Celebration

1507 Words
Chapter 4: Lingering feelings vs. Friendship Shunem's POV ‎The Next day... ‎ ‎ ‎ ‎"Hay salamat, success ang end result ng puyat natin Ate Shunem," Lily happily hugged me. ‎ ‎"Congrats Ate, ang galing mo tagala when it comes to presentation. Natuwa sila Mr. Tolentino kanina." ‎ ‎"Ikaw din naman. Collaborative effort kaya yun, kaya tara mag- celebrate tayo. Libre ko," agad ko siyang hinila at plano kong magluto ngayong gabi. ‎ ‎Pumunta kami sa mall para mamili ng karne at gulay na rin. Maghahanda ako ng totoong ulam para makabawi sa puro instant na kinakain namin nitong huli. ‎ ‎"Sa'n tayo ngayon tatambay bunso sa inyo?" Usisa ko sa kanya habang tulak-tulak ang maliit na cart na kinuha namin sa may counter. ‎ ‎"Nope kila kuya Henzyl tayo ngayon magsi-celebrate," she answered while putting some tomatoes sa cart namin. ‎ ‎"Himala at gusto mo kila Henzyl ngayon," patuloy ko sa pagtulak sa mga pinamili namin. ‎ ‎"Oo para di kayo magkita ni kuya, mahirap na ang lagkit pa naman ng titig niya sayo," she stated out of nowhere. ‎ ‎"Eh!!? Nag-ooverthink ka masyado Lily." ‎ ‎But deep within me agrees with her. Dahil siguro sa halik na yun. ‎ ‎"Di no, I know kuya McNeille. The moment I saw him staring at you, I just knew." She added. ‎ ‎"Ok kuya mo yun eh. Pero tinawagan mo na ba si Henzyl na pupunta tayo sa condo niya?" Pag-iiba ko ng topic. ‎ ‎"Nope, surprise nalang natin siya," she laughs. ‎ ‎"Hmm sige gusto ko ang idea na yan." ‎ ‎ ‎Henzyl's POV ‎ ‎I can hear the ringing of my doorbell. Buti na lang tapos na ako mag-shower to freshen up my body. Maraming client ngayon sa company namin. Hectic masyado ang schedule ko. I just missed Shunem and Lily these days. They lighten up my mode kapag ganito. Patuloy parin ang tunog ng doorbell. ‎ ‎"Sandali lang," sinilip ko muna ang door viewer ko kung sino ang nasa labas. ‎ ‎Wala naman akong makita kaya binuksan ko nalang ang pinto ‎ ‎"Surprise!!" They both said in unison. Speaking of, sila na mismo ang nasa harapan ko. ‎ ‎"Oy talaga naman, I missed you babies, sakto at nandito kayo," I excitedly hugged them. ‎ ‎"Henzyl para ka talagang bata, bitaw nga nasasakal kami," as usual Shunem said it. Nagsusungit na naman. While Lily just laughs. ‎ ‎"Oh kunin mo nga to, asan na ang gentle man ethics mo?" Shunem added sabay abot sa akin ng maraming support na dala nila. ‎ "May pasok ka kuya?" si Lily "Oo pero tawagan ko nalang secretary ko to clear my schedule." ‎"Oh bakit may paganito, anong event?" Takang tanong ko. ‎ ‎"Magsi-celebrate tayo kuya dahil may nangyaring maganda sa office kanina," si Lily na tuluyan ng pumasok. ‎ ‎Sumunod naman si Shunem kahit di inanyayahan na pumasok. Talagang comfortable sila dito, mukhang sila pa ang may-ari at ako ang bisita na nakasunod sa kanila. They've settled on the sofa. Agad inabot ni Shunem ang remote control at ini-on ang flat screen tv ko. ‎ ‎"Wow!!! Congrats sa inyo, but I just realized, Bakit kayo nag-doorbell eh alam niyo naman ang passcode ko?" "Element of surprise! Para maiba naman." Lily said enthusiastically. Sabay apir sa akin. "Oo nga naman," pagsang-ayon ko. "Gutom na ako," Shunem said while watching tv. "Magluluto ako," I suggested, tapos dinala ang mga pinamili nila sa kusina. "Huwag!!!," they've said dramatically in unison again. "Bakit naman?" Patay-malisya kong tanong sa kanila. Kahit na alam kong may trauma pa sila sa nilutong kong adobo na di namin nakain dahil sobrang alat at di man lang lumambot. Mas malambot pa ang paggiling ko sa mga bar kung saan ako nagpa-party kung minsan. Natatawa pa rin ako kapag naalala yun. At ang ending nag-order nalang kami ng pizza para may makain kami. "Ate Shunem will cook sabi niya kanina, di ba ate?," sabi ni Lily na alanganing ngumiti at bumaling kay Shunem. "Henzyl Adrian Ramirez, maghiwa ka na nga lang ng mga ingredients at nang makakain tayo ng maayos," pataray ni Shunem at nagsimula ng magsuot ng apron. "Opo madame," I chuckled. I helped her tied her hair in ponytail. At di naman sya nagreklamo. "Para ka pa ring bata," sabi ko sabay pitik ng mahina sa noo niya. She just rolled her eyes at nagsimula ng maghiwa ng karne. Wala man lang thank you sa pag-aasist ko sa kanya. Nagsimula narin akong hiwain ang mga ingredients na nasa