Unexpected Rescuer

1807 Words
Chapter 5: Rain+Tension Shunem's POV "Miss, are you okay?" He said in a worried tone. Yung boses niya—malalim, may pag-aalala, pero may kung anong tono na parang... pamilyar. Parang narinig ko na dati sa panaginip. Inalalayan niya akong makatayo. Ang palad niya, mainit. Calloused sa gilid, tanda ng taong sanay gumamit ng kamay. Hindi malambot na kamay ng CEO. Kamay ng lalaking marunong mag-ayos ng sariling gulo. At ang scent niya—citrus at konting mint— parang pabango na hindi mo mabibili sa mall. Pabango na matatandaan mo habambuhay. Saan ko nga ba ‘to naamoy? Nilingon ko ang taong nambastos sa akin kanina at hindi ko na siya makita. Natakot siguro dahil may ibang tao pala dito bukod sa akin. O baka natakot siya sa presensya ng lalaking ‘to. Kasi kahit ako, natatakot. Hindi sa kanya—sa kung ano ‘tong nararamdaman ko. DANGER!!!! Parang red alert sa utak ko. "Sir, thank you at pasensya ka na at nabunggo kit---" Hindi ko natapos. Kasi hinila niya ako. Mahigpit ang hawak niya sa pulso ko—hindi masakit, pero sapat para maramdaman ko ang t***k ng puso niya sa pamamagitan ng mga daliri niya. O baka puso ko ‘yon. Hindi ko na alam. Biglang nanumbalik ang kaba ko at naisip kong baka kasama niya ang nambastos sa akin kanina. Mabilis ang isip ko: tatakbo, sisigaw, hahampasin. Sisigaw sana ako ng bigla siyang magsalita, yung boses niya ngayon mas mababa, mas delikado, parang bulong na direktang tumama sa batok ko. "Don't you dare try to shout, curious cat." Pagbabanta niya, pero may ngiti sa dulo. Ngiting hindi umaabot sa mata. Hawak pa rin ang pala-pulsuhan ko at hinila ako pa-abante. Yung mga hakbang niya, kalkulado. Yung hila niya, hindi pwersahan, pero wala akong kawala. Teka lang!..Curious cat. Parang kidlat na tumama sa utak ko. Curious cat. Isang beses lang may tumawag sa akin niyan sa buong buhay ko. Isang pagkakataon. Isang tagpo. Di ko namalayan malayo-layo na ang nalakad namin. Yung ilaw sa poste, nagfe-flicker, pero naaninag ko na siya dun ko pa na-realize—kilala ko pala siya… Ang lalaking may malungkot na mata. His eyes reminds me of the moon. Ang CEO na hindi dapat nandito. "McNeille!" Tanging naisambit ko. Gulat at kaba,di ko maintindihan. Pangalan niya lang, pero parang dasal, parang mura, parang pag-amin. Ano ba kasalanan to ng laway niya. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. At ... Yung titig… Hindi ‘to simpleng titig. Ito yung titig na humuhubad sa’yo nang hindi ka ginagalaw. Yung mga mata niya—kulay chocolate na nagiging itim sa dilim—naglalakbay mula sa disheveled kong buhok , pababa sa mga matang nanginginig, sa labi kong nakaawang. Isang segundo. Dalawa. Tatlo. .Parang sinasadya niyang patagalin. Parang gusto niyang malunod ako. Tapos— dahan-dahang gumuhit ang ngiti sa labi niya. Mabagal. Mapanganib. Ngiting di ko alam ang dahilan… "Sounds sexy when you're uttering my name, Shunem." Bulong niya. Hindi sigaw. Bulong na mas malakas pa sa kulog. Binibigkas niya pangalan ko na parang secret. Parang pag-aari niya. Flirt naman si Henzyl pero iba to’... Tama nga si Lily delikado ang kuya niya. Nawala ako sa sarili ko. Tumigil ang mundo. Yung ulan, unti-unting bumabagsak… yung ilaw patuloy sa pag-flicker, yung takot ko kanina—lahat nawala. Ang natira lang, yung init ng hininga niya sa mukha ko, 3 inches lang ang layo. Amoy mint. Amoy ng nakakalitong damdamin. Hindi gumagalaw utak ko. Parang nag-shutdown. Ang naririnig ko lang, yung t***k ng puso ko na parang drum sa tenga ko. Ang nakikita ko lang, yung mga pilik-mata niya na mahaba, yung paraan ng pag-angat ng sulok ng labi niya. Gusto ko siyang itulak. Gusto ko siyang tanungin. Gusto ko siyang... halikan ? Baliw ka na Shunem. Sayang, sana di nalang lollipop ang pinili ko. "Alam kong gwapo ako," biro niya. Pero yung boses niya , yung mata niya hindi ko maalis yung titig ko. "Pero kung gusto mong makipagtitigan buong gabi dito, okay lang sa akin." Sinuklay niya ang basang buhok gamit ang kaliwang kamay—yung kamay na hindi nakahawak sa akin. Kasi yung kanan niya? Nasa pulso ko pa rin. Hinigpitan niya konti, na parang paalala: Nandito ako. Hindi ka makakatakas. Lunok. Doon lang ako natauhan. Binawi ko tingin ko. Kasi pag tumagal pa ako ng isang segundo, baka ako na mismo ang humalik. "Bakit nandito ka? Anong ginawa mo dito? At bakit alam mo kung saang apartment ako nakatira? Stalker ka ba?" Sunod-sunod na tanong ko, pero nangangatog boses ko. Hindi galit—kaba. Kaba na hindi ko maintindihan kung dahil ba sa takot o sa... iba pang rason. Naglalakad kami na parang timang, basa na kami, at kung merong makakikita sa amin siguradong iisipin na baka lumuwag na tornilyo sa utak namin, ni hindi man lang naisip na tumakbo at sumilong… Binitawan niya ako. At imbis na sagutin, tumawa siya. Mahina. Amused. Yung tawa ng taong may hawak ng lahat ng sagot at ayaw ibigay. "Ganyan ka ba magpasalamat sa pag-rescue ko sa'yo sa manyakis na 'yon? Well, you're welcome." Sarcastic. Mayabang. Pero yung mata niya, seryoso. Yung mata niya, hindi na nakikipagbiro. Ha? Anong rescue? Eh siya ‘tong haharang-harang sa daan kaya muntik na akong masubsob sa semento. Pinagsasabi nito. Sasagot pa sana ako pero napansin ko… Basang-basa na talaga kami pareho. Yung white polo niya, dumikit sa katawan niya. At oh my, bakit kailangan pa makita ‘yung linya ng balikat niya, ng dibdib niya. Umiwas ako ng tingin. Umiwas ako sa tukso. Di to tama Shunem….umayos ka. Agad kong kinapa ang susi sa handbag ko, nanginginig kamay ko hindi dahil sa lamig kundi dahil nararamdaman ko pa rin yung titig niya sa likod ko. Binabantayan. Pinag-aaralan. Hay ano ba, ang kalat ng bag ko, susi magpakita ka ngayon wag mo akong ipahiya. Nang mabuksan ko na ang gate ng apartment ko, hindi ako lumingon. Wala sa sarili ko siyang hinila. Alangan namang pabayaan ko siya sa ganoong estado. May konsyensya pa rin ako, no. Kahit CEO ka pa, pag basang sisiw ka, kawawa ka pa rin. Pinapasok ko siya sa loob. Masyadong malakas ang ulan—sana naman walang kulog at kidlat, medyo takot ako sa ganyan . Pero mas takot ako sa lalaking nasa sala ko ngayon. Ngayon pa talaga umulan. Perfect timing nga naman, universe. Salamat ha. Ang awkward nito. First time kong magpapasok ng lalaki sa bahay ko maliban kay Henzyl. At si Henzyl, matagal ko ng kilala. ‘To? Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan o stalker-type ba, o CEO na naligaw lang…Hay!!! Nasa pink couch ko siya nakaupo. Pink... Sa lahat ng uupuan niya, pink pa. Ang laki-laki niyang tao, tapos mukhang giant sa dollhouse. Napansin kong basa ang kanyang damit—dumikit yung white polo niya sa katawan. Hindi ako tumingin. Hindi talaga. Sumpa man.Promise… Natagalan kasi ako kanina sa pagkuha ng susi sa bag ko. Kung 'di ba naman makalat ang bag ko, nako naman. Resibo ng 2019 nandun pa. Agad akong pumasok sa kwarto at naghanap ng damit na kakasya sa kanya. Problema: puro crop top at oversized shirt ko. Ano ‘to, Build-A-Bear? Paglabas ko, nandoon pa din siya. Nakaupo. Nakatingin sa kisame. Halatang nilalamig. Iniabot ko sa kanya ang white t-shirt na 'di ko nasusuot dahil masyadong malaki sa akin. Good luck. Baka maging crop top sa’yo ‘yan. "Thanks," tinanggap niya, tapos tumingin sa baba. "Wala bang pang-ibaba? Basa rin kasi." Kaswal na kaswal. Parang nag-oorder sa Jollibee,hanep. Ayos ah.Para na kaming matagal na magkaibigan nito kung maka-demand siya. Ako na nga nagpatuloy sa bahay ko, ako pa mag-aadjust? "Sandali lang, maghahanap ako," sabi ko, eye-roll bali 1000. . Iniwan ko siya dun at bumalik sa kwarto. Kanina pa ako nahalungkat. Wala talaga. Puro pajama na may mga bulaklak, may strawberry, may Hello Kitty. I-imagine mo si McNeille Monache sa Hello Kitty pajama. Hindi ko kaya. Pero... tempting. Kaya no choice. Ipapahiram ko na lang sa kanya ang isa sa mga 'to. Yung floral na pink. Bagay sa couch ko. Pwede na rin siguro 'to, total makapal naman. Nagdala na rin ako ng towel. Baka sakaling kailanganin niya... o ibato ko sa mukha niya. "Oh, eto isuot mo muna. Wala talaga akong mahanap na iba na kakasya sa'yo," at inihagis ko sa kanya. Literal na hagis. *Catch. Sinalo niya. Tiningnan. Yung kilay niya tumaas. "May underwear ka ba?" Tanong niya habang nakangiti—yung ngiting alam niyang nakakainis siya pero wala kang magawa. Parang hindi awkward 'yung sitwasyon namin. Para sa kanya, normal lang na magtanong ng underwear sa bahay ng babae. Tumirik mata ko. "Wala. Panty gusto mo?" Sagot ko ng pabalang. Bahala siya. Imbis na ma-offend, lalo pang lumawak ngiti niya. Ngiting aso. Ngiting ang sarap hampasin. “Oh, I like it. Saan na? Susuotin ko." Tapos tumingin pa siya sa akin from head to toe, parang nag-sukat na. Nakakapikon din ang isang 'to.Lord, bigyan mo ako ng pasensya. At kidlat. Para sa kanya. "Magbibihis na ako," tayo siya, hawak yung floral pajama ko na parang wala lang, "Manunuod ka?" Panghahamon. Kumindat pa. Kumindat, talaga naman... *Dalawang pwedeng sagot: tumakbo o lumaban. Pinili ko lumaban kasi ma-pride ako. "Eh kung sabihin kong oo?" Balik-hamon ko. Cross arms. Steady lang sa kinatatayuan ko. Kunwari hindi ako kinakabahan. Kunwari hindi ko naririnig t***k ng puso ko. Nagkibit-balikat siya. "Ikaw ang bahala." Tapos tumitig sa akin. Direktang-direkta. Habang hinuhubad niya ang kanyang white polo. Dahan-dahan. Parang commercial ng pabango. Parang alam niyang nanunuod ako. And damn—- Lord, patawad. His six-pack abs ay masyadong nagmamataas. Anong ginagawa niya? Nagbubuhat ng building?His muscular arms—yung tipong pwede kang buhatin isang kamay lang tapos i-ikot ikot. Matibay. Mukhang safe. Mukhang... delikado. Bigla akong natauhan pag-angat ko ng tingin.Kasi nakatingin na siya sa akin. At yung loko, naaliw. Kitang-kita sa mata niya: _Gotcha_. Tumikhim ako. Tumingin sa kisame. Sa pusa ng kapitbahay. Sa kahit saan basta hindi sa abs niya. "Ano bang pinaggagawa ko sa buhay at nandito na naman ako sa sitwasyon na delikado," bulong ko. Pero sapat na para marinig niya. Tumawa siya. Mahina. Malalim. Yung tawang ramdam mo sa sikmura. "Delikado?" Suot na niya yung white shirt ko. Maluwag sa akin, sa kanya sakto lang. Unfair. "Curious cat, kung delikado ako, dapat kanina pa kita kinain." Tapos sinuot yung floral pajama. Pink. Bulaklak. Bagay sa kanya. Hindi ko kinaya. "Bagay sa'yo," sabi ko, sabay irap. "Next time, dadalhan kita ng sarili mong damit. Yung black. Para bagay sa ugali mo." Ngumisi siya. "Next time? So inaaya mo akong bumalik?" Tapos umupo ulit sa pink couch. Comfy na comfy. Inirapan ko siya. Kumuha ako ng tubig. Kasi kung hindi, baka mabato ko siya ng vase. Bakit ba kasi ang gwapo niya kahit naka-floral pajama? Hay ewan ko Shunem…makisama ka naman sa babala ng utak mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD