His Obsession

1640 Words
Chapter 6: Obsession and Guilt McNeille's POV "Baliw ka," padabog na pag-alis niya… Isinarado ang pinto at di na lumabas. Naiwan ako sa sala. Pinanood ko lang yung pintong sinara niya. Walang galit. Walang inis. Ngiti lang. Siya yung naghahamon para tingnan akong magbihis tapos ngayon siya din ang unang napipikon. Ibang klaseng babae. Yung mukha niya pulang-pula. Tenga, leeg, lahat. Pero cute pa rin. Lalo na pag naiinis. Nag-iba na personality niya. Iba sa highschool girl na naalala ko… yung naka-ponytail sa rooftop. Yung tahimik. Yung hindi ako pinapansin kahit anong gawin ko. Ngayon, sinusungitan na ako. Tinitingnan na ako. Nagre-react na siya sa’kin. Napangiti ako. Kailan kaya niya ako maalala? Inilibot ko ang paningin ko. Maganda naman dito. Maliit pero malinis. So ito pala apartment niya. Medyo malayo sa picture na ipinakita sa akin ng tauhan ko kanina. Alam kong invasion of privacy na pasundan siya. Alam kong mali. Pero 10 taon ko na ginagawa ‘yun. Di niya namamalayan na kahit kailan di ko siya iniwan. Simula nung di na niya ako maalala naging duwag din ako at lumayo ngunit kahit kailan di ko siya maiwan at mabitawan. At maraming paraan para mailipat siya sa mas safe na tirahan. Delikado dito. Madilim yung eskinita. Walang guard. Buti na lang at may monitor ako. Palagi kong alam ang whereabouts niya. Saan siya kumakain. Anong oras siya umuuwi. Sino kausap niya. Obsessed na ba ako… siguro nga… Baliw lang siguro. Pero mas nabaliw ako nung sampung taon na hindi ko siya nakita. Mas nabaliw nung mga gabing nagbabantay lang ako sa labas ng building niya, sinisiguradonh nakauwi siya. Kahit basag ako dahil namatay si mama at sumunod naman yung aksidente ni Shunem. Di ko siya maiwan. Sa kanya lang ako ganito. Sa kanya lang ako nawawalan ng kontrol. Nasa malalim akong pag-iisip ng biglang kumidlat. BOOOOOM!!! Biglang bumukas yung pinto. Lumabas si Shunem… Nanginginig. Namumutla. Yung mata niya, hindi ako nakita. Walang focus. Parang bumalik siya sa bangungot. "Happy thoughts" *inhales, *exhales "Happy thoug---" _Panic attack._ Kilala ko ‘yan. 10 years ago, sa video na pinadala sa’kin ng tao ko. Umulan noon. Ganyan din siya. Nakaupo sa sahig. Tinatakpan tenga. Siguro sanhi na rin ng trauma kakabit ng aksidenteng yun, at ako dapat ang nabangga, hindi siya. Sobrang sakit dahil di ko siya madamayan. Pero ngayon, nandito ako. Hindi ako gumalaw agad. Pinanood ko muna siya ng isang segundo. Dalawa. Tatlo. Kasi sa sampung taon, ngayon ko lang siya nakitang ganito kalapit. Ganito kahina. Ganito... kailangan ako. Babawi ako, mula sa panahong di ko nadinig yung call of desperation niya noong high pa kami. Ako dapat ang nag-aalaga sa kanya, pero siya ang tumulak sa akin para di ako mamatay. Tapos lumuhod ako sa harap niya. Wala akong pake sa posisyon namin, gusto ko lang siyang protektahan sa malapitan. Pinatong ko yung dalawang kamay ko sa kamay niyang nakatakip sa tenga niya. Hindi ko hinawakan nang mahigpit. Hinawakan ko lang. Kasi akin siya. Kahit hindi niya alam. Pagdilat niya, sa mata ko siya tumingin. At doon, nakita ko. Yung recognition. Hindi pa buo. Pero andun. Yung utak niyang naghahanap kung saan niya ako nakita. Wala siyang masabi. And I think I'm lost at the way she's looking at me like I'm the only thing keeping her here. Sa lupa. Sa katinuan. Di niya namalayan na nawala na ang panic attack niya. Pero ako, namalayan ko lahat. Yung paghinga niyang bumalik sa normal. Yung panginginig niyang huminto. Yung pagkapit niya sa kamay ko kahit hindi niya alam na ginagawa niya. Hindi niya naintindihan. Pero tumango siya. Maliit. Parang bata. At sa isang iglap, naintindihan ko na. Kaya ko siyang pasundan ng sampung taon. Ilang taon na nakatanaw lang, nilalamon ng guilt. Pero hindi na ngayon, mas ikakadurog ko ang sakit pag bumalik na memorya niya pero ikakamatay ko kung hanggang ngayon nasa malayo lang ako nakabantay… Kaya I wil take a shot, bahala na... Kasi sa tuwing kumulog... Ako dapat yung una niyang makikita pag dilat niya. Ako lang. _____________________________________ Shunem's POV Tumila na yung kulog at kidlat. Pero umuulan pa rin sa labas. Nawala na rin panic attack ko. Salamat naman. Mukhang dito talaga siya matutulog ngayong gabi. At ako naman, hindi mapalagay sa isiping ‘to. "May kape ka," bigla niyang tanong habang nakahilata sa couch ko. Paa nakapatong sa armrest. Nanonood ng TV na parang bahay niya ‘to. Nakonsensya naman ako. Bakit di ko siya naalok kanina? After all, bisita pa rin siya. Kahit asungot. "Wala, pero gatas meron," baling ko sa kanya. "Pwede na rin," sagot niya. Hindi man lang tumingin. Mata sa TV pa rin. Agad akong tumayo at ini-on yung water heater ko. Ilang sandali pa, iniabot ko na sa kanya yung gatas. He's cute sa pinahiram kong damit at pajama . Kasya sa kanya dahil pinili ko yung pinakamaluwang. Buti na lang at meron akong nahanap. "Ikaw ‘di ka iinom," sabi niya tapos ibinaling atensyon sa’kin. "Nope, sige lang," sabay upo ko sa katapat na upuan. "Bakit ka nga pala andito? I mean, ang layo naman ng lugar na ‘to sa bahay niyo ni Lily para madaanan mo lang?" "I have some private matter na inasikaso dito. Umandar na naman ang pagka-curious cat mo," dagdag niya habang iniinom yung gatas. Irap na malala. "Bakit, masama bang magtanong?" "Hindi naman. Saan ako matutulog," pag-iiba niya. Galing mag-divert ah. "Eh ‘di dito, saan pa ba?" Alangan namang sa kama ko. Swerte mo. Sa isip ko. Ngumisi siya. "Asan na ang hospitality mo? Kahit may pagka-pusa ka, dapat may ganoon ka pa ring ugali. We Filipino are known for that quality." Pang-aasar niya. "Pasensya na po, pero iisa lang ang higaan dito." Pinal na sagot ko. Tapos. "No problem, tabi tayo I suggest," naka-ngisi niyang turan. "Kapal ah. Ganyan ka ba talaga sa lahat ng babae na bago mo lang nakilala?" Asar kong sagot. Gigil na ‘ko. "Hindi naman. Sa’yo lang. Remember? You're the first one who invaded my privacy, little kitten," tukoy niya sa first meeting namin sa kwarto niya. "‘Di ba quits na tayo dun? Remember?" Ngising aso talaga. "Yeah. Masarap ba yung laway ko?" Naiirita na ako sa damuhong ‘to. Sobra. "Just shut up. Ang bastos talaga ng bibig mo." Tumayo na ako at pinagsarhan siya ng pinto. Bahala na siyang matulog kung saan niya gusto. Sa sahig. Sa labas. Wala akong pake. "Shunem, I was just kidding!" Kahit sarado na ang pinto, rinig ko pa rin ang tawa niya. He cannot contain his