harapan ko. At paglingon ko si Lily nakatitig sa amin at nakabungisngis. "What?" Curious na tanong ko sa kanya. "Sure kayo na walang namumuong feelings sa inyong dalawa?" Pang-aasar niya. "Lily tumigil ka." Pagbabanta ni Shunem, she is focussed sa pagpapakulo ng karne ngayon. At ang iba naman ipi-printo namin. "Yun ang di ko sure, kaya siguro wala pang boyfriend tong ate Shunem mo dahil ako talaga gusto niya, hinihintay niya lang na umamin ako." Panggagatong ko sa pang-aasar ni Lily. Aliw na aliw naman si Lily sa nakikita niya. "Mukhang baliktad ang pagkakasabi mo Henzyl, baka yan ang nararamdaman mo sa akin kaya wala kang girlfriend ngayon," sagot ni Shunem habang tinataasan ako ng kilay niya. "Di ka sure, maraming umiiyak sa charms at gandang lalaki ko, Dylan Wang ng Pinas ata to'." Pagmamalaki ko habang naka pose na parang si Johnny Bravo. "Mukha mo!!!" Angal niya. "Ang ganda mo pag napipikon, alam mo yun." I chuckled as I stared at her. She is undeniably pretty. Hindi na siya ang batang iyakin at sipunin. Taliwas sa sinabi ko kanina, hindi na siya yung batang iyakin na palagi kong ipinagtatanggol. Medyo maldita na siya ngayon. Magandang maldita. "Ang pangit mo, alam mo yun," panggagaya niya sa huling sinabi ko. Siya yung inaasar namin pero bakit ako yung apektado, naisip ko habang tinititigan siya. Nababaliw na ata ako. At itinuon ko na lang sa hinihiwa kong gulay ang atensyon ko. I should not let my heart betray our friendship. Kay tagal ko pa namang itinago ito. _ _ _ Shunem's POV "Hephep, anong ginawa mo?" pagpigil ko kay Henzyl habang akmang kukuha ng inumin sa kanyang ref. "Di magsi-celebrate ano ka ba?" Balik-tanong niya. "Di ako umiinom alam mo yan di ba?" "Alam ko si Lily kasama kong iinom." "Idadamay mo pa si bunso sa pagka alcoholic mo, wag na." Sabay abot ng bote sa kamay niya. "Sama nito, Sabado naman bukas at tsaka celebration nga diba? Shunem mahal, sayang yung piniritong karne kung walang alak," suhestiyon niya. "Oo nga ate, kami na ni kuya ang iinom para sa iyo. Alam mo naman iniingatan ka namin." Lily grabbed the bottle from me. " Lily, isa ka pa. Tino-tolerate mo ang pagiging lasinggero ni Henzyl." "Ako iniingatan niyo tapos yang atay niyo hindi. Ewan ko sa inyo." Paglilitanya ko sa kanila. "Sige na, ito oh. Susubuan kita dahil good girl ka sa work mo, at grabi ka sa lasinggero ha." May halong pang-aasar ni Henzyl. "Ayoko ko nga, pakakainin moko ni hindi ka pa nagdadasal noh," sabay ismid sa kanya. "Ay oo nga noh, sorry naman, sige magdadasal ako, tumahimik kayong dalawa," at sumeryoso kaming tatlo. At pumikit. Kahit chaotic ang friendship namin, si Lord talaga ang center nito. And for that I am grateful. Kinabukasan... . . . Sinipat ko ang aking relo, it's 8:00 P.M. Madilim na sa daan at medyo eerie ang paligid ngayon ewan ko ba. Resulta to' ng celebration at hirit ni Lily na mag stay muna kaninang umaga. Ginabi na tuloy ako. Dahil na rin siguro sa makulimlim na kalangitan ngayon wala masyadong stars, mukhang uulan. Eh bakit ko kasi tinanggihan si Henzyl na ihatid ako sa apartment, nagsisisi na tuloy ako. Marami pa namang lasing dito pag ganitong oras. Wala ring traysikel kanina sa babaan ng bus kaya nilakad ko nalang pauwi. Di ako sanay na umuwi ng ganitong oras, or should I say di naman talaga ako palaging umuuwi dito, sa kadahilanang kila Lily or Henzyl ako palaging nakatambay. May napapansin akong sumusunod sa akin kaya binilisan ko ang mga hakbang ko. Di ko pa matanaw ang apartment ko, hay pinagsisihan ko na ngayon kung bakit dito ako kumuha ng matitirhan. Nakatipid nga ako kapalit naman nun ang ganitong eksena. "Miss sandali lang," ani ng tinig na nakakakilabot. Ito na nga bang sinasabi ko, mukhang kataposan ko na kung di ako tatakbo. Nilingon ko siya at rumihestro sa mukha ko ang labis na takot. "Miss ang ganda mo, pwedeng mahingi ang number mo?," ngumiti siya sabay sipol. Bahala na si batman at kumaripas ako ng takbo. Di pa ako nakakalayo ng may bigla akong makabunggo. Mabuti nalang at nahawakan niya ang beywang ko at di ako bumagsak sa semento. Di ko maaninag ang mukha niya dahil madilim sa parteng ito ng kalsada, sira ang ilaw ng poste dito. Pero yung pabango niya, di ko malimutan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD