Hanggang sa nahilo na ako pero wala pa rin. Nganga pa rin utak ko.
Si Ate Shunem kasi, busy.Pero ako rin naman busy. Laging may meeting, may client, may “kailangan tapusin”.
Bakit ba kasi walang trabaho na ang job description ay:
"Manonood ng drama 8 hours a day.
Marites sa group chat. Sasahod ng 6 digits.
Free chichirya."
Edi sana CEO na ako ng buhay ko. Kaso wala eh. Scam ang adulting.
Vroooommm.
Ay. Yung kotse ni Kuya. Tunog pa lang, alam mong galit sa mundo.
Buti naman umuwi ng maaga for once. Ang tahimik ng bahay pag kaming dalawa lang, subsob sa laptop.
Trabaho. Trabaho. Trabaho.
Para saan? Para pag namatay kami, madadala ba namin sa langit yung ipon namin? Hindi naman diba. Edi sana nag-K-drama marathon na lang ako buong araw.
*BLAG!*
Bumukas yung pinto na parang may SWAT.
"Lily. Ano ‘tong nabalitaan ko kay Henzyl?"
Bungad agad ni Kuya.
Walang "Kamusta araw mo"
Walang "May pasalubong ako"
Direcho sermon. CEO nga talaga.
Walang empathy, kapatid ko ba talaga to'.
Inangat ko ulo ko sa armrest ng chair. Nakasimangot. Naka-pout. Full package ng "bored na bata".
"Ano ba ‘yun Kuya? Ang importante... may pasalubong ka ba?"
Sabay silip-silip sa kamay niya.
Sa paper bag. Sa bulsa.
Maski balat ng chichirya, tatanggapin ko.
Tumaas kilay niya. Yung kilay na ibig sabihin "hinahamon mo pasensya ko".
"Umayos ka nga. Sino ‘yung Yen na inimbento at ikinuwento mo kay Shunem?"
AY PATAY.
Nanlamig yung kape ko. Char, wala pala akong kape.
Narinig niya?!
Paano?!
Kailan?!
Yung tabil talaga ng bunganga ni Henzyl! Kakausapin ko talaga ‘yun.
Isusumbong ko na siya kay Lord.
"Ha? Meron ba akong naikwento?" Nag-innocent eyes ako. Level 100. Sabay tayo dahan-dahan. Kunwari naghikab.
"Huaaaaam~" Inat-inat pa yung braso. Award-winning acting.
"Ay Kuya inaantok na pala ako. Ang bigat ng eyebags ko oh. Maaga pa ako bukas... sa... sa pagtulog ulit. Bye!"
TAKBO LILY, TAKBO.
Kumaripas ako papuntang kwarto na parang may hinahabol na aso. Dinig ko tsinelas ko sa tiles: ....pak pak pak pak...
Ayaw na ayaw pa naman ni Kuya McNeille na nag-iimbento ako. Kesyo "delikado yan" at "hindi lahat ng bagay dinadaan sa kwento". Eh kasalanan ko ba kung overactive yung braincells ko? Bigay ‘to ni Lord. Gifted ako sa pag-mamarites.
Huff. Huff. Huff.
Parang marathon runner yung baga ko. Ni-lock ko pinto. Double lock. Tas sumandal ako sa pintuan.
BAM! BAM! BAM!
"LILY BUKSAN MO ‘TO O GUSTO MONG SIRAIN KO ‘TO?!"
Boses niya parang kulog. Yung tipong maririnig hanggang kabilang subdivision. Yung pinto ko, kawawa. Nanginginig na sa takot. Relate ako, pinto. Relate.
"Kuya mag-promise ka muna! Hindi mo puputulin allowance ko! Sige na! Promise meeee!" Sigaw ko habang hawak-hawak ko yung doorknob, yung lakas ko.
KAYANIN MO LILY. KAYANIN MO!!!
"Allowance? May sweldo ka na, Lily! Bakit palagi kang humihingi ng allowance sa’kin? At ilang ulit ko sasabihin... I. DON'T. DO. PROMISES."
Ang sungit. Ang sungit. Parang laging may period. Sino ba kasing nag-imbento na dapat seryoso lahat ng tao pag mayaman na?
"ISA..."
Nagsimula na siya magbilang. Yung boses niya, pang-final boss.
"DALAWA..."
Ayoko na. Ayoko masira pinto ko. Mahal magpa-repair. Mabawasan pa allowance ko.
Click.
Binuksan ko nang dahan-dahan. Sumilip muna isang mata ko.
Katakot. Yung mukha niya. Hindi maipinta. Hindi ma-photoshop. Hindi ma-filter. Galit na galit. Yung ugat sa sentido, nagba-band concert na.
"K-Kuya magpapaliwanag ako pls... w-wag mong i-cut yung allowance ko," Lumapit ako. Lumuhod. Kumapit sa laylayan ng pants niya. Ginaya ko yung napanood ko sa K-drama last week.
Title: "The Begging Female Lead Episode 8". Effective yun eh.
Umiiyak pa dapat ako kaso wala akong luha. Pinilit ko na lang ngumawa.
"Hng... hng... kwuaaaaa~"
"Sige. Ipaliwanag mo."
Humugot siya ng malalim. Pinakalma sarili niya. Kita ko sa mata niya yung "1% na lang sasabog na ako".
GUMANA! Thank you, K-drama University!
"Di ba sabi mo wag kitang ipakilala sa kanya?! Tapos ikaw din pala gagawa ng paraan para magka-moment kayo! Asan ang hustisya, Kuya?! HUSTISYA!"
Boom. Baliktad time. Defense mechanism: SISIHIN MO SIYA, LILY. Pag nag-guilty siya, ligtas ka. Brain cells, bumigay kayo! Mag-cooperate kayo for once!
"Basta gumawa na lang ako ng kwento para mapagtakpan ka! Dapat ka ngang magpasalamat sa’kin eh! Kasi kung hindi, nahuli ka na ni Ate Shunem na stinistalk mo siya! At tsaka--"
"Sige. Ano pang rason..." Krus na braso niya. Hindi bumibili sa drama ko. Patay.
Lord, give me script. Dali. Flashback. Flashback.
Ah! Naalala ko! 5 years ago! Nung kinuha ko yung black folder niya sa office. Yung may full name, address, blood type ni Ate Shunem. "For research purposes" daw. Eh na-curious ako! Kasalanan ko ba kung naging detective ako nung araw na ‘yun? Ang ending: sermon at sermon na parang SONA, tapos 6 MONTHS walang allowance. Nag-ulam ako ng toyo at asin nun. TRAUMA.
"Lily. Nakikinig ka ba?"
Mas lumapit siya.
Last card na ‘to. Ang ultimate weapon.
Water works... activate. Piniga ko mata ko. Ngumuso.
"Pero Kuuuyaaaa... hindi ko naman sinasadya eh... huhu..."
"Wag mo akong dramahan, utang na loob."
FAIL.
Hindi siya nadala. Immune na siya sa iyak ko. Anong klaseng kuya ‘to?!
"Pero kuy--"
"This time... pagbibigyan kita."
RECORD SCRATCH.
...HUH?
Napatingin ako. Huminto luha ko mid-air.
"Sa isang kondisyon."
Teka. Teka lang. Tama ba narinig ko? Hindi ba ako nananaginip? Kinurot ko pisngi ko. Aray. Gising ako.
"S-Sige ano ‘yun!" Sagot ko agad. Baka magbago pa isip niya! Minsan lang ‘to! Jackpot!
"Kumbinsihin mo si Shunem na lumipat ng apartment."
Nag-blink ako.
"Yun lang pala, sige."
Easy. Kakausapin ko si Ate.
"Ate lipat ka na..."
...
......
WAIT LANG.
"HA!!! BAKIT?!"
Nalaglag panga ko sa sahig. Pati kaluluwa ko nag-loading. _Processing... 1%... 2%... ERROR._
Bakit niya palilipatin si Ate Shunem?! Anong binabalak ng utak ng CEO na ‘to?
"Gagawin mo ba o hindi?"
Seryoso yung mata niya.
Yung "hindi ako nakikipagbiruan" na titig. Yung titig na nagpapasahod sa buong company.
Wala akong choice. Allowance ko nakasalalay dito.
Tumingin ako sa kisame. Huminga malalim. Tinanggap ang kapalaran.
"...Sige na nga."
Kasalanan to ng matabil na bibig ni Kuya Henzyl.