amusement. Leche. --- Naalimpungatan ako sa kanina pa tumutunog na alarm ng cellphone. It's six in the morning, at tumila na rin ang ulan. Medyo masakit ulo ko dahil ang lalim ng tulog ko kagabi. Stress siguro sa asungot. Sunday nga pala ngayon. Magsisimba pa ako. Mukhang wala na rin naman ang asungot dahil tahimik na ang sala. At ang damit na pinahiram ko kagabi, nasa mesa na at nakatupi. Buti naman marunong magligpit. Maliligo na nga para maaga akong makaalis. Habang nagsasabon ako sa banyo, parang may ingay sa labas. Sa sala. Pero imposible namang may tao dun. Eh umalis na si McNeille kanina pa. Binalewala ko na lang at binilisan ko ang kilos. Namili na ako ng susuotin. Lavender coordinates ang napili ko para pagkatapos magsimba, dederetso akong mag-grocery. Wala na halos laman ref ko at ubos na rin sabon at iba pang daily necessities ko. I've just applied light make-up para naman magkaroon ng buhay mukha ko. Haggard ako sa damuhong ‘yun. Naalala ko, dapat pala nagsaing ako kanina. Kaya lumabas ako sa sala at dumiretso sa kusina. Laking gulat ko. May pigura ng lalaki na nakatalikod sa kusina, mukhang nagkakape. Lumingon ito sa akin. "Good morning. Ang ganda ng umaga, kasing ganda mo." Hirit niya habang humihigop sa mug. "Oh, bakit gulat na gulat ka?" Kumunot noo niya. "Akala ko umuwi ka na. Bakit ka nandito?" Sabi ko habang papalapit sa kanya. Tarantado talaga. "Kinuha ko lang sasakyan ko, naligo, at bumili na rin ng pagkain. Wala nang laman ref mo." Sabay turo dito. "Saan punta mo? Bakit bihis na bihis ka?" Sinisipat kabuuan ko. "Magsisimba. Ikaw, ‘di ka uuwi?" Kumuha ako ng mug at akmang magtitimpla. Inabot niya yung mug niya sa akin. "Ano ‘to?" Naguguluhan kong tanong. "Gatas, I think," sarcastic niyang sagot. "I mean, bakit ibinigay mo sa akin," turan ko habang hawak-hawak mug niya na kalahati na ang nabawas. "Inumin mo kasi mainit pa. At oo, hinahatian kita ng gatas. Alam ko naman na ‘di ka laway-conscious." Makahulugan niyang turan. "Close na ba tayo? ‘Di ko alam." Sarcastic kong tanong habang hinihigop gatas na inabot niya. Ininum ko nalang sayang din, baka lumamig. "Yup," maikli niyang sagot. "Since when?" Inosente kong tanong. Ngumisi siya, yung mayabang. "Since we shared our saliva." Muntik ko nang mabuga yung iniinom ko. Ang bastos ng dating sa akin. Habang siya, mukhang wala lang. Sarap sapakin. "Kumain na tayo. I'll go with you sa church." "Paladesisyon ka. Alam mo ‘yun?" "Exactly." At wala akong nagawa. He looks dead serious. Naiinis na naman ako. ______________________________ Ilang days na rin ang nakalipas, pero wala nang paramdam si McNeille sa akin. Matapos naming magsimba, hinatid niya lang ako sa mall at umalis din. Ewan ko ba dun. Biglang nag-iba aura niya pagkatapos naming magsimba. Bipolar ba sya o ano? Hay ewan… Ganda pa naman ng Pastor's sermon, all about God's love. Napansin ko na rin na parang naaasiwa siya at ‘di mapakali sa loob ng simbahan. Siguro hindi lang siya sanay. O baka may konsensya. Mabuti na rin ‘to. Nang matahimik buhay ko. Balik sa dati. Pero ngayon, ‘di ko muna kasama yung dalawa. May kanya-kanya din naman kaming schedule. At ito yung time na... busy ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD