Chapter 3: Kiss or Lollipop?
Shunem's POV
Hay, natapos rin ang workloads ngayong araw. Miss ko na sila mama sa probinsya.
Ilang linggo na rin na di ako nakakauwi sa kanila. Pag-iisip ko habang maghihintay kay Lily sa labas ng office namin.
Uuwi kami ngayon sa kanila at tatapusin ang presentation para bukas.
"Ate tara na,mag bus nalang tayo," turan niya habang maraming dalang gamit.
"Tulungan na kita."
Mabilis kaming nakarating sa kanila. Mabuti at di traffic ngayon. Mag-aalasingko pa lang ng hapon.
Ako nalang ang nagbukas ng gate dahil dumiretso si Lily sa may convenience store para bumili ng makakain namin.
Ewan ko ba sa babaeng yun, di nag go-grocery sayang yung malaking ref nila tubig at softdrinks ang laman.
Sabagay di sya mahilig magluto kaya siguro puro instant ang kinakain namin madalas, hindi healthy living kumbaga.
Napangiti habang pinipindot ang password sa may pintuan, pati passcode ni Lily memorize ko na rin.
Para kaming putol-bituka nila Henzyl at Lily. Spare key nga sa apartment ko nasa kanilang dalawa.
Pagbukas ko bumungad agad ang tahimik na sala ni Lily. Mabuti at may time pa ang babaeng yun maglinis kesa kay Henzyl na ang kalat.
Minimalist rin naman si Lily and she's into white talaga. Halata naman sa mga gamit niya.
Inilagay ko na sa mga mesa ang gamit namin at nag-unat-unat ng kamay. Busy talaga ngayon sa kadahilanang tatapusin namin ang brochure at tarp design sa bagong naming project. Asan naba si Lily bakit ang tagal.
Kukuha sana ako ng tubig sa mesa ngunit napansin ko na bukas ng konti ang pinto sa ikaapat na kwarto.
And out of curiosity pinuntahan ko. I stopped myself but my intrusive thought win.
Sisilip lang, sabi ko pa but namalayan ko na lang na nasa loob na ako.
Minimal rin naman ang mga gamit ng kuya niya, may mangilan-ngilan ring libro.
May mga portrait din ng constellations sa wall niya.
And a table na maraming pens and pencils for sketching ata ng mga t-shirt design niya. Inilibot ko ang aking mga mata and then something caught my attention.
And my eyes were fixed on one thing, his guitar.
Parang nakita ko nato dati...saan nga ba?
Mula ng maging close kami ni Lily never pa akong nakapasok dito at ngayon mukhang magkakasala pa ako dahil invasion of privacy to.
I stared intently on his black guitar na may mga stars at moon na design. Parang pamilyar di ko lang maalala sa'n ko nakita ang desinyong yan. It was hanged on his gray wall.
Akmang hahawakan ko ang gitara ng marinig ko ang pagsara ng pinto.
Patay na, si Lily....
Ngunit iba ang nakita ko...
"Interesting," mahinahon niyang sabi habang titig na titig sa akin.
He was leaning on the closed door at may kinakaing lollipop pero bakit ganun ang sexy niyang tingnan, at bigla akong kinabahan at pinagpawisan ng malala.
He is totally gorgeous.
Matangkad, chiseled jawline and those brown eyes, parang minsan ko nang nakita.
And I think galing pa sya sa work dahil naka suit and tie ang pormahan.
Tinanggal niya ang lollipop sa kanyang bibig at hinawakan iyon.
"Enjoying the view," puna niya sa pagkakatitig ko sa kanya.
" At anong ginagawa ng isang magandang babae sa loob ng kwarto ko," he stated habang papalapit sa akin.
Dug..dug...
"Ah k-kasi...I w-was j-ust....," nauutal nako sa kaba. Ang puso ko nagwawala.
Dug..dug...
Dug..dug...
"Sorry," tanging nasabi ko nalang sa kanya.
His gazed remains in me. Pakiramdam ko para akong hinuhubaran sa mga titig niya.
Bakit naman kasi naisipan kong pumasok.
Ipapakulong ba ako neto dahil sa ginawa ko. Papalapit siya at umaatras naman ako.
Isang hakbang...
dalawa...
Hanggang sa lumapat na ang likod ko sa pader. I was cornered.
"You should be punished," he smirked on me.
Para akong bata ngayon na nakatingala sa kanya. We are on awkward position right now.
Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. I can smell his citrus-scent perfume.
" Eh k-kasi," nauutal ko ulit na paliwanag.
Tulong sigaw ng isip ko, paano ko to' malalampasan. His gazed against mine, inches nalang pagitan namin .
Ang mga mata niya, parang ang lungkot na di ko maintindihan. Di ko maputol ang pagtitigan namin.
"Itong lollipop or hahalikan kita, choose your punishment little kitten?" Pagputol niya katahimikan.
Medyo naguguluhan ako sa choices pero yung lollipop nalang siguro sa isip ko.
"Yung lollipop nalang sigur---"
Di ko natapos sasabihin ko cause he suddenly lower his head sa tenga ko. I can feel the tension parang nanganagtog tuhod ko.
"Open your mouth," he whispers.
Wala sa sarili akong sumunod sa utos niya. May ginagamit ba siyang hipnotismo at napapasunod ako. Namalayan ko nalang na nasa bibig ko na ang basang lollipop na kanina ay kinakain niya.
Lasang matamis at mainit. Laway niya nalalasahan ko.
"Good girl," he smiled sweetly.
.
.
.
"Ate nandito na ako, marami akong binili, at ito pa may strawberry ice cream sila kaya kumuha na rin ako," masiglang sabi ni Lily sabay abot sa akin ng supot.
Di ko na maalala pano ako nakalabas at kahihiyan na lang ang nararamdaman ko.
"Di ba favorite mo to'?Ate napano ka?" Takang tanong niya. Napansin siguro ang pagkatulala ko.
"Ha, anong napano ako?" Balik-tanong ko.
" Para kang ewan ngayon, lutang moments lang. Oh sige na kumain na tayo baka gutom kana kaya ka ganyan."
"Bakit ang tagal mo bumalik Lily?" Tanong ko ulit habang binubuksan ang
ang ice cream.
"Nagpaluto kasi ako ng barbeque sa katabi ng convenience store, may mga stall dun na nagbebenta ng ulam at home-made desserts. Para sa hapunan natin mamaya di na tayo lalabas."
"Ah ganoon ba, ok din. Multi-tasking," saad ko
ko.
"Speaking of multi-tasking, simulan na natin at nang matapos na."
"Oh quarter to 7 na pala, ang tagal ko pala talaga sa labas ate ano." Dugtong pa niya while siting on her watch.
Talaga!
Sa tagal mo nawala na ang muntik na akong mapahamak. Bakit ba kasi pumasok ako dun? Kasalanan to ng curiosity at intrusive thoughts ko.
"Care to join," bungad ng isang boses.
"Kuya andito ka?" Gulat na tanong ni Lily.
"Oh bakit para kang nakakita ng multo bunso,"
He stated habang pinupunasan ang basa niyang buhok at naka pambahay na rin siya.
Damn!! He looks hot, kahit anong damit siguro gwapo pa rin siya.
Shunem umayos ka, saway ko sa aking sarili. Kung saan-saan na punta ang pag-iisip ko.
"May kasama ka, di mo ako ipapakilala?" Baling niya sa akin na para bang di kami nag share ng laway.
"Hay ano bang magagawa ko, kahit na di ko gustong ipakilala kayo sa isa't isa. Nandito nato."
Lily exhaled as if kontra sa loob niya.
"Kuya McNeille, this is ate Shunem Alcatara. She's my office-mate and bestfriend. Ate Shunem, this is my Kuya McNeille."
" Ah siya yung bukambibig mo lagi. Totoo nga maganda at sa tingin ko, bagay sa kanya yung kasabihan na curiosity killed the cat." Makahulugang komento niya.
Sinamaan ko siya tingin at sinalubong lang niya ako ng ngiti. Buti nalang di nakita ni Lily ang small interaction namin.
"Ha? Di ko gets, basta itong si Ate Shunem, off-limits sayo. Wag kang magtatangka sa moves mo, mahalaga siya sa akin kuya, i-promise mo." Seryosong saad ni Lily.
"Off-limits, bunso you know that I don't make promises. Besides, I like a curious cat," he just winked at me at bumalik sa kwarto niya.
"Ha? Ang landi ah! At ang labo mo kuya, bakit napunta sa pusa ang topic. Eh si Ate Shunem pinag-uusapan natin dito," a puzzled look was written on her face.
"Kita mo na Ate, di talaga pwede na maglapit kayo ni kuya at baka madale ka sa mga pambobola niya," sabi niya habang umiiling.
"Oh sige, balik na tayo sa gagawin natin," tanging nasambit ko.
"Ok ate, wag kang papaloko." Dugtong niya pa.
Lumalalim na ang gabi pero tuluyan nang di mawala sa isip ko ang eksenang yun kanina. Sana naman at di na siya lumabas nang matahimik na ang kaluluwa ko't matapos natung projects namin.